





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay Mu`ādh bin Jabal (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Ako minsan ay kasama ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa isang paglalakbay, saka ako isang araw ay naging malapit sa kanya habang kami ay humahayo, kaya nagsabi ako: "O Sugo ni Allāh, magpabatid ka po sa akin hinggil sa isang gawaing magpapasok sa akin sa Paraiso at maglalayo sa akin buhat sa Impiyerno." Nagsabi siya: "Talaga ngang humiling ka sa akin tungkol sa isang dakilang gawain. Tunay na ito ay talagang madali sa sinumang nagpadali nito si Allāh doon. Sasamba ka kay Allāh at huwag kang magtambal sa Kanya ng anuman. Magpapanatili ka ng pagdarasal. Magbibigay ka ng zakāh. Mag-aayuno ka sa Ramaḍān. Magsasagawa ka ng ḥajj sa Bahay [ni Allāh]." Pagkatapos nagsabi siya: "Hindi ba ako gagabay sa iyo sa mga pinto ng kabutihan? Ang Paraiso ay kalasag. Ang kawanggawa ay umaapula sa kasalanan kung paanong umaapula ang tubig sa apoy at ang pagdarasal ng tao sa kailaliman ng gabi [ay gayon din]." Pagkatapos bumigkas siya (Qur'ān 32:16-17: {Naghihiwalayan ang mga tagiliran nila palayo sa mga hinihigaan,} hanggang sa umabot siya, {... dati nilang ginagawa.} Pagkatapos nagsabi siya: "Hindi ba ako magpapabatid sa iyo hinggil sa ulo ng usapin sa kabuuan nito, poste nito, at rurok ng tugatog nito?" Nagsabi ako: "Opo, O Sugo ni Allāh." Nagsabi siya: "Ang ulo ng usapin ay ang Islām, ang poste nito ay ang pagdarasal, at ang rurok ng tugatog nito ay ang pakikibaka." Pagkatapos nagsabi siya: "Hindi ba ako magpapabatid sa iyo hinggil sa pinakasaligan nito?" Nagsabi ako: "Opo, O Propeta ni Allāh." Kaya humawak siya sa dila niya. Nagsabi siya: "Pigilin mo sa iyo ito." Kaya nagsabi ako: "O Propeta ni Allāh, at tunay na kami po ay talagang mga pananagutin sa anumang sinasalita namin?" Kaya nagsabi siya: "Mangulila nawa sa iyo ang ina mo, O Mu`ādh! May magsusubsob kaya sa mga tao sa Impiyerno sa mga mukha nila o sa mga ilong nila kundi ang mga ani ng mga dila nila."}
Nagsalaysay nito sina Imām At-Tirmidhīy, Imām Ibnu Mājah, at Imām AḥmadNagsabi si Mu`ādh (malugod si Allāh sa kanya): Ako minsan ay kasama ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa isang paglalakbay, saka ako isang araw ay naging malapit sa kanya habang kami ay humahayo, kaya nagsabi ako: "O Sugo ni Allāh, magpabatid ka po sa akin hinggil sa isang gawaing magpapasok sa akin sa Paraiso at maglalayo sa akin mula sa Impiyerno. Nagsabi siya: "Talaga ngang humiling ka sa akin tungkol sa isang gawaing mabigat ang paggawa nito sa mga kaluluwa. Tunay na ito ay talagang magaang madali sa sinumang nagpadali nito si Allāh doon. Gampanan mo ang mga tungkulin sa Islām. 1. Sasamba ka kay Allāh – tanging sa Kanya – at huwag kang magtambal sa Kanya ng anuman. 2. Magpapanatili ka ng limang pagdarasal na isinatungkulin sa araw at gabi: sa madaling-araw, tanghali, hapon, paglubog ng araw, at gabi kalakip ng mga kundisyon sa mga ito, mga haligi ng mga ito, at mga kinakailangan sa mga ito. 3. Magbibigay ka ng zakāh na isinatungkulin. Ito ay isang pagsambang pampananalaping kinakailangan sa bawat yamang umabot sa isang kantidad na tinakdaan sa Batas ng Islām, na ibinibigay sa mga karapat-dapat dito. 4. Mag-aayuno ka sa Ramaḍān. Ito ay ang pagpigil sa pagkain, pag-inom, at iba pa sa dalawang ito kabilang sa mga tagapagpatigil-ayuno, nang may layunin ng pagpapakamananamba, mula sa pagsapit ng madaling-araw hanggang sa paglubog ng araw. 5. Magsasagawa ka ng ḥajj sa Bahay [ni Allāh] sa pamamagitan ng pagsasadya sa Makkah para magsagawa ng mga gawaing-pagsamba bilang pagpapakamananamba kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan). Pagkatapos nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hindi ba ako magpapaalam sa iyo sa daang nagpaparating sa mga pinto ng kabutihan? Iyon ay sa pamamagitan ng pagpapasunod sa mga gawaing tungkulin ng mga gawaing kusang-loob: A. Ang Ayuno ng Pagkukusang-loob. Ito ay tagapigil sa pagkasadlak sa mga pagsuway. Iyon ay sa pamamagitan ng pagbasag sa pagnanasa at pagpapahina ng lakas. B. Ang Kawanggawa ng Pagkukusang-loob. Ito ay umaapula sa kasalanan matapos ng pagkagawa nito, nag-aalis nito, at pumapawi ng bakas nito. C. Ang Ṣalāh na Taḥajjud sa huling katlo ng gabi. Pagkatapos bumigkas ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng sabi ni Allāh (Qur'ān 32:16-17: {Naghihiwalayan ang mga tagiliran nila palayo sa ...} Ibig sabihin: Naglayuan {sa mga hinihigaan} Ibig sabihin: mga higaan. {dumadalangin sila sa Panginoon nila} sa pamamagitan ng ṣalāh, dhikr, pagbigkas ng Qur'ān, at panalangin. {sa pangamba at sa paghahangad. Mula sa itinustos Namin sa kanila ay gumugugol sila. Kaya hindi nalalaman ng isang kaluluwa ang ikinubli para sa kanila na ginhawa ng mga mata} Ibig sabihin: ang ikinagiginhawa ng mga mata nila sa Araw ng Pagbangon at sa Paraiso na kaginhawahan {bilang ganti sa anumang dati nilang ginagawa}. Pagkatapos nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hindi ba ako magpapabatid sa iyo hinggil sa saligan ng Relihiyon, poste nito na sinasandalan nito, at rurok ng tugatog nito?" Nagsabi si Mu`ādh (malugod si Allāh sa kanya): "Opo, O Sugo ni Allāh." Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang ulo ng usapin ay ang Islām." Ito ay ang Dalawang Pagsaksi. Sa pamamagitan ng dalawang ito, magiging kasama ng tao ang saligan ng Relihiyong Islām. "ang poste nito ay ang pagdarasal," kaya walang Islām habang walang ṣalāh, kung paano na ang bahay ay hindi nagiging bahay habang walang poste. Kaya ang sinumang nagdarasal, lalakas ang pagrerelihiyon niya at aangat. "ang rurok ng tugatog nito" at ang pagkaangat nito ay sa pamamagitan ng pakikibaka at pagkakaloob ng pagsisikap sa pakikipaglaban sa mga kaaway ng Relihiyong Islām para sa pagtataas sa Salita ni Allāh. Pagkatapos nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hindi ba ako magpapabatid sa iyo" hinggil sa pagpapatibay at pagpapahusay sa nagdaan. Kaya humawak siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa dila niya. Nagsabi siya: "Magpigil ka nito at huwag kang magsalita ng hindi nauukol sa iyo." Kaya nagsabi si Mu`ādh: "Magpapanagot kaya sa amin at magtutuos sa amin, ang Panginoon namin, at magpaparusa Siya sa amin dahil sa anumang sinasalita namin?" Nagsabi siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hanap-hanapin ka nawa ng ina mo! Ang tinutukoy rito ay hindi ang panalangin laban sa kanya subalit ito ay bahagi ng pananalita ng mga Arabe para sa pagtawag-pansin sa isang bagay na nararapat na makatawag-pansin sa kanya at magpaalam sa kanya. Pagkatapos nagsabi siya: "May magpupukol kaya sa mga tao at magpapabagsak sa kanila sa mga mukha nila sa Impiyerno kundi ang mga ani ng mga dila nila na kawalang-pananampalataya, maling paratang, pang-aalipusta, panlilibak, tsismis, paninirang-puri, at tulad nito?"
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "O mga tao, tunay na si Allāh ay Kaaya-aya, na hindi tumatanggap kundi ng kaaya-aya. Tunay na si Allāh ay nag-utos sa mga mananampalataya ng iniutos Niya sa mga isinugo sapagkat nagsabi Siya (Qur'ān 23:51): {O mga sugo, kumain kayo mula sa mga kaaya-ayang bagay at gumawa kayo ng maayos. Tunay na Ako sa anumang ginagawa ninyo ay Maalam.} at nagsabi pa Siya (Qur'ān 2:172): {O mga sumampalataya, kumain kayo mula sa mga kaaya-aya na itinustos sa inyo.} Pagkatapos binanggit niya ang lalaki, na nagpapahaba ng paglalakbay, na nagulo [ang buhok], na naalikabukan, na nag-uunat ng mga kamay niya patungo sa langit [habang nananalangin]: "O Panginoon ko, O Panginoon ko," samantalang ang kinakain nito ay bawal, ang iniinom nito ay bawal, ang isinusuot nito ay bawal, na pinakakain sa bawal, kaya paanong tutugunin ito roon?"}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimNagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na si Allāh ay Kaaya-aya, na Kabanal-banalan, na pinawalang-kaugnayan sa mga kakulangan at mga kapintasan, na nailalarawan sa mga kakumpletuhan, at hindi tumatanggap mula sa mga ginagawa, mga sinasabi, at mga paniniwala kundi ang naging kaaya-aya, ang wagas ukol kay Allāh, ang sumasang-ayon sa patnubay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Hindi nararapat na magpakalapit-loob kay Allāh kundi sa pamamagitan niyon. Kabilang sa pinakadakila na ipinantatamo ng kaayahan ng mga gawain para sa mananampalataya ang kaayahan ng kinakain niya, na ito ay maging mula sa ipinahihintulot sapagkat sa pamamagitan niyon bumubusilak ang gawa niya. Dahil dito, nag-utos si Allāh sa mga mananampalataya ng iniutos Niya sa mga isinugo na pagkain ng ipinahihintulot at paggawa ng mga maayos sapagkat nagsabi Siya (Qur'ān 23:51): {O mga sugo, kumain kayo mula sa mga kaaya-ayang bagay at gumawa kayo ng maayos. Tunay na Ako sa anumang ginagawa ninyo ay Maalam.} at nagsabi pa Siya (Qur'ān 2:172): {O mga sumampalataya, kumain kayo mula sa mga kaaya-aya na itinustos sa inyo.} Pagkatapos nagbigay-babala ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang pagkain ng bawal na nakasisira sa gawa at pumipigil sa pagkatanggap nito gaano man nagkaloob ng mga panlabas na kadahilanan ng pagtanggap, na kabilang sa mga ito: 1. Ang pagpapahaba ng paglalakbay sa mga uri ng mga pagtalima gaya ng ḥajj, pakikibaka, pagpapanatili ng ugnayan sa kaanak, at iba pa roon. 2. Nagkagulu-gulo ang buhok dahil sa kawalan ng pagkasuklay nito, na nag-iba ang kulay niya at ang kulay ng kasuutan niya dahil sa alikabok, kaya siya ay nagigipit. 3. Nag-aangat siya ng mga kamay niya tungo sa langit sa panalangin. 4. Nagsusumamo kay Allāh sa pamamagitan ng mga pangalan Niya at nangungulit doon: "O Panginoon, O Panginoon!" Sa kabila ng mga kadahilanang ito para sa pagsagot sa panalangin, hindi ito dininig para sa kanya. Iyon ay dahil ang kinakain niya, ang iniinom niya, at ang isinusuot niya ay bawal. Binuhay sa bawal, malayong tumugon sa sinumang ito ang katangian niya at papaanong tutugon sa kanya?
Ayon kay Al-Miqdād bin `Amr Al-Kindīy (malugod si Allāh sa kanya): {Siya ay nagsabi sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Nagtuturing ka po ba na kung nakatagpo ako ng isang lalaking kabilang sa mga tagatangging sumampalataya saka naglaban-laban kami saka tumaga siya sa isa sa mga kamay ko ng tabak saka nakaputol siya nito, pagkatapos kumanlong siya laban sa akin sa isang punong-kahoy saka nagsabi: 'Sumuko ako kay Allāh,' papatayin ko po ba siya, O Sugo ni Allāh, matapos na nagsabi siya niyon?" Kaya nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Huwag mo siyang patayin." Kaya nagsabi ito: "O Sugo ni Allāh, tunay na siya ay pumutol ng isa sa mga kamay ko, pagkatapos nagsabi siya niyon matapos siyang pumutol nito?" Kaya nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Huwag mo siyang patayin; sapagkat kung pinatay mo siya, tunay na siya ay nasa katayuan mo bago mo siya pinatay at tunay na ikaw ay nasa katayuan niya bago siya nagsabi ng pangungusap niya na sinabi niya."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoTinanong ni Al-Miqdād bin Al-Aswad (malugod si Allāh sa kanya) ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na kapag siya ay nakipagtagpo sa isang lalaking kabilang sa mga tagatangging sumampalataya sa labanan saka nagtunggalian sila sa pamamagitan ng mga tabak hanggang sa nakapatama ang tagatangging sumampalataya ng tabak sa isa sa mga kamay niya saka nakaputol iyon nito. Pagkatapos tumakas mula sa kanya ang tagatangging sumampalataya at nagpasanggalang sa isang punong-kahoy saka nagsabi ng: Lā ilāha illa -llāh (Walang Diyos kundi si Allāh). "Ipinahihintulot po ba sa akin na patayin siya matapos na pinutol niya ang kamay ko?," tanong niya. Kaya nagsabi sa kanya ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Huwag mo siyang patayin." Kaya nagsabi naman siya: "O Sugo ni Allāh, tunay na siya ay pumutol ng isa sa mga kamay ko. Sa kabila po ba nito ay hindi ko siya papatayin?" Kaya nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Huwag mo siyang patayin sapagkat tunay na siya ay bawal [padanakin] ang dugo. Kung pinatay mo siya matapos ng pag-anib niya sa Islām, tunay na siya ay nasa katayuan mo na pinangangalagaan ang dugo [sa pagdanak] dahil sa pagkaanib niya sa Islām at tunay na ikaw ay nasa katayuan niya na pinapayagan [padanakin] ang dugo dahil sa pagpatay mo sa kanya, bilang ganting-pinsala."
Ayon kay Abū Barzah Al-Aslamīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hindi matitinag ang dalawang paa ng isang tao sa Araw ng Pagbangon hanggang sa matanong siya tungkol sa buhay niya kung sa ano siya umubos nito, tungkol sa kaalaman niya kung sa ano siya gumamit nito, tungkol sa yaman niya kung mula saan siya kumita nito at kung sa ano siya gumastos nito, at tungkol sa katawan niya kung sa ano siya lumaspag nito?"}
Nagsalaysay nito si Imām At-TirmidhīyNagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na walang lalampas na isa man sa mga tao sa tayuan ng pagtutuos sa Araw ng Pagbangon tungo sa paraiso o impiyerno hanggang sa matanong siya tungkol sa mga sumusunod: A. Ang buhay niya kung sa ano siya umubos nito at gumugol nito. B. Ang kaalaman niya kung naghanap ba siya nito alang-alang kay Allāh, kung gumawa ba siya ayon dito, at kung nagpaabot ba siya nito sa karapat-dapat dito. C. Ang yaman niya kung mula saan siya kumita nito: kung sa ipinahihintulot ba o ipinagbawal; at kung sa ano siya gumastos nito: kung sa nagpapalugod ba kay Allāh o nagpapainis sa Kanya. D. Ang katawan niya, ang lakas niya, ang kagalingan niya, at ang kabataan niya kung sa ano siya lumaspag nito at gumamit nito.
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi noong Araw ng Khaybar: "Talagang magbibigay nga ako ng watawat na ito sa isang lalaking umiibig kay Allāh at sa Sugo Niya, na magpapawagi si Allāh sa pamamagitan ng mga kamay niya." Nagsabi si `Umar bin `Al-Khaṭṭāb: "Hindi ako umibig sa pamumuno maliban sa araw na iyon." Nagsabi ito: "Kaya nag-angat ako ng sarili para rito sa pag-asa na tawagin ako para rito." Nagsabi pa ito: "Saka tumawag ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kay `Alīy bin Abī Ṭālib saka ibinigay rito iyon at nagsabi siya: Lumakad ka at huwag kang lumingon hanggang sa magpawagi si Allāh sa iyo." Nagsabi ito: "Kaya humayo si `Alīy nang kaunti, pagkatapos tumigil siya at hindi lumingon, saka sumigaw siya: O Sugo ni Allāh, batay sa ano po ako makikipaglaban sa mga tao?" Nagsabi siya: "Makipaglaban ka sa kanila hanggang sa sumaksi sila na walang Diyos kundi si Allāh at na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh; sapagkat kapag ginawa nila iyan, nakapangalaga nga sila laban sa iyo ng mga buhay nila at mga ari-arian nila, maliban sa karapatan sa mga ito, at ang pagtutuos sa kanila ay nasa kay Allāh."}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimNagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa mga Kasamahan hinggil sa pananaig ng mga Muslim mula kinabukasan laban sa mga Hudyo ng Khaybar na isang lungsod malapit sa Madīnah. Iyon ay sa kamay ng isang lalaking bibigyan niya ng watawat. Ito ay ang bandila na ginagawa ng hukbo bilang simbolo para rito. Ang lalaking ito ay may katangian na siya ay umiibig kay Allāh at sa Sugo Nito at umiibig sa kanya si Allāh at ang Sugo Nito. Bumanggit nga si Umar bin `Al-Khaṭṭāb (malugod si Allāh sa kanya) na siya ay hindi umibig sa pamumuno at na maging siya ay ang pinapakay, maliban sa araw na iyon, sa pag-asa na tumama sa kanya ang sinabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na pag-ibig kay Allāh at sa Sugo Nito. Nag-unat si `Umar (malugod si Allāh sa kanya) ng katawan niya upang makakita sa kanya ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pag-asa na tawagin siya para rito at dala ng sigasig at dala ng pagmimithi sa pagkuha ng watawat na iyon. Ngunit tinawag ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) si `Alīy bin Abī Ṭālib (malugod si Allāh sa kanya) saka ibinigay sa kanya ang watawat. Nag-utos sa kanya ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na kumilos siya kasama ng hukbo at matapos makipagtagpo sa kaaway niya huwag siyang bumaling palayo sa pakikipaglaban dahil sa pahinga o pagtigil o tigil-labanan hanggang sa magpawagi si Allāh sa kanya sa mga muog na ito sa pamamagitan ng pagkapanalo at pananaig. Humayo si `Alīy (malugod si Allāh sa kanya), pagkatapos huminto siya subalit siya ay hindi lumingon upang hindi sumalungat sa utos ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Nagtaas si `Alīy (malugod si Allāh sa kanya) ng tinig niya: "O Sugo ni Allāh, batay sa ano po ako makikipaglaban sa mga tao?" Kaya nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Makipaglaban ka sa kanila hanggang sa sumaksi sila na walang Diyos kundi si Allāh at na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh; sapagkat kapag tumugon sila at nakapasok sila sa Islām, nakapangalaga nga sila laban mula sa iyo sa mga buhay nila at mga ari-arian nila at naging bawal ang mga ito sa iyo, maliban sa karapatan sa mga ito. Nangangahulugan ito na malibang kapag nakagawa sila ng isang krimen o isang pagsalangsang nagiging karapat-dapat sila sila dahil dito sa parusang kamatayan alinsunod sa mga patakaran ng Islam. Ang pagtutuos sa kanila ay nasa kay Allāh.
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya: "Noong nilikha ni Allāh ang mga nilikha, isinulat Niya sa isang talaan, na nasa piling Niya sa ibabaw ng trono: Tunay na ang awa Ko ay nananaig sa galit Ko." Sa isang sanaysay: "nanaig sa galit Ko." Sa isa pang sanaysay: "nauna sa galit Ko."
Napagkaisahan ang katumpakanNoong nilikha ni Allāh, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, ang mga nilikha, isinulat Niya sa isang talaang nasa piling Niya sa ibabaw ng trono: "Tunay na ang awa Ko ay higit na marami at higit na nananaig sa Akin kaysa sa galit Ko."
Ayon kay An-Nu`mān bin Bashīr (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang paghahalintulad sa mga mananampalataya sa pagmamahalan nila, pag-aawaan nila, at pagdadamayan nila ay tulad ng katawan: kapag may dumaing mula rito na isang bahagi, magtatawagan para rito ang nalalabi sa katawan sa puyat at lagnat."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNaglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na kinakailangan na ang kalagayan ng mga Muslim sa isa't isa sa kanila ay maging batay sa pagkaibig sa kabutihan, pagkaawa, pag-alalay, at pag-aadya. Ang pagkaperhuwisyo sa anumang nangyayari sa kanila na kapinsalaan ay katulad ng iisang katawan: kapag may nagkasakit mula rito na isang bahagi, nakikidamayan dito ang katawan sa kabuuan nito sa puyat at lagnat.
Ayon kay `Abdullāh bin `Amr, malugod si Allah sa kanilang dalawa, na nagsabi: "Kami noon ay kasama ng Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, sa isang paglalakbay. Tumigil kami sa isang pook. Kaya mayroon sa aming nag-aayos ng kubol nila, mayroon sa aming nagtatagisan sa pamamana, at mayroon sa aming nasa pagpapastol niya nang nanawagan ang tagapanawagan ng Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: Ang pagdarasal ay idadaos. Kaya nagtipon kami sa Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, at nagsabi siya: Tunay na hindi nagkaroon ng isang propeta bago ako malibang naging tungkulin sa kanya na gabayan ang kalipunan niya sa kabutihang nalalaman niya para sa kanila at bigyang-babala sila sa kasamaang nalalaman niya para sa kanila. Tunay na ang kalipunan ninyong ito, inilagay ang kaayusan nito sa simula nito at dadapuan ang huli nito ng pagsubok at mga bagay-bagay na hindi ninyo nalalaman. May darating na tukso [na sunud-sunod na] pahihinain ng kasunod ang nauna. Darating ang tukso at sasabihin ng Mananampalataya: Ito ay pupuksa sa akin. Pagkatapos ay mapapawi ito at darating na naman ang tukso at magsasabi ang Mananampalataya: Ito na, ito na. Kaya ang sinumang ibig na maalis sa Impiyerno at pumasok sa Paraiso ay puntahan siya ng kamatayan niya habang siya sumasampalataya kay Allah at sa Huling Araw at gawin niya sa mga tao ang iniibig niyang gawin sa kanya. Ang sinumang mangako ng katapatan sa isang pinuno at nagbigay rito ng pangako ng kamay niya at katapatan ng puso niya ay sundin niya ito kung makakaya niya. Kung may dumating na iba na makikipagtunggali sa kanya, tagain ninyo ang leeg ng iba."
Nagsalaysay nito si Imām MuslimNasaad sa ḥadīth na ito na kinakailangan sa mga tagapag-anyaya sa Islam ang kinakailangan sa mga propeta tulad ng paglilinaw sa kabutihan, pag-uudyok dito, paggabay sa mga tao tungo rito, at paglilinaw sa kasamaan at pagbabala laban dito. Nasaad dito na ang simula ng Kalipunang Islam na ito ay nagtamo ng kabutihan at kaligtasan sa mga pagsubok at dadapuan naman ang panghuli ng Kalipunang ito ng kasamaan at pagsubok, na gagawin nito ang darating na tukso na magiging mabigat kaysa sa naunang tukso. Ang kaligtasan mula sa mga ito ay sa pamamagitan ng Tawḥīd, pagkapit sa Sunnah, kagandahan ng pakikitungo sa mga tao, pagtupad sa pangako ng katapatan sa namamahala, hindi paghihimagsik laban sa kanya, at pakikipaglaban sa sinumang nagnanais na sirain ang kaisahan ng mga Muslim.
Ayon kay `Abdullāh bin Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hindi kabilang sa atin ang sinumang nanampal ng pisngi, namunit ng mga kuwelyo, at nanawagan ng panawagan ng Kamangmangan."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoSumaway ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at nagbigay-babala laban sa ilan sa mga gawain ng mga kampon ng Kamangmangan sapagkat nagsabi siya: 1. Ang sinumang nanampal ng pisngi at nagtangi siya sa pisngi dahil sa pagiging ito ay ang nananaig doon; at kung hindi, ang paghagupit sa nalalabing bahagi ng mukha ay napaloloob sa pagsaway. 2. Ang sinumang namunit ng binubuksan mula sa damit upang makapasok dito ang ulo, dahil sa tindi ng kawalang-kasiyahan. 3. Ang sinumang nanawagan ng panawagan ng mga kampon ng Kamangmangan gaya ng pagdalangin ng kapighatian at kapahamakan, paghagulgol, pananaghoy, at iba pa sa mga ito.