





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Walang nagtatakip na isang tao sa isang tao sa Mundo malibang magtatakip sa kanya si Allāh sa Araw ng Pagbangon."}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimNaglilinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na kapag nagtatakip ang isang Muslim sa kapatid niyang Muslim kaugnay sa isang usapin kabilang sa mga usapin, magtatakip sa kanya si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) sa Araw ng Pagbangon sapagkat ang ganti ay kabilang sa uri ng gawain. Ang pagtatakip ni Allāh sa kanya ay sa pamamagitan ng pagtatakip sa mga kapintasan niya at mga pagsuway niya palayo sa pagkakabunyag sa mga ito sa mga tao sa Kalapan (larangan ng pagtitipunan ng mga binuhay). Ito ay maaaring maging sa pamamagitan ng pagwaksi ng pagtutuos sa kanya dahil sa mga iyon at pagbanggit sa mga ito sa kanya.
Ayon kay Abū Muslim Al-Khawlānīy na nagsabi: Nagsanaysay sa akin ang kaibig-ibig na mapagkakatiwalaan, yayamang siya ay kaibig-ibig sa akin at yayamang siya sa ganang akin ay mapagkakatiwalaan, si `Awf bin Mālik Al-Ashaja`īy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Kami minsan sa piling ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay siyam o walo o pito, saka nagsabi siya: "Hindi ba kayo mangangako ng katapatan sa Sugo ni Allāh?" Kami noon ay mga bagong nangako ng katapatan kaya nagsabi kami: "Nangako na kami ng katapatan sa iyo, O Sugo ni Allāh." Pagkatapos nagsabi siya: "Hindi ba kayo mangangako ng katapatan sa Sugo ni Allāh." Kaya nagsabi kami: "Nangako na kami ng katapatan sa iyo, O Sugo ni Allāh." Pagkatapos nagsabi siya: "Hindi ba kayo mangangako ng katapatan sa Sugo ni Allāh." Pagkatapos nagsabi ito: "Kaya nag-abot kami ng mga kamay namin at nagsabi kami: 'Nangako na kami ng katapatan sa iyo, O Sugo ni Allāh. Kaya sa ano pa kami mangangako ng katapatan sa iyo?'" Nagsabi siya: "Sa [pangako] na sumamba kayo kay Allāh, hindi kayo magtambal sa Kanya ng anuman, [magpanatili kayo] sa limang pagdarasal, tumalima kayo," – at naglihim siya ng isang mahinang pangungusap – "at hindi kayo manghingi sa tao ng anuman." Kaya talaga ngang nakakita ako sa isa sa mga taong iyon na nalalaglag ang latigo ng isa sa kanila ngunit hindi siya humihiling sa isa man na mag-aabot ito niyon sa kanya."}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimAng Propeta minsan (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nasa isang bilang ng mga Kasamahan saka humiling sa kanila nang tatlong ulit na magpahayag sila ng katapatan sa kanya at makipagkasunduan sila sa kanya sa pananatili sa mga sumusunod: A. Ang pagsamba kay Allāh – tanging sa Kanya – sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya at hindi sila magtambal sa Kanya ng anuman. B. Ang pagpapanatili ng limang pagdarasal na isinatungkulin sa araw at gabi. C. Ang pagdinig at ang pagtalima ayon sa nakabubuti sa sinumang nakatalaga sa pamamahala sa mga Muslim. D. Ang pag-aatang ng lahat ng mga pangangailangan nila kay Allāh at ang hindi paghingi sa mga tao ng anuman sa mga ito. Nagbaba ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) hinggil dito ng tinig niya. Nagsagawa nga ang mga Kasamahan (malugod si Allāh sa kanila) ng ipinangako nilang katapatan sa kanya hanggang sa nagsabi ang tagapagsalaysay ng ḥadīth: "Kaya talaga ngang nakakita ako sa isa sa mga Kasamahang iyon na nalalaglag ang latigo ng isa sa kanila ngunit hindi siya humihiling sa isa man na mag-aabot ito niyon sa kanya; bagkus bumababa ito at kumukuha niyon sa pamamagitan ng sarili niya."
Ayon kay Ibnu Mas`ūd, malugod si Allah sa kanya: "Ang sinumang dumanas ng kasalatan at idinulog ito sa mga tao, hindi ito makatutugon sa karukhaan niya. Ang sinumang magdulog nito kay Allah, magpapadala agad si Allah sa kanya ng panustos na maaga o huli."
Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām AḥmadIpinabatid ni Ibnu Mas`ūd na ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay nagsabi ng sumusunod. Ang "Ang sinumang dumanas ng kasalatan" ay tumutukoy sa matinding pangangailangan. Ang madalas na pinaggagamitan nito ay ang karalitaan at kahikahusan ng buhay. Ang "at idinulog ito sa mga tao," ay tumutukoy sa paglalahad nito sa mga tao, pagpapahayag nito sa pamamagitan ng pagdaing sa mga iyon, at paghiling na alisin ang kasalatan sa kanila. Kaya ang resulta ay "hindi ito makatutugon sa karukhaan niya," na nangangahulugang hindi malulunasan ang pangangailan niya at mananatili ang kasalatan niya. Kapag natugunan ang pangngailangan niya daranas siya ng isa pang higit na matindi kaysa sa nauna. Tungkol naman sa "Ang sinumang magdulog nito kay Allah," ito sa pamamagitan ng pagsalig sa Panginoon niya. Ang "magpapadala agad si Allah sa kanya" ay nangangahulugang pabibilisin at aagad-agadin sa kanya ang ghinā’ (غناء), nangangahulugang ang kasapatan. Isang kopya ay nasaad ang ghinā (غنى). Nagsabi ang mga tagapagaliwanag ng aklat Al-Maṣābīḥ: Ang sanaysay na bumanggit ng ghinā (غنى) ayon sa kahulugang kaginhawahan ay paglilihis ng kahulugan dahil siya nagsabi: Dadapuan siya ng kasapatan sa kung ano ang mayroon siya, maaaring dahil sa isang "maagang pagkamatay" na sinabing tumutukoy sa pagkamatay ng isang kaanak niya na mayaman at magmamana siya roon. Marahil ang ḥadīth ay hinango mula sa sabi ni Allah: ".Ang sinumang nangingilag magkasala kay Allah, gagawa Siya para sa kanya ng isang malalabasan sa kagipitan, at tutustusan Niya ito mula sa hindi niya inaasahan. Ang sinumang nananalig kay Allah, Siya ay sapat na sa kanya." (Qur'an 65:2-3) Ang ghinā (غنى) ay nangangahulugang kaginhawahan. Ang [panustos na] huli ay sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanya ng yaman at paggawa sa kanya na maging mayaman.
Ayon kay Al-Barrā' bin `Āzib (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Ang Muslim, kapag tinanong siya sa libingan, ay sasaksi na walang Diyos kundi si Allāh at na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh sapagkat iyon ay sabi Niya: {Nagpapatatag si Allāh sa mga sumampalataya sa pamamagitan ng sinabing matatag sa buhay na pangmundo at sa Kabilang-buhay. Nagliligaw si Allāh sa mga tagalabag sa katarungan. Gumagawa si Allāh ng anumang niloloob Niya.} (Qur'ān 14:27)"}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoTatanungin ang mananampalataya sa libingan sapagkat magtatanong sa kanya ang dalawang anghel na itinalaga roon. Silang dalawa ay sina Munkar at Nakīr, gaya ng pagkakasaad sa pagpapangalan sa kanilang dalawa sa isang bilang ng mga ḥadīth. Sasaksi siya na walang Diyos kundi si Allāh at na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh. Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ito ay ang sinabing matatag, na nagsabi si Allāh kaugnay rito: {Nagpapatatag si Allāh sa mga sumampalataya sa pamamagitan ng sinabing matatag sa buhay na pangmundo at sa Kabilang-buhay. Nagliligaw si Allāh sa mga tagalabag sa katarungan. Gumagawa si Allāh ng anumang niloloob Niya.} (Qur'ān 14:27)
Ayon sa Anak ni `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Inutusan ako na makipaglaban sa mga tao hanggang sa sumaksi sila na walang Diyos kundi si Allāh at na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh, magpanatili sila ng dasal, at magbigay sila ng zakāh. Kaya kapag gumawa sila niyon, mapangangalagaan sila mula sa akin sa mga buhay nila at mga ari-arian nila malibang ayon sa karapatan ng Islām. Ang pagtutuos sa kanila ay nasa kay Allāh."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na si Allāh ay nag-utos sa kanya ng pakikipaglaban sa mga tagapagtambal hanggang sa sumaksi sila na walang sinasamba ayon sa karapatan kundi si Allāh – tanging Siya: walang katambal sa Kanya – at sumaksi sila kay Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng pagkasugo; paggawa ayon sa hinihiling ng pagsaksing ito na pangangalaga sa limang pagdarasal sa araw at gabi at pagbibigay ng isinatungkuling zakāh sa mga karapat-dapat dito. Kapag ginawa nila ang mga bagay na ito, tunay na ang Islām ay mangangalaga sa mga buhay nila at mga ari-arian nila sapagkat hindi ipinahihintulot ang pagpatay sa kanila malibang kapag nakagawa sila ng isang krimen o isang pagsalansang na nagiging karapat-dapat sila dahil dito sa pagpatay alinsunod sa mga patakaran ng Islām. Pagkatapos sa Araw ng Pagbangon mamamahala si Allāh (napakataas Siya) sa pagtutuos sa kanila yayamang nakaaalam Siya sa mga lihim nila.
Ayon sa Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Tunay na si Allāh ay nagpalampas para sa akin sa Kalipunan ko ng pagkakamali, pagkalimot, at anumang pinilit sila."}
Nagsalaysay nito sina Imām Ibnu Mājah, Imām Al-Bayhaqīy, at iba pa sa kanilang dalawaNagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na si Allāh ay nagpaumanhin sa Kalipunan niya sa tatlong kalagayan: A. Ang pagkakamali. Ito ay ang anumang namutawi mula sa kanila nang walang pananadya. Ito ay ang magpakay ang Muslim sa paggawa niya ng isang bagay saka tumataon ang gawa niya sa iba pa sa pinakay niya. B. Ang pagkalimot. Ito ay ang pagiging ang Muslim ay nagsasaalaala ng isang bagay subalit nakalilimot siya nito sa sandali ng paggawa kaya naman walang kasalanan doon din. C. Ang pagpilit. Maaaring pilitin ang tao sa paggawa ng isang bagay na hindi niya ninanais kasabay ng kawalan ng kakayahan niya sa pagtulak ng pamimilit. Sa sandaling iyon hindi nasasadlak sa kanya ang kasalanan at ang kaasiwaan, Kalakip ng pagsasaalang-alang na ang paksa ng ḥadīth hinggil sa anumang nasa pagitan ng tao at Panginoon niya ay kaugnay sa paggawa ng sinasawata. Hinggil naman sa pag-iwan ng ipinag-uutos dala ng pagkalimot, hindi ito naaalis. Hinggil naman sa kung sakaling may nairesulta sa paggawa niya niyon na isang krimen, hindi naaalis ang karapatan ng nilikha gaya ng kung sakaling nakapatay siya nang mali, kailangan sa kanya ang bayad-pinsala; at kung sakaling nakasira siya ng isang kotse nang mali, kailangan sa kanya ang pananagutan.
Ayon kay `Ā’ishah, malugod si Allah sa kanya: "Binawi ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, samantalang sa bahay ko ay walang anumang makakain ng isang may atay maliban sa kakarampot na sebada sa isang istante ko. Kinaikain ko ito hanggang sa tumagal sa akin. Tinakal ko ito at naubos ito."
Napagkaisahan ang katumpakanIpinababatid sa atin ni `Ā’ishah, malugod si Allah sa kanya, na ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay binawian samantalang sa bahay niya ay walang anumang sebada. Nanatili siyang kumakain mula sa sebada na iniwan ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, nang matagal-tagal. Tinakal niya ito at naubos.
Ayon kay Ṣafwān bin Muḥriz na nagsabi: {May nagsabing isang lalaki sa Anak ni `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): "Papaano kang nakarinig sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi sa pagniniig?" Nagsabi ito: "Nakarinig ako sa kanya na nagsasabi: 'Ilalapit ang mananampalataya sa Araw ng Pagbangon sa Panginoon nito (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) hanggang sa maglagay Siya rito ng saklob Niya saka magpapaamin Siya rito ng mga pagkakasala nito saka magsasabi Siya: Nakaaalam ka kaya?' Kaya magsasabi ito: 'Oo, Panginoon ko, nakaaalam ako.' Magsasabi Siya: 'Sapagkat tunay na Ako ay nagtakip niyon sa iyo sa Mundo at tunay na Ako ay magpapatawad niyon sa iyo sa araw na ito.' Kaya ibibigay rito ang talaan ng mga magandang gawa nito. Hinggil naman sa mga tagatangging sumampalataya at mga mapagpaimbabaw, mananawagan sa kanila sa mga harap ng mga nilikha: Ang mga ito ang mga nagsinungaling laban kay Allāh."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa pakikipagniigan ni Allāh sa lingkod Niyang mananampalataya sa Araw ng Pagbangon sapagkat nagsabi siya: Ilalapit ang mananampalataya sa Araw ng Pagbangon sa Panginoon nito para maglagay Siya rito ng pagtatakip Niya buhat sa mga tao sa Tayuan nang sa gayon hindi makabatid sa lihim niya ang iba sa kanya saka magsasabi Siya rito: "Nakaaalam ka ba ng pagkakasalang ganito at gayon?" ... Magpapaamin Siya rito ng mga pagkakasala na sa pagitan ng tao at Panginoon nito. Kaya magsasabi siya: "Oo, O Panginoon." Hanggang sa kapag nangilabot ang mananampalataya at nangamba, magsasabi Siya (kaluwalhatian sa Kanya) dito: "Tunay na Ako ay nagtakip niyon sa iyo sa Mundo at Ako ay magpapatawad niyon sa iyo sa araw na ito." Kaya ibibigay rito ang talaan ng mga magandang gawa nito. Hinggil naman sa tagatangging sumampalataya at mapagpaimbabaw, mananawagan sa mga harap ng mga saksi: Ang mga ito ang mga nagsinungaling laban sa Panginoon nila; pansinin, ang sumpa ni Allāh ay sa mga tagalabag sa katarungan.
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya: "Ginawa ni Allāh ang awa na isang daang bahagi at pinanatili Niya sa piling Niya ang siyamnapu't siyam. Nagpababa Siya sa lupa ng iisang bahagi. Mula sa bahaging iyon nag-aawaan ang mga nilikha hanggang sa nag-aangat ang hayop ng paa nito palayo sa anak nito sa takot na masagi ito." Sa isang sanaysay: "Tunay na si Allāh, pagkataas-taas Niya, ay may isang daang awa. Nagpababa Siya mula sa mga ito ng iisang awa sa pagitan ng jinn at tao, at ng mga hayop at mga kulisap. Kaya sa pamamagitan nito nagdadamayan sila, sa pamamagitan nito nag-aawaan sila, at sa pamamagitan nito dumadamay ang mabangis na hayop sa anak nito. Ipinagpaliban ni Allāh, pagkataas-taas Niya, ang siyamnapu't siyam na awa na maaawa Siya sa pamamagitan ng mga ito sa Araw ng Pagkabuhay." Ayon kay Salmān Al-Fārisīy, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: "Nagsabi ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: Tunay na si Allāh, pagkataas-taas Niya, ay may isang daang awa. Mula sa mga ito ay isang awa na nag-aawaan sa pamamagitan nito ang mga nilikha sa pagitan nila at siyamnapu't siya para sa Araw ng Pagkabuhay." Sa isang sanaysay: "Tunay na si Allāh, pagkataas-taas Niya, ay lumikha nang araw na nilikha Niya ang mga langit at ang lupa ng isang daang awa: bawat awa ay taklob sa pagitan ng langit hanggang sa lupa. Naglagay Siya mula sa mga ito sa lupa ng isang awa. Sa pamamagitan nito dumadamay ang ina sa anak nito, at ang mga mabangis na hayop at ang mga ibon sa isa't isa. Kapag Araw ng Pagkabuhay, lulubusin Niya ang mga iyon sa pamamagitan ng awang ito."
Nagsalaysay nito si Imām Muslim - Napagkaisahan ang katumpakanGinawa ni Allāh ang awa na isang daang bahagi. Nagpababa Siya ng isang awa sa lupa at pinanatili Niya ang siyamnapu't siyam para sa Araw ng Pagkabuhay. Mula sa iisang awang ito nag-aawaan ang mga nilikha, lahat sila, gaya ng tao, jinn, mga hayop, at mga kulisap. Pati na ang inahing kabayong kilala sa kagaanan at pagpalipat-lipat ay umiiwas na umabot ang kapinsalaan sa anak nito kaya nag-aangat ito ng paa nito sa pangambang masagi iyon. Sa pamamagitan nito dumadamay ang mabangis na hayop sa anak nito. Ipinagpaliban ni Allāh, mapagpala Siya at pagkataas-taas Niya, ang siyamnapu't siyam na awa upang maaawa Siya sa pamamagitan ng mga ito sa mga lingkod Niya sa Araw ng Pagkabuhay. Ang Ikalawang Ḥadīth: Tunay na si Allāh, mapagpala Siya at pagkataas-taas Niya, nang araw na nilikha Niya ang mga langit at ang lupa ay lumikha ng isang daang awa: bawat awa ay pumupuno sa pagitan ng langit hanggang sa lupa. Naglagay Siya ng isang awang dumadamay sa pamamagitan nito ang ina sa anak nito, at nagdadamayan sa pamamagitan nito ang mga hayop at ang mga ibon sa isa't isa. Pagkatapos, sa Araw ng Pagkabuhay ay lulubusin ito ni Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang, sa pamamagitan ng siyamnapu't siyam. Kaya kapag ang nagaganap sa tao na dakilang biyaya ni Allāh, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, sa kanya dito sa tahanang itinayo sa mga latak ay dahilan sa iisang awang, papaano ang maiisip sa isang daang awa sa Kabilang Tahanan, ang tahanan ng pananatili at pagganti?"