





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nag-ayuno sa Ramaḍān dala ng pananampalataya at dala ng pag-asang gagantimpalaan, patatawarin sa kanya ang anumang nauna na pagkakasala niya."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang nag-ayuno sa buwan ng Ramaḍān dala ng pananampalataya kay Allāh at dala ng paniniwala sa pagkatungkulin ng pag-aayuno at anumang inihanda ni Allāh (napakataas Siya) para sa mga nag-aayuno na masaganang mga pabuya at gantimpala habang nagpapakay ng kaluguran ng mukha ni Allāh, hindi dala ng pagpapakitang-tao ni pagpaparinig sa tao, patatawarin sa kanya ang mga nagdaang pagkakasala niya.
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nagdasal sa Gabi ng Pagtatakda (Laylatulqadr) dala ng pananampalataya at dala ng pag-asang gagantimpalaan, patatawarin sa kanya ang anumang nauna sa pagkakasala niya."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa kainaman ng pagdarasal sa Gabi ng Pagtatakda na nangyayari sa huling sampung araw ng Ramaḍān at na ang sinumang nagsumikap sa mga gabing ito sa pagdarasal, panalangin, pagbabasa ng Qur'ān, at pagsambit ng dhikr habang sumasampalataya sa mga ito at sa nasaad kaugnay sa kainaman ng mga ito, habang umaasa sa pamamagitan ng gawa niya sa gantimpala ni Allāh, hindi dala ng pagpapakitang-tao ni pagpaparinig sa tao, tunay na patatawarin sa kanya ang nauna sa mga pagkakasala niya.
Ayon kay An-Nu`mān bin Bashīr (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi at nagturo si An-Nu`mān ng dalawang daliri niya sa dalawang tainga niya: "Tunay na ang ipinahihintulot ay malinaw at tunay na ang ipinagbabawal ay malinaw. Sa pagitan ng dalawang ito ay may mga mapaghihinalaan, na hindi nakaaalam sa mga ito ang marami sa mga tao. Ang sinumang nangilag sa mga mapaghihinalaan ay nakapag-ingat para sa relihiyon niya at dangal niya. Ang sinumang nasadlak sa mga mapaghihinalaan ay nasadlak sa ipinagbabawal, gaya ng pastol na nagpapastol sa paligid ng isang kanlungan, na halos magpanginain siya roon. Pansinin at tunay na bawat hari ay may kanlungan. Pansinin at tunay na ang kanlungan ni Allāh ay ang mga pagbabawal Niya. Pansinin at tunay na sa katawan ay may isang kimpal na laman na kapag umayos ay aayos ang katawan sa kabuuan nito at kapag nasira ito ay masisira ang katawan sa kabuuan nito. Pansinin at ito ay ang puso."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNaglilinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng isang pangkalahatang tuntunin sa mga bagay, na ito ay nababahagi kaugnay sa Batas ng Islām sa tatlong bahagi: malinaw na ipinahihintulot, malinaw na bawal, at mga bagay na mapaghihinalaan na hindi maliwanag ang kahatulan sa punto ng pagkapahintulot at pagkabawal, na hindi nalalaman ang kahatulan ng mga ito ng marami sa mga tao. Ang sinumang nagwaksi ng mga bagay na mapaghihinalaan sa kanya, naligtas ang Relihiyon niya dahil sa pagkalayo sa pagkasadlak sa bawal at naligtas para sa kanya ang dangal niya laban sa salita ng mga tao dahil sa maipamimintas nila sa kanya dahilan sa pagkakagawa niya ng mapaghihinalaang ito. Ang sinumang hindi umiwas sa mga mapaghihinalaang ito ay nagsalang nga ng sarili niya sa pagkasadlak sa bawal o paghamak ng mga tao sa dangal niya. Naglahad ang Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng isang paghahalintulad upang maglinaw sa kalagayan ng sinumang nakagagawa ng mga mapaghihinalaan, na siya ay gaya ng pastol habang nagpapastol ng kawan niya malapit sa isang lupain na pinangalagaan ng may-ari nito, kaya halos ang kawan ng pastol ay manginain sa kanlungang iyon dahil sa kalapitan nito roon. Gayon din ang sinumang gumagawa ng anumang may mapaghihinalaan sapagkat tunay na siya dahil doon ay lumalapit sa bawal kaya halos masadlak siya rito. Matapos nito, nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na sa katawan ay may isang kimpal ng laman (ang puso), na umaayos ang katawan dahil sa pagkaayos nito at nasisira ito dahil sa pagkasira nito.
Ayon kay Shaddād bin Aws (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {May dalawang naisaulo ko buhat sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Tunay na si Allāh ay nagsatungkulin ng pagpapaganda sa bawat bagay. Kaya kapag pumatay kayo, pagandahin ninyo ang pagkapatay. Kapag kumatay kayo, pagandahin ninyo ang pagkatay. Hasain ng isa sa inyo ang patalim niya saka bigyang-kapahingahan niya ang kakatayin niya."}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimNagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na si Allāh (napakataas Siya) ay nag-obliga sa atin ng paggawa ng maganda sa lahat ng mga bagay. Ang paggawa ng maganda ay ang pagsasaalang-alang kay Allāh palagi sa pagsamba sa Kanya at sa pagkakaloob ng kabutihan at pagpigil ng perhuwisyo sa mga nilikha. Kabilang doon ang paggawa ng maganda sa pagpatay at pagkatay. Ang paggawa ng maganda sa pagpatay ay sa sandali ng ganting-pinsala sa pamamagitan ng pagpili ng pinakamadali sa mga pamamaraan, pinakamagaan sa mga ito, at pinakamabilis sa mga ito sa pagpaslang sa papatayin. Ang paggawa ng maganda sa pagkatay ay sa sandali ng pagkatay ng hayop sa pamamagitan ng pagpapakabanayad sa hayop sa pamamagitan ng paghahasa ng kasangkapan, na hindi maghasa nito sa harap ng kakatayin habang ito ay nakatingin sa patalim, at na hindi magkatay nito habang doon ay may mga hayop na nakatingin sa kakatayin.
Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Walang pamiminsala at walang pakikipagpinsalaan. Ang sinumang nakipagpinsalaan, mamiminsala sa kanya si Allāh; at ang sinumang nakipagpahirapan, magpapahirap si Allāh sa kanya."
Nagsalaysay nito si Imām Ad-DāraquṭnīyNaglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na kinakailangan ang pagtulak ng kapinsalaan sa pamamagitan ng iba't ibang mga uri nito at mga pagkakahayag nito palayo sa sarili at palayo sa mga ibang tao. Kaya naman hindi ipinahihintulot sa isa man na mamerhuwisyo sa sarili niya o sa iba sa kanya nang magkapantay. Hindi ipinahihintulot sa kanya na tapatan ang kapinsalaan ng kapinsalaan dahil ang kapinsalaan ay hindi naaalis sa pamamagitan ng kapinsalaan kundi sa pamamagitan ng ganting-pinsala (qaṣāṣ) nang walang paglabag. Pagkatapos nilinaw ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ang banta sa pagtamo ng kapinsalaan sa sinumang namiminsala sa mga tao at ng pagtamo ng hirap sa sinumang nagpapahirap sa mga tao.
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya: "Ang ipinagbawal ko sa inyo ay iwasan ninyo at ang ipinag-utos ko sa inyo ay gampanan ninyo mula rito ang makakaya ninyo sapagkat napahamak lamang ang mga nauna sa inyo dahil sa dami ng mga tanong nila at pagsalungat nila sa mga propeta nila."
Napagkaisahan ang katumpakanGinabayan tayo ng Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na kapag nagbawal siya sa atin ng isang bagay ay kailangan sa atin ang pag-iwas niyon nang walang pasubali at kapag nag-utos siya sa atin ng isang bagay ay tungkulin nating gawin mula rito ang makakaya natin. Pagkatapos ay nagbabala siya atin upang hindi tayo maging gaya ng ilan sa mga kalipunang nauna noong dinalasan nila ang mga pagtatanong sa mga propeta nila kalakip ng pagsalungat nila sa mga iyon kaya naman pinarusahan sila ni Allah sa pamamagitan ng sari-saring kapahamakan at pagkawasak. Kaya nararapat na hindi tayo maging tulad nila upang hindi tayo mapahamak gaya ng pagkapahamak nila.
Ayon sa Anak ni `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hindi tumigil na nagtatagubilin sa akin si Gabriel hinggil sa kapitbahay hanggang sa nagpalagay ako na siya ay magpapamana rito."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na si Anghel Gabriel ay hindi tumigil na nag-uulit-ulit sa kanya at nag-uutos sa kanya ng pagmamalasakit sa kapitbahay na malapit sa tahanan niya, na Muslim man o hindi Muslim, kamag-anak man o hindi kamag-anak, sa pamamagitan ng pag-iingat sa karapatan nito at hindi pamemerhuwisyo rito, paggawa ng maganda rito, at pagtitiis sa perhuwisyo nito hanggang sa nagpalagay siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), dahil sa pagdakila sa karapatan ng kapitbahay at pag-uulit ni Anghel Gabriel niyon, na bababa ang pagsisiwalat ng pagbibigay sa kanya mula sa yaman ng kapitbahay na maiiwan nito matapos ng pagpanaw nito.
Ayon kay `Abdullāh bin Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Ang mga orasyon, ang mga agimat, at ang gayuma ay Shirk."}
Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām Ibnu Mājah, at Imām AḥmadNaglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng mga bagay na ang paggawa ng mga ito ay kabilang sa Shirk. Kabilang sa mga ito: UNA: Ang mga orasyon: ang pananalita na ipinanggagamot ng mga kampon ng Kamangmangan, na naglalaman ng Shirk. IKALAWA: Ang mga agimat: mula sa mga abaloryo (beads) at tulad nito na isinasabit sa mga bata, mga hayop, at iba pa sa mga ito para sa pagtulak sa usog. IKATLO: Ang gayuma: ang ginagawa para paibigin ang isa sa mag-asawa sa asawa nito. Ang mga bagay na ito ay bahagi ng Shirk dahil ang mga ito ay bahagi ng paggawa sa isang bagay bilang kadahilanan samantalang ito ay hindi naman isang kadahilanang legal na pinagtibay ng patunay at hindi isang kadahilanang pisikal na pinagtibay ng eksperimento. Hinggil naman sa mga kadahilanang legal gaya ng pagbigkas ng Qur'ān o pisikal gaya ng mga gamot na pinagtibay ng eksperimento, ang mga ito ay pinapayagan kasabay ng paniniwala na ang mga ito ay mga kadahilanan at na ang pakinabang at ang pinsala ay nasa kamay ni Allāh.
Ayon kay `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Huwag kayong mang-alipusta sa mga patay sapagkat tunay na sila ay humantong sa [mga gawang] ipinauna nila."}
Nagsalaysay nito si Imām Al-BukhārīyNaglilinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng pagkabawal ng pag-alipusta sa mga patay at paninira sa mga dangal nila, na ito ay kabilang sa masasagwa sa mga kaasalan sapagkat tunay na sila ay umabot sa ipinauna nila na mga gawang maayos o masama, at na ang pag-alipustang ito rin ay hindi naman nakararating sa kanila sapagkat tunay na ito ay nakapiperhuwisyo lamang sa mga buhay.