Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way






























Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
Sumaway ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa pagsasagawa ng ṣalāh sa pagkahain ng pagkain na pinananabikan ng sarili ng nagdarasal at kinahuhumalingan ng puso nito. Gayundin, sumaway siya laban sa pagsasagawa ng ṣalāh kasabay ng pagpipigil sa dalawang karumihan – ang ihi at ang dumi – dahil sa pagkaabala niya sa pagpipigil ng perhuwisyo.
Naglilinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na kabilang sa mga etiketang kinakailangan para sa sinumang dumalo sa sermon sa Biyernes ang pananahimik para makinig sa tagapagsermon upang mapagnilay-nilayan ang mga pangaral; at na ang sinumang nagsalita – kahit pa man pinakakaunting pananalita – habang ang imām ay nagsesermon sapagkat nagsabi siya sa iba: "Tumahimik ka at makinig ka", nakaalpas nga sa kanya ang kainaman ng ṣalāh sa Biyernes.
Naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng limang kakanyahan ng Relihiyong Islām at mga sunnah ng mga isinugo. A. Ang Pagpapatuli. Ito ay ang pagputol ng balat na lumalabis sa ari ng lalaki lampas sa glans (ulo ng ari ng lalaki) at ang pagputol ng dulo ng clitoris sa ari ng babae lampas sa labia majora. B. Ang Pag-aahit sa Ari. Ito ay ang pag-aahit sa buhok (pubic) na nasa paligid ng ari. C. Ang Pagputol ng Bigote. Ito ay ng anumang umabot sa pang-itaas na bibig ng lalaki upang lumantad ang bibig. D. Ang Paggupit ng mga Kuko. E. Ang Pagbunot ng Buhok sa Kilikili.
Nag-uutos ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na magbawas ng bigote at huwag itong hayaan; bagkus gupitan ito at magpakalabis-labis doon. Katapat niyon, nag-uutos siya na palaguin ang balbas at hayaan itong managana.
Nagturo si `Uthmān (malugod si Allāh sa kanya) ng paraan ng pagsasagawa ng wuḍū' ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa isang praktikal na pamamaraan upang ito ay maging higit na magaling sa pagpapaliwanag. Humiling siya ng tubig sa isang lalagyan saka nagbuhos siya sa mga kamay niya nang tatlong ulit. Matapos niyon, nagpasok siya ng kanang kamay niya sa sisidlan at kumuha siya roon ng tubig saka nagpaikot siya nito sa bibig niya at nagpalabas siya nito. Pagkatapos sumalok siya mismo ng tubig papunta sa loob ng ilong niya, pagkatapos nagpalabas siya nito at nagsinga siya nito. Pagkatapos naghugas siya ng mukha niya nang talong ulit. Pagkatapos naghugas siya ng mga kamay niya kasama ng mga siko nang tatlong ulit. Pagkatapos nagparaan siya ng kamay niya sa ulo niya, na binasa ng tubig, nang iisang ulit. Pagkatapos naghugas siya ng mga paa niya kasama ng mga bukungbukong nang tatlong ulit. Noong nakatapos siya (malugod si Allāh sa kanya), nagpabatid siya sa kanila na siya ay nakakita sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsagawa ng wuḍū' tulad ng wuḍū' na ito. Nagbalita ng nakalulugod sa kanila ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang nagsagawa ng wuḍū' tulad ng wuḍū' niya at nagdasal ng dalawang rak`ah nang taimtim habang nakadalo ang puso niya sa harap ng Panginoon niya (kamahal-mahalan Ito at kapita-pitagan) sa dalawang rak`ah na ito, tunay na si Allāh ay gaganti sa kanya sa kumpletong wuḍū' na ito at wagas na ṣalāh na ito ng kapatawaran sa nauna sa mga pagkakasala niya.
Naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na kabilang sa mga kundisyon ng katumpakan ng ṣalāh ang ṭahārah. Kaya naman kinakailangan sa sinumang nagnais magsagawa ng ṣalāh na magsagawa ng wuḍū' kung may nangyari sa kanya na isang tagasira kabilang sa mga tagasira ng wuḍū' gaya ng pagdumi o pag-ihi o pagkatulog o iba pa sa mga ito.
Nagpapabatid sa atin ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang paglilinis ng mga ngipin sa pamamagitan ng munting patpat ng punong arāk at tulad nito ay nagdadalisay ng bibig mula sa mga karumihan at mga mabahong amoy; at na ito ay kabilang sa mga kadahilanan ng pagkalugod ni Allāh sa tao dahil dito ay may isang pagtalima kay Allāh at isang pagtugon sa utos Niya at dahil dito ay may kalinisang naiibigan ni Allāh (napakataas Siya).
Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang limang dasal na isinasatungkulin sa araw at gabi, ang dasal sa Biyernes sa bawat linggo, at ang pag-aayuno sa buwan ng Ramaḍān sa bawat taon ay mga tagatakip-sala ng nasa pagitan ng mga ito na maliliit na mga pagkakasala ayon sa kundisyon ng pag-iwas sa malalaking kasalanan. Hinggil sa malalaking kasalanan gaya ng pangangalunya at pag-inom ng alak, hindi natatakpang-sala ang mga ito kundi sa pamamagitan ng pagbabalik-loob (tawbah).
Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang taong lubos sa pakikiugnay sa kaanak at paggawa ng maganda sa mga kamag-anak ay hindi ang taong nakikipagtumbasan sa paggawa ng maganda ng paggawa ng maganda; bagkus ang nakikipag-ugnayan sa kaanak nang tunay na lubos sa pakipag-ugnayan sa kaanak ay ang kapag pinutol ang ugnayang pangkaanak sa kanya ay nakikipag-ugnayan [pa rin] siya roon. Kahit pa gumawa sila ng masagwa sa kanya, tunay na siya ay nakikipagtumbasan sa kanila ng paggawa ng maganda sa kanila.