





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay `Imrān bin Ḥuṣayn (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "ِAng pinakamabuti sa inyo ay ang salinlahi ko, pagkatapos ang mga sumusunod sa kanila, pagkatapos ang mga sumusunod sa kanila."} Nagsabi si `Imrān: {Hindi ako nakaaalam kung bumanggit ba ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) matapos niyon ng dalawang salinlahi o tatlo? Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na matapos ninyo ay mga taong magtataksil at hindi pagkakatiwalaan. Sasaksi sila samantalang hindi sila pinasasaksi at mamamanata sila samantalang hindi sila tumutupad. Lilitaw sa kanila ang katabaan."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang pinakamabuting uring panlipunan ng mga taong nagsasama sa iisang panahon ay ang uring panlipunang naroon ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at ang mga kasamahan niya, pagkatapos ang mga sumusunod sa kanila kabilang sa mga mananampalataya na nakaabot sa mga Kasamahan at hindi nakaabot sa Sugo ni Allāh, pagkatapos ang mga sumusunod sa kanila na mga tagasunod ng mga Tagasunod. Nag-atubili ang Kasamahan sa pagbanggit ng mga sumusunod sa kanila sa ikaapat na salinlahi. Pagkatapos nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na matapos ninyo ay mga taong magtataksil at hindi magtitiwala ang mga tao sa kanila. Sasaksi sila bago hilingin ang pagsaksi mula sa kanila. Mamamanata sila at hindi sila tutupad dito. Magpapakalawak sila sa mga makakain at mga maiinom hanggang sa lumitaw sa kanila ang katabaan."
Ayon kay Abū Tha`labah Al-Khushanīy Jurthūm bin Nāshir (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Tunay na si Allāh ay nagsatungkulin ng mga tungkulin kaya huwag kayong magpabaya sa mga ito, naghangganan ng mga hangganan kaya huwag kayong lumampas sa mga ito, nagbawal ng ilang bagay kaya huwag kayong lumabag sa mga ito, at nanahimik sa ilang bagay dala ng pagkaawa sa inyo hindi dala ng pagkalimot kaya huwag kayong maghanap ng mga ito."}
Nagsalaysay nito si Imām Ad-Dāraquṭnīy sa Sunan niya at iba paNagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na si Allāh ay nag-obliga ng mga bagay at nagsatungkulin ng mga tungkulin kaya sumunod kayo sa mga ito at huwag kayong magpabaya sa mga ito sa pamamagitan ng pag-iwan o pagwawalang-bahala sa mga ito. Gumawa Siya para sa inyo ng mga pansagabal at mga pansawata na itinakdang sasagabal sa inyo at sasawata sa inyo laban sa anumang hindi Niya kinalulugdan kaya huwag kayong magdagdag sa mga ito ng higit sa anumang ipinag-utos ng batas. Nagbawal Siya ng mga ipinagbabawal kaya huwag kayong gumamit ng mga ito at huwag kayong lumapit sa mga ito. Ang anumang bukod pa roon ay umiwan Siya ng mga iyon at nanahimik Siya tungkol sa mga iyon bilang awa sa mga lingkod Niya kaya nanatili ang mga ito sa orihinalidad ng pagkapayag sa mga ito kaya huwag kayong maghanap ng mga ito.
Ayon kay Abū Muḥammad Al-Ḥasan bin Alīy bin Abī Ṭālib – ang apo ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at ang sinisinta nito – na nagsabi: {... Nagsabi ito: "Naisaulo ko mula sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Iwan mo ang nagpapaalinlangan sa iyo tungo sa hindi nagpapaalinlangan sa iyo."}
Nagsalaysay nito sina Imām At-Tirmidhīy at Imām An-Nasā'īyNag-utos ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng pag-iwan ng anumang nagdududa ka hinggil dito kabilang sa mga sinasabi at mga ginagawa – kung ito ba ay sinasaway o hindi, kung ito ba ay bawal o pinahihintulutan – tungo sa anumang hindi nagdududa ka hinggil dito kabilang sa anumang nakapagtiyak ka sa kagandahan nito o pagkaipinahihintulot nito.
Ayon kay Abū Ya`lā Shaddād bin Aws (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Tunay na si Allāh ay nag-obliga ng pagpapahusay sa bawat bagay. Kaya kapag pumatay kayo ay magpahusay kayo sa paraan ng pagpatay at kapag kumatay kayo ay magpahusay kayo sa paraan ng pagkatay. Humasa ang isa sa inyo ng patalim niya at magpaginhawa siya sa kakatayin niya."}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimNagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na si Allāh (napakataas Siya) ay nag-obliga sa atin ng paggawa ng maganda sa lahat ng mga bagay. Ang paggawa ng maganda ay ang pagsasaalang-alang kay Allāh palagi sa pagsamba sa Kanya at sa pagkakaloob ng kabutihan at pagpigil ng perhuwisyo sa mga nilikha. Kabilang doon ang paggawa ng maganda sa pagpatay at pagkatay. Ang paggawa ng maganda sa pagpatay ay sa sandali ng ganting-pinsala sa pamamagitan ng pagpili ng pinakamadali sa mga pamamaraan, pinakamagaan sa mga ito, at pinakamabilis sa mga ito sa pagpaslang sa papatayin. Ang paggawa ng maganda sa pagkatay ay sa sandali ng pagkatay ng hayop sa pamamagitan ng pagpapakabanayad sa hayop sa pamamagitan ng paghahasa ng kasangkapan, na hindi maghasa nito sa harap ng kakatayin habang ito ay nakatingin sa patalim, at na hindi magkatay nito habang doon ay may mga hayop na nakatingin sa kakatayin.
Ayon kay Abū Mālik Al-Ḥārith bin Āṣim Al-Ash`arīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang pagkadalisay ay kalahati ng pananampalataya. Ang [pagsasabi ng:] alḥamdu lillāh (ang papuri ay ukol kay Allāh) ay pupuno sa timbangan [ng mga gawa]. Ang [pagsasabi ng:] subḥāna -llāh (kaluwalhatian kay Allāh) at alḥamdu lillāh (ang papuri ay ukol kay Allāh) ay pupuno sa nasa pagitan ng mga langit at lupa. Ang pagdarasal ay liwanag. Ang kawanggawa ay patotoo. Ang pagtitiis ay tanglaw. Ang Qur'ān ay katwiran para sa iyo o laban sa iyo. Ang bawat isa sa mga tao ay maagang lumilisan saka nagtitinda ng sarili niya kaya nagpapalaya nito o nagpapahamak nito."}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimNagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang kadalisayan ng nakalantad ay sa pamamagitan ng wuḍū' at ghusl at ito ay isang kundisyon sa ṣalāh. Ang pagsasabi ng: "alḥamdu lillāh (ang papuri ay ukol kay Allāh)" ay pumupuno ng timbangan. Ang pagbubunyi sa Kanya (kaluwalhatian sa Kanya) at ang paglalarawan sa Kanya ng kalubusan ay titimbangin sa Araw ng Pagbangon saka pupuno sa timbangan ng mga gawa. Ang pagsasabi ng: "subḥāna –llāh (kaluwalhatian kay Allāh) at alḥamdu lillāh (ang papuri ay ukol kay Allāh)" – ang pagpapawalang-kinalaman kay Allāh sa bawat kakulangan at ang paglalarawan sa Kanya ng ganap na pagkalubos na naaangkop sa kapitaganan sa Kanya kasama ng pag-ibig sa Kanya at pagdakila sa Kanya – pupuno sa nasa pagitan ng mga langit at lupa. "Ang pagdarasal ay liwanag" ay para sa tao sa puso niya, sa mukha niya, sa libingan niya, at sa pagkalap sa kanya. "Ang kawanggawa ay patotoo" at patunay sa katapatan ng pananampalataya ng mananampalataya at pagkakaiba niya sa mapagpaimbabaw na nagpipigil nito dahil sa pagiging siya ay hindi naniniwala sa ipinangako rito. "Ang pagtitiis ay tanglaw" – ang pagpipigil ng sarili laban sa pagkaligalig at pagkainis – at liwanag na nagtatamo rito ng kainitan at pagsunog, gaya ng tanglaw ng araw, dahil ito ay mahirap at nangangailangan ng pakikibaka sa sarili at pagpigil dito sa pinipithaya nito. Kaya naman hindi tumitigil ang nagtataglay nito na nagpapatanglaw, na napapatnubayan, na nagpapatuloy sa tama. Ito ay pagtitiis sa pagtalima kay Allāh at laban sa pagsuway sa Kanya, at pagtitiis sa mga kasawiang-palad at mga uri ng mga kinasusuklaman sa Mundo. "Ang Qur'ān ay katwiran para sa iyo" sa pamamagitan ng pagbigkas nito at paggawa ayon dito o "laban sa iyo" sa pamamagitan ng pag-iwan nito nang walang paggawa o pagbigkas. Pagkatapos nagpabatid siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang lahat ng mga tao ay nagpupunyagi, naglilipana, bumabangon mula sa pagkatulog, at lumalabas ng mga bahay nila para sa mga magkakaiba-ibang gawain. Mayroon sa kanila na nagpapakatuwid sa pagtalima kay Allāh kaya naman magpapalaya siya sa sarili niya mula sa impiyerno at mayroon sa kanila na nalilihis palayo roon at nasasadlak sa mga pagsuway kaya naman magpapahamak siya sa sarili niya dahil sa pagpasok nito sa Impiyerno.
Ayon kay Abū Sa`īd Sa`d bin Mālik bin Sinān Al-Khudrīy (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Walang kapinsalaan at walang pamiminsala."}
Nagsalaysay nito sina Imām Ibnu Mājah, Imām Ad-Dāraquṭnīy, at ang iba pa sa kanilang bilang isang musnadNaglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na kinakailangan ang pagtulak ng kapinsalaan kalakip ng nagkakaiba-iba sa mga uri nito at mga pagkakahayag nito palayo sa sarili at palayo sa mga ibang tao. Kaya naman hindi naipahihintulot sa isa man na mamerhuwisyo sa sarili niya o sa iba sa kanya nang magkapantay. Hindi naipahihintulot sa kanya na tapatan ang kapinsalaan ng kapinsalaan dahil ang kapinsalaan ay hindi naaalis sa pamamagitan ng kapinsalaan kundi sa pamamaraan ng ganting-pinsala (qaṣāṣ) nang walang paglabag.
Ayon sa Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Kung sakaling bibigyan ang mga tao dahil sa pag-aangkin nila, talaga sanang may nag-angkin na mga lalaki ng mga yaman ng mga tao at mga buhay ng mga ito; subalit ang katunayan ay nasa nag-aangkin at ang panunumpa ay nasa sinumang nagkaila."}
Nagsalaysay nito si Imām Al-Bayhaqīy at ng iba pa nang ganito, at ang bahagi nito ay nasa As-SahihaynNaglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na kung sakaling bibigyan ang mga tao dahil sa simpleng pag-aangkin nila nang walang mga patunay ni mga katibayan, talaga sanang may nag-angkin na mga tao ng mga yaman ng mga ibang tao at mga buhay ng mga ito; subalit kinakailangan sa tagapag-angkin ang paghahain ng katunayan at patunay sa anumang hinihiling niya. Kung hindi siya nagkaroon ng isang katunayan, ilalahad ang pag-aangkin sa inaangkinan. Kung nagkaila nito ang inaangkinan, kailangan sa kanya ang sumumpa at mapawawalang-sala siya.
Ayon kay Abū Burdah, ayon sa ama niyang si Abū Mūsā Al-Ash`arīy (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) ay nagpadala sa kanya sa Yemen. Kaya nagtanong siya rito tungkol sa mga inuming ginagawa roon sapagkat nagsabi siya: "At ano po ang mga ito?" Nagsabi ito: "Ang bit` at ang mizr." Sinabi kay Abū Burdah: "Ano ang bit`?" Nagsabi siya: "Ang nabīdh ng pulut-pukyutan at ang mizr ay ang nabīdh ng sebada." Kaya nagsabi ito: "Ang bawat nakalalasing ay bawal."} Nagsadokumento nito si Imām Al-Bukhārīy. Nagsadokumento rin nito si Imām Muslim. Ang pagkakasambit nito: {Nagpadala ang Sugo ni Allāh sa akin at kay Mu`ādh sa Yemen. Kaya nagsabi ako: "O Sugo ni Allāh, tunay na may inuming ginagawa sa lupain namin na tinatawag na mizr na gawa sa sebada at may inuming tinatawag na bit` na gawa sa pulut-pukyutan." Kaya nagsabi ito: "Ang bawat nakalalasing ay bawal."} Sa isang salaysay batay kay Imām Muslim: {Kaya nagsabi siya: "Ang bawat anumang nagpapalasing palayo sa pagdarasal, ito ay bawal."} Sa isa namang salaysay batay pa rin kay Imām Muslim: {Ang Sugo ni Allāh ay binigyan nga ng masasaklaw sa mga pananalita kalakip ng mga pangwakas nito saka nagsabi siya: "Sumasaway ako laban sa bawat nakalalasing na nagpapalasing palayo sa pagdarasal."}
Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy at Imām MuslimNagpapabatid si Abū Mūsā Al-Ash`arīy (malugod si Allāh sa kanya) na ang Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) ay nagsugo sa kanya sa Yemen. Kaya nagtanong siya rito tungkol sa mga inuming ginagawa roon kung ang mga ito kaya ay bawal. Kaya nagpalinaw ang Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa mga ito. Kaya naman nagsabi si Abū Mūsā Al-Ash`arīy (malugod si Allāh sa kanya): Ito ay ang bit`, na nabīdh ng pulut-pukyutan, at ang mizr, na nabīdh ng sebada. Kaya nagsabi ang Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan), na binigyan nga ng masasaklaw sa mga pananalita: "Ang bawat nakalalasing ay bawal."
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Ang sinumang nagsagawa ng ḥajj para kay Allāh saka hindi humalay at hindi nagpakasuwail, uuwi siya gaya ng araw na ipinanganak siya ng ina niya."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNaglilinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang nagsagawa ng ḥajj para kay Allāh (napakataas Siya) at "hindi humalay ..." Ang halay ay ang pakikipagtalik at ang mga tagapagpauna nito na paghalik at pagromansa. Itinataguri rin ito sa mahalay na salita. Ang "nagpakasuwail" ay sa pamamagitan ng paggawa ng mga pagsuway at mga masagwang gawa. at bahagi ng pagpapakasuwail ang paggawa ng mga pinipigilan sa iḥrām – "uuwi siya" – mula sa ḥajj niya na pinatatawad, gaya ng ipinanganganak na paslit habang ligtas sa mga pagkakasala.