





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay `Ā'ishah na ina ng mga mananampalataya (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pagkakasakit niya na hindi siya nakabangon mula roon: "Isinumpa ni Allāh ang mga Hudyo at ang mga Kristiyano. Gumawa sila sa mga libingan ng mga propeta nila bilang mga sambahan."} Nagsabi siya: {Kaya kung hindi dahil diyan, pinausli sana ang libingan niya, gayon pa man, ikinatakot na gawin ito bilang masjid.}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNagpapabatid si`Ā'ishah na ina ng mga mananampalataya (malugod si Allāh sa kanya) na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi sa pagkakasakit niya na tumindi sa kanya at namatay siya dahil dito: "Isinumpa ni Allāh ang mga Hudyo at ang mga Kristiyano at itinaboy Niya sila mula sa awa niya. Iyon ay dahil sila ay gumawa sa mga libingan ng mga propeta nila bilang mga sambahan. Iyon ay dahil sa pagpapatayo ng estruktura sa ibabaw ng mga ito at pagdarasal sa tabi ng mga ito o paharap sa mga ito. Pagkatapos nagsabi siya (malugod si Allāh sa kanya): "Kung hindi dahil sa pagsaway at pagbibigay-babala na iyon mula sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at pangamba ng mga Kasamahan na gawan sa libingan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng gaya sa ginawa ng mga Hudyo at mga Kristiyano sa mga libingan ng mga propeta nila, talaga sanang pinalitaw ang libingan niya at pinausli ito."
Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagpadala si Alīy bin Abī Ṭālib (malugod si Allāh dito) sa Sugo ni Allāh (basbasan Nito siya at pangalagaan) mula sa Yemen ng isang munting piraso ng gintong nasa isang katad na kinulti sa aroma, na hindi nahango mula sa alabok nito.} Sinabi: {Kaya nagbahagi siya nito sa pagitan ng apat na tao, sa pagitan nina: Ūyaynah bin Badr, Aqra` bin Ḥābis, at Zayd Al-Khayl. Ang ikaapat ay maaaring si `Alqamah o maaaring si `Āmir bin Aṭ-Ṭufayl. Kaya may nagsabing isang lalaking kabilang sa mga Kasamahan niya: "Kami mismo ay higit na karapat-dapat diyan kaysa sa mga ito."} Sinabi: {Nakarating iyon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kaya nagsabi siya: "Hindi ba kayo nagtitiwala sa akin samantalang ako ay ang mapagkakatiwalaan Niyang nasa langit? Dumarating sa akin ang pabatid ng langit sa umaga at gabi."} Sinabi: {Kaya may tumayong isang lalaking nakalubog ang mga mata, na nakaumbok ang mga buto ng pisngi, na nakasulong ang noo, na siksik ang balbas, na inahit ang ulo, na binatak ang tapis; saka nagsabi ito: "O Sugo ni Allāh, mangilag kang magkasala kay Allāh." Nagsabi siya: "Kapighatian sa iyo! At hindi ba ako higit na karapat-dapat sa mga naninirahan sa lupa na mangilag kay Allāh?"} Sinabi: {Pagkatapos tumalikod ang lalaki. Nagsabi si Khālid bin Al-Walīd: "O Sugo ni Allāh, hindi ba ako tataga ng leeg niya?" Nagsabi siya: "Hindi. Harinawa siya ay maging nagdarasal." Kaya nagsabi si Khālid: "Kay raming nagdarasal na nagsasabi sa pamamagitan ng dila niya ng hindi nasa puso niya." Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na ako ay hindi napag-utusan na mag-ungkat sa mga puso ng mga tao ni bumiyak ng mga tiyan nila."} Sinabi: {Pagkatapos tumingin siya rito habang ito ay lumilisan, saka nagsabi siya: "Tunay na may lalabas mula sa supling nito na mga taong bibigkas ng Qur'ān sa isang kalamyusan, na hindi lalampas sa mga lalamunan nila. Tatagos sila mula sa Relihiyon kung paanong tumatagos ang palaso mula sa tinutudla." Nagpapalagay ako sa kanya na nagsabi: "Talagang kung makaaabot ako sa kanila, talagang papatay nga ako sa kanila nang pagpatay sa Thamūd."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNagpadala si Alīy bin Abī Ṭālib (malugod si Allāh dito) sa Sugo ni Allāh (basbasan Nito siya at pangalagaan) mula sa Yemen ng isang piraso ng gintong nasa isang balat na kinulti sa aroma, na hindi nadalisay ang piraso ng ginto mula sa alabok nito. Sinabi: Kaya nagbahagi siya nito (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pagitan ng apat na tao: Sina Ūyaynah bin Badr A-Fazārīy, Aqra` bin Ḥābis Al-Ḥanḍ̆alīy, Zayd Al-Khayl An-Nabahānīy, at `Alqamah bin `Ilāthah Al-`Āmiriy. Kaya may nagsabing isang lalaking kabilang sa mga Kasamahan niya: "Kami mismo ay higit na karapat-dapat diyan kaysa sa mga ito." Sinabi: Nakarating iyon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kaya nagsabi ito: "Hindi ba kayo nagtitiwala sa akin samantalang ako ay ang mapagkakatiwalaan Niyang nasa langit? Dumarating sa akin ang pabatid ng langit sa umaga at gabi." Sinabi: Kaya may tumayong isang lalaking ang mga mata nito ay nakapaloob sa mga kinalalagyan ng mga ito, na nakausli at nakaangat ang mataas na bahagi ng pisngi, na nakaangat ang noo, na ang balbas nito ay makapal na hindi mahaba, na inahit ang ulo, na nakaangat ang tapis nito na nagtatakip sa ibaba ng katawan nito; saka nagsabi ito: "O Sugo ni Allāh, mangilag kang magkasala kay Allāh." Kaya nagsabi siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kapighatian sa iyo! At hindi ba ako higit na karapat-dapat sa mga naninirahan sa lupa na mangilag kay Allāh?" Sinabi: Pagkatapos tumalikod ang lalaki. Nagsabi si Khālid bin Al-Walīd: "O Sugo ni Allāh, hindi ba ako tataga ng leeg niya?" Nagsabi siya: "Hindi. Marahil siya ay maging nagdarasal." Kaya nagsabi si Khālid: "Kay raming nagdarasal na nagsasabi sa pamamagitan ng dila niya ng hindi nasa puso niya." Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na ako ay hindi napag-utusan na mag-ungkat sa mga puso ng mga tao ni bumiyak ng mga tiyan nila; napag-utusan lamang ako na tumanggap ng mga nakalitaw sa mga nauukol sa kanila." Sinabi: Pagkatapos tumingin siya rito habang ito ay lumilisan, saka nagsabi siya: "Tunay na may lalabas mula sa inapo nito at mga kasamahan nito o lipi nito na mga taong mahuhusay sa pagbigkas ng Aklat ni Allāh sa isang tinig na maganda, na ang mga dila nila ay basa dahil sa dami ng pagbigkas, na hindi lalampas ang Qur'ān sa mga lagukan nila para mamalayan ng mga puso nila para magsaayos ng mga ito. Hindi mag-aangat nito si Allāh at hindi Siya tatanggap nito. Lalabas sila sa Islām kung paanong lumalabas ang palaso mula sa tinutudla sa isang kabilisan at kagaanan." Nagpapalagay ako sa kanya na nagsabi: "Talagang kung makaaabot ako sa paghihimagsik nila laban sa mga Muslim sa pamamagitan ng tabak, talagang papatay nga ako sa kanila nang isang matinding pagpatay gaya sa mga tao ng Thamūd."
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: {Tunay na ang pinakamababang kaluluklukan ng isa sa inyo mula sa Paraiso ay na magsabi [si Allāh] sa kanya: "Magmithi ka!" Kaya magmimithi siya at magmimithi siya saka magsasabi [si Allāh] sa kanya: "Nagmithi ka ba?" Kaya magsasabi siya: "Opo." Kaya magsasabi [si Allāh] sa kanya: "Kaya tunay na ukol sa iyo ang minithi mo at ang tulad nito kasama nito."}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimNagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang pinakamababa at ang pinakamaliit sa katayuan at rangko ng sinumang pumasok sa Paraiso ay na magsabi [si Allāh] sa kanya: "Magmithi ka!" Kaya magmimithi siya at magmimithi siya hanggang sa walang matira sa kanya na isang mithi malibang nakabanggit siya nito, saka magsasabi [si Allāh] sa kanya: "Nagmithi ka ba?" Kaya magsasabi siya: "Opo." Kaya magsasabi [si Allāh] sa kanya: "Kaya tunay na ukol sa iyo ang minithi mo at ang tulad nito kasama nito."
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay dinalhan ng isang karne saka inihain sa kanya ang bisig. Nagpagalak ito sa kanya saka kumagat siya mula rito ng isang kagat saka nagsabi: "Ako ay ang pinuno ng mga tao sa Araw ng Pagbangon. Nakaaalam kaya kayo mula saan iyon? Magtitipon si Allāh sa mga taong una at huli sa iisang lupa, na magpaparinig sa kanila ang tagatawag at manunuot sa kanila ang paningin. Lalapit sa kanila ang araw saka aabot sa mga tao mula sa dalamhati at pighati ang hindi nila makakakaya at hindi nila mababata saka magsasabi ang mga tao: "Hindi ba kayo nakakikita ng umabot sa inyo? Hindi ba kayo titingin sa mamamagitan para sa inyo sa Panginoon ninyo?" Kaya magsasabi ang ilan sa mga tao: "Magsadya kayo kay Adan." Kaya pupunta sila kay Adan (sumakanya ang pangangalaga) saka magsasabi sa kanya: "Ikaw ang ama ng tao. Lumikha sa iyo si Allāh sa pamamagitan ng kamay Niya, umiihip Siya sa iyo mula sa espiritu Niya, at nag-utos Siya sa mga anghel [na magpatirapa] saka nagpatirapa naman sila. Mamagitan ka para sa amin sa Panginoon mo. Hindi ka ba nakakikita sa kung nasa ano kami? Hindi ka ba nakakikita sa umabot nga sa amin?" Kaya magsasabi si Adan: "Tunay na ang Panginoon ko ay nagalit nga ngayong araw ng isang pagkagalit na hindi Siya nagalit bago nito ng tulad nito at hindi Siya magagalit matapos nito ng tulad nito. Tunay na Siya ay sumaway sa akin laban sa punong-kahoy saka sumuway naman ako sa Kanya. Ang sarili ko, ang sarili ko, ang sarili ko! Pumunta kayo sa iba sa akin. Pumunta kayo kay Noe." Kaya pupunta sila kay Noe saka magsasabi sila: "O Noe, tunay na ikaw ay kauna-unahan sa mga sugo sa mga naninirahan sa lupa. Tumawag nga sa iyo si Allāh bilang lingkod na mapagpasalamat. Mamagitan ka para sa amin sa Panginoon mo. Hindi ka ba nakakikita sa kung nasa ano kami? Kaya magsasabi siya: "Tunay na ang Panginoon ko ay nagalit nga ngayong araw ng isang pagkagalit na hindi Siya nagalit bago nito ng tulad nito at hindi Siya magagalit matapos nito ng tulad nito. Tunay na nagkaroon ako ng isang panalanging ipinalangin ko laban sa mga kababayan ko. Ang sarili ko, ang sarili ko, ang sarili ko! Pumunta kayo sa iba sa akin. Pumunta kayo kay Abraham." Kaya pupunta sila kay Abraham saka magsasabi sila: "O Abraham, ikaw ay propeta ni Allāh at matalik na kaibigan Niya mula sa mga naninirahan sa lupa. Mamagitan ka para sa amin sa Panginoon mo. Hindi ka ba nakakikita sa kung nasa ano kami? Kaya magsasabi siya: "Tunay na ang Panginoon ko ay nagalit nga ngayong araw ng isang pagkagalit na hindi Siya nagalit bago nito ng tulad nito at hindi Siya magagalit matapos nito ng tulad nito. Tunay na ako noon nga ay nagsinungaling ng tatlong pagsisinungaling. Ang sarili ko, ang sarili ko, ang sarili ko! Pumunta kayo sa iba sa akin. Pumunta kayo kay Moises." Kaya pupunta sila kay Moises saka magsasabi sila: "O Moises, ikaw ay sugo ni Allāh. Nagtangi sa iyo si Allāh sa mensahe Niya at salita Niya higit sa mga tao. Mamagitan ka para sa amin sa Panginoon mo. Hindi ka ba nakakikita sa kung nasa ano kami? Kaya magsasabi siya: "Tunay na ang Panginoon ko ay nagalit nga ngayong araw ng isang pagkagalit na hindi Siya nagalit bago nito ng tulad nito at hindi Siya magagalit matapos nito ng tulad nito. Tunay na ako noon nga ay pumatay ng isang taong hindi ako inutusan ng pagpatay niyon. Ang sarili ko, ang sarili ko, ang sarili ko! Pumunta kayo sa iba sa akin. Pumunta kayo kay Jesus na Anak ni Maria." Kaya pupunta sila kay Jesus saka magsasabi sila: "O Jesus, ikaw ay sugo ni Allāh at salita Niya na ipinarating Niya kay Maria, at isang espiritu na mula sa Kanya. Nakipag-usap ka sa mga tao habang nasa lampin na isang paslit. Mamagitan ka para sa amin sa Panginoon mo. Hindi ka ba nakakikita sa kung nasa ano kami? Kaya magsasabi si Jesus: "Tunay na ang Panginoon ko ay nagalit nga ngayong araw ng isang pagkagalit na hindi Siya nagalit bago nito ng tulad nito kailanman at hindi Siya magagalit matapos nito ng tulad nito." Hindi siya bumanggit ng isang pagkakasala. "Ang sarili ko, ang sarili ko, ang sarili ko! Pumunta kayo sa iba sa akin. Pumunta kayo kay Muḥammad." Kaya pupunta sila kay Muḥammad saka magsasabi sila: "O Muḥammad, ikaw ay Sugo ni Allāh at Pangwakas ng mga propeta. Nagpatawad nga si Allāh sa iyo ng nauna sa pagkakasala mo at nahuli. Mamagitan ka para sa amin sa Panginoon mo. Hindi ka ba nakakikita sa kung nasa ano kami? Kaya lilisan ako saka pupunta ako sa ilalim ng trono saka babagsak ako na nagpapatirapa sa harap ng Panginoon ko (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan). "Tunay na ang Panginoon ko ay nagalit nga ngayong araw ng isang pagkagalit na hindi Siya nagalit bago nito ng tulad nito kailanman at hindi Siya magagalit matapos nito ng tulad nito. Pagkatapos magbubukas si Allāh sa akin mula sa mga papuri sa Kanya at kagandahan ng pagbubunyi sa Kanya ng isang bagay, na hindi Siya nagbukas nito sa isa bago ko. Pagkatapos sasabihin: 'O Muḥammad, mag-angat ka ng ulo mo. Humiling ka, maibibigay sa iyo. Mamagitan ka, pamamagitanin ka.' Kaya mag-aangat ako ng ulo ko saka magsasabi ako: 'Ang Kalipunan ko, O Panginoon ko; ang Kalipunan ko, O Panginoon ko; ang Kalipunan ko, O Panginoon ko.' Kaya sasabihin: 'O Muḥammad, magpasok ka mula sa Kalipunan mo ng mga walang pagtutuos sa kanila mula sa kanang pintuan mula sa mga pintuan ng Paraiso at sila ay mga katambal ng mga tao sa iba roon na mga pintuan.'" Pagkatapos nagsabi siya: "Sumpa man sa Kanya na ang kaluluwa ko ay nasa kamay Niya, tunay na ang magkabilang pansara kabilang sa mga pansara ng Paraiso ay gaya ng sa pagitan ng Makkah at Ḥimyar" – o – "gaya ng sa pagitan ng Makkah at Buṣrā."
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoAng Propeta minsan (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay kasama ng mga Kasamahan niya sa isang paanyaya sa pagkain. Naghain sa kanya ng bisig ng tupa, pinakanaiibigan sa karne nito sa kanya. Kumagat siya mula rito ng isang kagat sa mga gilid ng mga ngipin niya pagkatapos nagsalita siya sapagkat nagsabi siya: "Ako ay ang pinuno ng mga tao sa Araw ng Pagbangon." Iyon ay bilang pagsasalita hinggil sa biyaya ni Allah (t). Pagkatapos nagsabi siya: "Nakaaalam ba kayo mula saan iyon? Nagsabi siya: Dahil ang mga tao ay titipunin sa Araw ng Pagbangon sa isang lupaing malapad na patag na pinalawak sa isang pagpapalawak. Ang mga naroon ay pariringgan ng tagatawag at lilibutan ng tagatingin: walang makukubli sa kanya mula sa kanila na anuman. Dahil sa kapatagan ng lupa, walang maipantatakip ang isa sa mga tagatingin. Manunuot sa kanila ang paningin. Nangangahulugan ito na kung sakaling nagsalita ang tao, maririnig siya ng iba pa at ang paningin ay makakikita sa kanila. Lalapit ang araw mula sa mga nilikha sa layong isang milya at hahabol sa kanila mula sa dalamhati at pighati ang hindi nila makakakaya at hindi nila mababata kaya hihiling sila ng kaligtasan sa pamamagitan ng Pamamagitan." Magpapahiwatig si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) sa mga alagad ng pananampalataya na pumunta kay Adan, ang ama ng tao. Kaya pupunta sila sa kanya at babanggit sila ng kainaman niya nang harinawa siya ay mamagitan para sa kanila sa harap ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan). Magsasabi sila sa kanya: "Ikaw si Adan, ang ama ng tao. Lumikha sa iyo si Allāh sa pamamagitan ng kamay Niya. Ipinatirapa Niya sa harap mo ang mga anghel niya. Nagturo Siya sa iyo ng mga pangalan ng bawat bagay. Umiihip Siya sa iyo mula sa espiritu Niya." Magdadahilan siya at magsasabi siya: "Tunay na ang Panginoon ko ay nagalit ngayong araw ng isang pagkagalit na hindi Siya nagalit bago nito ng tulad nito at hindi Siya magagalit matapos nito ng tulad nito."Pagkatapos bumanggit siya ng kamalian niya. Ito ay na si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya) ay sumaway sa akin laban sa punong-kahoy saka sumuway na kanya laban sa pagkain mula sa isang punong-kahoy ngunit kumain siya. Magsasabi siya: "Ang sarili ko ay ang karapat-dapat na pamagitanan! Pumunta kayo sa iba sa akin. Pumunta kayo kay Noe." Kaya pupunta sila kay Noe at magsasabi sila: "Ikaw ay kauna-unahang sugo na isinugo ni Allāh sa mga naninirahan sa lupa at na si Allāh ay tumawag sa iyo bilang lingkod na mapagpasalamat." Subalit siya ay magdadahilan na si Allāh ay nagalit ngayong araw ng isang pagkagalit na hindi Siya nagalit bago nito ng tulad nito at hindi Siya magagalit matapos nito ng tulad nito. Tunay na siya ay nagkaroon nga ng isang panalanging ipinalangin niya laban sa mga kababayan niya. Magsasabi siya: "Ang sarili ko ay ang karapat-dapat na pamagitanan! Pumunta kayo sa iba sa akin. Pumunta kayo kay Abraham." Kaya pupunta sila kay Abraham saka magsasabi sila: "Ikaw ay matalik na kaibigan ni Allāh sa mga naninirahan sa lupa. Mamagitan ka para sa amin sa Panginoon mo. Hindi ka ba nakakikita sa kung nasa ano kami?" Kaya magsasabi siya: "Tunay na ang Panginoon ko ay nagalit nga ngayong araw ng isang pagkagalit na hindi Siya nagalit bago nito ng tulad nito at hindi Siya magagalit matapos nito ng tulad nito. Tunay na ako noon nga ay nagsinungaling ng tatlong pagsisinungaling." Ito ay ang sabi niya: "Tunay na ako ay maysakit", ang sabi niya: "Gumawa nito ang malaki nilang ito", at ang sabi niya sa maybahay niyang si Sara: "Magpabatid ka sa kanya na ako ay kapatid mo" upang maligtas sa kasamaan niyon. Ang totoo ay na ang tatlong pangungusap ay kabilang lamang sa mga panukala ng pagsasalita subalit yayamang ang anyo ng mga ito ay anyo ng pagsisinungaling, nabagabag siya sa mga ito dala ng pagmamaliit sa sarili niya para sa Pamamagitan dahil ang sinumang naging higit na nakakikilala kay Allāh at higit na malapit sa katayuan, siya ay higit na malaki sa pangamba. Magsasabi siya: "Ang sarili ko ay ang karapat-dapat na pamagitanan! Pumunta kayo sa iba sa akin. Pumunta kayo kay Moises." Kaya pupunta sila kay Moises saka magsasabi sila: "O Moises, ikaw ay sugo ni Allāh. Nagtangi sa iyo si Allāh sa mensahe Niya at salita Niya higit sa mga tao. Mamagitan ka para sa amin sa Panginoon mo. Hindi ka ba nakakikita sa kung nasa ano kami? Kaya magsasabi siya: "Tunay na ang Panginoon ko ay nagalit nga ngayong araw ng isang pagkagalit na hindi Siya nagalit bago nito ng tulad nito at hindi Siya magagalit matapos nito ng tulad nito. Tunay na ako ay pumatay nga ng isang taong hindi ako inutusan ng pagpatay niyon. Ang sarili ko ay ang karapat-dapat na pamagitanan! Pumunta kayo sa iba sa akin. Pumunta kayo kay Jesus na Anak ni Maria." Kaya pupunta sila kay Jesus saka magsasabi sila: "O Jesus, ikaw ay sugo ni Allāh at salita Niya na ipinarating Niya kay Maria, at isang espiritu na mula sa Kanya. Nakipag-usap ka sa mga tao habang nasa lampin na isang paslit. Mamagitan ka para sa amin sa Panginoon mo. Hindi ka ba nakakikita sa kung nasa ano kami? Kaya magsasabi siya: "Tunay na ang Panginoon ko ay nagalit nga ngayong araw ng isang pagkagalit na hindi Siya nagalit bago nito ng tulad nito kailanman at hindi Siya magagalit matapos nito ng tulad nito." Hindi siya bumanggit ng isang pagkakasala. Ang sarili ko ay ang karapat-dapat na pamagitanan! Pumunta kayo sa iba sa akin. Pumunta kayo kay Muḥammad." Kaya pupunta sila kay Muḥammad saka magsasabi sila: "O Muḥammad, ikaw ay Sugo ni Allāh at Pangwakas ng mga propeta. Nagpatawad nga si Allāh sa iyo ng nauna sa pagkakasala mo at nahuli. Mamagitan ka para sa amin sa Panginoon mo. Hindi ka ba nakakikita sa kung nasa ano kami?" [Magsasabi siya:] "Kaya lilisan ako saka pupunta ako sa ilalim ng trono saka babagsak ako na nagpapatirapa sa harap ng Panginoon ko (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan). Pagkatapos magbubukas si Allāh sa akin mula sa mga papuri sa Kanya at kagandahan ng pagbubunyi sa Kanya ng isang bagay, na hindi Siya nagbukas nito sa isa bago ko. Pagkatapos sasabihin: 'O Muḥammad, mag-angat ka ng ulo mo. Humiling ka, maibibigay sa iyo. Mamagitan ka, pamamagitanin ka.' Kaya mag-aangat ako ng ulo ko saka magsasabi ako: 'Ang Kalipunan ko, O Panginoon ko; ang Kalipunan ko, O Panginoon ko; ang Kalipunan ko, O Panginoon ko.'" Kaya tatanggapin ang Pamamagitan niya. Kaya sasabihin: "O Muḥammad, magpasok ka mula sa Kalipunan mo ng mga walang pagtutuos sa kanila mula sa kanang pintuan mula sa mga pintuan ng Paraiso at sila ay mga katambal ng mga tao sa iba roon na mga pintuan." Pagkatapos nagsabi siya: "Sumpa man sa Kanya na ang kaluluwa ko ay nasa kamay Niya, tunay na ang magkabilang pansara kabilang sa mga pansara ng Paraiso ay gaya ng sa pagitan ng Makkah at Sanaa sa Yemen" – o – "gaya ng sa pagitan ng Makkah at Buṣrā sa Sirya, ang lungsod ng Ḥawrān.
ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Isinumpa ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ang lalaking nagsusuot ng kasuutan ng babae at ang babaing nagsusuot ng kasuutan ng lalaki.}
Nagsalaysay nito sina Imām An-Nasā’īy sa Al-Kubrā, Imām Ibnu Mājah ayon sa kahulugan niyon, at Imām Aḥmad{Dumalangin ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng pagtaboy at pagpapalayo mula sa awa ni Allāh para sa bawat lalaking nagpapakawangis sa babae sa mga kasuutang natatangi sa mga babae, maging sa anyo o kulay o moda o pamamaraan ng pagsuot o gayak o iba pa roon; o na magpakawangis ang babae sa kasuutang natatangi sa mga lalaki gayundin. Ito ay isang malaking kasalanan kabilang sa malalaki sa mga pagkakasala.
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na ang kauna-unahang pangkat na papasok sa Paraiso ay nasa anyo ng buwan sa gabi ng kabilugan, pagkatapos ang mga susunod sa kanila ay nasa pinakamatinding talang malaperlas sa langit sa pagliliwanag. Hindi sila iihi, hindi sila dudumi, hindi sila dudura, at hindi sila sisinga. Ang mga suklay nila ay ang ginto. Ang pawis nila ay ang musk. Ang mga insensaryo nila ay ang lapnisang anjūj, ang sandalo ng pabango. Ang mga asawa nila ay ang mga dilag na may maniningning na mata. Sa pagkalikha sa iisang lalaki sila, sa larawan ng ama nilang si Adan, sa animnapung siko sa langit (ang tangkad)."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang kauna-unahang grupo ng mga mananampalataya na papasok sa Paraiso ay may mga mukha sila na nasa anyo ng buwan sa gabi ng kabilugan sa pagliliwanag, pagkatapos ang mga susunod sa kanila ay nasa pinakamatinding talang malaperlas sa langit sa pagliliwanag. Taglay nila ang mga paglalarawan ng kalubusan yayamang hindi sila iihi, hindi sila dudumi, hindi sila dudura, at hindi sila sisinga. Ang mga suklay nila ay ginto. Ang pawis nila ay musk. Ang mga insensaryo nila ay naghahalimuyak ng pinakamabangong pabango at pinakadalisay na insenso. Ang mga asawa nila ay ang mga dilag na may maniningning na mata. Ang pagkalikha sa kanila ay ayon sa pagkakalikha sa iisang lalaki sa larawan ng ama nilang si Adan sa tangkad at pagmumukha, na ang tangkad ng katawan niya ay animnapung siko sa langit.
Ayon kay `Ubādah bin Aṣ-Ṣāmit (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Sa Paraiso ay may isandaang antas, na ang pagitan ng bawat dalawang antas ay gaya ng pagitan ng langit sa lupa. Ang Firdaws ay ang pinakamataas sa mga ito sa antas at mula rito pinabubulwak ang apat na ilog ng Paraiso at mula sa itaas nito ay ang Trono. Kaya kapag humiling kayo kay Allāh, hilingin ninyo sa Kanya ang Firdaws."}
Nagsalaysay nito si Imām At-TirmidhīyNagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na sa Paraiso ay may isandaang antas at katayuan, na ang pagitan ng bawat dalawang antas na distansiya ay gaya ng pagitan ng langit sa lupa. Ang pinakamataas sa mga paraisong ito ay ang Paraiso ng Firdaws. Mula rito pinabubulwak ang apat na ilog ng Paraiso at mula sa itaas ng Firdaws ay ang Trono. Kaya kapag humiling kayo kay Allāh, hilingin ninyo sa Kanya ang Firdaws yayamang ito ay nasa ibabaw ng lahat ng mga paraiso.
Ayon kay Al-Mughīrah bin Shu`bah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "May hindi matitigil na isang pangkating kabilang sa Kalipunan ko na mga nangingibabaw hanggang sa dumating sa kanila ang utos ni Allāh habang sila ay mga nangingibabaw."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na may hindi matitigil na mga taong kabilang sa Kalipunan ko na mga nangingibabaw sa mga tao, na mga nananaig laban sa sinumang sumalungat sa kanila. Ito ay hanggang sa dumating sa kanila ang utos ni Allāh ng pagkuha sa mga kaluluwa nila sa wakas ng panahon ng Mundo bago ng pagsapit ng Huling Sandali.
Ayon sa Anak ni `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang alinmang taong nagsabi sa kapatid niya: Ikaw ay Kāfir, nagindapat nga roon ang isa sa dalawa. Kung ito ay gaya ng sinabi niya, ukol iyon dito; at kung hindi naman, babalik iyon sa kanya."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNagbigay-babala ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na magsabi ang Muslim sa kapatid niyang Muslim: O Kāfir, naging karapat-dapat sa salitang Kufr (Kawalang-pananampalataya) ang isa sa kanilang dalawa. Kung ito ay gaya ng sinabi niya, ukol iyon dito; at kung hindi naman, babalik sa nagsabi ang pagpaparatang niya ng kawalang-pananampalataya sa kapatid niya.