





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allah sa kanya: "Si Umm Ar-Rabī` bint Al-Barrā`, ang ina ni Ḥārithah na anak ni Surāqah, ay pumunta sa Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, at nagsabi: O Sugo ni Allah, hindi mo ba ako kukuwentuhan ng tungkol kay Ḥārithah - na napatay noon Araw ng Badr; kung siya ay nasa Paraiso, matitiis ko; at kung siya ay hindi gayon, magpupunyagi ako dahil sa kanya sa pag-iyak. Nagsabi siya: O ina ni Ḥārithah, tunay na may mga paraiso sa Paraiso at tunay na ang anak mo ay nagkamit ng Kataas-taasang Firdaws."
Isinaysay ito ni Imām Al-BukhārīyAng kahulugan ng Hadith;Tunay na si ni Ḥārithah na anak ni Surāqah, malugod si Allah sa kanya-siya ay namatay sa araw ng Badr dahil sa palaso na ligaw na hindi alam ang pinanggalingan nito,Dumating ang ina niya sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-nagtatanong sa kanya tungkol sa lagay niya,at natakot siya na hindi siya mapabilang sa mga Martir,Dahil napatay siya sa paghahagis na hindi [siya ang] sadya,at hindi rin kabilang sa mga dumalo sa paghihimagsik,Ayon sa naging hayag sa Hadith:" At siya ay napatay sa Araw ng Badr,tinamaan siya ng palaso na ligaw"ibig sabihin ay: Hindi alam ang naghagis nito,o hindi alam kung saan ito nanggaling. At sa salaysay ni Imam Ahmad at Imam An-Nisa-ie;Ayon kay Anas-malugod si Allah sa kanya-" Tunay na si Harithah ay lumabas na Manlalantaw [ibig sabihin ay;kabilang sa nakiusap sa mataas na lugar na tumitingin sa mga kaaway,at magbabalita sa mga kalagayan nila] tumama sa kanya ang palaso at napatay siya nito,"Dahil dito ay sinabi niya-malugod si Allah sa kanya-" kung siya ay nasa Paraiso, matitiis ko"ibig sabihin ay,magtitiis ako sa pagkawala niya,at hihilingin ko ang gantimpala mula kay Allah,na may kasiyahan sa pagkamatay niya sa daan ni Allah,at pagtagumpay niya sa pagiging Martir."at kung siya ay hindi gayon, magpupunyagi ako dahil sa kanya sa pag-iyak." dahil nawala siya sa akin,at nawala ang buhay niya na walang katuturan."Nagsabi siya: O ina ni Ḥārithah, tunay na may mga paraiso " ibig sabihin ay araming Paraiso,Tulad ng naisalaysay na hayag sa salaysay ni Imam Al-Bukhari " Nag-iisang Paraiso ba ito" Ito ay maraming Paraiso, at tunay na siya ay nagkamit ng Kataas-taasang Firdaws." at ang tinutukoy dito ay;lugar na nakatalaga sa Paraiso.ito ang pinakamainam nito at pianakamataas nito.Kung-kaya`t sinabi niya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Kapag humiling kayo kay Allah,Hilingin ninyo ang Fidaws,sapagkat ito ay gitna ng Paraiso at pinakamataas na Paraiso,sa taas nito ay Arash [Kaharian ni Allah] ang Mahabagin,at dito ay nagsisidaloy ang mga ilog ng Paraiso"At ang kahulugan ng Gitna ng Paraiso,ang pinakamganda nito at pinakamainam nito at pinakamalawak nito.
Mula kay Abu-hurayrah -Malugod ang Allah sa kanya- mula sa Propeta -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- ay nagsabi: ((Si Dawud -Sumakanya ang pangangalaga- ay hindi siya kakain kundi mula sa gawa ng kanyang kamay)). At mula kay Almiqdam Bin Maad Yakrib -Malugod ang Allah sa kanya- mula sa Propeta -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- ay nagsabi: ((Hindi kailanman nakakain ng maganda ang isang tao kaysa sa kakain siya mula sa gawa ng kanyang kamay, at katotohanan ang Propeta ng Allah si Dawud -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- ay kakain siya mula sa gawa ng kanyang kamay)).
Isinaysay ito ni Imām Al-BukhārīyIpinaalam sa atin ng Propeta -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- na si Dawud -Sumakanya ang pangangalaga- ay hindi kakain kundi mula sa gawa ng kanyang kamay at Siya -Sumakanya ang pangangalaga- ay maalam na manggagawa mahusay sa paggawa ng panangga at iba pa sa kanya mula sa kagamitan ng pakikibaka; kapagka ang mga Propeta ng Allah -Pagpalain sila ni Allah at pangalagaan-: kakain sila mula sa gawa ng kanilang kamay, mula sa paggawa o pagtanim o pag-alaga ng mga hayop o iba pa man doon mula sa mga gawain, sa ganon ang mga mababa sa kanila ay mas karapat-dapat na gagawa ng ganoong gawain; ng sa ganon mapigilan nila ang kanilang mukha mula sa paghingi sa mga tao.
Ayon kay Ibn Mas-ud -malugod si Allah sa kanya- siya ay nagsabi: Kasama namin ang Sugo ni Allah -pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- sa isang toga na malapit sa bilang na Apat-napu, Nagsabi siya: ((Nasisiyahan ba kayo na makabilang kayo sa ika-apat na bahagi ng tao sa Paraiso?)) Sinabi namin: Oo, Nagsabi siya:((Nasisiyahan ba kayo na makabilang kayo sa ika-tatlong bahagi ng Tao sa Paraiso?)) Sinabi namin: Oo, Nagsabi siya: ((Sumpa kay Allah sa sarili ni Muhammad na nasa kamay Niya, Hinihiling ko kay Allah na magiging kalahati kayo ng mga taong taga paraiso, Walang makakapasok dito maliban sa kaluluwang Muslim, At wala kayo sa mga taong nagtatambal, maliban sa katulad ng buhok na puti sa balat ng toro na itim, o katulad ng buhok na itim sa balat ng toro na pula)).
Napagkaisahan ang katumpakanUmupo ang Propeta -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- kasama ang mga kasamahan niya sa isang maliit na Toga, at sila ay nasa malapit na bilang na apat-napu na kalalakihan,Tinanong niya sila -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- ((Nasisiyahan ba kayo na maging sangkapat na bahagi ng tao sa Paraiso?)) Sinabi namin: Oo, Nagsabi siya: ((Nasisiyahan ba kayo na maging sangkatlo na bahagi ng tao sa Paraiso?)) Sinabi namin: Oo, At Sumumpa ang Propeta -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- sa panginoon niya,at pagkatapos ay nagsabi siya; Hinihiling ko kay Allah na kayo'y magiging kalahati ng mga taong taga paraiso, at ang ibang kalahati ay para sa nalalabing henerasyon,sapagkat ang Paraiso ay walang nakakapasok dito maliban sa Muslim, At walang makakapasok dito na Kafer o hindi mananampalataya, at wala kayo sa mga taong nagtatambal mula sa nalalabing henerasyon kundi napakaliit na bagay lamang, na katulad ng isang buhok kakaiba ang kulay na nasa balat ng toro na punung-puno ng buhok."
Ayon kay Abū Mūsā Al-Ash`arīy (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Ang sinumang nagdala laban sa atin ng sandata ay hindi kabilang sa atin."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNagbibigay-babala ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa pagdadala ng sandata laban sa mga Muslim para sa pagpapangamba sa kanila o pagdambong sa kanila. Kaya ang sinumang gumawa niyon nang walang karapatan, nakagawa nga siya ng isang malaking krimen at isang malaking kasalanan kabilang sa malalaki sa mga pagkakasala at naging karapat-dapat nga siya sa matinding bantang ito.
Ayon kay `Umar (malugod si Allāh sa kanya): {Siya ay dumating sa Batong Itim saka humalik dito saka nagsabi: "Tunay na ako ay nakaaalam na ikaw ay isang batong hindi nakapipinsala at hindi nagpapakinabang. Kung sakaling hindi ako nakakita sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na humahalik sa iyo, hindi ako hahalik sa iyo."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoDumating ang Pinuno ng mga Mananampalataya na si `Umar bin Al-Khaṭṭāb (malugod si Allāh sa kanya) sa Batong Itim sa panulukan ng Ka`bah saka humalik siya rito saka nagsabi: "Tunay na ako ay nakaaalam na ikaw ay isang batong hindi nakapipinsala at hindi nagpapakinabang. Kung sakaling hindi ako nakakita sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na humahalik sa iyo, hindi ako hahalik sa iyo."
Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Kapag nailagay [sa langkayan] ang ililibing at pumasan nito ang mga lalaki sa mga balikat nila saka kung ito ay naging maayos, magsasabi ito: 'Magsulong kayo sa akin.' Kung ito naman ay naging hindi maayos, magsasabi ito: 'Kapighatian dito! Saan sila magdadala nito?' Nakaririnig ng tinig nito ang bawat bagay maliban sa tao; at kung sakaling nakarinig siya nito, hinimatay sana siya."}
Nagsalaysay nito si Imām Al-BukhārīyNagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na kapag nailagay sa langkayan ang ililibing at pumasan nito ang mga lalaki sa mga balikat nila saka kung ito ay naging maayos, magsasabi ito: "Magsulong kayo sa akin." Ito ay dahil sa kinikinita nito sa harapan nito na kaginhawahan. Kung ito naman ay naging hindi maayos, sisigaw ito sa isang tinig na nakasasama: "O kapahamakan nito! Saan sila magdadala nito?" Ito ay dahil sa kinikinita nito sa harapan nito na pagdurusa. Nakaririnig ng tinig nito ang bawat bagay maliban sa tao; at kung sakaling nakarinig siya nito, talagang nawala sana sa kanya ang ulirat dahil sa tindi ng naririnig niya.
Ayon kay Al-Miqdād bin Al-Aswad (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Ilalapit ang araw sa Araw ng Pagbangon mula sa nilikha hanggang mayroon sa kanila na gaya ng sukat ng [layo na] isang milya." Nagsabi si Sulaym bin `Āmir: "Kaya sumpa man kay Allāh, hindi ako nakaaalam kung ano ang tinutukoy niya ng milya. Ang distansiya ng lupa ba o ang patpat na ipinangkukulay ng kohl sa mata?" Nagsabi siya: "Ang mga tao ay magiging ayon sa sukat ng mga gawain nila [nakalubog] sa pawis. Mayroon sa kanila na magiging hanggang sa mga bukungbukong niya. Mayroon sa kanila na magiging hanggang sa mga tuhod niya. Mayroon sa kanila na magiging hanggang sa mga baywang niya. Mayroon sa kanila na rerendahan ng pawis sa isang pagrerenda." Nagsabi siya: "Tumuro ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng kamay niya sa bibig niya."}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimNagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang araw ay ilalapit sa Araw ng Pagbangon mula sa nilikha at palalapitin ito hanggang sa mula sa mga ulo nila ay maging gaya ng sukat ng [layo na] isang milya. Nagsabi ang Tagasunod na si Sulaym bin `Āmir: "Kaya sumpa man kay Allāh, hindi ako nakaaalam sa alin sa dalawang milya tumutukoy siya. Ang distansiya ng lupa ba o ang patpat na ipinangkukulay ng kohl sa mata?" Nagsabi siya: "Kaya sila sa pawis ay magiging ayon sa sukat ng mga gawain nila [nakalubog]. Mayroon sa kanila na magiging hanggang sa mga bukungbukong niya. Mayroon sa kanila na magiging hanggang sa mga tuhod niya. Mayroon sa kanila na magiging hanggang sa mga baywang niya at pinaghihigpitan ng tapis niya. Mayroon sa kanila na aabot ang pawis hanggang sa bibig niya kaya pipigil ito sa kanya sa pagsasalita." Nagsabi siya: "Tumuro siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng kamay niya sa bibig niya."
Ayon kay Abū Bardah bin Abī Mūsā (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Dumanas si Abū Mūsā ng isang matinding sakit kaya hinimatay siya habang ang ulo niya ay nasa kandungan ng isang babae kabilang sa mag-anak niya ngunit hindi siya nakakaya na tumugon dito ng anuman. Noong nagkamalay siya, nagsabi siya: "Ako ay walang-kaugnayan sa sinumang nagwalang-kaugnayan doon ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Tunay na ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagwalang-kaugnayan sa Sāliqah, Ḥāliqah, at Shāqqah."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNagkuwento si Abū Bardah (malugod si Allāh sa kanya) na ang ama niyang si Abū Mūsā Al-Ash`arīy (malugod si Allāh sa kanya) ay nagkasakit ng isang matinding pagkakasakit habang ang ulo niya ay nasa kandungan ng isang babae kabilang sa mag-anak niya saka humiyaw ito at nanaghoy ito sa kanya ngunit hindi siya nakakaya na tumugon dito ng anuman dahil sa pagkahimatay niya. Noong nagkamalay siya, nagsabi siya na tunay na siya ay walang-kaugnayan sa sinumang nagwalang-kaugnayan doon ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Tunay na ang Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagwalang-kaugnayan nga sa sumusunod: Ang Sāliqah: ang babaing nagtataas ng tinig sa sandali ng kasawiang-palad; Ang Ḥāliqah: ang babaing nag-aahit ng buhok niya sa sandali ng kasawiang-palad; Ang Shāqqah: Ang babae na pumupunit ng kasuutan niya sa sandali ng kasawiang-palad. Dahil ang mga ito ay mga gawain ng Panahon ng Kamangmangan; bagkus nag-utos siya ng pagtitiis sa sandali ng mga kasawiang-palad at pag-asa kay Allāh ng gantimpala sa pagtitiis dito.
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: {"Ang karapatan ng Muslim sa kapwa Muslim ay anim." Sinabi: "Ano po ang mga ito, O Sugo ni Allāh?" Nagsabi siya: "Kapag nakitagpo ka sa kanya, bumati ka sa kanya; kapag nag-anyaya siya sa iyo, tumugon ka sa kanya; kapag humingi siya ng payo sa iyo, magpayo ka sa kanya; kapag bumahin siya saka nagpuri siya kay Allāh, magsabi ka sa kanya ng tasmīt; kapag nagkasakit siya, dumalaw ka sa kanya; at kapag namatay siya, makipaglibing ka sa kanya."}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimNaglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na bahagi ng karapatan ng Muslim sa kapwa niyang Muslim ay anim na kakanyahan: Una. Babati siya rito kapag nakitagpo siya rito sa pamamagitan ng pagsabi ng: "Assalāmu `alaykum (Ang kapayapaan ay sumainyo)" at ito naman ay tutugon ng pagbati sa pamamagitan ng pagsabi ng: "Wa-`alaykumu -ssalām (At sumainyo ang kapayapaan)." Ikalawa. Ang pagtugon sa paanyaya nito kapag nag-anyaya ito sa kanya sa isang piging at iba pa roon. Ikatlo. Ang pagpapayo rito kapag humiling ito niyon at huwag mo siyang bolahin o dayain. Ikaapat. Kapag bumahin siya saka nagsabi siya ng: "Alḥamdu lillāh (Kaawaan ka ni Allāh)" magsabi ka sa kanya ng tashmīt sa pamamagitan ng pagsabi ng: "Yarḥamuka -llāh (Kaawaan ka ni Allāh)" at siya naman ay tutugon, na nagsasabi: "Yahdīkum -llāhu wa-yuṣliḥu bālakum (Patnubayan kayo ni Allāh at isaayos Niya ang lagay ninyo)." Ikalima. Dadalawin niya ito at bibisitahin kapag nagkasakit ito. Ikaanim. Dadasalin niya ito kapag namatay ito at dadaluhan niya ang libing nito hanggang sa mailibing ito.