





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay Jundub bin `Abdillāh Al-Qasrīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nagdasal ng dasal sa madaling-araw, siya ay nasa pangangalaga ni Allāh. Kaya huwag ngang magpapanagot sa inyo si Allāh ng anuman dahil sa pangangalaga Niya sapagkat tunay na ang sinumang pinanagot Niya ng anuman dahil sa pangangalaga Niya ay makaabot Siya rito, pagkatapos magsusubsob Siya rito ng mukha nito sa apoy ng Impiyerno."}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimNagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang nagdasal sa madaling-araw (fajr), siya ay nasa pag-iingat ni Allāh, pagbabantay Nito, at pangangalaga Nito. Magtatanggol si Allāh sa kanya at mag-aadya sa kanya. Pagkatapos nagbigay-babala ang Propeta (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) laban sa pagsira sa kasunduang ito at pagpapawalang-saysay rito sa pamamagitan ng pagwaksi sa ṣalāh sa madaling-araw o ng pagharang sa magdarasal nito at ng pangangaway rito. Tunay na ang sinumang gumawa niyon, sumira nga siya sa pangangalagang ito at naging karapat-dapat nga siya sa matinding banta sa pamamagitan ng pagpapanagot ni Allāh sa kanya dahil sa pagpapabaya niya sa karapatan Nito. Ang sinumang pananagutin ni Allāh ay makaaabot Siya rito, pagkatapos magtatapon Siya rito pasubsob ng mukha nito sa Impiyerno.
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Walang naibawas ang isang kawanggawa mula sa yaman. Walang naidagdag si Allāh sa isang tao dahil sa pagpapaumanhin kundi karangalan. Walang nagpakumbabang isa man kay Allāh malibang nag-angat sa kanya si Allāh."}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimNaglilinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang kawanggawa ay hindi bumabawas sa yaman, bagkus itinutulak nito palayo roon ang mga salot. Nagtutumbas si Allāh sa tagapagbigay nito ng sukdulang kabutihan, kaya naman ito ay nagiging isang karagdagan hindi kabawasan. Walang naidagdag ang paumanhin sa kabila ng kakayahan sa paghihiganti o pagpapanagot sa maysala kundi lakas at karangalan. Walang nagpakumbaba at nagpakaabang isa man alang-alang sa ikalulugod ng mukha ni Allāh – hindi dala ng pangamba sa isa man, hindi dala ng simpatiya doon, at hindi dala ng paghiling ng pakinabang mula roon – malibang ang ganti sa kanya ay ang kataasan at ang karangalan.
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang pinakalubos sa mga mananampalataya sa pananampalataya ay ang pinakamaganda sa kanila sa kaasalan. ِAng pinakamabuti sa inyo ay ang pinakamabuti sa inyo sa mga kababaihan nila."}
Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, at Imām AḥmadNagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang pinakalubos sa mga tao sa pananampalataya ay ang sinumang gumanda ang kaasalan niya. Iyon ay sa pamamagitan ng kaaliwalasan ng mukha, pagkakaloob ng nakabubuti, kagandahan ng pagsasalita, at pagpipigil ng perhuwisyo. Ang pinakamabuti sa mga mananampalataya ay ang pinakamabuti sa kanila sa mga kababaihan nila gaya ng maybahay niya, mga babaing anak niya, mga babaing kapatid niya, at mga babaing kamag-anak niya dahil sila ay kabilang sa pinakamarapat sa mga tao sa kagandahan ng kaasalan.
Ayon kay `Abdullāh bin `Amr (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Ang Mundo ay natatamasa at ang pinakamabuti sa natatamasa sa Mundo ay ang babaing maayos."}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimNagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang Mundo kalakip ng anumang narito ay bagay lamang na tinatamasa sa isang bahagi ng panahon, pagkatapos maglalaho ito. Ang pinakamainam na natatamasa rito ng tao ay ang maayos na maybahay, na kapag tumingin siya rito ay nagpapagalak ito sa kanya, kapag nag-utos siya rito ay tumatalima ito sa kanya, at kapag lumiban siya rito ay nag-iingat ito sa kanya ng sarili nito at ari-arian niya.
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Nagsabi si Allāh: Gumugol ka, O anak ni Adan, gugugol Ako sa iyo."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na si Allāh (napakamapagpala Siya at napakataas) ay nagsabi: "Gumugol ka, O anak ni Adan – ng mga guguling kinakailangan at isinakaibig-ibig – magpapaluwag Ako sa iyo, magbibigay Ako sa iyo ng panumbas para roon, at magpapala Ako sa iyo roon."
Ayon kay `Uqbah bin `Āmir (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang pinakakarapat-dapat sa mga kundisyon na tuparin ninyo ay ang isinapahintulot ninyo dahil dito ang pakikipagtalik."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNaglilinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang higit na marapat sa mga kundisyon sa pagtupad ay ang anumang naging isang kadahilanan sa pagkapahintulot ng pagtatamasa sa babae. Ang mga ito ay ang mga kundisyong pinahihintulutan na hinihiling ng maybahay sa pagsasagawa ng kasal.
Ayon kay Abu Az-Zubayr (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Ang Anak ni Az-Zubayr ay nagsasabi noon sa bawat pagkatapos ng ṣalāh kapag nakapagsasagawa siya ng taslīm: "Lā ilāha illa –llāhu waḥdahu lā sharīka lah. Lahu –lmulku wa-lahu –lḥamd, wa-huwa `alā kulli shay'in qadīr. Lā ḥawla wa-lā qūwata illā bi-llāh. Lā ilāha illa –llāh, wa-lā na`budu illā iyyāh. Lahu –nni`matu wa-lahu –lfaḍlu wa-lahu –ththanā’u –lḥasan. Lā ilāha illa –llāhu mukhliṣīna lahu –ddīna wa-law kariha –lkāfirūn. (Walang Diyos kundi si Allāh — tanging Siya: walang katambal sa Kanya. Ukol sa Kanya ang paghahari at ukol sa Kanya ang papuri. Siya sa bawat bagay ay Makapangyarihan. Walang kapangyarihan at walang lakas kundi sa pamamagitan ni Allāh. Walang Diyos kundi si Allāh at wala kaming sinasamba kundi Siya. Ukol sa Kanya ang pagbibiyaya, ukol sa Kanya ang pagmamabuting-loob, at ukol sa Kanya ang magandang pagbubunyi. Walang Diyos kundi si Allāh. Bilang mga nagpapakawagas [kami] sa Kanya sa pagtalima, at kahit pa man masuklam ang mga tagatangging sumampalataya.)" Nagsabi siya: "Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay bumibigkas ng Lā ilāha illa –llāh (Walang Diyos kundi si Allāh) kalakip ng mga ito sa pagkatapos ng bawat ṣalāh."}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimAng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay dumadalangin matapos ng pagsasagawa niya ng taslīm ng bawat ṣalāh na isinatungkulin sa pamamagitan ng dakilang dhikr na ito: Ang "Lā ilāha illa –llāh (Walang Diyos kundi si Allāh)" ay nangangahulugang: Walang sinasamba ayon sa karapatan kundi si Allāh. Ang "waḥdahu lā sharīka lah (tanging Siya: walang katambal sa Kanya)" ay nangangahulugang: Tunay na walang nakikilahok sa Kanya sa pagkadiyos Niya, pagkapanginoon niya, at mga pangalan Niya at mga katangian Niya. Ang "Lahu –lmulku (Ukol sa Kanya ang paghahari)" ay nangangahulugang: Ukol sa kanya ang paghaharing walang-takda na pangkalahatan na sumasaklaw na malawak, na paghahari sa mga langit at lupa at anumang nasa pagitan ng mga ito. Ang "wa-lahu –lḥamd (at ukol sa Kanya ang papuri)" ay nangangahulugang: Siya ang nailalarawan sa kalubusang walang-takda, na pinapupurihan dahil sa kalubusan dala ng pag-ibig at pagdakila sa bawat kalagayan, sa kariwasaan at sa kariwaraan. Ang "huwa `alā kulli shay'in qadīr (Siya sa bawat bagay ay May-kakayahan" ay sapagkat ang kakayahan Niya ay lubos at ganap sa bawat punto, n walang nagpapawalang-kakayahan sa Kanya na isang anuman at walang nakapipigil sa Kanya na isang bagay kabilang sa mga bagay. Ang "Lā ḥawla wa-lā qūwata illā bi-llāh. (Walang kapangyarihan at walang lakas kundi sa pamamagitan ni Allāh.)" ay nangangahulugang: Walang pagpapalit-kalagayan mula sa isang kalagayan tungo sa isang kalagayan at mula sa pagsuway kay Allāh tungo sa pagtalima sa Kanya, at walang lakas kundi sa pamamagitan ni Allāh sapagkat Siya ang Tagatulong at sa Kanya ang saligan. Ang "Lā ilāha illa –llāh, wa-lā na`budu illā iyyāh." (Walang Diyos kundi si Allāh at wala kaming sinasamba kundi Siya.)" ay isang pagbibigay-diin sa kahulugan ng pagkadiyos at pagkakaila sa Shirk, at na walang naging karapat-dapat sa pagsamba kundi Siya. Ang "Lahu –nni`matu wa-lahu –lfaḍlu (Ukol sa Kanya ang pagbibiyaya, ukol sa Kanya ang pagmamabuting-loob,)" ay sapagkat Siya ay ang lumikha ng mga biyaya, nagmamay-ari ng mga ito, at nagmamagandang-loob ng mga ito sa sinumang niloloob Niya sa mga lingkod Niya. Ang "wa-lahu –ththanā’u –lḥasan. (at ukol sa Kanya ang magandang pagbubunyi.)": sa sarili Niya, mga katangian Niya, mga gawain Niya, mga biyaya Niya, at sa bawat kalagayan. Ang "Lā ilāha illa –llāhu mukhliṣīna lahu –ddīna (Walang Diyos kundi si Allāh. Bilang mga nagpapakawagas [kami] sa Kanya sa pagtalima,)" ay nangangahulugang: Bilang mga naniniwala sa Tawḥīd, hindi dala ng pakitang-tao at hindi dala ng parinig sa pagtalima kay Allāh. Ang "wa-law kariha –lkāfirūn. (at kahit pa man nasuklam ang mga tagatangging sumampalataya.)" ay nangangahulugang: bilang mga nagpapakatatag sa paniniwala sa kaisahan ni Allāh at pagsamba sa Kanya, kahit pa man nasuklam ang mga tagatangging sumampalataya.
Ayon sa Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Walang anumang mga araw na ang maayos na gawain sa mga iyon ay higit na kaibig-ibig kay Allāh kaysa sa mga araw na ito." Tumutukoy siya sa unang sampung araw [ng Dhulḥijjah]. Nagsabi sila: "O Sugo ni Allāh, ni ang pakikibaka sa landas ni Allāh?" Nagsabi siya: "Ni ang pakikibaka sa landas ni Allāh, maliban sa isang lalaking lumabas kalakip ng buhay niya at ari-arian niya saka hindi na bumalik mula roon na may anuman."}
Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy at Imām Abū Dāwud at ang pagkakasambit ay sa kanyaNaglilinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang maayos na gawain sa unang sampung araw ng buwan ng Dhulḥijjah ay higit na mainam kaysa sa nalalabi sa mga araw ng taon. Nagtanong ang mga Kasamahan (malugod si Allāh sa kanila) sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa pakikibaka sa iba pa sa sampung araw na ito kung ito ba ay higit na mainam o ang mga maayos na gawain sa mga araw na ito. Iyon ay dahil sa napagtibay sa ganang kanila na ang pakikibaka ay kabilang sa pinakamainam sa mga gawain. Kaya sumagot ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang maayos na gawain sa mga araw na ito ay higit na mainam kaysa sa pakikibaka sa mga ibang araw, maliban sa isang lalaking lumabas na nakikibaka at nagsuong ng sarili niya at yaman niya sa panganib alang-alang sa landas ni Allāh saka nawala ang yaman niya at ibinuwis ang kaluluwa niya alang-alang sa landas ni Allāh. Iyan ay ang nakalalamang sa maayos na gawain sa mga lamang na araw na ito.
Ayon kay Buraydah bin Al-Ḥuṣayb (malugod si Allāh sa kanya), siya ay nagsabi: {Magpakaaga kayo sa ṣalāh sa hapon sapagkat tunay na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Ang sinumang nagwaksi ng ṣalāh sa hapon, bumagsak nga ang gawa niya."}
Nagsalaysay nito si Imām Al-BukhārīyNagbigay-babala ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa pagpapahuli ng ṣalāh sa hapon nang lampas sa oras nito nang sinasadya at na ang sinumang gumawa niyon ay nawalang-saysay at nasira ang gawa niya at napunta sa wala.