Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way






























Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang nagsagawa ng wuḍū' kasabay ng pagsasaalang-alang sa mga sunnah ng wuḍū' at mga etiketa nito, iyon ay magiging kabilang sa mga kadahilanan ng pagtatakip-sala sa mga masagwang gawa at pagbaba ng mga kasalanan "hanggang sa lumabas" ang mga pagkakasala niya mula sa ilalim ng mga kuko ng mga kamay niya at mga paa niya.
Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na kapag gumugol ang lalaki sa mag-anak niya na inoobliga sa kanya ang paggugol sa kanila gaya ng maybahay niya, mga magulang niya, anak niya, at iba pa sa kanila, habang siya ay nagpapakalapit-loob sa pamamagitan niyon kay Allāh (napakataas Siya) at umaasa sa Kanya ng pabuya sa iginugugol niya, tunay na magkakaroon siya ng pabuya ng kawanggawa.
Sumuway ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa pag-ahit ng isang bahagi ng buhok ng ulo at pag-iwan sa ibang bahagi nito. Ang pagsaway ay pangkalahatan para sa mga lalaking nakababata at nakatatanda. Hinggil naman sa babae, hindi ukol sa kanya na mag-ahit ng buhok ng ulo niya.
Ipinapahayag sa atin ng Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa Hadith na ito ang isa sa mga kadahilanan ng kaparusahan sa libingan at ito ay higit na marami sa pangkaraniwan, ito ang hindi pag-iiwas at paglinis sa ihi.
Naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na si Allāh ay nag-utos sa kanya sa sandali ng pagsasagawa ng ṣalāh na magpatirapa siya sa pito sa mga bahagi ng katawan. Ang mga ito ay: Ang Unang Bahagi: Ang Noo. Ito ay ang pang-itaas ng mukha sa ibabaw ng ilong at mga mata. Tumuro ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng kamay niya sa ilong niya habang naglilinaw na ang noo at ang ilong ay iisang bahagi mula sa pitong bahagi at bilang pagbibigay-diin na ang nagpapatirapa ay magdidiit ng ilong niya sa lapag. Ang Ikalawa at ang Ikatlong Bahagi: Ang dalawang Kamay. Ang Ikaapat at ang Ikalimang Bahagi: Ang Dalawang Tuhod. Ang Ikaanim at ang Ikapitong Bahagi: Ang mga daliri ng dalawang Paa. Nag-utos siya sa atin na hindi tayo magtali ng mga buhok natin o magbungkos ng mga kasuutan natin sa isang bahagi nito sa iba pang bahagi sa sandali ng pagpapatirapa sa lapag bilang pangangalaga sa mga ito; bagkus maglulugay tayo ng mga ito hanggang sa sumayad sa lapag para magpatirapa kasama ng mga bahaging ipinampapatirapa.
Ang Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nananalangin sa pagitan ng dalawang pagkakapatirapa sa ṣalāh niya ng limang panalanging ito na nangangailangan ang Muslim sa mga ito nang isang mabigat na pangangailangan. Naglaman ang mga ito ng kabutihan sa Mundo at kabutihan sa Kabilang-buhay gaya ng paghingi ng kapatawaran; pagtakip sa mga pagkakasala at pagpapalampas sa mga ito; pagpapasagana ng awa; pagkaligtas sa mga maling akala, mga pagnanasa, at mga sakit at mga karamdaman; at paghingi kay Allāh ng kapatnubayan sa katotohanan at katatagan dito. Ang panustos ay mula sa pananampalataya, kaalaman, at maayos na gawa, at mula sa yamang ipinahihintulot na kaaya-aya.
Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsasabi kapag nagwakas siya sa pagsasagawa ng ṣalāh niya: "Astaghfiru –llah, astaghfiru –llah, astaghfiru –llah. (Humihingi ako ng tawad kay Allāh. Humihingi ako ng tawad kay Allāh. Humihingi ako ng tawad kay Allāh.)" Pagkatapos dumadakila siya sa Panginoon niya sa pamamagitan ng pagsabi ng: "Allāhumma anta –ssalāmu wa-minka –ssalām. Tabārakta yā dha –ljalāli wa-l'ikrām. (O Allāh, Ikaw ang Sakdal at mula sa Iyo ang kapayapaan. Napakamapagpala Ka, O pinag-uukulan ng pagpipitagan at pagpaparangal.)" Si Allāh ay ang Sakdal, ang Lubos sa mga katangian Niya, ang pinawalang-kinalaman sa bawat kapintasan at kakulangan. Hinihiling mo mula sa Kanya (kaluwalhatian sa Kanya) ang kaligtasan mula sa mga kasamaan sa Mundo at Kabilang-buhay, hindi mula sa iba pa sa Kanya. Siya (kaluwalhatian sa Kanya) ay nagsidamihan nga sa kabutihan Niya sa Mundo at Kabilang-buhay. Siya ay ang Tagapagtaglay ng kadakilaan at paggawa ng maganda.
Naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang pangunahing panuntunan sa pagsasagawa ng ṣalāh ay ang pagtayo, maliban sa kalagayan ng kawalan ng kakayahan sapagkat magsasagawa ang tao ng ṣalāh nang paupo; at kung hindi niya nakaya ang pagsasagawa ng ṣalāh nang paupo, ukol sa kanya na magsagawa ng ṣalāh nang pahiga sa tagiliran niya.
May pumuntang isang lalaking bulag sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi ito: "O Sugo ni Allāh, wala sa akin ang sinumang makaaalalay sa akin at hahawak sa kamay ko patungo sa masjid sa limang pagdarasal." Nagnanais ito na magpahintulot dito ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pag-iwan sa konggregasyon. Nagpahintulot naman siya rito ngunit noong tumalikod ito ay nanawagan siya rito saka nagsabi siya: "Naririnig mo ba ang adhān ng ṣalāh?" Nagsabi ito: "Opo." Nagsabi siya: "Kaya tugunin mo ang tagapanawagan sa ṣalāh."}