





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay Abu Al-Hayyāj Al-Asadīy na nagsabi: {Nagsabi sa akin si `Alīy: "Pansinin, magpapadala ako sa iyo sa kung sa ano nagpadala sa akin ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): na hindi ka mag-iiwan ng isang imahen malibang binura mo ito ni ng isang libingang nakausli malibang pinatag mo ito."}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimAng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsusugo noon ng mga Kasamahan niya kalakip ng utos na huwag silang mag-iwan ng isang imahen – na isang larawan ng anumang may kaluluwang binigyang-katawan o hindi binigyang-katawan – malibang inalis nila ito o pinawi nila ito; at huwag silang mag-iwan ng isang libingang iniangat malibang ipinantay nila ito sa lupa at winasak nila ang nasa ibabaw nito na estruktura o ginawa nila itong patag na hindi nakaangat buhat sa lupa nang isang malaking pagkaangat, bagkus nakaangat ng mga isang dangkal.
Ayon kay `Imrān bin Ḥuṣayn (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hindi kabilang sa atin ang sinumang nag-ugnay ng kamalasan o nagpaugnay ng kamalasan, o nanghula o nagpahula, o nanggaway o nagpagaway. Ang sinumang nagbuhol [saka umihip dito] at ang sinumang pumunta sa isang manghuhula saka naniwala sa sinasabi nito ay tumanggi ngang sumampalataya sa pinababa kay Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan)."}
Nagsalaysay nito si i Al-BazārNagbanta ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa sinumang gumawa kabilang sa Kalipunan niya ng ilan sa mga gawain sa pamamagitan ng sabi niya: "Hindi kabilang sa atin." Kabilang sa mga ito: A. "ang sinumang nag-ugnay ng kamalasan o nagpaugnay ng kamalasan". Ang orihinal na kahulugan nito ay ang pagpapawala ng ibon sa sandali ng pagsisimula sa isang gawain gaya ng paglalakbay o pangangalakal o iba pa rito. Kung lumipad ito sa dakong kanan, magmamabuti siya ng palagay at magpapatuloy sa anumang ninanais niya. Kung lumipad naman ito sa dakong kaliwa, magmamasama siya ng palagay at magpipigil sa anumang ninanais niya. Kaya naman hindi pinapayagan ang paggawa nito sa pamamagitan ng sarili niya o ang pag-aatang sa sinumang gagawa nito para sa kanya. Napaloloob doon ang pagmamasama ng palagay sa alinmang bagay, naririnig man o nakikita, gaya ng mga ibon o mga hayop o mga may kapansanan o mga numero o mga araw o iba pa rito. B. "ang sinumang "nanghula o nagpahula". Kaya ang sinumang nag-angkin ng kaalaman sa nakalingid (ghayb) sa pamamagitan ng paggamit ng mga bituin at iba pa o ng pagpunta sa sinumang nag-aangkin ng kaalaman sa nakalingid gaya ng manghuhula at tulad nito saka naniniwala rito sa sinasabi nito sa pag-aangkin nito ng kaalaman sa nakalingid, tumanggi nga siyang sumampalataya sa pinababa kay Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). C. "ang sinumang nanggaway o nagpagaway". Ito ay ang sinumang gumawa ng panggagaway (karunungang itim) sa pamamagitan ng sarili niya o nag-atang sa sinumang gagawa para sa kanya ng panggagaway upang magpakinabang sa pamamagitan nito sa isa o maminsala rito, o nagbuhol ng isang buhol sa pamamagitan ng pagtatali ng sinulid at paggaway rito sa pamamagitan ng pagbigkas ng mga panalanging ipinagbabawal at pag-ihip dito.
Ayon sa ilan sa mga maybahay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Ang sinumang pumunta sa isang manghuhula saka nagtanong doon tungkol sa isang bagay, hindi tatanggap sa kanya nang apatnapung araw ng isang pagdarasal."}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimNagbibigay-babala ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa pagpunta sa manghuhula, na isang pangkalahatang tawag sa manghuhula, astrologer, geomancer, at tulad nila na kabilang sa sinumang nagpapatunay sa pagkakaalam ng nakalingid sa pamamagitan ng mga panimulang ginagamit niya. Ang payak na pagtatanong ng isang tao sa manghuhula tungkol sa isang bagay kabilang sa mga nauukol sa nakalingid ay magkakait si Allāh dahil dito ng gantimpala ng ṣalāh niya nang apatnapung araw. Iyon ay bilang kaparusahan sa kanya dahil sa kasalanan at malaking pagkakasalang ito.
Ayon sa Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang sumipi ng isang kaalaman mula sa astrolohiya ay sumipi ng isang sangay mula sa panggagaway, na nadaragdagan ito hanggat nadaragdagan iyon."}
Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām Ibnu Mājah, at Imām AḥmadNaglilinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang nagpakatuto at kumuha mula sa kaalaman sa mga bituin at mga konstelasyon at paggamit ng mga pagkilos ng mga ito, pagpasok ng mga ito, at paglabas ng mga ito bilang patunay sa mga pangyayaring pandaigdig gaya ng pagkamatay ni Polano o buhay nito o pagkakasakit nito at tulad niyon kabilang sa magaganap sa hinaharap, nagpakatuto nga siya ng isang bahagi ng panggagaway. Sa tuwing nagparami ang tao ng kaalamang ito, nagparami nga siya ng panggagaway.
Ayon kay `Abdullāh bin Mas`ūd, malugod si Allāh sa kanya-buhat sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Nagsabi siya: "Ang pinakamalaki mula sa mga malalaking kasalanan ay: Ang Pagtatambal sa Allah,at [Ang pagdama ng] kaligtasan laban sa [binabalak na] kaparusahan ni Allah,at Ang kawalan ng Pag-asa mula sa Habag ni Allah,at Ang panghinaan ng loob mula sa Awa ni Allah"
Isinaysay ito ni `AbdurrazzāqNabanggit ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan sa Hadith na ito ang kasalanan na itinuturing na kabilang sa pinakamalaking kasalanan at ito ay; Ang bigyan si Allah Napakamaluwalhati Niya, ng katambal sa Pagka-panginoon Niya o sa Pagsasamba sa kanya,at sinimulan niya ito rito;sapagkat ito ang pinakamalaking kasalanan,at ang pagputol sa pananalangin at [kawalan ng] Pag-asa sa Allah,dahil ang mga ito ay masamang pag-aakala sa Allah at pagwawalang-bahala sa lawak ng habag Niya,at ang Kaligtasan mula sa pagpapain niya sa alipin sa mga biyaya hanggang sa kukunin [o gagamitin] niya ito sa pagpapabaya,at hindi ibig ipahiwatig sa Hadith na ito ang paglilimitado sa mga malalaking kasalanan ayon sa nabanggit lamang,dahil ang mga malalaking kasalanan ay napakarami,Ngunit ang ibig ipahiwatig ay Pagpapahayag sa Pinakamalaki nito.
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang pananampalataya ay higit sa pitumpung – o higit sa animnapung – sangay. Ang pinakamainam sa mga ito ay ang pagsabi na walang Diyos kundi si Allāh at ang pinakamababa sa mga ito ay ang pag-aalis ng perhuwisyo palayo sa daan. Ang pagkahiya ay isang sangay ng pananampalataya."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang pananampalataya ay maraming sangay at kakanyahan, na sumasaklaw sa mga ginagawa, mga pinaniniwalaan, at mga sinasabi; na ang pinakamataas sa mga kakanyahan ng pananampalataya at ang pinakamainam sa mga ito ay ang pagsabi na walang Diyos kundi si Allāh, habang nakaaalam sa kahulugan nito, habang gumagawa sa hinihiling nito, na si Allāh ay ang Diyos na Nag-iisa, na Kaisa-isa, na karapat-dapat sa pagsamba, tanging Siya: bukod sa iba pa sa Kanya; at na ang pinakakaunti sa mga gawain ng pananampalataya ay ang pag-aalis ng anumang nakapeperhuwisyo sa mga tao sa mga daanan nila. Pagkatapos nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang pagkahiya ay kabilang sa mga kakanyahan ng pananampalataya. Ito ay isang kaasalang pumupukaw sa paggawa ng marikit at pagwaksi ng pangit.
Ayon kay Abū Bashīr Al-Anṣārīy (malugod si Allāh sa kanya): {Na siya ay kasama ng Sugo ni Allāh (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) sa isa sa mga paglalakbay nito. Nagsabi siya: Nagsugo ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng isang sugo – habang ang mga tao ay nasa pinagmamagdamagan nila – [na mag-uutos]: "Wala ngang matitira sa leeg ng isang kamelyo na isang kuwintas na yari sa kuwerdas o isang kuwintas [na anuman] malibang puputulin ito."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNangyaring ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nasa isa sa mga paglalakbay niya habang ang mga tao ay nasa lugar ng pagtulog nila na nagpapamagdamag sila roon sa mga tigilan nila at mga kubol nila, saka nagsugo siya ng isang tao papunta sa mga tao, na nag-uutos sa kanila ng pagputol ng mga kuwintas na isinasabit sa mga kamelyo, maging ang mga ito man ay yari sa kuwerdas – kuwerdas ng pana – o yari sa iba pa rito gaya ng kampanilya o sandalyas. Iyon ay dahil sila noon ay nagpapakuwintas ng mga ito bilang pag-iingat laban sa usog. Inutusan sila na pumutol ng mga ito dahil ang mga ito ay hindi nakapagtataboy palayo sa kanila ng anuman at na ang pakinabang at ang pinsala ay nasa kamay ni Allāh – tanging sa Kanya: walang katambal sa Kanya.
Ayon kay 'Abdullāh bin 'Ukaym-malugod si Allāh sa kanya-Hadith na marfū: "Sinuman ang manalig sa isang bagay,ipapaubaya siya rito"
Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām AḥmadSinuman ang manalig ang kanyang puso o gawain o ang dalawang ito sa isang bagay na hinihiling niya rito ang kapakinabangan o panghadlang sa kapinsalaan,ipapaubaya siya ni Allah sa mga bagay pinanaligan niya,At ang sinuman ang manalig sa Allah,ay sapat na sa kanya,at magiging magaan sa kanya ang bawat mahirap,At ang sinuman ang manalig ng maliban sa kanya,ipapaubaya siya ni Allah sa mga bagay na ito at dudustain siya.
Ayon kay Ṭāriq bin Ashyam Al-Ashja`īy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Ang sinumang nagsabi na walang Diyos kundi si Allāh at tumangging sumampalataya sa anumang sinasamba bukod pa kay Allāh, ipinagbabawal lapastangin ang yaman niya at ang buhay niya at ang pagtutuos sa kanya ay nasa kay Allāh."}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimNagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang nagsabi at sumasaksi sa pamamagitan ng dila niya na walang Diyos kundi si Allāh – na nangangahulugang walang sinasamba ayon sa karapatan kundi si Allāh – at tumangging sumampalataya sa anumang sinasamba bukod pa kay Allāh at nagpakawalang-kaugnayan sa lahat ng mga relihiyong iba pa sa Islām, ipinagbabawal ngang lapastangin ng mga Muslim ang yaman niya at ang buhay niya. Walang pagbabatayan para sa atin kundi ang panlabas sa gawain niya. Kaya hindi kakamkamin ang yaman niya at hindi padadanakin ang dugo niya, malibang kapag nakagawa siya ng isang krimen o isang paglabag na nag-oobliga niyon alinsunod sa mga patakaran ng Islām. Si Allāh ay magbabalikat ng pagtutuos sa kanya sa Araw ng Pagbangon. Kaya kung siya ay naging tapat, gagantimpalaan siya; at kung siya naman ay naging mapagpaimbabaw, pagdurusahin siya.