





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy, malugod si Allāh sa kanya: "Sa mga nauna sa inyo noon ay may isang lalaki noon na pumatay ng siyamnapu't siyam na tao. Nagtanong siya tungkol sa pinakamaalam sa mga naninirahan sa lupa. Pinatnubayan siya sa isang monghe. Pinuntahan niya ito. Nagsabi siya: 'Tunay na siya ay nakapatay ng siyamnapu't siyam na tao, kaya mayroon pa ba siyang pagbabalik-loob?' Nagsabi ito: 'Wala na.' Pinatay niya ito at nakabuo siya dahil dito ng isang daan. Pagkatapos ay nagtanong siya tungkol sa pinakamaalam sa mga naninirahan sa lupa. Pinatnubayan siya sa isang lalaking nakaaalam. Nagsabi siya: 'Tunay na siya ay nakapatay ng isang daang tao, kaya mayroon pa ba siyang pagbabalik-loob?' Nagsabi ito: 'Oo; at sino naman ang humahadlang sa pagitan niya at ng pagbabalik-loob? Humayo ka sa lupang iyan at iyon sapagkat tunay na doon ay may mga taong sumasamba kay Allāh, pagkataas-taas Niya, at sambahin mo si Allāh kasama nila. Huwag kang bumalik sa lupain mo sapagkat tunay na iyon ay lupain ng kasamaan.' Humayo siya hanggang sa nang nakalahati niya ang daan ay dinatnan siya ng kamatayan. Nagtalo hinggil sa kanya ang mga anghel ng awa at ang mga anghel ng pagdurusa. Nagsabi ang mga anghel ng awa: 'Pumunta siyang nagbabalik-loob, na nagtutuon ng puso niya kay Allāh, pagkataas-taas Niya.' Nagsabi ang mga anghel ng pagdurusa: 'Tunay na siya hindi nakagawa ng kabutihan kailanman.' Pinuntahan sila ng isang anghel na nasa anyo ng isang tao at ginawa nila itong isang tagahatol sa pagitan nila. Nagsabi ito: 'Sumukat kayo sa pagitan ng dalawang lupain at kung sa alin sa dalawa siya higit na malapit, siya ay ukol doon.' Sumukat sila at natagpuan nilang siya ay higit na malapit sa lupaing ninais niya kaya dinampot siya ng mga anghel ng awa." Sa isang sanaysay sa Aṣ-Ṣaḥīḥ: "at siya sa nayong matuwid ay higit na malapit ng isang dangkal kay ginawa siyang kabilang sa mga naninirahan doon." Sa isang sanaysay sa Aṣ-Ṣaḥīḥ: "kaya kinasihan ni Allāh, pagkataas-taas Niya, ito na makipaglayo at iyon na magpakalapit at sinabi: 'Sukatin ninyo ang nasa pagitan dalawa,' at natagpuan nilang ito ay higit na malapit doon ng isang dangkal kaya nagpatawad Siya rito." Sa isang sanaysay: "kaya inilayo ang dibdib niya sa dakong iyon."
Napagkaisahan ang katumpakanNagsabi ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: Sa isang kalipunang kabilang sa mga kalipunan bago sa atin noon ay may isang lalaking pumatay ng siyamnapu't siyam na tao. Pagkatapos siya ay nagsisi at nagtanong tungkol sa pinakamaalam sa mga naninirahan sa lupa upang tanungin ito kung mayroon pa ba siyang pagbabalik-loob? Pinatnubayan siya sa isang lalaki at natagpuan niyang isang mananamba ito subalit wala itong kaalaman. Kaya noong tinanong niya ito na siya ay nakapatay ng siyamnapu't siya na tao at kung mayroon pa ba siyang pagbabalik-loob, minabigat ng monghe ang pagkakasalang ito at sinabi: "Wala kang pagbabalik-loob!" Nagalit ang lalaki. Nabagabag siya at pinatay niya ang monghe. Kaya nalubos niya dahil dito ang isang daang kaluluwa. Pagkatapos tunay na siya ay nagtanong na naman tungkol sa pinakamaalam sa mga naninirahan sa lupa. Pinatnubayan naman siya sa isang lalaking nakaaalam. Nagsabi siya rito: "Tunay na siya ay nakapatay ng isang daang tao, kaya mayroon pa ba siyang pagbabalik-loob?" Nagsabi ito: "Oo; at sino naman ang humahadlang sa pagitan niya at ng pagbabalik-loob? Ang pintuan ng pagbabalik ay nakabukas subalit pumunta ka sa nayong polano sapagkat tunay na doon ay may mga taong sumasamba kay Allāh." Ang lupaing kinaroroonan niya dati ay para bang iyon - si Allāh ay higit na nakaaalam - ay tahanan ng kawalang-pananampalataya kaya inutusan siya ng nakaaalam na ito na lumikas dahil sa pananampalataya niya sa nayong ito na sinasamba dito si Allāh, napakamaluwalhati Niya at pagkataas-taas Niya. Kaya umalis siya na nagbabalik-loob, na nagsisisi, na lumilikas dahil sa pananampalataya patungo sa lupaing may mga taong sumasamba kay Allāh, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan. Sa kalagitnaan ng daan, dinatnan siya ng kamatayan kaya nagtalo hinggil sa kanya ang mga anghel ng pagdurusa at ang mga anghel ng awa. Nagsasabi ang mga anghel ng awa: "Tunay na siya ay nagbalik-loob at pumuntang nagsisisi at nagbabalik-loob." Naganap sa pagitan nila ang pagtatalo kaya nagpadala si Allāh sa kanila ng isang anghel upang humatol sa pagitan nila. Nagsabi ito: "Sumukat kayo sa pagitan ng dalawang lupain at kung sa alin sa dalawa siya higit na malapit, siya ay kabilang sa mga naninirahan doon. Kung ang lupain ng kawalang-pananampalataya ay higit na malapit sa kanya, ang mga anghel ng pagdurusa ay kukuha sa kaluluwa niya; at kung ang lupain ng pananampalataya ay higit na malapit, ang mga anghel ng awa ay kukuha sa kaluluwa niya." Sinukat nila ang pagitan ng dalawang bayan at biglang ang bayang pinatutunguhan niya - ang bayan ng pananampalataya - ay higit na malapit ng isang dangkal - isang distansiyang malapit - kaysa sa bayang nilisan niya kaya kinuha siya ng mga anghel ng awa.
Ayon kay Sa`d bin Abī Waqqāṣ, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: "Dinalaw ako ng Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, at nagsabi siya: O Allah, pagalingin mo si Sa`d, o Allah pagalingin mo si Sa`d, o Allah pagalingin mo si Sa`d."
Napagkaisahan sa katumpakan at ang pananalita ay ayon sa kay Imām MuslimAng ḥadīth ayon kay Sa`d bin Abī Waqqāṣ: Na ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay dumalaw sa kanya sa pagkakasakit niya at nagsabi: "O Allah, pagalingin mo si Sa`d, o Allah pagalingin mo si Sa`d, o Allah pagalingin mo si Sa`d." nang tatlong ulit. Sa ḥadīth na ito ay ay may patunay na bahagi ng Sunnah na dalawin ng tao ang maysakit na Muslim. Nasaad din dito ang kagandahang asal ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, at ang pakikitungo niya sa mga Kasamahan niya sapagkat tunay na siya, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay dumadalaw sa mga maysakit sa kanila at dumadalangin para sa kanila. Nasaad din dito na kaibig-ibig na ipanalangin ang panalanging ito: "O Allah, pagalingin mo si Polano" nang tatlong ulit sapagkat tunay na ito ay kabilang sa magiging isang dahilan ng paggaling ng maysait.
At ayon kay Hamām bin Al-Hārith,buhat kay Meqdād-malugod si Allah sa kanya-Katotohanang ang isang lalaki ay pinupuri si 'Uthmān-malugod si Allah sa kanya-sinadya siya ni Meqdad,at umupo siya sa kanyang dalawang tuhod,at binabato niya sa mukha niya ang maliliit na bato,Nagsabi sa kanya si 'Uthmān:Ano ang nangyayari sa iyo? Nagsabi siya:Katotohanan ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ay nagsabi:(( Kapag nakita ninyo ang mga namumuri,ibato ninyo sa mga mukha nila ang lupa)) Isinaysay ni Imām Muslim
Nagsalaysay nito si Imām MuslimAyon kay Meqdād-malugod si Allah sa kanya: katotohanan na anng isang lalaki ay namumuri kay 'Uthmān malugod si Allah sa kanya,umupo si Meqdād sa dalawang tuhod niya at kumuha ng maliliit na bato at ibinato noya sa mukha ng namumuri,Tinanong siya ni 'Uthman,kung bakit niya ito ginawa,Ipinaalam niya na ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan - ay nag-utos sa amin na kapag nakita namin ang mga namumuri, na batuin namin ng lupa ang mga mukha nila.
Ayon kay `Umar, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: "Namahagi ang Sugo ni Allah ng isang bahagi kaya nagsabi ako: O Sugo ni Allah, talagang ang iba sa mga ito ay higit na karapat-dapat dito kaysa sa kanila? Nagsabi siya: Tunay na sila ay nagpapili sa akin: na humingi sila sa akin nang labis-labis o ituring nila akong maramot gayong ako ay hindi nagmamaramot."
Nagsalaysay nito si Imām MuslimNamahagi ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ng dumating sa kanya na yaman sa mga tao at may nilampasan siyang mga iba kaya nagsabi sa kanya si `Umar, malugod si Allah sa kanya: "Hindi mo binigyan itong mga hindi mo binigyan dahil sila ay higit na karapat-dapat kaysa sa mga binigyan? Nagsabi sa kanya ang Propeta: "Tunay na sila ay nagpumilit sa paghingi dahil sa hina ng pananampalataya nila at pinilit nila ako bunsod ng kalagayan nila sa paghingi nang labis-labis o pinaratangan nila ako ng karamutan." Pinili ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na magbigay yamang ang karamutan ay hindi bahagi ng ugali niya gayon din pagpapabola at pagpapaamo.
Ayon kay Abū Rib`īy Ḥanđalah bin Ar-Rabī` Al-Usaydīy, ang Tagasulat, malugod si Allah sa kanya, ang isa sa mga tagasulat ng Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na nagsabi: Nakatagpo ako ni Abū Bakr, malugod si Allah sa kanya, at nagsabi siya: "Kumusta ka, o Ḥanđalah?" Nagsabi ako: "Nagkunwari si Ḥanđalah!' Nagsabi siya: "Napakamaluwalhati ni Allah, ano ang sinasabi mo?" Nagsabi ako: "[Kapag] tayo ay nasa piling ng Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na nagpapaalaala sa atin ng Paraiso at Impiyerno, parang bang tayo ay nakakikita [niyon] sa mata; at kapag lumabas tayo mula sa piling ng Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, pinagkakaabalahan natin ang mga asawa, ang mga anak, at ang mga kabuhayan; nakakalimot tayo sa marami." Nagsabi si ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: "Sumpa man sa Kanya na ang kululuwa ko ay nasa kamay Niya, kung sakaling mananatili kayo sa kung ano kayo sa piling ko at sa pag-alaala [kay Allah], talagang kakamayan kayo ng mga anghel sa mga higaan niya at sa mga daan ninyo, ngunit o Ḥanđalah may oras [para sa Mundo] at may oras [para sa dasal]." Inulit ito nang tatlong ulit.
Nagsalaysay nito si Imām MuslimIpinabatid ni Ḥanđalah kay Abū Bakr Aṣ-Ṣiddīq na siya ay nasa isang kalagayang hindi ang kalagayang kapag siya ay nasa piling ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan. Iyon ay dahil sa kapag sila ay nasa isang kalagayang nag-aalaala kay Allah at kapag nakihalubilo na sila sa mga anak, mga asawa, at makamundong gawain, nagbabago ang mga kalagayan nila. Kaya inakala niya na ito ay isang pagkukunwari yamang ang reyalidad ng pagkukunwari ay ang pagpapakita ng isang kalagayang hindi ang kalagayang nakakubli. Noong ipinabatid nila sa Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, iyon, nagsabi siya sa kanila: "Kung sakaling magpapatuloy kayo sa kalagayang tinataglay ninyo sa piling ko, talagang babati sa inyo ang mga anghel ng kamayan at kukumusta sa lahat ng mga kalagayan ninyo; ngunit kailangan ang balanse: may oras para sa Panginoon at may oras para sa mag-anak at gawain sa Mundo."
Ayon kay Abū Khubayb `Abdillāh bin Az-Zubayr, malugod si Allāh sa kanilang dalawa, na nagsabi: Noong tumindig si Az-Zubayr nang Araw ng Kamelyo, tinawag niya ako at naupo ako sa tabi niya. Nagsabi siya: "O anak ko, tunay na walang mapapatay ngayong araw malibang bilang nang-aapi o naaapi. Tunay na ako ay walang nakikita sa sarili ko malibang mapapatay ako ngayong araw bilang naaapi. Tunay na kabilang sa pinakamalaki sa alalahanin ko ay ukol sa utang ko. Sa tingin mo ba ang utang natin ay magtitira pa ng anuman mula sa ari-arian natin?" Pagkatapos ay nagsabi siya: "Anak ko, ipagbili mo ang mayroon tayo at bayaran mo ang utang ko." Ihinabilin niya ang isang katlo at ang isang katlo nito para sa mga anak niya. Nangangahulugan ito: Para sa mga anak ni `Abdullāh bin Az-Zubayr ang isang katlo ng isang katlo. Nagsabi siya: "Kapag may anumang natira sa ari-arian natin matapos magbayad ng utang, ang isang katlo nito ay para sa mga anak mo." Nagsabi si Hishām: "Ang ilan sa mga anak ni `Abdullāh ay nakaedad ng ilan sa mga anak ni Az-Zubayr na sina Khubayb at `Abbād. Nang araw na iyon, mayroon siyang siyam na anak na lalaki at siyam na anak na babae." Nagsabi si `Abdullāh: "Kaya nagsimula siyang magtagubilin sa akin hinggil sa utang niya at nagsasabi: O anak ko, kung nabigo kang makapagbayad sa anuman sa mga ito, magpatulong ka para roon sa amo ko." Nagsabi siya: "Kaya sumpa man kay Allāh, hindi ko nalaman ang ninais niya hanggang sa nagsabi ako: Ama ko, sino ang amo mo?" Nagsabi ito: "Si Allāh." Nagsabi siya: "Kaya sumpa man kaya Allāh, kapag nasadlak ako sa isang pighati dahil sa utang, nagsasabi ako: O Amo ni Az-Zubayr, bayaran Mo para sa kanya ang utang niya, at binabayaran naman Niya ito." Nagsabi siya: "At napatay si Az-Zubayr at wala siyang naiwang dinar ni dirham maliban sa dalawang lupain. Kabilang sa mga ito ang Al-Ghābah, ang labing-isang bahay sa Madīnah, ang dalawang bahay sa Baṣrah, ang isang bahay sa Kūfah, at ang isang bahay sa Ehipto." Nagsabi siya: "Nangyari lamang ang pagkakautang niya na pananagutan niya dahil may lalaking nagdadala noon sa kanya ng salapi at ipinalalagak sa kanya. Nagsasabi si Az-Zubayr: Huwag [mong ilagak] malibang ito ay isang pautang; tunay na kinatatakutan ko rito ang pagkawala." Hindi siya pinanungkulan bilang gobernador ni tagakalap ng zakāh ni tagasingil ng buwis ni anuman ngunit [lumahok siya] sa paglusob kasama ng Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, o kasama nina Abū Bakr, `Umar, at `Uthmān, malugod si Allāh sa kanila. Nagsabi si `Abdullāh: "Kaya binilang ko ang babayaran niyang utang at natuklasan kong ito ay dalawang milyon at dalawandaang libo!" Nakatagpo ni Ḥakīm bin Ḥizām si `Abdullāh bin Az-Zubayr, at nagsabi: "O anak ng kapatid ko, magkano ang babayarang utang ng kapatid ko?" Inilihim ko ito at sinabi ko: "Isandaang libo." Nagsabi si Ḥakīm: "Sumpa man kay Allāh, hindi ko naiisip na ang mga ari-arian ninyo ay sasapat dito." Nagsabi si `Abdullāh, malugod si Allāh sa kanya: "Ano ang iisipin mo kung ito ay dalawang milyon at dalawandaang libong?" Nagsabi siya: "Hindi ko naiisip na kayo ay makakakaya nito. Kaya kung nabigo kayong makabayad sa anuman mula rito, magpatulong kayo sa akin." Nagsabi siya: "Nabili na noon ni Az-Zubayr ng isandaan at pitumpong libo ang Al-Ghābah, at ipinagbili naman ito ni `Abdullāh ng isang milyon at anim na raang libo." Pagkatapos ay tumindig siya at nagsabi: "Ang sinumang may sisingilin kay Az-Zubayr na anuman ay makipag-ugnayan sa amin sa Al-Ghābah." Kaya pinuntahan siya ni `Abdullāh bin Ja`far, na sisingilin kay Az-Zubayr na apat na raang libo, at nagsabi kay `Abdullāh [bin Az-Zubayr]: "Kung nais ninyo hahayaan ko na ito para sa inyo." Nagsabi naman si `Abdullāh: "Huwag." Nagsabi ito: "At kung nais ninyo, ilagay ninyo ito sa bayaring ipinagpapaliban kung ipagpapaliban ninyo." Kaya nagsabi si `Abdullāh: "Huwag." Nagsabi ito: "Kaya magbahagi kayo sa akin ng isang bahagi [ng lupain]." Nagsabi si `Abdullāh: "Ukol sa iyo ay mula rito hanggang diyan." Nagbenta si `Abdullāh ng isang bahagi nito at nabayaran niya dahil rito ang utang niya nang lubusan. May natirang apat at kalahating parte mula roon. Pumunta siya kay Mu`āwiyah samantalang kasama nito sina `Amr bin `Uthmān, Al-Mundhir bin Az-Zubayr, at Ibnu Zam`ah. Nagsabi sa kanya si Mu`āwiyah: "Magkano mo tinaya ang Al-Ghābah?" Nagsabi siya: "Ang bawat parte ay isang daang libo." Nagsabi si `Amr bin `Uthmān: "Kukuha na ako mula rito ng isang parte sa halagang isang daang libo." Nagsabi si Ibnu Zam`ah: "Kukuha na ako mula rito ng isang parte sa halagang isang daang libo." Nagsabi si Mu`āwiyah: "Ilan ang natira mula rito?" Nagsabi siya: "Isa at kalahating parte." Nagsabi ito: "Kukunin ko na ito sa halagang isang daan at limampung libo." Sinabi: Ipinagbili ni `Abdullāh bin Ja`far ang bahagi niya kay Mu`āwiyah sa halagang anim na raang libo. Kaya noong natapos si Ibnu Az-Zubayr sa pagbayad ng utang nito, nagsabi ang mga anak ni Az-Zubayr: "Hatiin mo sa amin ang pamamana sa amin." Nagsabi siya: "Sumpa man kay Allāh, hindi ko hahatiin sa inyo hanggang sa makapanawagan ko sa ḥajj nang apat na taon [ng ganito]: Makinig, ang sinumang may sisingilin kay Az-Zubayr na pautang ay pumunta sa amin at bayaran namin siya." Kaya nagsimula siya, bawat taon, na manawagan sa ḥajj. Noong lumipas na ang apat na taon, hinati niya sa kanila at ibinigay ang isang katlong habilin. Si Az-Zubayr ay may apat na maybahay at nagkamit ang bawat maybahay ng isang milyon at dalawang daang libo. Ang kabuuan ng yaman niya ay limampung milyon at dalawang daang libo.
Isinaysay ito ni Imām Al-BukhārīyNagsabi si Az-Zubayr bin Al-`Awām, malugod si Allāh sa kanya, sa anak niyang si `Abdullāh noong Araw ng Kamelyo, isang labanang naganap dahil sa pagsusuko sa mga pumatay kay `Uthmān: "Wala akong nakikita sa sarili ko malibang bilang isang martir o isang naaapi. Tunay na ang bumabagabag sa akin ay ang mga utang ko na nagpabigat sa akin kaya bayaran mo ang mga ito para sa akin." Ang mga utang niya ay nakaapekto sa buong ari-arian niya ngunit sa kabila niyon ay nagtagubilin siya ng salapi para sa mga anak ng anak niya dahil siya ay nakaaalam na sila ay walang bahagi sa mamanahin dahil ang anak niya ay buhay pa. Nagtalaga siya para sa kanila ng ikatlong bahagi ng ikatlong bahagi ng tagubilin at ikasiyam na bahagi ng lahat. Ang mga tao noon ay nagpapalagak ng mga salapi nila sa kanya at natatakot siyang kunin ang mga ito bilang isang lagak dahil sa pangambang mawala. Nagsasabi siya: "Hindi iyan isang lagak bagkus iyan ay isang pautang na babayaran ko." Siya ay isang lalaking malayo sa kamunduhan at mapagkakatiwalaan. Hindi siya nanungkulan bilang isang gobernador ni maging anuman. Noong yumao siya at nabayaran para sa kanya ng mga anak niya ang mga utang niya at may natira mula sa yaman niya, hiniling ng mga tagapagmana niya kay `Abdullāh na hatiin ito sa kanila. Tumanggi si `Abdullāh na gawin ito malibang matapos manawagan sa panahon ng ḥajj. Kung lumitaw na walang natirang isa mang kabilang sa may pautang kay Az-Zubayr, hahatiin ito ni `Abdullāh sa kanila. Yayamang walang anumang natira sa utang niya na hindi nabayaran, ibinigay niya ang ikawalong bahagi sa mga maybahay nito. Iyon ang parte nila mula sa naiwan niya. Nang araw na iyon, siya ay may apat na maybahay.
Ayon kay Abū Tha`labah Al-Khushanīy, malugod si Allah sa kanya: "Ang mga tao noon kapag nanuluyan sa isang pook ay nagkakahati-hati sa mga daanan [sa bundok] at mga lambak kaya nagsabi ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: 'Tunay na ang pagkakahati-hati ninyo sa mga daanan [sa bundok] at mga lambak na ito, iyon lamang ay mula sa Demonyo.' Kaya hindi na sila nanuluyan, pagkatapos niyon, sa isang pook malibang nagbubuklod sila sa isa't isa."
Isinaysay ito ni Imām Abū DāwudAng mga tao noon, kapag nanuluyan sa isang lugar sa panahon ng paglalakbay, ay nagkakahati-hati sa mga daanan sa bundok at mga lambak. Ipinabatid sa kanila ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na ang pagkakahati-hati nilang ito ay mula sa Demonyo upang pangambahin nito ang mga katangkilik ni Allah at upang pakilusin ang mga kaaway Niya. Kaya naman kapag na nanuluyan sila matapos niyon sa isang lugar, nagbubuklod sila sa isa't isa, anupa't kung sakaling nilatagan sila ng isang tela talagang sasapat ito sa kanila dahil sa tindi ng pagkakalapit nila.
ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allah sa kanya) Marfuw'an: ((Ang pag-antala ng may-kaya (sa kanyang utang) ay pang-aapi o kawalan ng katarungan, at kapag ipinasunod ang isa sa inyo sa taong may kaya, ay dapat siyang sumunod.)).
Napagkaisahan ang katumpakanSa marangal na hadith na ito ay isang ugali mula sa mga magagandang ugali ng pakikitungo. Na Siya -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- ay inutusan ang may-utang na magbayad ng maganda, ganun din pinayuhan ang nautangan na maningil ng maganda. At pinaliwanag ng Propeta -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- na ang taong nautangan kapag mainingil na kanyang karapatan, o naintindihan sa kanya ang paniningil sa pamamagitan ng sinyales o may pangingilanlan, tiyak na ang pag-antala ng kanyang karapatan sa taong may kayang magbayad maitututring na pang-aapi o kawalan ng katarungan sa kanya, sa pagkat inantala ang kanyang karapatan ng walang rason. Ang pang-aapi na ito ay mawawala kapag ipinalipat ng nakautang ang nautangan sa taong may kaya na madali sa kanya na kunin ang kanyang karapatan mula sa kanya, sa ganun dapat tanggapin ng taong nautangan ang pag-lilipat na ito. At dito ay magandang atas mula sa kanya, at madaling pagbabayad, at ganun din mawawala ang kawalan ng katarungan o pang-aapi kapag ito ay manatili sa pag-iingat ng may-utang na matagal magbayad.
Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: Noong dumating ang mga mamamayan ng Yemen, nagsabi ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: "Dumating nga sa inyo ang mga mamamayan ng Yemen. Sila ang unang nagpauso ng pakikipagkamay."
Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām AḥmadAng pagkakasabi niya: "Dumating nga sa inyo ang mga mamamayan ng Yemen" ay isang pagbubunyi sa kalagayan nila at isang paglalantad sa kalamangan nila. Kabilang sa kanila ang mga Ash`arīy, ang mga kalipi ni Abū Mūsā Al-Ash`arīy, malugod si Allah sa kanila. Nagpapatunay rito ang itinala ni Imām Aḥmad sa Musnad niya 155/3. Ayon kay Anas bin Mālik na nagsabi: Nagsabi ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: "Darating sa inyo bukas ang mga taong higit na malambot ang mga puso sa Islam kaysa sa inyo." Sinabi: "Dumating ang mga Ash`arīy; nasa kanila si Abū Mūsā Al-Ash`arīy. Noong nalapit na sila sa Madīnah, nagsimula silang tumula, na nagsasabi: 'Bukas makakatagpo natin ang mga minamahal, sina Muḥammad at ang lapian niya.' Noong nakarating na sila, nakipagkamayan sila. Sila ang unang nagpauso ng pakikipagkamay."