





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay Usayrah bin Amr,at tinatawag siyang:Ibn Ja`ber ay nagsabi siya:Si Umar bin Al-Khattab-malugod si Allah sa kanya-kapag dumarating sa kanya ang mga tumutulong mula sa Yaman,tinatanong niya sila,kabilang ba sa inyo Uways bin A`mer?hanggang sa dumating siya kay Uways-malugod si Allah sa kanya-nagsabi siya sa kanya:Ikaw ba si Uwais bin A`mer?Nagsabi siya: Oo,Sinabi niya:Mula sa tribo ng Murad na nagmula pa sa Qarn?Nagsabi siya: Oo,Sinabi niya:Nagkaroon ka noon ng ketongin at gumaling ka dito,maliban sa parte na kasin-laki ng Dirham,?Nagsabi siya:Oo,Sinabi niya: Mayroon kabang ina?Nagsabi siya:Oo,Sinabi niya:Narinig ko ang Sugo ni Allah-pagpalainsiya ni Allah at pangalagaan-na nagsasabi:(( Darating sa inyo si Uways bin A`mer kasama ang mga tumutulong mula sa Yaman mula sa tribo ng Murad na nagmula pa sa Qarn,Nagkaroon siya dati ng ketongin at gumaling siya mula dito maliban sa parte na kasin-laki ng dirham,mayroon siyang Ina at nagpapamalas siya ng kabutihan sa kanya ,at kung susumpa siya sa Allah(na matupad ang mga mabuting bagay na hinihiling nito) ay pagbubutihin ito,kaya`t kung kaya mong humungi siya ng kapatawaran para sa iyo kay Allah,ay gawin mo)),kaya`t humingi ka ng kapatawaran para sa akin kay Allah,At humingi siya ng kapatawaran para sa kanya kay Allah,Nagsabi sa kanya si Umar: Saan mo gustong pumunta?Sinabi niya: Sa Ku`fah.Nagsabi siya: Hindi ba ako susulat para sa iyo sa manggagawa nito?Ang mapabilang ako sa mga nangangailangang tao ay mas kaibig-ibig sa akin,At nang dumating ang isang taong hinaharap,nagsagawa ng Hajj ang ang isang lalaki mula sa mga pinuno nila,at pumayag si Umar,itinanong niya dito si Uways,at nagsabi siya:Iniwan ko siya sa isang mahirap na tahanan,na iilan lang ang ari-arian.Sinabi niya:Narinig ko ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na nagsasabi:(( Darating sa inyo si Uways bin A`mer kasama ang mga tumutulong mula sa Yaman mula sa tribo ng Murad na nagmula pa sa Qarn,Nagkaroon siya dati ng ketongin at gumaling siya mula dito maliban sa parte na kasin-laki ng dirham,mayroon siyang Ina at nagpapamalas siya ng kabutihan sa kanya ,at kung susumpa siya sa Allah(na matupad ang mga mabuting bagay na hinihiling nito) ay pagbubutihin ito,kaya`t kung kaya mong humungi siya ng kapatawaran para sa iyo kay Allah,ay gawin mo))at dumating siya kay Uways at nagsabi:Humiling ka para sa akin ng kapatawaran,Sinabi niya:Ikaw ang mas malapit sa pangako dahil sa paglalakbay ng mabuting tao,kayat humingi ka ng kapatawaran sa akin.Nagsabi siya:Nakatagpo ba kayo ni Umar?Sinabi niya: Oo,At humingi siya ng kapatawaran sa kanya,Nagtaka ang mga tao sa kanya,at dumayo siya mula sa Kufah, At sa isang salaysay din,ayon kay Usayr bin Ja`ber-malugod si Allah sa kanya-Na ang mga tao sa Kufah ay dumating kay Umar malugod si Alah sa kanya-at kasama nila ang isang lalaki na kinukutya sa pangalang Uways,Nagsabi si Umar:Mayroon ba sa inyong isang nanggaling sa tribo ng Qarn?At dumating yaong lalaki,At nagsabi si Umar:"Na ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagsabi(( Na ang isang lalaki ay darating sa inyo,mula sa Yaman,tinatawag siya na Uways,hindi niya iniiwan ang Yaman maliban sa Ina nito,nagkaroon siya ng ketongin at humilng sa Allah-Pagkataas-taas Niya-Pinagaling Niya ito,maliban sa parte na kasin-laki ng Dinar o Dirham,Sinuman ang makatagpo sa kanya mula sa inyo,ay hilingin niyo na humingi siya ng kapatawaran sa inyo)) At sa isang salaysay sa kanya:Ayon kay Umar malugod si Allah sa kanya-ay nagsabi: Na narinig ko ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalgaan-na nagsasabi: Tunay na ang pinaka-mainam sa mga Tabe-ien ay isang lalaki na tinatawag na Uways,at mayroon siyang Ina,at nagkaroon siya ng ketongin,dumaan kayo sa kanya,at hilingin niyo na humingi siya ng kapatawaran sa inyo))
Nagsalaysay nito si Imām MuslimSi Umar bin Al-Khattab, kapag dumarating sa kanya ang mga grupo na nakikipaglaban mula sa Yaman na silang tumutulong sa mga kawal ng Islam sa pakikipag-laban,ay nagtatanong siya sa kanila:Kabilang ba sa inyo si Uways bin A`mer,at nanatili siyang ganoon hanggang sa dumating si Uways-kaawaan siya ni Allah-nagsabi sa kanya si Umar:Ikaw ba si Uways bin A`mer?Sinabi niya: Oo,Nagsabi si Umar:Ikaw ba ay mula sa tribo ng Murad na nagmula pa sa Qarn?Sinabi niya:Oo,pagkatapos ay sinabi sa kanya ni Umar:At nagkaroon kba ng ketongin at gumaling ka mula dito maliban sa parte na kasing-laki ng dirham?Sinabi niya:Oo,Nagsabi si Umar: Mayroon kabang Ina?Sinabi niya:Oo,at Nagsabi si Umar:Tunay na narinig ko sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na siya ay nagsabi:Na darating sa inyo si Uways bin A`mer kasama ang mga grupo ng mandirigma mula sa Yaman,mula sa tribo ng Murad na nagmula pa sa Qarn,at nagkaroon siya dati ng ketongin at pinagaling siya ni Allah mula dito maliban sa parte na kasing-laki ng dirham,mayroon siyang Ina at nagpapamalas siya ng kabutihan sa kanya,at kapag sumumpa siya kay Allah na makamit ang isang bagay ay pagbubutihin ni Allah na makamit ang yaong bagay na isinumpa sa pagkamit nito,Kung kaya mo O Umar na humingi siya ng kapatawaran para sa iyo,Gawin mo.At hindi lubos na maunawaan dito ang lubos na kainaman nito kay Umar,at hindi rin dahil si Umar ay hindi pinapatawad sa kanya(kasalanan niya) ayon sanapagkasunduan ng mga pantas na tao,na si Umar ay tunay na mas-mainam sa kanya,sapagkat siya ay Tabe-ie (Sumunod)at ang Sahabah(kasamahan ng Propeta)ay mas-mainam sa kanya,Ngunit ang nais ipahiwatig ng Hadith na ito" Na si Uways ay kabilang sa tinatanggap sa kanya ang mga panalangin,at pagpapatnubay ni Umar sa pagpaparami ng kabutihan,at pagsamantala sa pananalangin ng sinumang nasasagot ang kahilingan nito;at ito ay katulad ng ipinag-utos sa atin ng Propeta-dito mula sa pagdua sa kanya,at pagpapala sa kanya at paghiling ng pagitan sa kanya kahit na ang Propeta ang pinaka-mainam sa anak ni Adam.pagkatapos ay hiniling sa kanya ni Umar na humingi siya ng kapatawaran para sa kanya,kaya`t humingi siya ng kapatawaran para sa kanya.Pagkatapos ay sinabi sa kanya ni Umar:Ano ang lugar na balak mong puntahan?Nagsabi siya: Ang Ku`fah.Nagsabi si Umar:Gusto moba na sumulat ako sa iyo para sa pinuno nila upang mabigyan ka niya mula sa pananalapi ng mga Muslim ng sapat para sa pangangailangan mo?Nagsabi si Uways:Ang mapabilang ako sa mga nangangailangang tao at mga dukha nila ay mas kaibig-ibig sa akin,At nang dumating ang isang taong hinaharap,nagsagawa ng Hajj ang ang isang lalaki mula sa mga pinuno ng mga tao sa Kufah,nakipag-tagpo dito si Umar,at tinanong siya ni Umar patungkol kay Uways,at nagsabi siya:Iniwan ko siya sa bahay niya na mapagkumbaba,at ang mga kasangkapan ng bahay niya ay iilan lang,Nagsabi si Umar:Narinig ko ang Sugo ni Allah-pagpalainsiya ni Allah at pangalagaan-na nagsasabi:(( Tunay na Darating sa inyo si Uways bin A`mer kasama ang mga grupong mandirigma mula sa Yaman mula sa tribo ng Murad na nagmula pa sa Qarn,Nagkaroon siya dati ng ketongin at gumaling siya mula dito maliban sa parte na kasin-laki ng dirham,mayroon siyang Ina at nagpapamalas siya ng kabutihan sa kanya ,at kapag sumumpa siya kay Allah na makamit ang isang bagay ay pagbubutihin ni Allah na makamit ang yaong bagay na isinumpa sa pagkamit nito,Kung kaya mo O Umar na humingi siya ng kapatawaran para sa iyo,Gawin mo.At dumating doon ang lalaki kay Uways at nagsabi siya:Humingi ka ng kapatawaran sa akin,Ang sabi ni Uways:Ikaw ang mas malapit sa pangako dahil sa paglalakbay ng mabuting tao,kayat humingi ka ng kapatawaran sa akin.Naisip ni Uways na marahil ay nagkatagpo sila ni Umar,Nagsabi siya sa kanya,:Nakatagpo ba kayo ni Umar?Sinabi niya: Oo,At humingi siya ng kapatawaran sa kanya,Nagtaka ang mga tao sa nangyari kaya`t lumapit sila sa kanya,at dumayo siya mula sa Kufah at pumunta siya sa ibang lugar na walang nakakakilala sa kanya sa mga tao.
Ayon kay `Abdullāh bin `Umar, malugod si Allah sa kanilang dalawa, na nagsabi: "Hindi ko narinig si `Umar, malugod si Allah sa kanya, na nagsasabi sa isang bagay kailanman: Tunay na ako ay talagang nagpapalagay na ito ay ganito, malibang ito ay gaya ng ipinagpapalagay niya."
Isinaysay ito ni Imām Al-BukhārīyAng mga kasamahan noon ay nakakikita kay `Umar na humuhusga sa ilang bagay na hindi hayag na malinaw sa iba sa mga tao. Pagkatapos noong lumilinaw ang mga bagay na iyon, lumalabas na ang paghusga ni `Umar doon bago nahayag iyon ay sumasang-ayon sa nangyari at lumitaw ayon sa reyalidad.
Ayon kay `Abdullāh bin `Umar, malugod si Allah sa kanilang dalawa.-Tunay na ang isang lalaki mula sa Arabo [na naninirahan sa Disyerto] ay nakasalubong niya sa daan sa Meccah,Bumati sa kanya si `Abdullāh bin `Umar,at pinasakay niya ito sa Asno na sinasakyan niya,At ibinigay sa kanya ang Turban na nasa ulo niya,Nagsabi si Ibn Dinar:Sinabi namin sa kanya:Naway gawing maayos ni Allah [ang kalagayan mo],Sila ay Arabo [na naninirahan sa Disyerto],at sila ay nasisiyahan sa maliit na bagay [lamang],Nagsabi si `Abdullāh bin `Umar :"Katotohan ang Ama ng lalaking ito ay naging matalik na kaibigan ni `Umar bin Al-Khattab malugod si Allah sa kanya-,At narinig ko ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na nagsasabi: ((Katotohanan ang pinakamahusay sa mga mabubuting gawain ay ang mabuting pakikitungo nang isang lalaki sa pamilya ng matalik na kaibigan ng ama niya)) At sa isang salaysay,Ayon kay Ibn Dinar,buhat kay Ibn `Umar:Kapag siya ay lumalabas papunta ng Meccah,Nagdadala siya ng Asno,na pinagpapahingaan niya kapag napagod siya sa pagsakay sa kamelyo,at [sa kanya] ay may Turban na hinihigpit niya sa ulo niya,Isang araw ,habang siya ay nakasakay sa yaong Asno,dumaan sa kanya ang isang Arabo [na naninirahan sa Disyerto],Nagsabi siya [sa kanya]: Hindi ba`t ikaw si Pulano na anak ni Pulano?Nagsabi siya: Oo,Ibinigay niya sa kanya ang Asno,at nagsabi siya: Sumakay ka rito,At ibinigay niya ang Turban at nagsabi siya:Higpitan mo ito sa ulo mo,Nagsabi sa kanya ang ilan sa mga kasamahan niya: Naway Patawarin ni Allah sa iyo [ ang kasalanan],Ibinigay mo sa Arabong ito [na naninirahan sa Disyerto] ang Asno na siyang pinagpapahingaan mo,At ang Turban na hinihigpit mo sa ulo mo,?Ang sabi niya: Tunay na Narinig ko ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-((Katotohanan na kabilang sa pinakamahusay sa mga mabubuting gawain ay ang pakitunguhan ng mabuti ng isang lalaki ang pamilya ng matalik na kaibigan ng ama niya pagkatapos nitong pumanaw)) At katotohanang ang Ama niya ay matalik na kaibigan ni `Umar bin Al-Khattab-malugod si Allah sa kanya-.
Nagsalaysay nito si Imām MuslimSi Ibn `Umar malugod si Allah sa kanilang dalawa-Kapag lumabas siya papunta ng Meccah para magsagawa ng Hajj,Nagdadala siya ng Asno na pinagpapahingaan niya,at kapag napagod ang sumasakay sa sinasakyan niya-ibig sabihin ang Kamelyo-magpapahinga siya sa Asno pagkatapos ay sasakay [ulit] siya sa Kamelyo.At isang araw mula sa paglipas ng mga araw,Nakasalubong niya ang isang Arabo,At tinanong siya ni Ibn `Umar:Ikaw ba si Pulano na anak ni Pulano?Nagsabi siya: Oo,Bumaba siya sa Asno at nagsabi:Kunin mo ito at sumakay ka sa kanya,At binigay niya ang Turban niya,at hinigpitan sa ulo niya,At sinabi niya sa Arabong ito:Balutin mo ang ulo mo gamit ito.Sinabi niya kay `Abdullah bin `Umar:Naway gawing maayos ni Allah [ang kalagayan mo] ,at Patawarin ni Allah sa iyo [ ang kasalanan]! Ngunit sila ay mga Arabo [na naninirahan sa Disyerto],At ang mga Arabo [na naninirahan sa Disyerto] , magiging masaya sila ,kahit wala nito, Ang ibig nilang sabihin: Papaano mo nagawang bumaba sa Asno mo at maglakad sa mga paa mo,At ibinigay mo ang Turban mo na nakahigpit sa ulo mo, at siya ay isang Arabo lamang [na naninirahan sa Disyerto],masisiyahan siya sa panakamaliit nito,Ang sabi niya: ((Katotohanan ang pinakamahusay sa mga mabubuting gawain ay ang mabuting pakikitungo nang isang lalaki sa pamilya ng matalik na kaibigan ng ama niya)) Ibig sabihin:Ang pinakamahusay sa mga mabubuting gawain,kapag namatay ang ama ng isang lalaki o ina niya o isa sa mga kamag-anak niya,Ang pagpapamalas ng mabuting pakikitungo sa pamilya ng minahal niya,Ibig sabihin ay hindi lamang sa kaibigan niya,datapuwat hanggang sa mga kamag-anak ng kaibigan niya. At " Katotohan ang Ama ng lalaking ito ay naging matalik na kaibigan ni `Umar" Ibig sabihin: Si `Umar bin Al-Khattab,na Ama niya,Kaya dahil sa kaibigan siya ng Ama niya,Pinarangalan niya ito bilang Mabuting pakikitungu,para sa ama niya na si `Umar bin Al-Khattab
Aṭ-Ṭufayl bin Ubayy bin Ka`b, siya noon ay pumupunta kay `Abdullāh bin `Umar at pumupunta siya kasama nito sa umaga sa palengke. Nagsabi siya: Kapag pumunta kami sa palengke, walang nadadaanan si `Abdullāh na isang naglalako ng pinamulot, ni isang may-ari ng mga paninda, ni isang dukha, ni isa man, malibang bumabati siya rito. Nagsabi si Aṭ-Ṭufayl: Pumunta ako kay `Abdullāh bin `Umar isang araw at pinasunod niya ako sa Palengke kaya sinabi ko sa kanya: Ano ang gagawin mo sa palengke samantalang ikaw ay hindi naman tumitigil para magtinda, hindi naman nagtatanong tungkol sa mga paninda, hindi naman nakikipagpalitan ng mga ito, at hindi namn umuupo sa mga pagtitipon sa palengke? Sinabi ko: Umupo ka sa amin dito; mag-uusap tayo. Nagsabi siya: O malaking tiyan - si Aṭ-Ṭufayl ay may malaking tiyan - lumalabas lamang kami sa umaga alang-alang sa pagbati at binabati namin ang sinumang makatagpo namin.
Isinaysay ito ni Imām MālikNa si Aṭ-Ṭufayl bin Ubayy bin Ka`b ay pumupunta noon kay Ibnu `Umar, malugod si Allah sa kanya, palagi. Pagkatapos ay pumupunta siya kasama nito sa palengke. Nagsasabi si Aṭ-Ṭufayl: "Kapag pumasok kami sa palengke, hindi napadadaan si `Abdullāh bin `Umar sa tagapagtinda ng mga pinamulot, ito ay may-ari ng mga panindang mahinang uri; ni sa may-ari ng paninda, ito ay may-ari ng mga panindang magandang uri na mahal ang halaga; ni sa isang dukha; ni sa isa mang tao malibang binabati niya ito." Ibig sabihin: Siya ay bumabati noon sa bawat makatagpo niya maliit man o malaki, mayaman man o maralita. Nagsasabi si Aṭ-Ṭufayl: "Pinuntahan ko si `Abdullāh bin `Umar isang araw." Ibig sabihi: dahil sa isang pakay at hiniling nito sa kanya na sundan siya sa palengke. Nagsasabi si Aṭ-Ṭufayl: "Ano ang gagawin mo sa palengke samantalang ikaw ay hindi naman tumitigil para magtinda, ibig sabihin: hindi ka nagtitinda at hindi ka bumibili; bagkus hindi naman nagtatanong tungkol sa mga paninda; hindi naman nakikipagpalitan ng mga ito; at hindi gumagawa ng anumang sa mga bagay na ginagawa sa mga palengke! Kapag ang isa mula sa mga dahilan ng pagpunta doon ay hindi naganap, ano pa ang pakinabang sa pagpunta mo sa palengke, kung wala ka namang pangangailangan doon?" Kaya nagsabi sa kanya si Ibnu `Umar, malugod si Allah sa kanya: "O malaking tiyan - si Aṭ-Ṭufayl ay may malaking tiyan. Ibing sabihin: ang tiyan niya ay hindi kapantay ng dibdib niya, bagkus lumalampas doon - lumalabas lamang kami sa umaga alang-alang sa pagbati at binabati namin ang sinumang makatagpo namin." Ibig sabihin: Na ang iniibig gawin sa pagpunta sa palengke hindi sa layong bumili o umupo roon, bagkus sa layong magtamo ng mga magandang gawang natatamo bunga ng pagbigay ng pagbati.
Ayon kay Anas, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: "Nagsabi ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, kay Ubayy bin Ka`b malugod si Allah sa kanya: Tunay na si Allah, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, ay nag-utos sa akin na bigkasain ko sa iyo ang 'Lam yakuni -lladhīna kafarū...' Nagsabi ito: At pinangalanan Niya ako? Nagsabi siya: Oo." Sa isang sanaysay: "Kaya nagsimula si Ubayy na umiyak."
Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy - Napagkaisahan ang katumpakan[Nasaad] sa ḥadīth na ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay nagpabatid kay Ubayy na si Allah, pagkataas-taas Niya, ay nag-utos sa kanya na bigkasin dito ang Sūrah Al-Bayyinah. Nagtaka si Ubayy malugod si Allah sa kanya kung papaano ito dahil ang orihinal na kalakaran ay bibigkas ang nahihigitan (si Ubayy) para sa nakahihigit (ang Propeta) hindi ang nakahihigit [ang bibigkas] para sa nahihigitan. Kaya nang napatotohanan ni Ubayy mula sa Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, at natiyak mula roon na si Allah ay bumanggit sa pangalan niya, naiyak siya malugod si Allah sa kanya sa sandaling iyon dala ng pagkatuwa at pagkagalak sa pagpangalan ni Allah, pagkataa-taas Niya, sa kanya.
Ayon kay Ibni Umar malugod si Allah sa kanilang dalawa-Na ang sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ay nagsabi:(Na ang isang alipin kapag pinayuan ng pinuno niya at pinagbuti ang pagsamba niya kay Allah ay mapapasa-kanya ang gantimpala nito na dalawang beses.)) Ayon kay Abe Musa Al-Ash-arie malugod si Allah sa kanya ay nagsabi,sinabi ng sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan:((Ang alipin na pinagbubuti nito ang pagsamba kay Allah,at ginagampanan nito sa pinuno niya ang karapatan nito sa kanya at ang pagpapayo at ang pagkamasunurin,ay mapapasa kanya ang dalawang gantimpala.))
napagkaisahan ang katumpakan sa dalawang salaysay niyaKapag ginampanan ng alipin ang kanyang tungkulin sa pinuno nito mula sa serbisyo at pagsunod nito sa mga kabutihan at pagbibigay ng payo sa kanya at ginampanan niya ang karapatan ni Allah pagkataas-taas niya-sa kanya,mula sa pagsasagawa ng mga ini obligado ni Allah sa kanya,at iniwasan niya ang mga bagay na ipinagbawal sa kanya,mapapasa-kanya ang dalawang beses na gantimpala sa Araw ng pagbangon;dahil siya ay ini obliga sa dalawang-bagay.Ang una:Karapatan ng kanyang pinuno:kapag ginampanan niya ang karapatan sa kanya ng pinuno niya,ay mapapasa-kanya ang gantimpala: At ang pangalawa:Gantimpala sa pagsunod sa panginoon niya: kapag sinunod ng alipin ang panginoon niya,ay mapapasa-kanya ang gantimpala.
Ayon kay `Amr bin Taghlib, malugod si Allāh sa kanya: "Na ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay dinalhan ng salapi o isang bihag. Hinati niya ito at nagbigay siya sa ilang lalaki at nagkakait sa ilang lakaki. Nakarating sa kanya na ang mga pinagkaitan niya ay nanumbat [sa kanya]. Pinuri niya si Allāh. Pagkatapos ay ipinagbunyi Siya. Pagkatapos ay nagsabi siya: "Sa pagsisimula, sumpa man kay Allāh, tunay na ako ay talagang nabibigay sa isang tao at nagkakait sa isang tao. Ang nilalampasan ko ay higit na kaibig-ibig sa akin kaysa sa binibigyan ko, ngunit ako ay nagbibigay lamang sa mga tao dahil sa nakikita ko sa mga puso nila na pagkabahala at pagkabalisa at nagtatalaga lamang sa mga tao sa inilagay ni Allāh sa mga puso nila na kasapatan at kabutihan; kabilang sa kanila si `Amr bin Taghlib." Nagsabi si `Amr bin Taghlib: Kaya sumpa man kay Allāh, ang naiibigan ko ay ang salita ng Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sa akin kaysa sa mga pulang kamelyo.
Isinaysay ito ni Imām Al-BukhārīyIsinasanaysay sa atin ni `Amr bin Taghlib, malugod si Allāh sa kanya: "Ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay dinalhan ng salapi o isang bihag." [Ang samsam ay] ang nakukuha mula sa kaaway na nahuling tao na magiging lalaki o babaing alipin. "Hinati niya ito at nagbigay siya sa ilang lalaki at nagkakait sa ilang lalaki." ay nangangahulugang nagbigay siya sa ilan sa mga tao bilang pagpapalubag-loob sa mga puso nila at nagkait siya sa iba pa bilang pagtitiwala sa kanila dahil sa ipinagkaloob sa kanila ni Allāh na lakas ng pananampalaaya at katiyakan. "Nakarating sa kanya na ang mga pinagkaitan niya ay nanumbat [sa kanya]." ay nangangahulugang sinisi nila siya noong sila-sila na lamang sa pag-aakala nila, malugod nawa si Allāh sa kanila, na siya, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagbigay lamang sa mga iyon dahil sa isang ikinatatangi sa relihiyon nila. Kaya tinipon sila ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, at tumayo sa gitna nila na nagtatalumpati. Pinuri niya si Allāh. Pagkatapos ay ipinagbunyi Siya sa kung ano ang karapat-dapat Siya. Pagkatapos ay nagsabi siya: "Sa pagsisimula, sumpa man kay Allāh, tunay na ako ay talagang nabibigay sa isang tao at nagkakait sa isang tao. Ang nilalampasan ko ay higit na kaibig-ibig sa akin kaysa sa binibigyan ko," Nangangahulugan ito: Ang pagbibigay ko sa ilan sa kanila at hindi pagbibigay sa iba pa ay hindi patunay ng pag-ibig ko sa kanila higit sa mga iba pa, bagkus ang mga pinagkaitan ko at hindi ko binigyan ay higit na kaibig-ibig sa akin kaysa sa mga binigyan ko. Pagkatapos ay nilinaw niya sa kanila ang dahilan ng pagbibigay sa ilan sa kanila kaysa sa iba pa. Sinabi niya: "ngunit ako ay nagbibigay lamang sa mga tao dahil sa nakikita ko sa mga puso nila na pagkabahala at pagkabalisa" Ibig sabihin: Dahil sa tindi ng sakit at pagkasuya na dumapo sa mga sarili nila kung sakaling hindi sila binigyan mula sa samsam, kaya binibigyan ko sila bilang pagpapalubag-loob sa mga puso nila at pagpapabuti sa pakiramdam ng mga sarili nila. "at nagtatalaga lamang [ako] sa mga tao sa inilagay ni Allāh sa mga puso nila na kasapatan" ay nangangahulugang: Nagkakait ako sa mga tao kaya hindi ko sila binibigyan dahil ako ay nagtalaga sa kanila sa inilagay ni Allāh sa mga puso nila na pagkakunteto at kasapatan sa sarili. "at kabutihan;" ay nangangahulugang:ang lakas ng pananampalataya at katiyakan. "kabilang sa kanila si `Amr bin Taghlib." ay nangangahulugang: kabilang sa mga tao na tinanggihan kong bigyan bilang pananalig sa taglay nilang pananampalataya ay "`Amr bin Taghlib." Sa ibang ḥadīth: "Tunay na ako ay talagang nagbibigay sa tao samantalang ang iba sa kanya ay higit na kaibig-ibig sa akin kaysa sa binigyan, sa takot na ingudngud sa Impiyerno ang mukha niya." Isinaysay ito ni Muslim. Nagsabi si `Amr, malugod si Allāh sa kanya, nang narinig niya ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na nagbubunya sa kanya: "Kaya sumpa man kay Allāh, ang naiibigan ko ay ang salita ng Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sa akin kaysa sa mga pulang kamelyo." Ibig sabihin: Sumsumpa ako kay Allāh, hindi ako nagnanais sa pagbubunying ito na ipinarangal sa akin ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ng kapalit kahit pa man bigyan ako ng pinakamahal sa mga yaman ng mga Arabe, ang mga pulang kamelyo.
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya: "Hindi nagagantihan ng isang anak ang isang magulang malibang matagpuan niya ito na isang alipin at bibilhin niya ito at palalayain niya ito."
Nagsalaysay nito si Imām MuslimHindi maisasagawa ng isang anak ang anumang tungkuling nakaatang sa kanya para sa magulang niya at hindi niya matutumbasan ito ng kagandahang-loob niya dito malibang masumpungan niya itong isang alipin at mapalaya ito.
Ayon kay Anas, (r): "Lumiban ang tiyuhin kong si Anas bin An-Naḍr, (r), sa labanan sa Badr at nagsabi ito: O Sugo ni Allāh, lumiban ako sa unang labanang nakipaglaban ka sa mga Mushrik; talagang kung si Allāh ay nagpadalo sa akin sa pakikipaglaban sa mga Mushrik, talagang makikita nga ni Allāh ang gagawin ko. Noong araw ng [labanan sa] Uḥud, umurong ang mga Muslim kaya nagsabi siya: O Allāh, humihihingi ako ng tawad sa Iyo dahil sa ginawa ng mga ito - tinutukoy niya ang mga kasamahan niya - at nagpapahayag ako sa Iyo ng kawalang-kaugnayan sa mga ito – tinutukoy niya ang mga Mushrik. Pagkatapos ay sumulong siya at hinarap siya ni Sa`d bin Mu`ādh kaya sinabi niya: O Sa`d bin Mu`ādh, ang Paraiso, sumpa man sa Panginoon ng Ka`bah, tunay na ako ay nakalalanghap ng halimuyak nito sa paanan ng Uḥud. Nagsabi si Sa`d: Ngunit hindi ko nakaya, o Sugo ni Allāh, ang ginawa niya!" Nagsabi pa si Anas: "At nakatagpo kami sa kanya ng higit sa walumpong taga ng tabak o tusok ng sibat o tama ng pana. Natagpuan namin siyang napatay na. Niluray-luray siya ng mga Mushrik kaya hindi siya nakilala ng isa man maliban sa babaing kapatid niya dahil sa dulo ng daliri niya." Nagsabi pa si Anas: "Kami noon ay nagtuturing o nagpapalagay na ang talatang ito ay ibinaba dahil sa kanya at sa mga kawangis niya: Mayroon sa mga mananampalataya na mga lalaking tinutuo ang ipinangako nila kay Allāh, pagkatapos mayroon sa kanila na tumupad sa panata niya at mayroon sa kanila na naghihintay pa. Hindi nila binago ang pangako ng isang pagbabago, (Qur'an 33:23)"
Napagkaisahan ang katumpakanIkinukwento ni Anas bin Mālik na si Anas bin An-Naḍr, ang tiyuhin niya, ay hindi kasama ng Sugo, (s), sa [labanan sa] Badr. Iyon ay dahil [nang naganap] ang paglusob sa Badr na dinaluhan ng Propeta, (s), siya ay hindi nagnanais makipaglaban at ninanais lamang niya ang karaban ng Quraysh na may higit sa sampung tauhan lamang at may kasama silang pitumpong kamelyo at dalawang mangangabayo at nagsasalitan sila roon. Nagsabi si Anas bin An-Naḍr sa Propeta, sumakanya ang pagpapala at ang pangangalaga, na naglilinaw rito na siya ay hindi kasama nito sa unang labanan na nakipaglan ito sa mga Mushrik. Nagsabi siya: "Talagang kung nakaabot ako sa labanan, talagang makikita sana ni Allāh ang gagawin ko." Noong naganap ang pagsalakay sa Uḥud - ito ay isang taon at isang buwan matapos ang pagsalakay sa Badr - lumahok ang mga tao at nakipaglaban kasama ng Propeta, (s). Ang pananaig sa unang bahagi ng maghapon ay sa mga Muslim, ngunit iniwan ng mga mamamana ang mga himpilan nila na pinaghimpilan sa kanila ng Propeta, (s), noong nakaharap ang kaaway gayong pinagbawalan niya sila na umalis sa mga iyon. Noong nagapi ang mga mushrik at natalo, bumaba nag ilan sa mga mamamanang iyon mula sa mga himpilang iyon. Kaya sumalakay ang dalawang mangangabayo ng mga mushrik sa mga Muslim mula sa dakong iyon at nalito sila. Umurong ang mga Muslim at may mga tumakas mula sa kanila ngunit si Anas, (r), ay sumulong sa dako ng mga Kāfir at nagsabi: "O Allāh, humihihingi ako ng tawad sa Iyo dahil sa ginawa ng mga ito," tinutukoy niya ang mga kasamahan niya, "at nagpapahayag ako sa Iyo ng kawalang-kaugnayan sa mga ito," tinutukoy niya ang mga mushrik dahil sa pakikipaglaban nila sa Propeta at mga kasama niya na mga mananampalataya. Nang sumulong si Anas, (r), sinalubong siya niy Sa`d bin Mu`ādh at tinananong siya nito: Patungo saan? Nagsabi siya: "O Sa`d, tunay na ako ay nakalalanghap ng halimuyak ng Paraiso sa paanan ng Uḥud." Ito ay damdaming makatotohanan hindi imahinasyon o kahibangan bakus bahagi ng pagpaparangal ni Allāh sa lalaking ito na naka amoy siya ng halimuyak ng Paraiso bago siya namartir. Malugod si Allāh sa kanya. Upang humayo siya at hindi umurong, sumulong siya at nakipaglaban hangang sa napatay siya, malugod si Allāh sa kanya. Nagsabi si Sa`d, malugod si Allāh sa kanya: "Ngunit hindi ko nakaya, o Sugo ni Allāh, ang ginawa niya!" Ibig sabihin: Siya, malugod si Allāh sa kanya, ay nagkaloob ng isang pagsisikap na hindi ko makakaya ang tulad niyon. Natagpuan sa katawan niya ng mahigit sa walumpong tama ng tabak, o sibat, o pana hanggang sa nagkagutay-gutay ang balat niya at walang isang makakilala sa kanya maliban sa babaing kapatid niya, na nakakilala lamang sa kanya sa pamamagitan ng daliri niya, malugod si Allāh sa kanya. Ang mga Muslim noon ay nagtuturing na si Allāh ay nagpababa dahil sa kanya at mga kawangis niya ng talatang ito: "Mayroon sa mga mananampalataya na mga lalaking tinutuo ang ipinangako nila kay Allāh, pagkatapos mayroon sa kanila na tumupad sa panata niya at mayroon sa kanila na naghihintay pa. Hindi nila binago ang pangako ng isang pagbabago," (Qur'an 33:23) Walang duda na ito at ang mga tulad nito ay napaloloob na unang-una sa talatang ito sapagkat sila tinotoo nila nila ang ipinangako nila kay Allāh yamang nagsabi si Anas, malugod si Allāh sa kanya: "Sumpa man kay Allāh, talagang makikita nga ni Allāh ang gagawin ko." Tinupad niya. Gumawa siya ng gawaing walang isang nakagagawa niyon maliban sa pinagpala ni Allāh ng tulad niyon hanggang sa namartir siya.