





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
At Ayon kay Anas bin Sērēn,nagsabi siya:Kasama ko si Anas bin Mālik malugod si Allah sa kanya- sa mga taong Sumasamba sa Apoy,ini-abot sa kanya ang matatamis na pagkain (Faluzaj) sa isang lalagyan na yari sa pilak,ngunit hindi siya kumain rito,Sinabi sa kanya: ilipat mo ito,inilipat niya ito sa isang lalagyan na yari sa kahoy,iniabot ito sa kanya,at kumain siya rito.
Isinaysay ito ni Imam Al-BayhaqieSi Anas bin Mālik malugod si Allah sa kanya ay nasa pamayanan ng mga taong sumasamba sa Apoy,ini-abot sa kanya ang isang uri ng matamis na pagkain na tinatawag na (Falūzaj) sa lalagyan na yari sa pilak kayat hindi siya kumain rito,inilipat nila ito para sa kanya sa isang lalagyan na yari sa kahoy, at kumain siya rito.
Ayon kay As-Sā’ib bin Yazīd, malugod si Allah sa kanilang dalawa: "Noong dumating ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, mula sa pagsalakay sa Tabūk, sinalubong siya ng mga tao at nakatagpo ko siya kasama ng mga bata sa Thanīyah Al-Wadā`." Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy, na sinabi: "Umalis kami upang salabungin ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, kasama ng mga bata patungo sa Thanīyah Al-Wadā`."
Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy - Isinaysay ito ni Imām Abū DāwudIpinabatid ni As-Sā’ib na noong dumating ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, kasama ng mga kasamahan pauwi mula sa paglusob sa Tabūk, lumabas sila upang salubungin sila sa Thanīyah Al-Wadā`, na isang pook malapit sa Madīnah. Iyon ay dahil sa dulot nitong pagpapalagay ng loob sa kanila, pagpapabuti ng saloobin nila, at pagganyak sa sinumang nakaupo na makilahok sa labanan.
Ayon kay Jābir, malugod si Allah sa kanilang dalawa, na nagsabi: "Dinala ang ama ko sa Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na niluray-luray at inalagay sa harapan niya. Kumilos ako upang takpan ang mukha nito at sinaway ako ng mga tao ko. Nagsabi ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: Ang mga anghel ay nagtatakip pa rin sa kanya ng mga pakpak nila."
Napagkaisahan ang katumpakanDinala ang ama ni Jābir na si `Abdullāh bin `Amr bin Ḥarām Al-Anṣārīy, malugod si Allah sa kanya, sa Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, noong araw ng labanan sa Uḥud. Niluray-luray ng mga Kāfir ang mga napatay na Muslim sa pamamagitan ng pagputol sa mga bahagi ng katawan ng mga ito. Inalagay ito sa harapan niya. Ninais ni Jābir na takpan ang mukha nito dala ng pagkadama ng sakit dahil sa pagluray rito ng mga Kāfir. Sinaway siya ng mga tao at nagsabi ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: "Ang mga anghel ay nagtatakip pa rin sa kanya ng mga pakpak nila," bilang pagpaparangal dito at pagpupugay.
Ayon kay Al-Ma`rūr bin Suwayd na nagsabi: Nakita ko si Abū Dharr, malugod si Allāh sa kanya, habang nakasuot siya ng kapa at nakasuot ang alipin niya ng tulad niyon. Tinanong ko siya tungkol doon at binanggit niya na siya ay nanlait ng isang lalaki sa panahon ng Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan. Inalipusta niya ito dahil sa ina nito kaya nagsabi ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Tunay na ikaw ay taong sa iyo ay may Panahon pa ng Kamangmangan. Sila ay mga kapatid ninyo at mga alipin ninyo. Inilagay sila ni Allāh sa ilalim ng mga kamay ninyo. Kaya ang sinumang ang kapatid niya ay nasa ilalim ng kamay niya, pakainin niya ito mula sa kinakain niya at padamitan niya ito mula sa dinadamit niya. Huwag kayong mag-atang sa kanila ng makabibigat sa kanila at kung inatangan ninyo sila niyon, tulungan ninyo sila."
Napagkaisahan ang katumpakanNasaad sa ḥadīth na ito ang paghimok sa pakikitungo sa mga alipin nang magandang pakikitungo lalo na sa kasuutan at pagkain nila. Hindi sila aatangan ng higit sa kakayahan nila malibang aalalayan sila sa iniatang na ito. Nasaad dito ang matinding banta sa sinumang umaalipusta sa kanila at humahamak sa kanila dahil sila ay mga kapatid natin sa relihiyon.
Ayon kay Abū Zayd `Amr bin Akhṭab Al-Anṣārīy, malugod si Allah sa kanya:(marfuan) "Namuno sa amiin ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, sa dasal sa madaling-araw. Umakyat siya sa pulpito at nagtalumpati sa amin hanggang sa sumapit ang tanghali. Bumaba siya at nagdasal. Pagkatapos ay umakyat siya sa pulpito at nagtalumpati sa amin hanggang sa sumapit ang hapon. Pagkatapos ay bumaba siya at nagdasal. Pagkatapos ay umakyat siya sa pulpito at nagtalumpati sa amin hanggang sa lumubog ang araw. Nagpabatid siya sa amin ng mga nangyari at ng mga mangyayari. Ang pinakamaalam sa amin ay ang pinakamatandain sa amin."
Nagsalaysay nito si Imām MuslimIpinababatid ng Kasamahan, malugod si Allah sa kanya, na ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay nagdasal ng dasal sa madaling-araw isang araw at umakyat sa pulpito. Nagtalumpati siya sa mga tao hanggang sa isagawa ang adhān sa tanghali. Pagkatapos ay bumaba siya [mula sa pulpito] at nagdasal ng dasal sa tanghali. Pagkatapos ay bumalik siya at umakyat sa pulpito. Nagtalumpati siya hanggang sa isagawa ang adhān sa hapon. Bumaba siya at nagdasal ng dasal sa hapon. Pagkatapos ay umakyat sa pulpito at nagtalumpati hanggang sa paglubog ng araw. Ibig sabihin ay nagtalumpati siya nang buong araw mula sa pagkatapos ng dasal sa madaling-araw hanggang sa paglubog ng araw. Ipinaalam sa kanya ni Allah, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, sa araw na iyon ang ilang bagay mula sa mga kaalaman hinggil sa nakalingid na naganap na at mula sa mga nakalingid na magaganap pa. Ipinabatid ang mga ito ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, sa mga kasamahan niya. Ipinaalam niya sa kanila sa sinabi niya sa araw na iyon mula sa memorya niya at pagkakakintal niyon sa isip niya.
Ayon kay Zayd bin Khālid Al-Juhanīy, malugod si Allāh sa kanya: "Huwag ninyo alipustain ang tandang sapagkat tunay na ito ay nanggigising para sa pagdarasal."
Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām AḥmadIpinababatid ni Zayd bin Khālid Al-Juhanīy, malugod si Allāh sa kanya, na ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagbawal sa pag-alipusta sa tandang. Nagbigay-dahilan siya para roon na ito ay nanggigising sa natutulog sa pamamagitan ng tilaok nito alang-alang sa pagdarasal. Sa isang sanaysay sa ganang kina Imām Aḥmad at Imām An-Nasā’īy: "nananawagan para sa pagdarasal." Dahil dito, ipinagbawal ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ang pag-alipusta rito dahil may isang hayag na kabutihan sa paggising sa mga tao. Ito ay ang pagtulong sa kanila sa pagtalima kay Allāh. Ang sinumang tumutulong sa pagtalima, tunay na ito ay karapat-dapat sa papuri hindi pamumula. Kabilang sa pinakadakilang mga kababalaghan ng tandang ay ang kaalaman sa mga oras ng gabi at ang pagtilaok sa mga oras nito. Nagkakasunud-sunod ang tilaok nito bago ang madaling-araw at matapos nito. Napakamaluwalhati Niyang nagpatnubay sa tandang sa gawaing iyon.
Mula kay Aisha -kalugdan nawa siya ni Allah-, Katotohanan ang Jibreel ay dumating sa hitsura ni Aisha sa isang bahagi ng berdeng sutla patungo sa Propeta -Pagpalain siya ng Allah at pangalagaan- at sabi niya: ((Ito ay ang asawa mo sa mundo at kabilang buhay)).
Isinaysay ito ni At-TirmidhīyDumating si Jibreel sa panaginip patungo sa Propeta -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- sa hitsura ni Aisha -kalugdan nawa siya ng Allah- sa isang bahagi ng berdeng sutla, at ang ibig sabihin ng pagdating ay sa loob ng panaginip at hindi sa totoong buhay, at sinabi niya sa Propeta -Pagpalain siya ng Allah at pangalagaan-: ito ay iyong asawa sa mundo at kabilang buhay.
Ayon kay Anas bin Malik-malugod si Allah sa kanya-Siya ay nagsabi:((Wala akong nakita kahit na isa na higit na mapagmahal sa pamilya bukod sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan)),Nagsabi siya:((Si Ibrahim ay may tagapagpasuso sa isang nayon sa Madinah,Umaalis siya at kami ang kasama niya,Pumapasok siya sa bahay at tunay na ito ay mausok.At ang tagapagpasuso niya ay isang Panday ng Bakal,Kinukuha niya ito at hinahalikan niya,Pagkatapos ay umuuwi siya)) Nagsabi si `Amr: At nang pumanaw si Ibrahim,Nagsabi ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-:(( Katotohanang si Ibrahim ay anak ko,At siya ay pumanaw sa [Gulang] ng pagpasuso,At tunay na sa kanya ay may dalawang Nagpapasuso,gaganapin nilang dalawa ang pagpapasuso sa kanya sa Paraiso.))
Nagsalaysay nito si Imām MuslimIpinaalam ni Anas bin Malik - malugod si Allah sa kanya- na wala siyang nakita ni isa sa sinumang higit na mapagmahal sa mga pamilya at mga bata kaysa Sugo ni Allah- pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at si Ibrahim ay anak na lalaki ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- pinapasuso siya ng isang nagpapasuso sa isa sa mga nayon sa Madinah,Ang Propeta- pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay pumupunta sampu ng mga kasamahan niya upang bisitahin siya,Pumapasok siya ng bahay at nadadatnan niya nag bahay na umuusok ito ay dahil sa ang asawa ng nagpapasuso sa kanya ay isang panday.Ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- ay kinukuha si Ibrahim ay anak ito , at tunay na siya ay pumanaw habang siya ay nasa gulang ng pagpapasuso.At tunay na sa kanya ay mayroong dalawang nagpapasuso na nagpapaganap sa pagpapasuso niya sa Paraiso hanggang sa maging ganap itong dalawang taon.Ito ay dahil sa si Ibrahim ay pumanaw sa kanyang gulang na labing anim na buwan o di kaya'y labimpitong buwan, Kaya nagpapasuso batay sa teksto ng Qur-an, at ito ay bilang pagpaparangal sa kanya at sa ama niya-pagapalain siya ni Allah at pangalagaan.
Ayon kay Al-Barrā' bin `Āzib, malugod si Allah sa kanya-siya ay nagsabi: Lumabas kami kasama ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa libing ng isang lalaki mula sa Al-Ansar,dumating kami sa libingan nito nang hindi pa ito nailibing,umupo ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at umupo kami sa palibot niya na para bang sa mga ulo namin ay may mga ibon,at sa kamay niya ay isang patpat na pamalo niya sa lupa,itinaas niya ang ulo niya at nagsabi siya ng: (( Magpakupkop kayo sa Allah mula sa kaparusahan ng libingan)) ng dalawang beses,o tatlo, Naidagdag sa salaysay na: " At tunay na naririnig niya ang mga yapak ng mga tsinelas nila kapag nagsitalikod sila para magsipag-uwian,at sa oras na iyon ay sasabihin sa kanya na: O ikaw! Sino ang panginoon mo,at ano ang relihiyon mo? at sino ang propeta mo? Nagsabi si Hunad: siya ay nagsabi: " At darating sa kanya ang dalawang Anghel,pauupuin siya at sasabihin nilang dalawa sa kanya: Sino ang panginoon mo?at sasabihin niyang: Si Allah ang panginoon ko, Sasabihin nilang dalawa: Ano ang relihiyon mo? At sasabihin niyang: Ang relihiyon ko ay ang Islam,at Sasabihin nilang dalawa: Sino ang lalaking ipinadala sa inyo? Nagsabi siya;" At sasabihin niyang: Siya ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- At sasabihin nilang dalawa: At paano mo ito napag-alaman? Sasabihin naman niyang: Nabasa ko sa Aklat ni Allah,kaya nanampalataya ako rito at naniwala (( naidagdag sa Hadith ni Jarir)) At ito ang sinabi ni Allah-kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan: { Pinagtitibay ni Allah ang yaong mga nananampalataya} [Ibrahim:27] ang talata,pagkatapos ay sumang-ayon silang dalawa: Nagsabi siya:" Mananawagan ang tagapanawagan sa kalangitan; Nanaging matatag ang lingkod ko,ilatag ninyo sa kanya ang mula sa paraiso at buksan ninyo para sa kanya ang pintuan ng paraiso,at isuot ninyo sa kanya [ang damit na] mula sa paraiso" Nagsabi siya: " At darating sa kanya ang halimuyak nito at ang bango nito)) Nagsabi siya: (( At bubuksan sa kanya ito sa abot ng matatanaw niya)) Nagsabi siya: (( At ang mga walang pananampalataya)) At binanggit niya ang kamatayan niya at nagsabi siya:" At ibabalik ang kaluluwa niya sa katawan niya,at darating sa kanya ang dalawang Anghel at pauupuin siya,sasabihin nilang dalawa sa kanya: Sino ang panginoon mo? at sasabihin niyang: Ha,ha.ha, hindi ko alam, at sasabihin naman nilang dalawa sa kanya: Ano ang relihiyon mo? at sasabihin niyang: Ha,ha.,Hindi ko alam,at sasabihin naman nilang dalawa sa kanya: Sino ang lalaking ipinadala sa inyo? at sasabihin niyang: Ha,ha.ha, hindi ko alam,at mananawagan ang tagapanawagan sa kalangitan: Na siya ay nagsinungaling,ilatag ninyo sa kanya ang mula sa Impiyerno at isuot ninyo sa kanya [ang damit na] mula sa Impiyerno at buksan ninyo para sa kanya ang pintuan ng Impiyerno" Nagsabi siya:(( Darating sa kanya ang init nito at ang init ng hangin nito)) Nagsabi siya:(( At magiging masikip para sa kanya ang puntod niya hanggang sa magkakapalit ang mga tadyang nito)) Naidagdag sa Hadith ni Jarir,siya ay nagsabi: ((Pagkatapos ay magtatalaga kami sa kanya ng isang [Anghel na] bulag at pepe at dala-dala niya ang isang bakal,at kapag ipinalo niya ito sa bundok ay magiging lupa)) Nagsabi siya: (( At papaluin siya gamit ito nang pagpalong maririnig sa silangan at kanluran,maliban sa tao at Jinn,dahil sila ay magiging lupa)) Nagsabi siya: (( Pagkatapos ay ibabalik sa kanya ang kaluluwa))
Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām AḥmadIkinukwento ni Al-Barrā' bin `Āzib, malugod si Allah sa kanya-na sila ay lumabas kasama ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa libing ng isang lalaki mula sa [grupo ng] Al-Ansar,dumating sila sa puntod bago pa ito mailibing,umupo ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at umupo rin sila sa palibot niya nang tahimik,at hindi sila nagsasalita dahil sa kadakilaan niya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- at sa kamay niya ay may kahoy ginagawa niyang pamalo sa lupa tulad ng ginagawa ng tagapag-isip na may inaalala, itinaas niya ang ulo niya at siya ay nagsabi: Humiling kayo sa Allah na lilayo Niya kayo at iligtas mula sa kaparusahan ng libingan.Sinabi niya ito ng dalawa o tatlong beses,Pagkatapos ay ipinaalam niya na ang patay ay naririnig niya tunog ng ng mga tsinelas na inilalakad kapag sila ay nagsi-alisan,At siya sa mga oras na yaon ay dumarating sa kanya ang dalawang Anghel at pauupuin siya,at sasabihin nilang dalawa sa kanya na:Sino ang panginoon mo? Sasabihin niyang: Si Allah ang panginoon ko,Sasabihin nilang dalawa sa kanya na:Ano ang relihiyon mo? Sasabihin niyang: Islam ang relihiyon ko,Sasabihin nilang dalawa sa kanya na:Sino ang lalaking ipinadala sa inyo? Sasabihin niyang: Siya ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Sasabihin nilang dalawa sa kanya na:At papaano mo iyon napag-alamaan? Sasabihin niyang:Nabasa ko sa Aklat ni Allah kaya nanampalataya ako rito at naniwala rito,.at ang nabibigkas ng dila niya sa mga sagot na nabanggit ay ang pagpapatatag na nilalaman ng sinabi Niya-pagkataas-taas Niya: { Si Allah ang magpapatatag sa mga sumasampalataya sa pamamagitan ng salitang matatag} [Ibrahim:27] Pagkatapos ay nagsabi ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-:na mananawangan ang tagapanawagan sa kalangitan na: Naging tapat ang lingkod ko sa kanyang sinasabi,dahil siya sa panahon niya sa mundo ay sa ganitong paniniwala,kaya siya ay karapat-dapat sa pagpaparangal,kaya maglagay kayo sa kanya ng higaan mula sa higaan sa paraiso,at pasuutin ninyo siya ng damit mula sa paraiso,at buksan ninyo sa kanya ang pintuan sa paraiso,at bubuksan ito sa kanya at darating sa kanya ang halimuyak nito at simoy nitong mabango.at palalawakin sa kanya ang puntod niya sa lawak na abot tanaw ng paningin niya. Samantalang ang mga walang pananampalataya;binanggit niya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang kalagayan ng pagkamatay niya at paghihirap niya,at babalik ang kaluluwa niya pagkatapos mailibing ang katawan niya,at darating sa kanya ang dalawang Anghel,at pauupuin siya at sasabihin nilang dalawa sa kanya: Sino ang panginoon mo?Sasabihin niya habang siya ay nalilito: Ha,ha, Hindi ko alam, Sasabihin naman nilang dalawa sa kanya: Ano ang relihiyon mo? Sasabihin niyang: Ha.ha,hindi ko alam,At sasabihin nilang dalawa sa kanya: Ano ang masasabi mo sa karapatan ng lalaking ipinadala sa inyo,siya ba ay propeta o hindi? Sasabihin niyang: Ha,.ha, hindi ko alam, At mananawagan ang tagapanawagan sa kalangitan: Na siya ay nagsinungaling siya ay walang pananampalataya, dahil sa kawalan niya ng pananampalataya at pangtanggi niya na siyang dahilan ng mga sinabi niyang ito,At dahil sa ang relihiyon ni Allah-pagkataas-taas Niya at ang propesiya ni Muhammad-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay naging hayag sa silangang kalupaan at kanluran nito,maglagay kayo sa kanya ng higaan mula sa Impiyerno,at ipasuot ninyo sa kanya ang damit mula sa Impiyerno,at buksan ninyo sa kanya ang pintuan ng Impiyerno,darating sa kanya init ng Impiyerno,at magiging masikip para sa kanya ang puntod niya,hanggang sa magsasalungat ang mga tadyang niya at matatanggal sa ayos nito at pagkakapantay nito noon, pagkatapos ay ipapadala sa kanya ang isang Anghel na bulag at pepe,hindi nagsasalita at may dala-dalang malaking martilyo na yari sa bakal,at kapag ipinalo niya ito sa bundok ay magiging alabok,at papaluin siya gamit ito ng pagpalong maririnig ng lahat ng nasa pagitan ng silangan at kanluran maliban sa mga Jinn at tao dahil sila ay magiging alabok,pagkatapos ay ibabalik sa kanila ang kaluluwa upang matikman ang kaparusahan,at magpapatuloy ang pagpaparusa sa kanya puntod niya