





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya: "Ang sinumang pinangalagaan ni Allah laban sa kasamaan ng nasa pagitan ng bigote at balbas niya at sa kasamaan ng nasa pagitan ng dalawang hita niya, papasok siya sa Paraiso."
Isinaysay ito ni At-TirmidhīyAng sinumang pinangalagaan ni Allah, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, laban sa pagsasalita ng ikinagagalit Niya, pagkataas-taas Niya, at laban sa pagkakasadlak sa pangangalunya ay naligtas nga at papasok sa Paraiso.
Ayon kay Ma`qil bin Yasār, malugod si Allah sa kanya: "Ang pagsamba sa panahon ng sigalot ay gaya ng paglikas patungo sa akin."
Nagsalaysay nito si Imām MuslimAng kahulugan ng ḥadīth ay na ang nananatili sa pagsamba sa panahon ng dami ng mga sigalot, kalituhan sa mga pangyayari, at pagpapatayan, ang kalamangan nito ay gaya ng sinumang lumikas tungo sa Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, bago masakop ang Makkah dahil ito ay sumang-ayon sa kanya yamang ang lumilikas ay tumakas dahil sa relihiyon niya mula sa sumasagabal sa kanya roon para kumapit sa Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan. Gayon ang deboto sa pagsamba kay Allah, pagkataas-taas Niya, tumakas siya mula sa mga tao dahil sa relihiyon niya patungo sa pananatili sa pagsamba sa Panginoon niya. Kaya naman siya sa katotohanan ay lumikas nga patungo sa Panginoon niya at tumakas mula sa lahat ng nilikha.
Ayon kay `Abdullāh bin `Abbās, malugod si Allah sa kanilang dalawa-din; Tunay na ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagsasabi:((O Allah sa Iyo ako ay sumuko at sa Iyo ako ay naniwala at sa Iyo ako ay umaasa at sa Iyo ako ay nagsisi at sa Iyo upang nakipagtalo ako,O Allah! Ako ay nagpapakupkop sa Kadakilaan Mo,Wala nang Ibang Diyos na dapat sambahin maliban sa Iyo,Sa pagligaw Mo sa akin,Ikaw ang [walang hanggang] Buhay,na Hindi Namamatay; At ang mga Engkanto at mga Tao ay namamatay))
Napagkaisahan ang katumpakanAt ayon kay Ibn `Abbas,tunay na ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Ay nagsasabi: ((O Allah sa Iyo ako ay sumuko) ibig sabihin ay: Pagsunod na hayag,at wala ng iba sa Iyo (At sa Iyo ako ay naniwala) Ibig sabihin ay:paniniwalang lingid (at sa Iyo ako ay umaasa) Ibig sabihin ay:Isinuko ko ang lahat ng gawain ko upang Ikaw ang mamahaala rito,Sapagkat wala akong pag-aangkin sa kapakinabangan nito at wala rin ang kapinsalaan nito,(at sa Iyo ako ay nagsisi) Ibig sabihin :Bumabalik ako mula sa mga kasalanan patungo sa pananampalataya o mula sa Kapabayaan patungo sa Pag-aalaala,(at sa Iyo) dahil sa Tulong mo (nakipagtalo ako)ibig sabihin ay: nakipaglaban ako sa mga kalaban Mo,(O Allah! Ako ay nagpapakupkop sa Kadakilaan Mo) ibig sabihin ay: dahil sa kapangyarihan Mo,Sapagkat ang lahat ng Kadakilaan ay para sa Allah,(Wala nang Ibang Diyos na dapat sambahin maliban sa Iyo) Wala ng karapat-dapat sambahin maliban sa Iyo,at wala ng dapat hilingan maliban sa Iyo,at hindi dapat magpakupkop [sa sinuman] maliban sa Iyo,(Sa pagligaw Mo sa akin) Ako ay nagpapakupkop na iligaw mo ako pagkatapos na akoy Patnubayan Mo,at biniyayaan Mo ako sa pagsunod ng Hayag at Lingid sa Panuntunan Mo at Itinakda Mo,at Pagsisisi sa Kadakilaan Mo,at ang Pakikipagtalo sa mga kalaban Mo at ang paghingi ng Tulong sa lahat ng kalagayan saKadakilaan Mo at Tagumpay Mo,(,Ikaw ang [walang hanggang] Buhay,na Hindi Namamatay; At ang mga Engkanto at mga Tao ay namamatay)
Ayon kay Abū Jurayy Al-Hujaymīy, malugod si Allah sa kanya: "Pinuntahan ko ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, at nagsabi ako: '`Alayka -ssalām (Sumaiyo ang kapayapaan) o Sugo ni Allah.' Nagsabi siya: 'Huwag kang magsabi ng `alayka -ssalām (sumaiyo ang kapayapaan) sapagkat tunay na ang `alayka -ssalām ay pagbati ng mga patay.'"
Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām Abū DāwudAng kahulugan ng ḥadīth: May isang lalaki na pumunta sa Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, at bumati sa kanya sa pamamagitan ng pagsabi nito ng: "`Alayka -ssalām (sumaiyo ang kapayapaan) o Sugo ni Allah." Pinagbawalan ito ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na bumati sa gayong paraan. Bahagi ng pagkasuklam niya roon ay hindi siya tumugon dito at nilinaw niya rito na ang pagbating ito ay: "pagbati ng mga patay." Pagkatapos ay nilinaw niya rito ang paraang isinabatas na pagbati ng kapayapaan gaya ng nasaad sa ibang ḥadīth. Sabihin mo: "Assalāmu `alayka." Ang sabi niya, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: "Ang `alayka -ssalām ay pagbati ng mga patay" ay hindi naman nangangahulugan iyon na ang pagbating ito ay ipambabati sa pagdalaw ng mga libingan dahil ang napagtibay buhat sa kanya, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, sa pagdalaw sa mga libingan ay magsabi ng "Assalāmu `alaykum ahla dāri qawmin mu`minīn..." (Ang kapayapaan ay sumainyo mga nanatili sa tahanan ng mga taong mananampalataya...) Bagkus sinabi niya, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, iyan bilang pagtukoy sa umiral na kaugalian ng mga tao ng Jāhilīyah sa pagbati sa mga patay.
Ayon kay Ali bin Abe Talib-malugod si Allah kanya - ay nagsabi: Ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Kapag siya ay nagdarasal,ang nagiging huling salita niya sa pagitan ng Tashahhud at salam ay;((O Allah,Patawarin mo ako sa anumang unang nagawa ko at sa anumang huling nagawa ko at sa anumang inililihim ko at sa anumang ipinapakita ko,at sa anumang sinayang ko,at sa anumang ikaw ang mas-higit na nakakaalam nito,mula sa akin,Ikaw ang Pinaka-una at Ikaw ang Pinaka-huli,walang ibang Diyos na dapat sambahin maliban sa iyo))
Nagsalaysay nito si Imām MuslimAng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-kapag tumindig siya sa pagdarasal, ang pinaka-huling sinasabi niya sa pagitan ng pagsasagawa ng tashahhud at salam ay: O Allah, Patawarin mo ako sa anumang unang nagawa ko" mula sa mga kasalanan" at sa anumang huling nagawa ko" mula sa mga gawain,;ay sa lahat ng mga nasayang mula sa akin,"at sa anumang inililihim ko" ay:itinatago ko,"at sa anumang ipinapakita ko at sa anumang sinayang ko" ay: lumampas ako sa limitasyon nito,Pagmamalabis sa paghingi ng kapatawaran sa pamamagitan ng pagbanggit ng ibat-ibang uri ng kasalanan,"at sa anumang,Ikaw ang higit-na nakaka-alam nito ,mula sa akin," ay" mula sa mga kasalanan ko na hindi ko na napag-alaman ito sa bilang at patakaran,"Ikaw ang Una" ay:ang ilan sa mga alipin,mula sa Iyo ang pagpapahintulot sa pananampalataya,"at Ikaw ang Huli" ay:sa mga ilan sa kanila,dahil sa pagkabigo sa pagtagumpay,O Ikaw ang Una sa sinumang naisin mo sa ganap na katayuan,at Ikaw ang Huli sa sinumang naisin mo na, mula sa pinakamataas nitong gawain hanggang sa pinakamababa nito,"walang ibang Diyos maliban sa iyo" ay: walang ibang dapat sambahin maliban sa iyo.
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya: Nagtalo ang Paraiso at ang Impiyerno. Nagsabi ang Paraiso: "Papasok sa akin ang mga mahina at ang mga dukha." Nagsabi ang Impiyerno: "Papasok sa akin ang mga mapaniil at ang mga nagmamalaki." Nagsabi Siya sa Impiyerno: "Ikaw ay ang parusa Ko; maghihiganti Ako sa pamamagitan mo sa sinumang loobin Ko." Nagsabi Siya sa Paraiso: "Ikaw ay ang awa Ko; maaawa Ako sa pamamagitan mo sa sinumang loobin Ko."
napagkaisahan ang katumpakan sa kahulugan nitoIpinababatid ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na ang ang Paraiso at ang Impiyerno ay nagtalo sa harap ng Panginoon nilang dalawa. Nangangahulugan ito: Ang bawat isa sa kanilang dalawa ay naglahad ng mga katwiran ng pagkakalamang sapagkat ang bawat isa ay nag-aangkin ng kalamangan sa isa pa. Ito ay kabilang sa mga bagay na pangnakalingid na kinakailangan sa atin na sampalatayanan kahit pa man ituring na imposible ang mga ito ng mga isip. Ang Paraiso ay nangatwiran sa Impiyerno at nagsabing nasa kanya ang mga mahina ng mga tao at ang mga dukha ng mga tao." Sila sa kadalasan ang nagpapahinuhod sa katotohanan at nagpapaakay roon. Nangatwiran ang Impiyerno na nasa kanya ang mga mapaniil, na mga nagtataglay ng karahasan at kalupitan, at mga nagmamalaki, na mga nagtataglay ng pagmamataas at pagmamalaki, na mga nanlalait ng mga tao, at tumatanggi sa katotohanan. Ang mga alagad ng paniniil at ang mga alagad ng pagmamalaki ay ang mga maninirahan sa Impiyerno - ang pagpapakupkop ay kay Allāh - dahil sila sa kadalasan ay hindi nagpapaakay sa katotohanan. Humatol si Allāh, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, sa kanilang dalawa at nagsabi sa Impiyerno: "Ikaw ay ang parusa Ko; magpaparusa Ako sa pamamagitan mo sa sinumang loobin Ko at maghihiganti Ako sa pamamagitan mo sa sinumang loobin Ko." Nagsabi Siya sa Paraiso: "Ikaw ay ang awa Ko; maaawa Ako sa pamamagitan mo sa sinumang loobin Ko." Nangangahulugan ito: Ito ay ang tahanang namutawi sa awa ni Allāh at hindi ang awa Niyang katangian Niya dahil ang awa Niyang katangian Niya ay paglalarawang umiiral sa Kanya ngunit ang awa rito ay nilikha. "Ikaw ay ang awa Ko; maaawa Ako sa pamamagitan mo sa sinumang loobin Ko." Ang mga maninirahan sa Paraiso ay ang mga karapat-dapat sa awa ni Allāh at ang mga maninirahan sa Impiyerno ay ang mga karapat-dapat sa parusa ni Allāh.
Ayon kay Sahl bin Sa`d, malugod si Allah sa kanya: "Tunay na ang mga maninirahan sa Paraiso ay talagang makatatanaw sa mga mataas na tahanan sa Paraiso gaya ng pagkatanaw ninyo sa mga tala sa langit."
Napagkaisahan ang katumpakanAng mga maninirahan sa Paraiso ay nagkakaiba ang mga tahanan nila alinsunod sa mga antas nila sa kabutihan. Ang mga may matataas na mga antas ay talagang makikita ng mga mababa sa kanila, gaya ng pagkakita sa mga bituin.
Ayon kay Al-Ḥasan na nagsabi: Nagsanaysay sa amin si Jundub bin `Abdillāh (malugod si Allāh sa kanya) sa masjid na ito. Hindi kami nakalimot magmula ng nagsanaysay siya sa amin. Hindi kami natakot na si Jundub ay nagsinungaling laban sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Nagsabi siya: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): Sa mga bago ninyo noon ay may isang lalaking may isang sugat kaya nasuya siya kaya kumuha siya ng isang punyal saka humiwa siya sa pamamagitan nito sa kamay niya. Hindi naampat ang dugo hanggang sa namatay siya. Nagsabi si Allāh (napakataas Siya): "Nagdali-dali sa Akin ang alipin Ko ng sarili niya. Nagkait Ako sa kanya ng Paraiso."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na sa mga bago natin noon ay may isang lalaking nagkaroon ng isang sugat kaya nasuya siya at hindi siya nakapagtiis sa sakit. Kumuha siya ng isang punyal saka pumutol siya sa pamamagitan nito sa kamay niya at minadali niya ang kamatayan. Hindi natigil ang dugo hanggang sa namatay siya. Nagsabi si Allāh (napakataas Siya): "Nagdali-dali sa Akin ang alipin Ko ng sarili niya. Nagkait nga Ako sa kanya ng Paraiso."
Ayon sa Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsasabi noon: "Allāhumma, laka aslamtu, wa-bika āmantu, wa-`alayka tawakkaltu, wa-ilayka anabtu, wa-bika khāṣamtu. Allāhumma, innī a`ūdhu bi-`izzatika, lā ilāha illā anta, an tuḍillanī. Anta -lḥayyu -lladhī lā yamūtu wa-ljinnu wa-l'insu yamūtūn." (O Allāh, sa Iyo ako nagpasakop, sa Iyo ako sumampalataya, sa Iyo ako nanalig, sa Iyo ako nagsisising nagbalik, at dahil sa Iyo ako nakipagtalo. O Allāh, tunay na ako ay nagpapakupkop sa kapangyarihan Mo – walang Diyos kundi Ikaw – na magpaligaw Ka sa akin. Ikaw ang Buhay na hindi namamatay samantalang ang jinn at ang tao ay namamatay.)"}
Napagkasunduan sa katumpakan nito. Ito ay pagkakasambit ni Imām Muslim. Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy sa pinaiksing paraanKabilang noon sa panalangin ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na siya noon ay nagsasabi ng: "O Allāh, sa Iyo ako nagpasakop" at nagpaakay, "sa Iyo ako sumampalataya," naniwala, at kumilala, "sa Iyo ako nanalig," nagpaubaya, at sumalig, "sa Iyo ako nagsisising nagbalik," nanumbalik, at tumuon, "at dahil sa Iyo ako nakipagtalo" at nakipangatwiran sa mga kaaway Mo. "O Allāh, tunay na ako ay nagpapakupkop" at dumudulog "sa kapangyarihan Mo," tibay Mo, at pananaig Mo, "– walang Diyos kundi Ikaw –" at walang sinasamba ayon sa karapatan maliban sa Iyo, "na magpaligaw Ka sa akin" palayo sa kapatnubay at pagkatuon sa pagkalugod Mo. "Ikaw ang Buhay na hindi namamatay" at hindi napupuksa "samantalang ang jinn at ang tao ay namamatay."