





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay Ibnu Mas`ūd, malugod si Allāh sa kanya: "Na may isang lalaking may isang babaing nahalikan kaya pumunta ito sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, at ipinabatid nito sa kanya. Kaya ibinaba ni Allāh, pagkataas-taas Niya: Panatiliin mo ang pagdarasal sa dalawang dulo ng maghapon at sa mga bahagi ng gabi. Tunay na ang mga magandang gawa ay nag-aalis sa mga masagwang gawa." (Qur'an 11:114) Nagsabi ang lalaki: "Ukol ba sa akin ito, o Sugo ni Allāh?" Nagsabi siya: "Ukol sa lahat ng Kalipunan ko - lahat sila."
Napagkaisahan ang katumpakanIpinababatid sa atin ni Ibnu Mas`ūd, malugod si Allāh sa kanya, na may isang lalaki sa mga kasamahan ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na tinatawag na Abū Al-Yusr na humalik sa isang babaing hindi niya kaanu-ano. Nagsisisi sa nangyari sa kanya kaya pumunta siya sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sa ipinabatid nito sa kanya ang nangyari. Kaya nagbaba si Allāh, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, ng pumapatungkol sa kanya: "Panatiliin mo ang pagdarasal sa dalawang dulo ng maghapon." Nangangahulugan ito: "Dasalin mo ang mga dasal na nasa dalawang dulo ng maghapon: ang ṣubḥ, ang đuhr, at ang `aṣr." "at sa mga bahagi ng gabi" ay nangangahulugang: "at Dasalin mo rin ang dalawang dasal unang bahagi ng gabi: ang maghrib at ang `ishā'. "Tunay na ang mga magandang gawa ay nag-aalis sa mga masagwang gawa." ay nangangahulugang: "Tunay na ang limang dasal ay panakip-sala sa mga maliliit na pagkakasala." "Kabilang sa mga ito ang ginawa mo," [sabi ng Propeta]. Kaya nagsabi ang lalaki: "Ukol po ba sa akin ito?" Ibig sabihin: "Ito ba ay panakip-sala para sa akin na pansarili, o para sa mga tao na pangkalahatan?" Nagsabi siya: "Para sa lahat ng kalipunan ko." Ibig sabihin: Na ang limang dasal na ito ay panakip-sala ukol sa sinumang nakagawa niyon mula sa lahat ng kalipunan ko. Naisanaysay ni Abū Al-Yusr ang kuwentong ito: "Pinuntahan ako ng isang babaing nagtitinda ng datiles at sinabi ko: Tunay na sa bahay ay may datiles na higit na mainam kaysa riyan. Kaya pumasok ito sa bahay kasama ko. Naakit ako sa kanya kaya hinalikan ko siya. Pinuntahan ko si Abū Bakr at binanggit ko iyon sa kanya, kaya nagsabi siya: Pagtakpan mo ang sarili mo. Magsisi ka at huwag mong ipabatid sa isa man. Hindi ako nakatiis at pinuntahan ko si `Umar at binanggit ko iyon sa kanya, kaya nagsabi siya: Pagtakpan mo ang sarili mo. Magsisi ka at huwag mong ipabatid sa isa man. Hindi ako nakatiis at pinuntahan ko ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, at binanggit ko iyon sa kanya, kaya nagsabi siya: Nakitungo ka ba sa isang mandirigma sa landas ni Allāh kaugnay sa maybahay niya nang tulad nito? Sa gayon minithi niya na sana siya ay yumakap sa Islām nang oras na iyon lamang hanggang ipinagpalagay niya na siya ay mapabibilang na sa mga maninirahan sa Impiyerno. Nagsabi ito: Yumuko ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, nang matagal hanggang sa nagsiwalat si Allāh sa kanya: 'Panatiliin mo ang pagdarasal sa dalawang dulo ng maghapon at sa mga bahagi ng gabi.' hanggang sa sinabi Niya:...isang paalaala para sa mga umaalaala.' Nagsabi si Abū Al-Yasr: Kaya pumunta ako sa kanya at binigkas ito sa akin ng Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, at nagsabi ang mga kasahaman niya: O Sugo ni Allāh, ukol dito ba sa pansarili, o ukol sa mga tao sa pangkalahatan? Nagsabi siya: Bagkus ukol sa mga tao sa pangkalahatan." Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy (3115). Itinuring ito na maganda ni Shaykh Al-Albānīy sa Ṣaḥīḥ wa Ḍa`īf At-Tirmidhīy, numero 3115. Si iba pang ḥadīthn: "Kapag ang isang Muslim ay nagkasala ng isang pagkakasala, pagkatapos ay nagsagawa ng wuḍū' at nagdasal ng dalawang rak`ah, pagkatapos ay humingi ng tawad kay Allāh, pagtaas-taas Niya, para sa pagkakasalang iyon, patatawarin siya." Binigkas niya ang dalawang talata na ito: "Ang sinumang gumagawa ng kasamaan o lumabag sa katarungan sa sarili niya at pagkatapos ay hihingi siya ng kapatawaran kay Allāh, matatagpuan niya na si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain." (Qur'an 4:110) at "na mga kapag nakagawa ng mahalay o lumabag sa katarungan sa mga sarili nila..." (Qur'an 3:134) Isinaysay ito ni Aḥmad, numero 47. Itinuring na tumpak ang isnād nito ni Aḥmad Shākir. Ito ay bahagi ng lawak ng awa ni Allāh, pagkataas-taas Niya, sa mga lingkod Niya na ginawa Niya ang limang dasal at mga kusang-loob na dasal bilang panakip-sala sa mga pagkakasala nila dahil kung hindi mapapahamak sila.
Ayon kay Anas, malugod si Allāh sa kanya: May pumuntang isang lalaki sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, at nagsabi ito: "O Sugo ni Allāh, naging karapa-dapat ako sa isang ḥadd kaya ipatupad mo po ito sa akin." Sumapit ang pagdarasal at nagdasal ito kasama ng Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, at noong natapos ang dasal ay nagsabi ito: "O Sugo ni Allāh, tunay na ako ay naging karapat-dapat sa isang ḥadd kaya ipatupad mo po ito sa akin ayon sa Aklat ni Allāh." Nagsabi siya: "Dumalo ka ba sa dasal kasama namin?" Nagsabi ito: "Opo." Nagsabi siya: "Napatawad ka na."
Napagkaisahan ang katumpakanMay dumating na isang lalaki at nagsabi: "O Sugo ni Allāh, tunay na ako ay nakagawa ng isang bagay na isinatungkuling iparusa ang ḥadd kaya ipatupad mo po ito sa akin. Ang ḥadd, ang ibig sabihin nito ay ang kahatulan ni Allāh. Nagsabi si Anas: "Hindi niya tinanong ito tungkol doon" ay nangangahulugang hindi tinanong ng Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ang lalaki tungkol sa kung ano ang kinakailangang patawan ng ḥadd? Sinasabi: dahil siya, sumakanya ang pagpapala at ang pangangalaga, ay nakaalam na sa pagkakasala nito at kapatawaran dito sa pamamagitn ng pagsisiwalat [ni Allāh]. Sumapit ang pagdarasal at nagdasal ito kasama ng Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, Ibig sabihin: ang isa mga dasal o ang `aṣr. Noong naisagawa niya ito at lumisan, tumindig ang lalaki at nagsabi: "O Sugo ni Allāh, tunay na ako ay naging karapat-dapat sa isang ḥadd kaya ipatupad mo po ito sa akin" Ibig sabihin: "[ipatupad] sa panig ko" Ang [ayon sa] Aklat ni Allāh ay nangangahulugang kahatulan ni Allāh mula sa Qur'an at Sunnah. Ang kahulugan: Gumagawa ako ng napatunayan sa kalagayan ko na pinapatawan ng ḥadd o iba pa. Nagsabi siya, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Hindi ba nagdasal ka na kasama namin?" Nagsabi ito: "Opo." Nagsabi siya: "Tunay na si Allāh ay nagpatawad na sa iyo sa pagkakasala mo o sa ḥadd sa iyo. May pagdududa mula sa tagasanaysay sa dahilan ng ḥadd. Ang ibig sabihin ng ḥadd ay ang kaparusahang sumasaklaw sa pagkastigo, at maipakakahulugan din ng iba pa. Hindi ibig sabihin dito ng ḥadd ang teknikal na kahulugan nito gaya ng pangangalunya at pag-inom ng alak. Ito ay pinapatawan ng itinakdang parusa. Ang kadahilanan kung bakit siya, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay hindi nagtanong dito tungkol doon ay dahil may nalaman siyang isang uri ng dahilan para rito. Hindi niya tinanong ito upang hindi maipatupad dito iyon yamang kung sakaling naipaalam nito sa kanya talagang kakailanganing ipatupad iyon sa kanya kahit pa man nagsisisi na siya dahil ang pagsisisi ay hindi nagpapawalang-saysay sa mga kaparusahan maliban sa parusa sa mandarambong sa daan dahil sa isang talata ng Qur'an at gayon din ang hadd sa pangangalunya ng isang dhimmīy kapag yumakap ito sa Islām. Maging ano pa man, walang pahayag sa ḥadīth na ang pagdarasal ay nagtatakip-sala sa isang malaking kasalanan. Bagkus kung sakaling inobliga iyon kailangang ipakahulugan ito ayon sa naunang ijmā`.
Ayon kay `Ā’ishah, malugod si Allah sa kanya: May isang lalaking nagpaalam sa Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, kaya nagsabi siya: "Magpahintulot kayo sa kanya; kay sama niyang kapatid ng lipi!"
Napagkaisahan ang katumpakanMay isang lalaking nagpaalam na humarap sa Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, kaya nagsabi siya: "Magpahintulot kayo sa kanya; kay sama niyang kapatid ng lipi o anak ng lipi." Noong naupo siya, natuwa ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, sa mukha niya at nasiyahan sa kanya. Noong lumisan ang lalaki, nagsabi sa kanya si `Ā’ishah: "O Sugo ni Allah, nang nakita mo ang lalaki, nagsabi ka sa kanya ng ganito at ganoon. Pagkatapos ay natuwa ka sa harap niya at nasiyahan ka sa kanya." Nagsabi ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: "O `Ā’ishah, kailan mo nalamang ako ay pagkalaswa-laswa? Tunay na ang pinakamasama sa mga tao sa ganang kay Allah sa kalagayan sa Araw ng Pagkabuhay ay ang sinumang iniwan ng mga tao bilang pangingilag sa kasamaan niya." Ang lalaking ito ay kabilang sa mga kampon ng katiwalian at kasamaan. Dahil dito, binanggit siya ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, noong wala na siya dahil karapat-dapat siya roon at sinabi: "Kay sama niyang anak ng lipi niya." Ito ay alang-alang sa pagbabala sa mga tao laban sa katiwalian niya nang sa gayon ay hindi malinlang ang mga tao sa kanya. Kaya kapag nakakita ka ng isang taong may katiwalian at panghalina subalit siya ay nakaakit na ng mga tao dahil sa tamis ng pananalita niya, tunay na isinasatungkulin sa iyo na magbigay-linaw na ang lalaking ito ay tiwali upang hindi malinlang ang mga tao sa kanya. Kay daming taong matatas ang dila at matamis magpahayag. Kapag nakita mo siya, pahahangain ka ng anyo niya. Kung magsasalita siya, makikinig ka sa kanya; subalit siya ay walang mabuting dulot. Kaya ang isinasatungkulin ay linawin ang kalagayan niya. Tungkol naman sa pagpipitagan ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, sa lalaki, ito ay bilang pagpapaamo. Ang mga may kaalaman ay sumasang-ayon na ang pagpapaamo ay hinihiling sa pakikitungo sa mga iba, salungat sa pagpapahinuhod na nagreresulta rito ng pagtakwil sa tungkulin o pagpapalampas sa ipinagbabawal o paggawa ng ipinagbabawal. Ito ay hindi ipinahihintulot sa anumang kalagayan batay sa sabi ni Allah: "Hinangad nila na magpahinuhod ka sana at magpapahinuhod din sila." (Qur'an 68:9) Ang pagpapaamo naman at ang pakikitungo sa mga tao dahil sa pagsasakatuparan ng kapakanan at hindi nagreresulta rito ng pinakamababang katiwalian. Tunay na ito ay bagay na ayon sa Batas ng Islam.
Ayon kay Ibrāhīm bin `Abdirraḥmān bin `Awf, si `Abdurraḥmān bin `Awf, malugod si Allah sa kanya, ay dinalhan ng pagkain noong siya ay nag-aayuno at nagsabi ito: "Pinatay si Muṣ`ab bin `Umayr, malugod si Allah sa kanya, samantalang siya ay higit na mabuti kaysa sa akin. Walang natagpuan para sa kanya na maipambabalot maliban sa isang balabal na kung ipantatakip ito sa ulo niya ay lilitaw ang mga paa niya at kung ipantatakip ito sa mga paa niya ay lilitaw ang ulo niya. Pagkatapos ay ipinagkaloob para sa atin mula sa Mundo ang naipagkaloob." O nagsabi siya: "Ibinigay sa atin mula sa Mundo ang naibigay sa atin. Natakot nga tayo na ang [gantimpala] sa mga magandang gawa natin ay minadali na sa atin." Pagkatapos ay nagsimula siyang umiyak hanggang sa iniwan niya ang pagkain.
Isinaysay ito ni Imām Al-BukhārīyAng kahulugan ng ḥadīth: Si `Abdurraḥmān bin `Awf, malugod si Allah sa kanya, minsang isang araw, ay nag-aayuno. Noong sumapit na ang oras ng ifṭār ay dinalhan siya ng pagkain. Ang nag-aayuno ay karaniwang nananabik sa pagkain, ngunit siya, malugod si Allah sa kanya, ay nakaalaala sa dinanas ng mga unang kasamahan [ng Propeta]. Siya, malugod si Allah sa kanya, ay kabilang sa mga unang kasamahang kabilang sa mga nagsilikas [sa Madīnah], malugod si Allah sa kanila. Siya ay nagsabi bilang pagmamaliit sa sarili niya: "Tunay na si Muṣ`ab bin `Umayr noon, malugod si Allah sa kanya, ay higit na mabuti kaysa sa akin sa pagpapakumbaba at pagtitiis para sa sarili o sa panig ng pagpili sa karukhaan at pagtitiis gayong tahasang ipinahayag ng mga maalam na ang sampung binalitaan [ng pagpasok sa Paraiso] ay mainam kaysa sa nalalabing mga kasamahan [ng Propeta]. Si Muṣ`ab bin `Umayr, malugod si Allah sa kanya, noong bago yumakap sa Islam, ay nasa piling ng mga magulang niya sa Makkah. Ang mga magulang niya ay mayaman. Ang ina niya at ang ama niya ay nagpapasuot sa kanya ng pinakamainam na kasuutan: ang kasuutan ng kabataan at mga binata. Pinalaki nila siya sa labis na layaw. Noong yumakap siya Islam, iniwan nila siya at nilayuan. Lumikas siya kasama ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, kaya kabilang siya sa mga lumikas. Nakasuot siya ng tagpi-tagping kasuutan samantalang noong siya ay nasa Makkah sa piling ng mga magulang niya ay nagsusuot ng pinakamaganda sa mga kasuutan, subalit iniwan niya ang lahat ng iyon upang lumikas kay Allah at sa Sugo Niya. Ibinigay sa kanya ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ang watawat sa Araw ng Uḥud. Naging martir siya, malugod si Allah sa kanya. Nakasuot siya ng balabal [noong namatay]. Kapag ibinalot nila ito sa ulo niya, lumilitaw ang mga paa niya, Iyon ay dahil sa ikli ng balabal. Kapag naman binalot nila ang mga paa niya, lumilitaw ang ulo niya. Kaya nag-utos ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na ipantakip ito sa ulo niya at takpan ang mga paa niyan ng tanglad, isang kilalang halaman. Binabanggit ni `Abdurraḥmān bin `Awf ang kalagayan ng lalaking ito. Pagkatapos ay sinasabi niya: Tunay na sila ay yumao na at naligtas sa [tukso ng] Mundo, ang maraming samsam, na binuksan ni Allah sa mga dumating matapos nila, gaya ng sinabi ni Allah, pagkataas-taas Niya: "at maraming samsam na kinukuha nila." (Qur'an 48:19) Pagkatapos ay sinabi pa ni `Abdurraḥmān bin `Awf, malugod si Allah sa kanya: "Natakot nga tayo na ang [gantimpala] sa mga magandang gawa natin ay minadali na sa atin." Ibig sabihin: Natakot tayo na mapabilang sa pangkat ng mga sinabihan hinggil dito: 'Ang sinumang nagnanais ng panandalian ay mamadaliin Namin para sa kanya rito ang loloobin Namin para sa kaninumang nanaisin Namin. Pagkatapos ay itatalaga Namin para sa kanya ang Impiyerno na papasukin niya na nilalait na pinagtatabuyan.' (Qur'an 17:18) Ang sabi pa Niya, pagkataas-taas Niya: 'Inubos na ninyo ang mga mabuti ninyo sa buhay ninyong makamundo at nagtamasa na kayo sa pamamagitan ng mga ito.' (Qur'an 46:20) Nasaad ito ayon kay `Umar, malugod si Allah sa kanya. Ito ay dahil sa ang pangamba ay nananaig sa kanila kaya natakot siya, malugod si Allah sa kanya, na ang mga magandang gawa nila ay minadali na ang gantimpala sa kanila sa Mundong ito. Umiyak siya sa pangamba at takot na hindi siya isasama sa mga nauna sa kanya na mga matuwid. Pagkatapos ay iniwan niya, malugod si Allah sa kanya, ang pagkain.
Ayon kay Ḥakīm bin Ḥizām (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Humingi ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagbigay siya sa akin. Pagkatapos humingi pa ako sa kanya saka nagbigay siya sa akin. Pagkatapos nagsabi siya: "O Ḥakīm, tunay na ang yamang ito ay kaakit-akit na matamis. Kaya ang sinumang kumuha nito dala ng pagkamapagbigay ng sarili, pagpapalain siya dahil doon; at ang sinumang kumuha nito dala ng pag-iimbot ng sarili, hindi siya pagpapalain dahil doon. Siya ay naging gaya ng kumakain at hindi nabubusog. Ang mataas na kamay ay higit na mabuti kaysa sa mababang kamay." Nagsabi si Ḥakīm: "Kaya nagsabi ako: O Sugo ni Allāh, sumpa man sa Kanya na nagpadala sa iyo kalakip ng katotohanan, hindi ako mangunguha sa isa man matapos mo ng anuman hanggang sa makipaghiwalayan ako sa Mundo." Si Abū Bakr noon (malugod si Allāh sa kanya) ay nag-aanyaya kay Ḥakīm upang magbigay ito sa kanya ng kaloob ngunit umaayaw siya na tumanggap mula rito ng anuman. Pagkatapos, tunay na si `Umar (malugod si Allāh sa kanya) ay nag-aanyaya sa kanya upang magbigay ito sa kanya ngunit umaayaw siya na tumanggap niyon. Kaya nagsabi ito: "O katipunan ng mga Muslim, tunay na ako ay nag-aalok sa kanya ng karapatan niya na ibinahagi ni Allāh para sa kanya mula sa samsam na ito ngunit umaayaw siya na kumuha nito." Kaya hindi nanguha si Ḥakīm sa isa man sa mga tao matapos ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) hanggang sa pinapanaw siya. Maawa sa kanya si Allāh.}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoHumingi si Ḥakīm bin Ḥizām (malugod si Allāh sa kanya) sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) mula sa natatamasa sa Mundo saka nagbigay naman ito sa kanya. Pagkatapos humingi pa siya rito ng isa pa saka nagbigay naman ito sa kanya. Pagkatapos nagsabi sa kanya ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "O Ḥakīm, tunay na ang yamang ito ay ninanasang naiibigan. Kaya ang sinumang pinuntahan nito nang walang panghihingi at kumuha nito nang walang kasibaan ng sarili at pangungulit, pagpapalain siya dahil doon; at ang sinumang kumuha nito nang may pagmimithi at paghahangad, hindi siya pagpapalain dahil doon. Siya ay naging gaya ng kumakain at hindi nabubusog. Ang mataas na kamay na tagagugol ay higit na mabuti sa ganang kay Allāh kaysa sa mababang kamay na tagahingi." Kaya nagsabi ako: "O Sugo ni Allāh, sumpa man sa Kanya na nagpadala sa iyo kalakip ng katotohanan, hindi ako magbabawas sa ari-arian ng isa man sa pamamagitan ng paghiling mula sa kanya matapos mo hanggang sa makipaghiwalayan ako sa Mundo." Ang Khalīfah ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na si Abū Bakr (malugod si Allāh sa kanya) ay nag-aanyaya noon kay Ḥakīm upang magbigay ito sa kanya ng kaloob ngunit umaayaw siya na tumanggap mula rito ng anuman. Pagkatapos, tunay na ang Pinuno ng mga Mananampalataya na si `Umar (malugod si Allāh sa kanya) ay nag-aanyaya sa kanya upang magbigay ito sa kanya ngunit umaayaw siya na tumanggap niyon. Nagsabi si `Umar: "O katipunan ng mga Muslim, tunay na ako ay nag-aalok sa kanya ng karapatan niya na ibinahagi ni Allāh para sa kanya mula sa yaman ng samsam na ito na natamo para sa mga Muslim mula sa mga tagatangging sumampalataya nang walang digmaan ni pakikibaka ngunit umaayaw siya na kumuha nito." Kaya hindi nakabawas si Ḥakīm sa ari-arian ng isa man sa pamamagitan ng paghiling mula sa kanya matapos ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) hanggang sa pinapanaw siya (malugod si Allāh sa kanya).
Ayon kay `Abdullāh bin `Amr, malugod si Allāh sa kanilang dalawa-Siya ay nagsabi: (( Sinabi ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Ang pinakamainam na kasama para kay Allah-pagkataas-taas Niya,ay ang mainam sa kanila sa kanyang kasama,at ang pinakamainam ng kapitbahay para kay Allah-pagkataas-taas Niya,ay ang mainam sa kanila sa kanyang kapit-bahay))
Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad - Nagsalaysay nito si Imām Ad-DārimīyAng pinakamainam na kasamahan para kay Allah,sa antas at gantimpala ay yaong higit na may maraming pakinabang sa kanyang kasama,kaya`t ang pinakamainam na kapit-bahay para kay Allah,ay yaong may pinakamaraming pakinabang sa kanyang kapit-bahay
Ayon kay `Abdullāh bin Busr Al-Aslamīy, malugod si Allāh sa kanya: "Ang pinakamabuti sa mga tao ay ang sinumang humaba ang buhay niya at gumanda ang gawa niya."
Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad - Nagsalaysay nito si Imām Ad-DārimīyAng kahulugan ng ḥadīth na ito ay na ang tao sa tuwing humahaba ang buhay niya sa pagtalima kay Allāh ay nadaragdagan ang kalapitan niya kay Allāh dahil ang bawat gawaing ginagawa niya habang nadaragdagan ang edad niya ay nagpapalapit sa kanya sa Panginoon niya, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan. Ang pinakamainam sa tao ay ang sinumang pinagtagumpay na magkaroon ng dalawang bagay na ito: ang haba ng buhay at ang ganda ng gawain. Ang haba ng buhay ay hindi maganda sa tao malibang kapag gumanda ang gawain niya sa pagtalima kay Allāh dahil magkaminsan ang haba ng buhay ay nagiging masama sa tao at kapinsalaan sa kanya gaya ng nasaad sa ibang ḥadīth: "Alin sa mga tao ang mabuti? Sinabi niya: Ang sinumang humaba ang buhay niya at ang gumanda ang gawa niya. Sinabi: Alin sa mga tao ang masama? Sinabi niya: Ang sinumang humaba ang buhay niya at sumagwa ang gawa niya." Isinaysay ito nina Abū Dāwud at At-Tirmidhīy. Itinuring na tumpak ito ni Al-Albānīy sa Ṣaḥīḥ At-Tirmidhīy. (5/330) numero 2330. Nagsabi si Allāh, mapagpala Siya, at pagkataas-taas: "Huwag ngang aakalain ng mga tumangging sumampalataya na ang pagpapatagal Namin sa kanila ay mabuti sa mga sarili nila; nagpapalugit lamang Kami sa kanila upang madagdagan sila sa kasalanan at ukol sa kanila ay nakahihiyang pagdurusa." (Qur'an 3:178) Ang mga tumatangging sumampalaaya na ito ay nagpapalugit si Allāh sa kanila. Ibig sabihin: Pinagkakalooban sila ng panustos, kalusugan, haba ng buhay, mga anak, at mga asawa hindi para sa ikabubuti nila bagkus para sa ikasasama nila. Ang pagpapakupkop ay kay Allāh dahil sila ay madadagdagan ng kasalanan dahil doon. Nagsabi si Aṭ-Ṭaybīy, kaaawaan siya ni Allāh: "Ang mga panahon at ang mga oras ay gaya ng puhunan para sa mangangalakal kaya nararapat na mangalakal ng anumang tutubo dahil doon. Kapag ang puhunan ay malaki ang tubo ay higit na malaki. Ang sinumang gumugol ng panahon sa kabutihan niya ay magwawagi at magtatagumpay. Ang sinumang nagsayang ng pahunan niya ay hindi tutubo at malulugi ng malinaw na pagkalugi."
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Kay rami ng [taong] gulu-gulo ang buhok na itinutulak sa mga pintuan, na kung sakaling susumpa kay Allāh ay talagang tutupad siya nito."}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimNagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na mayroon sa mga tao na nagkabuhul-buhol ang buhok na inalikabukan, na hindi naglalangis nito at hindi nagpapadalas ng paghuhugas nito, na walang halaga ukol sa kanya sa ganang mga tao kaya sila ay nagtutulak sa kanya palayo sa mga pintuan nila at nagtataboy sa kanya palayo dala ng pagmamata sa kanya gayon pa man kung sakaling sumumpa siya sa pagkapangyari ng isang bagay ay magpapangyari nito si Allāh bilang pagpaparangal sa kanya sa pamamagitan ng pagtugon sa hiling niya at pangangalaga sa kanya laban sa pagtatalusira sa panunumpa niya. Iyon ay dahil sa kalamangan niya at katayuan niya sa ganang kay Allāh.
Ayon kay `Ā’ishah, malugod si Allāh sa kanya: “Nakarinig ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ng mga tinig ng pagtatalo sa pintuan. Malakas ang mga tinig nilang dalawa. Biglang ang una sa dalawa ay humihiling ng bawas at humihiling ng palugit sa isang bagay samantalang nagsasabi naman ang huli: Sumpa may kay Allāh, hindi ko gagawin. Lumabas ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sa kanilang dalawa at nagsabi: Nasaan ang nanunumpa kay Allāh na hindi siya gagawa ng nakabubuti? Nagsabi ang huli: Ako po, o Sugo ni Allāh, at nasa kanya na ang alin man doon na iibigin niya."
Napagkaisahan ang katumpakanAng kahulugan ng ḥadīth: Na ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nakarinig ng mga tinig ng dalawang nagtatalo na nag-aalitan sa mga usaping pampananalapi. Tumaas ang mga tinig nila hanggang sa makarating sa mga pandinig ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sa bahay niya. Nakinig ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sa mga tinig na ito. Biglang naririnig niya na ang una sa dalawang lalaki ay "humihiling sa huli ng bawas at humihiling ng palugit sa isang bagay." Ibig sabihin ay humihiling ang una sa huli na bawasan ng bahagya ang utang o magpalugit sa una samantalang nagsasabi naman ang huli: Sumpa may kay Allāh, hindi ko gagawin. Kaya lumabas sa kanilang dalawa ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, at nagsabi: Nasaan ang nanunumpa kay Allāh na hindi siya gagawa ng nakabubuti? Ibig sabihin: Nasaan ang sumusumpa kay Allāh sa hindi paggawa ng nakabubuti? Kaya nagsabi ang huli: Ako po, o Sugo ni Allāh, at nasa kanya na ang alin man doon na iibigin niya. Ibig sabihin: Ako po ang nanumpa, at makakamit ng kaalitan ko ang ibig niyang bawas sa utang o ang pagpapalugit sa kanya. Sa isang sanaysay ni Aḥmad (24405) at ni Ibnu Ḥibbān (5032): "Kung loloobin mo, ibabawas ko ang inawas nila; at kung loloobin mo ibabawas ko mula sa puhunan." Kaya ibinawas niya ang inawas nila. Ang ipinahihiwatig ng paglalahad ng ḥadīth na ito sa paksang ito ay hayag. Tunay na ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagsisikap na pagkasunduin ang dalawang nagtatalo: sa pamamagitan ng pagbabawas sa utang o pagpapalugit sa utang. Sa paksang ito ay may kuwentong kahawig sa ḥadīth ng paksang ito na Isinaysay ni Al-Bukhārīy (2424) at ni Muslim (1558). Ayon kay Ka`b bin Mālik, malugod si Allāh sa kanya, mayroon siyang pautang kay `Abdullāh bin Abī Ḥadrad Al-Aslamīy. Nakatagpo niya ito at dinikitan niya ito. Nag-usap sila hangang sa tumaas ang mga tinig nila. Nadaanan sila ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, at nagsabi siya: "O Ka`b," at ipinahiwatig niya ng kamay niya na para bang siya nagsasabi: "Kalahati." Kaya kinuha ni Ka`b ang kalahati ng pautang niya at iniwan ang kalahati. Nararapat sa Muslim na magsigasig sa paggawa ng kabutihan at kabilang doon ang pagkasunduin ang mga tao. Kapag nakakita ng dalawang tao o dalawang pangkat o dalawang lipi na may alitan, sigalot, pagmumuhian, at pag-aaway, magsisikap na pagkasunduin sila upang alisin ang anumang humahantong sa pagkakawatak-watak at at pagmumuhian. Mapapalitan ito ng kapatiran at mananaig ang pag-ibig sapagkat sa gayon natatamo ang maraming kabutihan at ang masaganang gantimpala. Bagkus iyon ay higit na mainam kaysa sa antas ng nag-aayuno, nagdarasal sa gabi, at nagkakawanggawa. Nagsabi ang Propeta, sumakanya ang pagpapala at ang pangangalag: "Hindi ba ako magpababatid sa inyo ng higit na mainam kaysa sa antas ng pag-aayuno, pagdarasal, at pagkakawanggawa?" Nagsabi sila: "Siya nga po, o Sugo ni Allāh." Nagsabi siya: "Ang pagkasunduin ang may mga alitan." Isinaysay ito ni Abū Dāwud numero 4919 at itinuring na tumpak ito na Shaykha Al-Albānīy sa Ṣahīh Abī Dāwud numero 4919.