





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay Usāmah, malugod si Allah sa kanya: "Tumayo ako sa pintuan ng Paraiso at ang karamihan pala ng papasok doon ay mga dukha at ang mga may kaya ay mga maaantala. gayon pa man ang mga maninirahan sa Impiyerno ay inutusan patungo sa Impiyerno.Tumayo ako sa pintuan ng Impiyerno at ang karamihan pala ng papasok roon ay mga babae."
Napagkaisahan ang katumpakanAng mga maralita at ang mga dukha ay papasok sa Paraiso bago ang mga mayaman. Iyon ay dahil sa sila ay mga maralitang walang yaman kaya hindi siya tutuusin doon at bilang pagpaparangal mula kay Allah, pagkataas-taas Niya, at pagpapabuya sa kanila dahil sa nakaalpas sa kanila na ginhawa sa mundo at karangyaan nito. Ang mga may yamang nagmamaliw na mga may salapi at katungkulan ay mga maaantala sa mga liwasan ng Pagkabuhay dahil sa haba ng pagtutuos sa kanila dahilan sa dami ng mga yaman nila, lawak ng impluwensiya nila, pagpapasarap nila sa mga ito sa Mundo, pagpapakaligaya nila ayon sa mga hilig ng laman at kapritso. Tunay na ang [tinatamasang] ḥalāl sa Mundo ay ay mag pagtutuos at ang [tinatamasang] ḥarām dito ay may pagpaparusa. Ang mga maralita ay mga malaya rito. Ang karamihan ng papasok sa Impiyerno ay mga babae dahil sila ay madalas dumaing at nagkakaila sa kabutihan ng mga asawa.
Kami noon ay naglalaan para sa Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ng bahagi niya sa gatas, at pumupunta siya sa gabi at bumabati ng pagbating hindi siya nanggigising ng tulog at ipinaririnig niya sa gising. Dumarating ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, at bumabati gaya ng pagbati niya dati.
Nagsalaysay nito si Imām MuslimSi Al-Miqdād noon at mga kasama niya, malugod si Allah sa kanila, matapos nilang gatasan ang tupa at inumin ang bahagi nila sa gatas, ay naglalaan ng bahagi niya, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, upang pumunta siya upang inumin ito. Siya, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, kapag pumupunta sa kanila sa gabi samantalang sila ay tulog, ay bumabati sa kanila ng pagbating may tinig na katamtaman sa pagitang ng pinakamahinang maririnig at higit dito kung saan hindi siya nakagigising ng isang natutulog samantalang naiparirinig niya gising sa kanila.
Ayon kay Sa`d bin Abī Waqqāṣ (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Kami minsan ay nasa piling ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi siya: "Nawawalang-kakayahan ba ang isa sa inyo na kumita sa bawat araw ng isang libong magandang gawa?" Kaya may nagtanong sa kanya na isang tagatanong kabilang sa mga kaupuan niya: "Papaano po kikita ang isa sa amin ng isang libong magandang gawa?" Nagsabi siya: "Magluluwalhati siya ng isang daang pagluwalhati saka may maitatala para sa kanya na isang libong magandang gawa o may maibabawas sa kanya na isang libong kamalian."}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimNagtanong ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa mga Kasamahan niya: "Hindi ba nakakakaya ang isa sa inyo na magkamit sa bawat araw ng isang libong magandang gawa?" Kaya nagsabi ang isa sa mga kaupuan niya: "Papaano po magtatamo ang tao ng isang libong magandang gawa sa isang araw nang may kadalian?" Nagsabi siya: "Sumambit siya ng: subḥāna -llāh (Kaluwalhatian kay Allāh) nang isang daang ulit saka may maitatala para sa kanya na isang libong magandang gawa dahil ang iisang magandang gawa ay katumbas sa sampung tulad nito o may mapapawi sa kanya na isang libong masagwang gawa mula sa mga masagwang gawa niya."
Ayon kay `Amr bin `Awf Al-Anṣārīy, malugod si Allah sa kanya, ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay nagpadala kay Abū `Ubaydah Al-Jarrāḥ, malugod si Allah sa kanya, sa Baḥrayn upang kunin ang jizyah nito. Dumating siya na may dalang salapi mula sa Baḥrayn at narinig ng mga Anṣārīy ang pagdating ni Abū `Ubaydah. Ginampanan nila ang ṣalāh sa madaling-araw kasama ng Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan. Noong nakapagdasal na ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay lumisan siya. Hinarang nila ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, nang nakita niya sila. Pagkatapos ay nagsabi siya: "Iniisip ko na kayo ay nakarinig na si Abū `Ubaydah ay dumating na may dala mula sa Baḥrain?" Nagsabi sila: "Siya nga po, o Sugo ni Allah." Kaya nagsabi siya: "Magalak kayo at asahan ninyo ang ikatutuwa ninyo sapagkat sumpa man kay Allah: hindi ang karalitaan ang kinatatakutan ko para sa inyo bagkus natatakot ako na ilahad ang mundo sa inyo gaya ng pagkalahad nito sa mga nauna sa inyo kaya magtatagisan kayo para rito gaya ng pagtatagisan nila para rito at ipahahamak kayo nito gaya ng pagpahamak nito sa kanila."
Napagkaisahan ang katumpakanIpinadala ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, si Abū `Ubaydah malugod si Allah sa kanya sa Baḥrain upang kunin mula sa mga tagaroon ang jizyah. Noong dumating si Abū `Ubaydah malugod si Allah sa kanya sa Madīnah at narinig ng mga Anṣārīy iyon, pumunta sila sa Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, at nagtipon sila sa kanya, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, sa ṣalāh sa madaling-araw. Noong lumisan siya matapos ang ṣalāh ay hinarang niya sila. Ngumiti siya, sumakanya ang pangangalaga at ang pagpapala, dahil dumating silang nananabik sa salapi. Nagsabi siya sa kanila: "Marahil kayo ay nakarinig ng pagdating ni Abū `Ubaydah mula sa Baḥrain?" Nagsabi sila: "Siya nga po, o Sugo ni Allah." Binalitaan sila ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ng ikinagagalak nila. Ipinabatid niya, sumakanya ang pagpapala at ang pangangalaga, sa kanila na siya hindi nangangamba ng karalitaan para sa kanila dahil ang maralita sa kadalasan ay higit na malapit sa katotohanan kaysa sa mayaman, subalit siya ay natatakot na buksan sa kanila ang Mundo at masasadlak sila sa pagtutunggalian dahil dito. Hindi na sasapat sa tao sa sandaling iyon ang makakamit niya. Bagkus magnanais siya ng higit pa at higit pa sa anumang paraang ikapagtatamo niya ng salapi. Hindi siya papansin ng ḥalāl ni ḥarām. Walang duda na ito ay kabilang sa tagisang mapupulaang hahantong sa patuon sa kamunduhan at paglayo sa Kabilang-buhay. Mapapahamak sila gaya ng pagkapahamak ng nauna sa kanila.
Ayon kay Anas bin Mālik (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "O Allāh, walang pamumuhay kundi ang pamumuhay sa Kabilang-buhay. Kaya magpatawad Ka sa mga tagaadya at mga tagalikas."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na walang tunay na pamumuhay kundi ang pamumuhay sa Kabilang-buhay sa kaluguran ni Allāh, awa Niya, at Paraiso Niya dahil ang pamumuhay sa Mundo ay naglalaho at ang pamumuhay sa Kabilang-buhay ay ang mamamalaging mananatili. Pagkatapos dumalangin ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng kapatawaran, pagpaparangal, at kaayusan para sa mga Tagaadya na nagpatuloy sa kanya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at mga Tagalikas, nag-adya sa kanila, at nakihati sa kanila ng mga ari-arian ng mga ito. Dumalangin din siya para sa mga Tagalikas na nag-iwan ng mga tahanan nila habang naghahangad ng kabutihang-loob mula kay Allāh at pagkalugod.
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Pansinin, tunay na ang Mundo ay isinumpa: isinumpa ang narito, maliban ang pag-alaala kay Allāh, ang anumang nakitangkilik dito, at isang nakaaalam o isang nagpapakatuto."}
Nagsalaysay nito sina Imām At-Tirmidhīy at Imām Ibnu MājahNagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang Mundo ay : kinamumuhian ni Allāh, na pinupulaang iwinawaksing nilalayuan. Iniiwan ang anumang narito na hindi nag-aalaala kay Allāh dahil sa pagiging ito at ang bawat anumang narito ay nagpakaabala palayo kay Allāh (napakataas Siya) at lumalayo sa Kanya, maliban sa pag-alaala kay Allāh at anumang nalapit dito at nakauri nito kabilang sa inibig ni Allāh, o sa isang nakaalam sa kaalamang pangkapahayagan, na nagtuturo sa mga tao, o sa isang nagpapakatuto nito.
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya: "Ang yaman ay hindi sa dami ng ari-arian ngunit ang yaman ay ang yaman ng kaluluwa."
Napagkaisahan ang katumpakanNilinaw ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na ang reyalidad ng yaman ay hindi sa dami ng ari-arian. Ang yamang tunay ay ang yaman ng kaluluwa lamang. Kaya kapag nagkasya ang tao sa ibinigay sa kanya, nakuntento roon, nalugod, hindi naghangad ng dagdag, at hindi nagpupumilit sa paghiling, siya ay kabilang sa mga mayaman sa mga tao.
Ayon kay Sahl bin Sa`d As-Sā`idīy, malugod si Allah sa kanya: "May isang lalaking nagdaan sa Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, kaya nagsabi siya sa isang lalaking nakaupo sa tabi niya: Ano ang palagay mo sa [lalaking] ito? Kaya nagsabi ito: Isang lalaking kabilang sa mga maharlika ng mga tao. Ito, sumpa man kay Allah, ay karapat-dapat, kung nag-alok na magpakasal, na ipakasal; at kung namagitan [ay dapat] na tanggapin ang pamamagitan. Nanahimik ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan. Pagkatapos ay may isa pang lalaking dumaan kaya nagsabi rito ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: Ano ang palagay mo sa [lalaking] ito? Kaya nagsabi ito: O Sugo ni Allah, ito ay isang lalaking kabilang sa mga maralita ng mga Muslim. Ito ay karapat-dapat, kung nag-alok ng kasal, na hindi ipakasal; kung namagitan [ay dapat] na hindi tanggapin ang pamamagitan; at kung nagsalita [ay dapat] na hindi dinggin ang sinasabi niya. Kaya nagsabi ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: [Ang maralitang] Ito ay higit na mabuti kaysa sa gamundong dami ng tulad ng [maharlikang] iyon."
Isinaysay ito ni Imām Al-BukhārīyAng kahulugan ng hadith: May nagdaan sa Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na dalawang lalaki. Ang isa sa dalawa ay kabilang sa mga maharlika ng mga tao, kabilang sa sinusunod ang pananalita sa kanila, kabilang sa tinutugon kapag nag-alok, at dinidinig kapag nagsabi. Ang ikalawa ay ang kabaliktaran: isang lalaking kabilang sa mga mahina sa mga Muslim, wala siya halaga. Kung nag-alok ay hindi tinutugon. Kung namagitan ay hindi tinatanggap ang pamamagitan. Kung nagsabi ay hindi dinidinig. Kaya nagsabi ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: "[Ang maralitang] Ito ay higit na mabuti kaysa sa gamundong dami ng tulad ng [maharlikang] iyon." Ibig sabihin ay mabuti sa ganang kay Allah, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, kaysa sa gamundong dami ng tulad ng lalaking ito na may kamaharlikaan at impluwensiya sa mga tao niya dahil si Allah, napakamaluwalhati Niya at pagkataas-taas, ay hindi tumitingin sa kamaharlikaan, impluwensiya, kaangkanan, yaman, anyo, kasuutan, sasakyan, at tirahan. Tumitingin lamang siya sa mga puso at gawa. Nasaad sa hadith: "Tunay na si Allah ay hindi tumitingin sa mga anyo ninyo ni sa mga yaman ninyo, ngunit tumitingin lamang Siya sa mga puso ninyo at sa mga gawa ninyo." Isinaysay ito ni Muslim, numero 2564. Kaya kapag bumuti ang puso sa pagitan niya at ni Allah, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, at nagbalik-loob kay Allah, naging nag-aalaala kay Allah, pagkataas-taas Niya, natatakot sa Kanya, nagpapakumbaba sa Kanya, gumagawa sa ikinalulugod ni Allah, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, ito ang marangal sa ganang kay Allah. Ito ang prominente kay mabunyi sa ganang Kanya. Ito ang taong kapag sumumpa kay Allah, talagang tutuparin Niya.
Ayon kay Jābir bin `Abdillāh, malugod si Allah sa kanya: "Hindi hiningan ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ng anuman kailanman at nagsabi siya ng hindi." Ayon kay Anas, malugod si Allah sa kanya: "Hindi hiningan ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, [ng isang papasok] sa Islam ng anuman malibang ibinigay niya iyon. Talaga ngang pinuntahan siya ng isang lalaki at binigyan niya ito ng mga tupa na nasa pagitan ng dalawang bundok. Umuwi ito sa mga kalipi nito at nagsabi: O mga kalipi, yumakap kayo sa Islam sapagkat tunay na si Muḥammad ay nagbibigay ng kaloob [gaya ng isang] hindi natatakot sa karalitaan. Bagamat nangyayaring ang isang lalaking ay yumayakap sa Islam na nagnanais ng kamunduhan lamang, ngunit nagtatagal lamang nang saglit ang gayon hanggang sa ang Islam ay naging pinakakaibig-ibig sa kanya kaysa sa kamunduhan at anumang narito."
Napagkaisahan ang katumpakanAng kahulugan ng ḥadīth: Na ang propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay walang isang humingi sa kanya ng anuman sa mga bagay-bagay sa mundo na sinabihan niya ng hindi, bilang pagtangging magbigay. Bagkus kung mayroon siya, ibibigay niya roon o magsasabi siya roon ng malumanay na pananalita bilang pagsunod sa utos ni Allah, pagkataas-taas Niya, sa sinabi Niya: "Ang nanghihingi naman ay huwag mong itaboy." (Qur'an 93:10) Isinaysay ni Imām Al-Bukhārīy sa Al-Adab Al-Mufrad ayon kay Anas na siya, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay "maawain. Walang isang pumupunta sa kanya na nanghihingi na hindi niya pinangakuang bigyan ito o nagbibigay agad siya rito kung mayroon siya." Itnuring na maganda ito ni Shaykh Al-Albānīy sa mga komentaryo sa Al-Adab Al-Mufrad, pahina 145. Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya: "Na may isang lalaking pumunta sa Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, kaya pinapuntahan niya ang mga maybahay niya [para magpakuha ng pagkain] ngunit nagsabi sila: Wala kaming anuman maliban sa tubig. Nagsabi ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: "Sino ang magsasama o magpapatuloy rito?" Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy, numero 3798; at ni Imām Al-Bukhārīy, numero 2093, ayon kay Sahl bin Sa`d, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: "May dumating na isang babaing may dalang balabal na nagsabi: O Sugo ni Allah, tunay na ako ay humabi nito ng kamay ko; ipasusuot ko sa iyo ito. Kinuha ito ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, dahil nangangailangan nito. Pumunta siya sa amin at tunay na ito ay itinapis niya. Nagsabi ang isang lalaki kabilang sa mga tao: O Sugo ni Allah, ipasuot mo sa akin iyan. Nagsabi siya: Oo. Naupo ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, sa pagtitipon, pagkatapos ay umuwi siya. Tinupi niya ito, pagkatapos ay ipinadala niya ito roon. Nagsabi roon ang mga tao: Magaling ang ginawa mo; hiningi mo iyan sa kanya. Talaga ngang nalaman mo na siya hindi tumatanggi sa isang nanghihingi. Nagsabi ang lalaki: Sumpa man kay Allah, hindi ko ito hiningi sa kanya malibang upang maging kafan ko sa araw na mamatay ako. Nagsabi si Sahl: Iyon ay naging kafan. Ito ay ang kalagayan niya, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, sa sinumang humingi sa kanya. Kung mayroon siya ay ibibigay niya doon, kung sakaling mayroon ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, at kahit pa man may pangangailangan siya roon. Kung wala naman siya nito, hihingi siya ng paumanhin doon o pangangakuan niya iyon [na maghintay] sa pansamantala o hihiling siya para roon sa mga kasamahan niya. Ito ay bahagi ng pagkamapagbigay niya, kagalantehan niya, at kagandahan ng kaasalan niya, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan.