





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya: "Kung sakaling nalalaman ng mananampalataya ang nasa kay Allah na kaparusahan, walang mag-aasam ng Paraiso Niya ni isa man. Kung sakaling nalalaman ng tumatangging sumampalataya ang nasa kay Allah na awa, walang mawawalan ng pag-asa sa Paraiso Niya ni isa man."
Nagsalaysay nito si Imām MuslimAng kahulugan ng ḥadīth: Na ang Mananampalataya na nagkaroon ng karapatan sa Paraiso, kung sakaling nalalaman niya nang totohanan ang nasa kay Allah, pagkataas-taas Niya, na parusa sa mundo at parusa sa kabilang-buhay para sa mga tumatangkilik sa kawalang-pananampalataya at kaligawan, hindi siya magmimithing pumasok sa Paraiso, bagkus talagang ang magiging mithi niya ay na alisin siya sa Impiyerno dahil sa matinding pagdurusa at mabigat na parusa roon na hindi makakaya ng mga katawan. Kabaliktaran niyon, ang tumatangging sumampalataya, kung sakaling nalaman niya nang totohanan ang awa ng pinakamaawain sa mga maawain at ng pinakamapagbigay sa mga mapagbigay, hindi siya mawawalan ng pag-asa sa awa Niya, napakamaluwalhati Niya at pagkataas-taas, bagkus talagang mimithiin niyang pumasok sa Paraiso dahil sa pagkakaalam niya sa lawak ng awa ni Allah, pagkataas-taas Niya, at na Siya ay malawak sa pagpapatawad.
Ayon kay Jābir, malugod si Allāh sa kanya, ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay naparaan sa palengke samantalang ang mga tao ay nasa magkabilang gilid niya at naparaan siya sa isang patay na batang kambing na maliit ang tainga. Inabot niya ito kinuha sa tainga nito. Pagkatapos ay nagsabi: "Alin sa inyo ang iibiging ito ay mapasakanya kapalit ng isang dirham?" Nagsabi sila: "Hindi po namin iibiging iyan ay mapasaamin kapalit ng anuman. Ano po ang gagawin namin diyan?" Pagkatapos ay nagsabi siya: "Iibigin ba ninyong ito ay mapasainyo?" Nagsabi sila: "Sumpa man kay Allāh, kung sakaling iyan man ay buhay, iyan ay kapintasan; tunay na iyan ay maliit ang tainga. Kaya papaano na at iyan ay patay na!" Nagsabi siya: "Kaya sumpa man kay Allāh, talagang ang Mundo ay higit na hamak para kay Allāh kaysa rito para sa inyo."
Nagsalaysay nito si Imām MuslimNagpapabatid sa atin si Jābir, malugod si Allāh sa kanya, na ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay naparaan sa palengke sa isang batang batang kambing, na putol ang mga tainga. Kinuha ito ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, iniangat niya ito, at nagsabi siya: "May isa ba sa inyong magnanais nito kapalit ng isang dirham?" Nagsabi sila: "O Sugo ni Allāh, hindi po namin nanaisin iyan kapalit ng anuman." Nagsabi siya: "May isa ba sa inyong maghahangad na mapasakanya ito?" Nagsabi sila: "Hindi po." Nagsabi siya: "Tunay na ang Mundo ay higit na hamak para kay Allāh, pagkataas-taas Niya, kaysa sa batang kambing na ito." Ninais ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na linawin sa mga Kasamahan niya at Kalipunan niya matapos niya na ang Mundo ay higit na hamak at higit na aba sa ganang kay Allāh, pagkataas-taas Niya, kaysa rito sa patay na batang kambing na putol ang mga tainga, na inaayawan ng mga matinong kaluluwa. Ito ang kalagayan ng Mundo sa paghahambing sa Kabilang-buhay: walang halaga ito sa ganang kay Allāh at hindi tumitimbang ng isang pakpak ng isang lamok, gaya ng nasa ḥadīth ayon kay Sahl bin Sa`d, malugod si Allāh sa kanya, ayon sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Kung nangyaring ang Mundo ay nakatutumbas sa ganang kay Allāh sa isang pakpak ng isang lamok, hindi sana siya nagpainom mula rito sa isang tumatangging sumampalataya ng isang inom na tubig." Isinaysay ito ni Imām At-Tirmidhīy, numero 2320. Itinuring na tumpak ito ni Shaykh Al-Albānīy sa Ṣaḥīḥ wa Ḍa`īf Sunan At-Tirmidhīy, numero 2320. Ninais ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na himukin ang mga Kasamahan niya at Kalipunan niya matapos niya na gawin nila ng Mundo bilang kaparaanan tungo sa pagdating sa ninanais ni Allāh, hindi para maging pakay nila at layon nila dahil tunay na nasa gayon ang kapahamakan nila.
Ayon kay Abū Yaḥyā Khuraym bin Fātik, malugod si Allāh sa kanya: "Ang sinumang gumugol ng isang gugulin sa landas ni Allāh, itatala para sa kanya ang pitong daan ulit."
Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy - Isinaysay ito ni Imām AḥmadAng sinumang gumugol ng kaunti o maraming gugulin sa landas ni Allāh, pagkataas-taas Niya, maging ito man ay sa pakikibaka sa landas ni Allāh, pagkataas-taas Niya, o sa iba pa rito na mga uri ng kabutihan at mga pagtalima, pag-iibayuhin ni Allāh para sa kanya ang gantimpala nang hanggang sa pitong daang ulit sa Araw ng Pagkabuhay.
Ayon kay Thawbān, malugod si Allah sa kanya: "Ang sinumang naggarantiya sa akin na hindi siya hihingi sa mga tao ng anuman ay igagarantiya ko sa kanya ang Paraiso." Kaya nagsabi ako: "Ako po." Kaya hindi na siya nanghihingi sa isa man ng anuman.
Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām AḥmadAng kahulugan ng ḥadīth: Na ang sinumang mangako sa Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ng paghinto sa panghihingi sa mga tao at sa pagpapatulong sa kanila sa pagtugon sa mga pangangailangan, kaunti man o marami, igagarantiya niya, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,dito ang Paraiso. Iyon ay dahil sa ang paghinto sa panghihingi sa mga nilikha ay tanda ng pananalig kay Allah at patunay sa lakas ng pag-asa at pagtitiwala kay Allah, pagkataas-taas Niya. Kaya ang ganti sa kanya ay ang pagpapasok sa kanya ni Allah, pagkataas-taas Niya, sa Paraiso. Matapos marinig ni Thawbān, malugod si Allah sa kanya, ang pananalitang ito, nangako siya sa Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na hindi siya hihingi sa mga tao ng anuman. May nasaad tungkol sa kanya, malugod si Allah sa kanya, gaya ng nasa sanaysay ni Ibnu Mājah: "Kapag nalalalag noon ang latigo niya samantalang siya ay nakasay, hindi siya nagsasabi sa isa man na iabot ito sa kanya yamang bumababa siya at kinukuha ito." Ito ay bilang pagtupad sa pangako na taimtim niyang ginawa sa sarili sa harap ng Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan.
Ayon kay `Abdullāh bin `Amr bin Al-`Āṣṣ, malugod si Allah sa kanilang dalawa: "Napadaan sa amin ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, habang kami ay nagkukumpuni ng isang kubo namin, kaya nagsabi siya: Ano ito? Nagsabi naman kami: Humina na ito kaya kami ay nag-aayos nito. Nagsabi naman siya: Wala akong nakikita sa usapin [ng buhay] malibang [sa ito ay] higit na panandalian kaysa riyan."
Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām Abū DāwudAng kahulugang ng hadith: Ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay napadaan kay `Amr bin Al-`Āṣṣ habang ito ay nag-aayos ng nasira sa bahay nito o may ginagawa rito upang patibayin ito. Sa isang sanaysay ni Abū Dāwud: "habang ako ay nagtatapal ng putik sa isang dingding ko" Kaya nagsabi naman siya: "Wala akong nakikita sa usapin [ng buhay] malibang [sa ito ay] higit na panandalian kaysa riyan." Nangangahulugan ito na: ang taning ng buhay ay higit na malapit kaysa sa [sandaling kailangang] ayusin mo ang bahay mo sa takot na gumuho ito bago ka mamatay at marahil mamatay ka bago gumuho ito. Kaya naman ang pag-aayos sa gawa mo ay higit na karapat-dapat kaysa sa pag-aayos sa bahay mo. Maliwanag na ang pagkukumpuni nito ay hindi kinakailangan, bagkus ito ay lumitaw dala ng pagmimithing kumpunihin ito o namutawi sa pagkaibig na gayakan ito. Kaya ipinaliwanag niya rito na ang pinakamahalaga ay ang pagpapakaabala sa bagay-bagay kaugnay sa Kabilang-buhay at karapat-dapat kaysa sa ang pagpapakaabala sa anumang hindi mapakikinabangan sa Kabilang-buhay.
Ayon kay `Ā'ishah, malugod si Allāh sa kanya, ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay kumakain noon ng isang pagkain sa piling ng anim sa mga Kasamahan niya. May dumating na isang Arabeng disyerto at kinain niya iyon sa dalawang subo kaya nagsabi ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Tungkol sa tunay na kung siya ay sakaling bumanggit [kay Allah], talagang sumapat na sana ito sa inyo."
Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām AḥmadAng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay minsang kumain kasama ng anim sa mga Kasamahan niya at dumating ang isang Arabeng disyerto at lumahok sa kanila. Kinain nito ang natira sa dalawang subuan kaya nagsabi ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Tungkol sa tunay na kung siya ay sakaling bumanggit [kay Allah], talagang sumapat na sana ito sa inyo." Subalit ito ay hindi bumanggit [kay Allah] at kinain nito ang natira, ang lahat ng ito, sa dalawang subuan at hindi ito nakasapat sa kanya. Ito ay nagpapatunay na ang tao, kapag hindi bumanggit [kay Allah], inaalis ang biyaya mula sa pagkain niya.
Ayon kay Waḥshīy bin Ḥarb (malugod si Allāh sa kanya): {Sila ay nagsabi: "O Sugo ni Allāh, tunay na kami ay kumakain at hindi nabubusog." Nagsabi siya: "Kaya baka kayo ay mga nagkakahiwa-hiwalay?" Nagsabi sila: "Opo." Nagsabi siya: "Kaya magsama-sama kayo sa pagkain ninyo at bumanggit kayo ng pangalan ni Allāh dito, magpapala Siya sa inyo rito."}
Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām Ibnu Mājah, at Imām AḥmadNagtanong ang ilan sa mga Kasamahan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi sila: "Tunay na kami ay kumakain at hindi nangyayari sa ganang amin ang pagkabusog." Kaya nagsabi sa kanila ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kaya baka kayo ay naghihiwa-hiwalay sa sandali ng pagkain sapagkat kumakain ang bawat isa sa pagkabukod-tangi niya?" Nagsabi sila: "Opo." Nagsabi siya: "Kaya magsama-sama kayo, kumain kayo na hindi mga nagkakahiwa-hiwalay, at bumanggit kayo ng pangalan ni Allāh sa sandali ng pagkain sa pamamagitan ng pagsabi ng: Bismi -llāh (Sa ngalan ni Allāh)," magpapala sa inyo si Allāh dito at matatamo sa inyo ang pagkabusog.
Ayon kay Jabalah bin Suḥaym na nagsabi: Dinapuan kami ng taon ng tagtuyot kasama ni Ibnu Az-Zubayr, at tinustusan kami ng datiles. Si `Abdullāh bin `Umar, malugod si Allāh sa kanilang dalawa, ay napararaan noon sa amin habang kami ay kumakain [ng datiles] at nagsasabi: "Huwag ninyong pagsabayin [ang dalawang datiles] sapagkat tunay na ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagbawal ng pagsasabay [ng pagkain ng dalawang datiles]." Pagkatapos ay nagsasabi siya: "Malibang magpaalam ang lalaki sa kasama niya."
Napagkaisahan ang katumpakanAyon kay Jabalah bin Suḥaym na nagsabi: Dinapuan kami ng taon ng tagtuyot kasama ni Ibnu Az-Zubayr, malugod si Allāh sa kanya, at nagbigay siya sa amin ng datiles. Si `Abdullāh bin `Umar, malugod si Allāh sa kanilang dalawa, ay napararaan noon sa amin habang kami ay kumakain [ng datiles] at nagpapabatid sa amin na ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagbabawal na pagsabayin ng tao ang dalawang datiles at tulad ng mga ito na kabilang sa makakain ng isa-isa kapag nasa isang pangkat malibang may kapahintulutan ng mga kasamahan niya. Kaya huwag kang kumain ng dalawang datiles sa iisang subo dahil ito ay nakapipinsala sa mga kapatid mong kasama mo. Huwag kang kumain ng higit kaysa sa kanila malibang kapag nagpaalam ka at sinabi mo: "Magpapahintulot ba kayo sa akin na kumain ako ng dalawang datiles nang magkasabay?" Kung nagpahintulot sila sa iyo, walang masama. Tawag-pansin: Sa Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy: "at tumustos siya sa amin..." Ang "siya" ay si Ibnu Az-Zubayr. Ang kahulugan ay "nagbigay siya sa amin..." Sa sanaysay ni Imām Al-Bayhaqīy: "at tinustusan kami..." Maaaring ang tinutukoy na tagatustos ay si Allāh, pagkataas-taas Niya.
Ayon kay Anas bin Mālik (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): Noong nagpanik sa akin [sa langit], naparaan ako sa mga taong mayroon silang mga kukong yari sa tanso, na kumakalmot sila sa pamamagitan ng mga ito sa mga mukha nila at mga dibdib nila. Kaya naman nagsabi ako: "Sino ang mga ito, O Gabriel?" Nagsabi siya: "Ang mga ito ay ang mga kumakain ng mga karne ng mga tao at naninira sa mga dangal nila."}
Nagsalaysay nito si Imām Abū DāwudNagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na noong iniakyat siya sa langit sa Gabi ng Isrā' at Mi`rāj (Paglalakbay at Pagpanik), naparaan siya sa mga taong mayroon silang mga kukong yari sa tanso, na nanggagasgas sila at naggugula-gulanit sila sa pamamagitan ng mga ito sa mga mukha nila at mga dibdib nila. Kaya naman nagsabi siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kay Anghel Gabriel (sumakanya ang pangangalaga): "Ano ang ginawa ng mga ito upang gantihan sila ng pagdurusang ito?" Nagsabi si Anghel Gabriel (sumakanya ang pangangalaga): "Ang mga ito ay ang mga nanlilibak sa mga tao at nagsasalita kaugnay sa mga dangal nila nang walang karapatan."