





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay Abū Mūsā (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Ang paghahalintulad sa ipinadala sa akin ni Allāh na patnubay at kaalaman ay gaya ng paghahalintulad sa maraming ulan, na tumama sa isang lupain. Mula rito ay may isang bahaging dalisay na tumanggap ng tubig saka nagpatubo ito ng maraming pangkumpay at damo. Mula rito ay may mga matigas [na bahagi] na pumigil sa tubig kaya nagpakinabang si Allāh sa pamamagitan ng mga ito sa mga tao sapagkat uminom sila, nagpatubig sila, at nagsaka sila. Tumama iyon mula rito sa ibang bahagi. Ang mga ito lamang ay mga kapatagang hindi pumipigil sa tubig at hindi nagpapatubo ng pangkumpay. Iyon ay ang paghahalintulad sa sinumang umunawa sa Relihiyon ni Allāh at nagpakinabang sa kanya ang ipinadala sa akin ni Allāh kaya nakaalam siya at nagturo siya at ang paghahalintulad naman sa sinumang hindi nag-angat dahil doon ng ulo at hindi tumanggap sa patnubay ni Allāh na ipinasugo ako dahil doon."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoHumahangang nagwangis ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa nakikinabang sa inihatid sa kanya na katunayan at daang nagpapaabot sa hinihiling at kaalamang pangkapahayagan sa lupang bumababa rito ang maraming ulan. Ang paghahalintulad na ito ay tatlong uri: A. Isang lupaing kaaya-aya na tumatanggap ng tubig ng mga ulan kaya nagpapatubo ng maraming halaman bilang sariwa at bilang tuyot saka nakinabang ang mga tao sa mga ito. B. Isang lupaing tagapigil ng tubig subalit ito ay hindi nagpapatubo ng pananim kaya ito ay nag-iingat ng tubig upang makinabang dito ang mga tao sapagkat umiinom sila at nagpapatubig sila ng mga hayupan nila at mga pananim nila. C. Isang lupaing patag na madulas na hindi pumipigil sa tubig at hindi nagpapatubo ng pananim kaya hindi ito nakikinabang sa tubig na iyon sa sarili nito at hindi nakikinabang ang mga tao mula rito. Kaya ganito ang mga nakarinig noong ipinadala dahil dito ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na may kaalaman at patnubay. Ang una ay ang nakaaalam na nagpakaunawa sa Relihiyon ni Allāh, na tagagawa ayon sa kaalaman niya, na tagapagturo sa iba sa kanya, kaya siya ay nasa antas ng lupaing kaaya-aya, na uminom kaya nakinabang sa sarili nito at nagpatubo kaya nagpakinabang sa iba pa. Ang ikalawa ay ang nakasasaulo ng kaalaman subalit wala siyang pagkaintindi at paghihinuha sapagkat siya ay tagatipon ng kaalaman, na nagpakaabala ng panahon niya roon, gayon pa man hindi siya nagsagawa ng mga kinukusang-loob dito o hindi siya nakaunawa sa tinipon niya kaya siya ay isang kasangkapan ng iba sa kanya. Siya ay nasa antas ng lupaing pinagtitigilan ng tubig para makinabang ang mga tao rito. Ang ikatlo ay ang sinumang nakaririnig ng kaalaman ngunit hindi nakapagsasaulo nito, hindi nagsasagawa nito, at hindi nagpaparating nito sa iba pa sa kanya kaya siya ay nasa antas ng lupaing maasin o madulas na walang halaman dito at hindi tumatanggap ng tubig o nakasisira nito sa iba pa.
Mula kay Abū Mūsā Al-Ash`arīy -Malugod ang Allah sa kanya- Marfuw'an: nasunog ang isang bahay sa Madinah sa may-ari nito sa isang gabi, nang naibalita sa Sugo -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- ang pangyayari nila, ay nagsabi Siya: ((Katotohanan ang impyernong ito ay kalaban ninyo, at kapag kayo ay nakatulog na, ay papatayin o papawiin ko siya sa inyo)).
Napagkaisahan ang katumpakan"Nasunog ang isang bahay sa Madinah, nang umabot ito sa Propeta -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- kanyang sinabi na katotohanan ang impyerno o ang apoy na ito ay kalaban ng kanyang may-ari kapag hindi gawin ang pag-iwas sa kasamaan ng kanyang pag-liyab at pagsunog, at pagkatapos inutusan Niya sila para apulahin bago matulog bilang pag-iwas at pagsugpo sa kasamaan niya mula sa pagliyab at pagsunog at iba pa doon"
Ayon kay An-Nu`mān bin Bashīr (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {HIndi ba kayo [nagtamasa] sa pagkain at pag-inom na niloob ninyo? Talaga ngang nakakita ako sa Propeta ninyo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) habang hindi siya nakatatagpo ng mababang uri ng datiles na ipampupuno niya sa tiyan niya.}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimBumabanggit si An-Nu`mān bin Bashīr (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) sa mga tao ng tinatamasa nila na biyaya at na sila ay hindi natigil sa pagkain at pag-inom ng kantidad na niloob nila. Pagkatapos nagpabatid siya tungkol sa kalagayan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at na ito ay hindi nakatatagpo noon ng datiles na mababang uri na ipampupuno nito sa tiyan nito laban sa gutom.
Mula kay Anas Bin Malik -Malugod ang Allah sa kanya- Marfuw'an: ((Bibigyan ang pinaka-mapalad na tao sa mundo na kabilang sa mga taga-impyerno sa Araw ng Pagkabuhay, at ilulubog siya sa impyerno ng paglubog, at saka sasabihan: O anak ni Adam, nakakita ka ba ng kabutihan? dumaan na ba sa iyo ang lubos na kaligayahan? at ang sabi: Hindi sumpa man sa Allah o Diyos ko, at bibigyan ang taong pinakamatinding paghihirap sa mundo na kabilang sa mga taga-paraiso, at ilulubog siya sa paraiso ng paglubog, at sasabihin sa kanya: O anak ni Adam, nakakita ka ba ng paghihirap? dumaan na ba sa iyo ang karahasan? at ang sabi niya: Hindi sumpa man sa Allah, hindi dumaan sa akin ang paghihirap ni hindi ko nakita ang karahasan)).
Nagsalaysay nito si Imām MuslimBibigyan sa Araw ng Pagkabuhay ang pinaka-mapalad na tao sa mundo na kung saan siya ay kabilang sa mga taga-impyerno, at siya ay ilulubog sa apoy, dumating siya mula sa kanyang init at kanyang lagablab at kanyang lason na nagpapalimot sa kanya kung anong meron siya mula sa kaginhawahan ng mundo, dahil doon magtatanong ang kanyang Diyos na Siya ang higit na nakakaalam sa kanyang kalagayan, O anak ni Adam, nakakita ka ba ng kabutihan? dumaan na ba sa iyo ang lubos na kaligayahan? at ang sabi: Hindi sumpa man sa Allah o Diyos ko. At kabaligtaran bibigyan ang pinakamalungkot na tao sa mundo at pinakamatinding problema at paghihirap at pangangailangan na kung saan siya ay kabilang sa mga taga-paraiso, at siya ay ilulubog sa paraiso ng pag-lubog, at makakalimutan niya kung anong kalagayan niya sa nang siya ay sa mundo mula sa kapanglawan at kalungkutan at probelma at kahirapan at sagabal; dahil sa nakita niyang kaginhawahan at kasiyahang hindi mailarawan, dahil doon magtatanong ang kanyang Diyos na Siya ang higit na nakakaalam sa kanyang kalagayan, at sasabihin sa kanya: O anak ni Adam, nakakita ka ba ng paghihirap? dumaan na ba sa iyo ang karahasan? at ang sabi niya: Hindi sumpa man sa Allah, hindi dumaan sa akin ang paghihirap ni hindi ko nakita ang karahasan.
Ayon kay Abū Qatādah Al-Anṣārīy at Ibnu Abī Awfā, malugod si Allāh sa kanilang dalawa: "Ang tagapagpainom ng mga tao ay ang pinakahuli sa kanila sa pag-inom."
Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad - Nagsalaysay nito si Imām MuslimAng nagpapainom sa mga tao ng tubig o gatas o kape o tsa o iba pa roon ay ang pinakahuling iinom.
Ayon kay Ibnu `Abbās, malugod si Allāh sa kanilang dalawa, na nagsabi: "Pinainom ko ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, mula sa Zamzam at uminom siya habang siya ay nakatayo." Ayon kay An-Nazzāl bin Sabrah, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: "Pumunta si `Alīy sa pintuan ng Ar-Raḥbah at uminom nang nakatayo. Nagsabi ito: Tunay na ako ay nakakita sa Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na gumawa ng gaya ng nakita ninyo sa akin na ginawa ko." Ayon kay `Amr bin Shu`ayb, ayon sa ama nito, ayon sa lolo niyon, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: "Nakita ko ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na umiinom nang nakatayo at nakaupo."
Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy.Nagpabatid si Ibnu `Abbās, malugod si Allāh sa kanilang dalawa, na pinainom nito ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, mula sa tubig ng Zamzam at uminom siya habang siya ay nakatayo. Uminom nga si `Alīy bin Abī Ṭālib, malugod si Allāh sa kanya, nang nakatayo at nagsabi ito: "Tunay na ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay gumawa ng gaya ng nakita ninyo sa akin na ginawa ko." Gayon din ang ipinabatid ni `Abdullāh bin `Amr, malugod si Allāh sa kanilang dalawa, na siya ay nakakita sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na umiinom nang nakatayo at nakaupo.
Ayon kay Abu Al-`Abbās Sahl bin Sa`d As-Sā`idīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {May dumating na isang lalaki sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi ito: "O Sugo ni Allāh, magpatnubay ka po sa akin sa isang gawaing kapag gumawa ako nito ay iibig sa akin si Allāh at iibig sa akin ang mga tao." Kaya nagsabi siya: "Magwalang-halaga ka sa Mundo, iibig sa iyo si Allāh; at magwalang-halaga ka sa anumang nasa ganang mga tao, iibig sa iyo ang mga tao."}
Nagsalaysay nito si Imām Ibnu Mājah at ang iba pa sa kanya sa mga magandang isnādMay humiling na isang lalaki sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na gumabay ito sa kanya tungo sa isang gawaing kapag gumawa siya nito, iibig sa kanya si Allāh at iibig sa kanya ang mga tao. Kaya nagsabi sa kanya ang Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan): "Iibig sa iyo si Allāh kapag nag-iwan ka ng mainam mula sa Mundo at anumang hindi magpapakinabang sa iyo sa Kabilang-buhay at nag-iwan ka ng anumang maaaring maging may pinsala sa Relihiyon mo. Iibig sa iyo ang mga tao kapag nagwalang-halaga ka sa anumang nasa mga kamay nila mula sa Mundo dahil sila ay umiibig dito dahil sa kalikasan nila. Ang sinumang nakipagsiksikan sa kanila rito ay kamumuhian nila at ang sinumang nag-iwan nito para sa kanila ay iibigin nila.
Ayon kay Jābir bin `Abdullāh Al-Anṣārīy, malugod si Allah sa kanilang dalawa, na nagsabi: Kami noon ay kasama ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sa isang paglusob at nagsabi siya: "Tunay na sa Madīnah ay talagang may mga lalaking wala kayong nilakbay na isang paglalakbay at wala kayong tinawid na isang lambak malibang sila ay kasama ninyo; hinadlangan sila ng karamdaman." Sa isang sanaysay: "malibang lumahok sila sa inyo sa gantimpala." Ayon kay Anas, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: "Bumalik kami mula sa paglusob sa Tabūk kasama ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, at nagsabi siya: Tunay na may mga taong iniwan natin sa Madīnah na wala tayong tinahak na isang daanan ni isang lambak malibang sila ay kasama natin; hinadlangan sila ng dahilan."
Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy - Nagsalaysay nito si Imām MuslimNagpapabatid ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, tungkol sa mga lalaking walang humadlang sa kanila sa pakikibaka sa landas ni Allah maliban sa karamdaman at tulad nitong mga tanggap na dahilan. Ipinababatid niya na walang nilakbay ang mga mandirigma na paglalakbay ni tinawid na lambak ni daanan malibang itinala para sa mga ito ang gantimpala sa gayong gawain.
Ayon kay Al-Miqdād bin Ma`dī Karib (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Hindi pumuno ang isang tao ng isang sisidlang higit na masama kaysa sa isang tiyan. Kasapatan sa anak ni Adan na may mga makakaing magtatayo sa likod niya; saka kung naging hindi posible, isang sangkatlo ay para sa pagkain niya, isang sangkatlo ay para sa inumin niya, at isang sangkatlo ay para sa paghinga niya."}
Nagsalaysay nito sina Imām Aḥmad, Imām At-Tirmidhīy, Imām An-Nasā'īy, at Imām Ibnu MājahGumagabay sa atin ang Marangal na Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungo sa isang batayan kabilang sa mga batayan ng medisina. Ito ay ang pag-iingat na nakapag-iingat sa pamamagitan nito ang tao ng kalusugan niya. Ito ay ang pagpapakaunti sa pagkain; bagkus kakain siya ayon sa sukat ng nakapagpapanatili sa buhay niya at nakapagpapalakas sa kanya para sa mga gawain niyang kinakailangan. Tunay na ang pinakamasamang lalagyang pinuno ay ang tiyan dahil sa inireresulta, dulot ng pagkabusog, na mga sakit na nakamamatay na hindi nabibilang nang madalian o nang matagalan, nang pakubli o nang hayagan. Pagkatapos, tunay na ang Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Kapag ang tao ay hindi makaiiwas sa pagkabusog, gawin niya na ang pagkain ay may sukat na isang sangkatlo [ng tiyan], ang isa pang sangkatlo ay para sa inumin, at ang [natitirang] sangkatlo ay para sa paghinga nang sa gayon walang mangyari sa kanya na paninikip, pinsala, at katamaran sa pagsasagawa ng inobliga ni Allāh sa kanya sa nauukol sa buhay panrelihiyon niya o buhay pangmundo niya."