





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay Anas bin Mālik (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {May nakaabot sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) buhat sa mga Kasamahan niya na isang bagay kaya nagtalumpati siya saka nagsabi siya: "Inilahad sa akin ang Paraiso at ang Impiyerno kaya hindi ako nakakita gaya ng araw na iyon sa kabutihan at kasamaan. Kung sakaling nakaaalam kayo ng nalalaman ko, talaga sanang tumawa kayo nang kaunti at talaga sanang umiyak kayo nang marami."} Sinabi: {Kaya walang dumating sa mga Kasamahan ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na isang araw na higit na matindi kaysa roon.} Sinabi: {Nagtakip sila ng mga ulo nila at mayroon silang humal.[5]} Sinabi: {Kaya tumindig si `Umar saka nagsabi: "Nalugod kami kay Allāh bilang Panginoon, sa Islām bilang Relihiyon, at kay Muḥammad bilang Propeta."} Sinabi: {Kaya tumayo naman ang lalaking iyan saka nagsabi: "Sino ang ama ko?" Nagsabi siya: "Ang ama mo ay si Polano." Kaya bumaba [ang talatang] (Qur'ān 5:101): {O mga sumampalataya, huwag kayong magtanong tungkol sa mga bagay na kung ihahayag ang mga ito sa inyo ay magpapasama ng loob sa inyo ang mga ito.}}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoMay nakaabot sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) buhat sa mga Kasamahan niya na isang bagay. Ito ay dahil sila ay nagpadalas sa kanya ng pagtatanong nito kaya nagalit siya at nagtalumpati siya saka nagsabi siya: "Inilahad sa akin ang Paraiso at ang Impiyerno kaya hindi ako nakakita ng isang kabutihang higit kaysa sa nakita ko sa araw na iyon sa Paraiso ni isang kasamaang higit kaysa sa nakita ko sa araw na iyon sa Impiyerno. Kung sakaling nakakita kayo ng nakita ko at nakaalam kayo ng nalaman ko mula sa nakita ko sa araw na iyon at bago ng araw na iyon, talaga sanang nabagabag kayo nang masidhing pagkabagabag at talaga sanang nangaunti ang tawa ninyo at dumami ang iyak ninyo." Nagsabi si Anas (malugod si Allāh sa kanya): "Kaya walang dumating sa mga Kasamahan niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na isang araw na higit na matindi kaysa roon. Nagtakip sila ng mga ulo nila at mayroon silang tunog na may singaw na lumalabas mula sa ilong dala ng tindi ng pag-iyak." Kaya tumindig si `Umar (malugod si Allāh sa kanya) saka nagsabi: "Nalugod kami kay Allāh bilang Panginoon, sa Islām bilang Relihiyon, at kay Muḥammad bilang Propeta." Nagsabi si Anas: "Kaya tumayo naman ang lalaking iyan saka nagsabi: Sino ang ama ko?" Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang ama mo ay si Polano." Kaya bumaba [ang talata]: {O mga sumampalataya, huwag kayong magtanong tungkol sa mga bagay na kung ihahayag ang mga ito sa inyo ay magpapasama ng loob sa inyo ang mga ito.} (Qur'ān 5:101)
Ayon kay Abē Umāmah-malugod si Allāh sa kanya-Katotohanan na ang Propeta-pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan-kapag itinaas niya ang dulang niya-sinasabi niyang:(( Ang lahat ng papuri ay sa Allāh,Taglay [Niya] ang maraming pagpupuri, ang mga magaganda at pagpapala,Hindi ito mababayaran o di kaya ay maiwanan,o di kaya ay maaaring gawin na wala ang ating Panginoon))
Isinaysay ito ni Imām Al-BukhārīyAng kahulugan ng Hadith:Tunay na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay tinuturuan niya ang mga kasamahan niya ng Sunnah,sa pananalita at gawa.At kabilang sa paggugunita mula sa kanya sa pagtatapos ng pagkain;"kapag itinaas niya ang kanyang dulang" Ibig sabihin kapay natatapos siya sa kanyang pagkain,at nagsisimula siya sa pagtaas ng lalagyan ng kanyang pagkain na nasa harapan niya,"Sinasabi niyang: Ang lahat ng papuri ay sa Allah" Ang kahulugan nito ay;Ang lahat ng pagpupuri at tunay na pasasalamat ay kay Allah,Siya ay Nag-iisa at wala ng iba maliban sa Kanya,"Taglay Niya ang maraming pagpupuri" Maraming papuri na naaangkop sa Kadakilaan Niya,sa Kagandahan Niya at pagiging Ganap Niya,At maraming pasasalamat katumbas sa mga biyaya Niyang hindi nabibilang,at sa mga ipinagkakaloob Niya hindi nagkukulang (At kung inyong bibilangin ang mga biyaya ni Allah,kailanma`y hindi ninyo ito kayang bilangin) At sa sinabi niyang: " Ang magaganda" :Ibig sabihin ay dalisay at walang halong pagpapakitang tao."[Maraming] Pagpapala" Ibig sabihin ay may kasamang pananalita na hindi tinatanggihan;Dahil ang kahulugan ng pagpapala ay kabutihan,at ang mga gawaing hindi tinatanggap ay walang makikitang kabutihan rito,"Hindi ito mababayaran" Ibig sabihin,Pinupuru natin Siya-kamahal-mahaloan Siya at kapita-pitagan-dahil sa kalagayang Siya ay sapat na sa kanyang mga alipin,at hindi magiging sapat sa Kanya ang sinuman sa kanyang nilikha,dahil Siya ay walang pangangailangan sa sinuman." Hindi maiwanan" ang isa pang kalagaya;ibig sabihin nito ay;Pinupuri natin Siya-Napakamaluwalhati Niya-sa kalagayang Hindi Siya naiiwanan,Ibig sabihin ay: Wala kahit isa sa atin ang iiwanan Siya dahil pangangailangan natin lahat sa Kanya.[(154/5j)
Ayon kay Jābir bin `Abdullāh, malugod si Allah sa kanilang dalawa: "Noon ay may isang troso ng datiles na sinasandigan ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, sa pagtatalumpati. Noong nailagay na ang pulpito, nakarinig kami sa troso ng tulad sa tinig ng inahing kamelyo hanggang sa nakababa ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, at inilagay niya ang kamay niya rito kaya tumahimik ito." Sa isang sanaysay: "Noong isang araw ng Biyernes, naupo ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, sa pulpito at sumigaw ang punong datiles, na sa tabi nito noon ay nagtatalumpati siya, hanggang sa halos mabiyak ito." Sa isa pang sanaysay: "Sumigaw ito gaya ng sigaw ng bata. Bumaba ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, hanggang sa nahawakan niya ito at saka niyakap ito. Nagsimula itong humalinghing gaya ng halinghing ng batang pinatatahimik, hanggang sa tumahan ito. Nagsabi siya: Umiyak ito dahil sa [hinahanp-hanap na] naririnig nito dati na dhikr."
Isinaysay ito ni Imām Al-BukhārīyGinawa ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ang isang troso ng datiles bilang isang pulipito niya. Noong pinalitan ito ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, narinig niya ang tinig ng troso at iyak nito dahil sa [hinahanp-hanap na] naririnig nito dati na dhikr.
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya: "Hindi natutuklaw ang Mananampalataya mula sa iisang lungga nang dalawang ulit."
Napagkaisahan ang katumpakanIpinababatid sa atin ng Marangal na Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na ang Mananampalataya ay hindi nabibiktima sa iisang lungga nang dalawang ulit. Kaya nararapat na maging mahinahon, maingat, at mulat, na hindi nalilingat para malinlang.
Ayon kay Anas, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: "Ako noon ay naglalakad kasama ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, habang.nakasuot siya ng isang balabal na Najrāno na makapal ang gilid. Naabutan siya ng isang arabeng disyerto. Hinatak nito siya sa balabal niya nang matinding hatak kaya nakita ko ang gilid ng balikat ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, at bumakat nga doon ang gilid ng balabal dahil sa tindi ng hatak nito. Pagkatapos ay nagsabi ito: O Muḥammad, mag-utos ka para sa akin na bigyan ako mula sa yaman ni Allah na nasa iyo. Kaya lumingon siya rito at tumawa. Pagkatapos ay nag-utos siya na bigyan ito."
Napagkaisahan ang katumpakanIpinabatid ni Anas, malugod si Allah sa kanya: "Ako noon ay naglalakad kasama ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, habang. nakasuot siya ng isang balabal" ibig sabihin: kasuutang tinahi ang dulo. Ang "Najrāno" ay salitang nakaugnay sa Najrān na isang bayan sa Yemen. "Naabutan siya ng isang arabeng disyerto." ibig sabihin ay nahabol siya nito. "Hinatak nito siya sa balabal niya" ibig sabihin ay hinila ng Arabeng disyerto ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan sa balabal niya nang matinding hatak. "bumakat nga doon" ibig sabihin sa gilid ng balikat niya. Nagpatotoo si Allah sa sabi niya: "Ang mga Arabeng disyerto ay higit na matindi sa pagtanggi sa pananampalataya at sa pagkukunwari sa pananampalataya at higit na nababagay na hindi makaalam sa mga hangganan na ibinaba ni Allah sa Sugo Niya." (Qur'an 9:97). Pagkatapos ay nagsabi ito: "O Muḥammad," halatang siya ay kabilang sa mga Muslim na wala pang pananampalataya dahil doon ay ginawa niya ang nagawa niya. Pagkatapos ay kinausap nito siya sa pangalan niya habang nagsasabi nang marahas sa harap nang taong may maladagat sa lawak na kabaitan: "mag-utos ka para sa akin" ibig sabihin mag-utos ka sa mga katiwala mo na magbigay sila sa akin o mag-utos ka na magbigay alang-alang sa akin. "mula sa yaman ni Allah na nasa iyo." ibig sabihin "na hindi mo ginawa kaya ibigay mo" gaya ng nilinaw sa isang sanaysay kung saan nagsabi ito: hindi mula sa yaman mo ni mula sa yaman ng ama mo. Sinasabi: Ang ibig sabihin nito ay salapi ng zakāh sapagkat siya noon ay gumgugol ng bahagi nito sa mga Muslim na wala pang pananampalataya. "Kaya lumingon siya rito" ibig sabihin ay tumingin siya rito na nagtataka. "at tumawa" ibig sabihin: bilang pagpapakita ng kabaitan. "Pagkatapos ay nag-utos siya na bigyan ito."
Ayon kay Ibnu `Umar, malugod si Allah sa kanilang dalawa, na nagsabi: "Kami noon sa panahon ng Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay kumakain habang kami ay naglalakad at umiinom habang kami ay nakatayo."
Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām AḥmadAng gawain ng mga Kasamahan, malugod si Allah sa kanila, ay nagpapatunay na ang pag-inom nang nakatayo ay ipinahihintulot dahil sa pagkilala ng Propeta, sumakanya ang pagpapala at ang pangangalaga, doon. Ang pinakamainam sa pagkain at pag-inom ay na ang tao ay nakaupo dahil ito ang patnubay ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: hindi siya kakain habang siya ay nakatayo at hindi siya iinom habang siya ay nakatayo. Ang pag-inom naman habang nakatayo ay tunay na napagtibay mula sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na sinaway niya iyon subalit ang ḥadīth na ito ay isang patunay na ang pagsaway ay hindi naman para ipagbawal subalit ito ay taliwas sa una ayon sa kahulugang ang pinakamaganda at ang pinakalubos ay na uminom ang tao habang siya ay nakaupo at kumain siya habang siya ay nakaupo subalit wala namang masama na uminom habang siya ay nakatayo at kumain habang siya ay nakatayo.
Ayon kay Abū Jurayy Jābir bin Sulaym, malugod si Allāh sa kanya: "Nakakita ako ng isang lalaking sumusunod ang mga tao sa pananaw niya. Wala siyang anumang sinasabi na hindi sila sumusunod doon. Nagsabi ako: Sino ito? Nagsabi sila: Ang Sugo ni Allāh, (s). Nagsabi ako nang dalawang ulit: `Alayka -s-salām (Sumaiyo ang kapayapaan), o Sugo ni Allāh. Nagsabi siya: Huwag kang bumati ng `alayka -ssalām (sumaiyo ang kapayapaan); ang `alayka -ssalām ay pagbati ng mga patay. Sabihin mo: As-salāmu `alayka (Ang kapayapaan ay sumaiyo). Nagsabi ako: Ikaw ay Sugo ni Allāh? Nagsabi siya: Ako ay Sugo ni Allāh na kapag dinapuan ng isang kapinsalaan at dumalangin ka sa Kanya, aalisin Niya iyon sa iyo; kapag dinapuan ka ng tagtuyot at dumalangin ka sa Kanya, magpapatubo Siya ng pagkain para sa iyo; kapag ikaw ay nasa isang lupang tuyot o isang disyerto at naligaw ang sasakyang kamelyo mo at dumalangin ka sa Kanya, ibabalik Niya ito sa iyo. Nagsabi ako: Habilinan mo po ako. Nagsabi siya: Huwag ka ngang manlalait ng isa man. Kaya hindi ako nanlait matapos niyon ng isang malaya ni isang alipin ni isang kamelyo ni isang tupa. [Nagsabi pa siya:] Huwag kang manghahamak ng anuman sa nakabubuti;ang kausapin mo ang kapatid habang ikaw ay may masayahing mukha sa kanya, tunay na iyan ay bahagi ng nakabubuti. Iangat mo ang tapis mo hanggang sa kalahati ng binti at kung tatanggi ka ay hanggang sa mga bukung-bukong. Kaingat ka sa pagpapalampas ng tapis sapagkat tunay na iyan ay kabilang sa kapalaluan. Tunay na si Allāh ay hindi umiibig sa kapalaluan. Kung may isang taong mang-aalipusta sa iyo at manghihiya sa iyo sa pamamgitan ng nalalaman niya sa iyo, huwag mo siyang hiyain sa pamamgitan ng nalalaman mo sa kanya sapagkat ang masamang kahihinatnan niyon ay ukol sa kanya."
Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām AḥmadNagsabi si Abū Jurayy Jābir bin Sulaym, malugod si Allāh sa kanya: Nakakita ako ng isang lalaking sumasangguni ang mga tao sa sinasabi niya. Wala siyang sinasabi sa kanila na anuman na hindi nila ginagawa iyon, kaya nagsabi ako sa kanila: Sino ito? Nagsabi sila: Ito ay ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan. Nagsabi ako:`Alayka -ssalām, o Sugo ni Allāh; Alayka -ssalām, o Sugo ni Allāh. Nagsabi naman siya: Huwag kang bumati ng `alayka -s-salām sapagkat tunay na ito ay pagbati ng mga patay, bagkus sabihin mo: As-salāmu `alayka. Kaya nagsabi ako: Ikaw ba ay Sugo ni Allāh? Nagsabi siya: Oo; ako ay Sugo ni Allāh, ibig sabihin, ako ang isinugo ni Allāh na kapag dinapuan ka ng karalitaan at kasawian at dumalangin ka sa Kanya nang may pagsusumamo at pagpapakaaba, aalisin Niya sa iyo ang kapinsalaang iyon; kapag dinapuan ka ng isang taon na tagtuyot na hindi tinubuan ang lupa ng anuman at dumalangin ka sa Kanya, magpapalitaw Siya roon ng halaman at palalaguin Niyo ito para sa iyo; kapag ikaw ay nasa isang lupang walang tubig at walang mga tao at nawala ang sasakyang kamelyo mo at dumalangin ka sa Kanya, ibabalik Niya ito sa iyo. Kaya nagsabi ako sa kanya: Tagubilinan mo po ako ng magpapakinabang sa akin. Nagsabi siya: Huwag ka ngang manlalait ng isa man. Kaya hindi ako nanlait matapos niyon ng isang malaya ni isang alipin ni isang kamelyo ni isang tupa. Pagkatapos ay nagsabi pa siya, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: Huwag kang mag-isangtabi ng anuman sa nakabubuti dahil sa pagmamaliit doon, huwag mong hamakin ang pakikipag-usap sa kapwa mo at iharap mo ang mukha mo nang may galak sa kanya sapagkat tunay na iyon bahagi ng nakabubuti. Iangat mo ang tapis mo at ang iba pang mga kasuutan hanggang sa kalahati ng binti, at kung ayaw mong gawin iyon ay iangat mo hanggang sa mga bukung-bukong. Walang kasalanan sa pagitan ng mga bukung-bukong at kalahati ng binti. Mag-ingat ka laban sa pagpapalampas ng tapis sapagkat tunay na iyan ay bahagi ng pagmamalaki at kahambugan. Si Allāh, kapitapitagan Siya at kataas-taasan, ay hindi umiibig doon. Kung may isang mang-aalipusta sa iyo at manghihiya sa iyo sa pamamgitan ng tinataglay mong mga pagkakasala at mga pangit na nagawa, huwag mo siyang hiyain sa pamamagitan ng tinataglay niya. Tunay na ang masamang kahihinatnan niyon ay ukol sa kanya sa Kabilang-buhay at maaaring minadali na niya ang isang bahagi nito.sa mundo.
Ayon kay Anas (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kung sakaling nagkaroon ang anak ni Adan ng dalawang lambak ng yaman, talaga sanang naghangad siya ng ikatlong lambak. Hindi nakapupuno sa sikmura ng anak ni Adan kundi ang alabok. Tumatanggap si Allāh ng pagbabalik-loob ng sinumang nagbalik-loob."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na kung sakaling nagtamo ang anak ni Adan ng isang lambak na pinuno ng ginto, talaga sanang umibig siya, dahil sa sigasig niya na pagkalikas niya, na magkaroon ng dalawa pang lambak. Hindi siya natitigil sa pagiging masigasig sa kamunduhan hanggang sa mamatay siya at mapuno ang sikmura niya ng alabok ng libingan niya.
Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allah sa kanya: "O Allah, Ikaw ang bisig ko, ang tagatulong ko; dahil sa Iyo, kikilos ako, lulusob ako, at makikipaglaban ako."
Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām Abū DāwudAng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, kapag nagnais siya na sumalakay o magsimula nito ay nagsasabi ng ganito ang kahulugan: "O Allah, Ikaw ang magpapawagi sa akin, ang tagatulong sa akin; dahil sa Iyo lamang lilipat ako mula sa isang kalagayan tungo sa iba pa, dahil sa Iyo lamang sasalakay ako sa mga kaaway ng Relihiyon, at dahil sa Iyo makikipaglaban ako."