





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay Ḥudhayfah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Kami noon, kapag dumalo kami kasama ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa isang kainan, ay hindi naglalagay ng mga kamay namin hanggang sa magsimula ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka maglagay siya ng kamay niya. Tunay na kami ay dumalo minsan kasama niya sa isang kainan. May dumating namang isang batang babae na para bang ito ay itinutulak sapagkat pumunta ito upang maglagay ng kamay nito sa pagkain ngunit humawak ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa kamay nito. Pagkatapos may dumating namang isang Arabeng-disyerto na para bang itinutulak ito ngunit humawak siya sa kamay nito. Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na ang demonyo ay nasasapahintulutan sa pagkain na hindi binigkas ang pangalan ni Allāh dito. Tunay na siya ay dumating sa pamamagitan ng batang babaing ito upang masapahintulutan siya sa pamamagitan nito kaya humawak ako sa kamay nito saka dumating naman sa pamamagitan ng Arabeng-disyerto na ito upang masapahintulutan siya sa pamamagitan nito kaya humawak ako sa kamay nito. Sumpa man sa Kanya na ang kaluluwa ko ay nasa kamay Niya, tunay na ang kamay nitong [demonyo] ay nasa kamay ko kasama ng kamay nitong [batang babae]."}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimBinanggit ni Ḥudhayfah (malugod si Allāh sa kanya) na sila, kapag dumalo sila kasama ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa isang kainan, ay hindi naglalagay ng mga kamay nila dito hanggang sa magsimula ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka maglagay siya ng kamay niya. [Nagsabi siya]: "Tunay na kami ay dumalo minsan kasama niya sa isang kainan. May dumating namang isang batang babae na dahil sa tindi ng bilis nito para bang ito ay itinutulak sapagkat pumunta ito upang maglagay ng kamay nito sa pagkain ngunit humawak ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa kamay nito. Pagkatapos may dumating namang isang Arabeng-disyerto na para bang itinutulak ito ngunit humawak siya sa kamay nito bago masaling nito ang pagkain. Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na ang demonyo ay nabibigyang-kakayahan sa pagkain kapag may nagsimula rito na isang tao nang walang pagbanggit kay Allāh (napakataas Siya). Tunay na siya ay dumating sa pamamagitan ng batang babaing ito upang masapahintulutan siya sa pamamagitan nito kaya humawak ako sa kamay nito saka dumating naman sa pamamagitan ng Arabeng-disyerto na ito upang masapahintulutan siya sa pamamagitan nito kaya humawak ako sa kamay nito. Sumpa man sa Kanya na ang kaluluwa ko ay nasa kamay Niya, tunay na ang kamay ng demonyo ay nasa kamay ko kasama ng kamay nitong [batang babae]." Pagkatapos binanggit niya ang pangalan ni Allāh (napakataas Siya) at kumain siya.
Ayon kay Abe Muhammad `Abdullah bin `Amr bin Al-`As-malugod si Allah sa kanilang dalawa-Nagsabi ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-((Apatnapong bahagi:Pinakamataas rito ay pagpapahiram ng kambing [upang matugunan ang pangangailangan ng mga dukha], walang sinumang gumagawa na gagawa mula sa mga bahaging ito;na naghahangad ng gantimpala Niya at naniniwala sa mga ipinangako Niya,maliban sa ipapasok siya ni Allah dahil rito sa Kanyang Paraiso))
Isinaysay ito ni Imām Al-BukhārīyNag-aanyaya ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ang Ummah niya sa paggawa ng kabutihan at binanggit niya ang bilang nito at ito ay apatnapong bilang,at ang may pinakakatagong uri maliban sa isang uri na siyang pinakamataas nito, ito ay: Ang magkaroon Ang tao ng mga kambing at ipagkakaloob niya ang babae [kambing rito] sa mga dukha upang mapakinabanangan nila ang gatos nito,at kapag natugunan na nag pangangailangan mula rito, ay ibabalik ito sa nagmamay-ari nito. Upang lubos na maunawaan na ang mga gawaing ito at napakagaan at naparami,upang magpaligsahan nag mga tao sa paggawa ng kabutihan
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya: "Kapag nalapit ang [huling] panahon, ang panaginip ng Mananampalataya ay hindi halos nagsisinungaling. Ang panaginip ng Mananamapalataya ay isang bahagi mula sa apatnapu't anim na bahagi ng pagkapropeta." Sa isang sanaysay: "Ang pinakatotoo sa inyo sa panaginip ay ang pinakatotoo sa inyo sa pagsasalita."
Napagkaisahan ang katumpakanAng kahulugan ng ḥadīth: Ang panaginip ng Mananampalataya sa huling panahon ay magiging totoo sapagkat ito ay maaaring isang ulat tungkol sa isang bagay na nagaganap o isang bagay na magaganap, at magaganap ito na umaayon sa panaginip. Ang panaginip na ito ay magiging gaya ng pagsisiwalat na pangpropeta sa pagkatotoo ng kahulugan nito. "Ang panaginip ng Mananamapalataya ay isang bahagi mula sa apatnapu't anim na bahagi ng pagkapropeta." Nangangahulugan ito: mula sa mga bahagi ng kaalaman ng pagkapropeta yayamang tunay na naglalaman ito ng isang pagpapabatid sa nakalingid. Ang pagkapropeta ay hindi nananatili subalit ang kaalaman nito ay nananatili. Itinangi lamang ang bilang na ito dahil ang edad ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, sa pinakamarami sa mga sanaysay na tumpak ay animnapu't tatlong taon. Ang yugto ng pagkapropeta niya mula sa buhay niya ay dalawampu't tatlong taon dahil siya ay ipinadala pagtuntong sa apatnapung taon. Bago ang pagkapropeta niya, nakakakita siya noon sa panaginip ng nagkakatotoong panaginip sa loob ng anim na buwan. Dumarating ito na tulad ng pagputok ng madaling-araw nang malinaw at hayag. Pagkatapos ay nakita niya si Anghel Gabriel noong gising siya. Kaya kapag iniugnay ang haba ng pagsisiwalat sa panaginip, na anim na buwan, sa haba ng pagkapropeta niya, na dalawampu't tatlong taon, ang anim na buwan ay kalahati ng isang bahagi mula sa dalawampu't tatlong bahagi. Ito ay isang bahagi mula sa apatnapu't anim na bahagi. Ang sabi niya: "Ang pinakatotoo sa inyo sa panaginip ay ang pinakatotoo sa inyo sa pagsasalita" ay nangangahulugang kapag ang tao ay tapat sa pananalita niya, malapit kay Allah, ang panaginip niya ay higit na malapit sa pagkatototo sa madalas. Dahil dito, nilimitahan niya ito sa ḥadīth sa Ṣaḥīh Al-Bukhārīy: "Ang panaginip na nagkakatotoo ay mula sa lalaking matuwid." Tungkol naman sa hindi nagsasabi ng totoo sa pakikipag-usap niya at gumagawa ng mahahalay: ang anumang nalantad sa mga ito at ang anumang nakakubli, ito madalas ay panaginip niya bilang paglalaro ng demonyo sa kanya. Nagsabi si Ibnu Al-Qayyim, kaawaan siya ni Allah: "Ang sinumang nagnais na magkatotoo ang panaginip niya, magpunyagi siya sa pagpapakatotoo, pagkain ng ipinahihintulot, at pangangalaga sa pag-uutos [ng nakabubuti] at pagsaway [sa nakasasama]; matulog siya nang may lubos na kadalisayan, na nakaharap sa Qiblah; alalahanin niya si Allah hanggang sa mapanaigan siya ng mga mata niya; sapagkat tunay ang panaginip niya ay tahasang hindi halos magsisinungaling."
Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy, malugod si Allah sa kanya: "Kapag inumaga ang anak ni Adan, tunay na ang mga bahagi ng katawan, ang lahat ng mga ito, ay nagpapakumbaba sa dila, na nagsasabi: Mangilag kang magkasala alang-alang sa amin sapagkat kami ay nasa iyo lamang kaya kung nagpakatuwid ka, magpapakatuwid kami; at kung nabaluktot ka, mababaluktot kami."
Isinaysay ito ni At-TirmidhīyAng kahulugan ng ḥadīth: Ang lahat ng mga bahagi ng katawan ay nagpapakumbaba at nagpapasailalim sa dila. Ang mga ito ay sumusunod sa dila. Dahil dito, sasabihin mo kapag nag-umaga: "Mangilag kang magkasala alang-alang sa amin sapagkat kami ay nasa iyo lamang..." Kaya naman ang dila ay ang pinakamatindi sa mga bahagi ng katawan sa panaganib sa may-ari nito. Kung nagpakatuwid ito, magpapakatuwid ang lahat ng mga bahagi ng katawan at magiging matuwid ang lahat ng mga gawa nito. Kapag lumihis ang dila, lilihis ang lahat ng bahagi ng katawan at masisira ang lahat ng mga gawa nito. Ayon kay Anas, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: "Hindi magpapakatuwid ang pananampalataya ng isang tao hanggang sa magpakatuwid ang puso niya, at hindi magpapakatuwid ang puso niya hanggang sa magpagkatuwid ang dila niya." Sa paksang ito ay may maraming ḥadīth na nagpapatunay sa panganib ng dila. Ito ay maaaring kaligayahn sa may-ari nito, at maaari ring parusa sa kanya. Kung isinailalim niya ito sa pagtalima kay Allah, ito ay magiging kaligayahan sa kanya sa Mundo at Kabilang-buhay. Kung ginamit niya ito sa anumang hindi ikinalulugod ni Alalh, pagkataas Niya, ito ay magiging panghihinayangan niya sa Mundo at Kabilang-buhay. [Mirqāh Al-Mafātīḥ Sharḥ Mishkāh Al-Maṣābīḥ ni Al-Qārī Tomo 7/3040.]
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang Mundo ay bilangguan ng mananampalataya at Paraiso ng tagatangging sumampalataya."}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimNagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang buhay sa Mundo para sa mananampalataya ay gaya ng bilangguan dahil sa pagkapanatili niya sa mga pagkaatang ng tungkuling pambatas gaya ng paggawa ng ipinag-uutos at pagwaksi ng pinangingilagan. Kaya kapag namatay siya, napapahinga siya mula rito at babalik siya sa inihanda ni Allāh (napakataas Siya) na kaginhawahang mamamalagi. Ito naman para sa tagatangging sumampalataya ay gaya ng Paraiso dahil siya ay gumagawa rito ng bawat ninanasa ng sarili niya at ipinag-uutos sa kanya ng pithaya niya. Kaya kapag namatay siya, babalik siya sa inihanda ni Allāh (napakataas Siya) sa Araw ng Pagbangon na mamalaging pagdurusa.
Ayon kay Abe Hurayrah,buhat sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagsabi: (( Katotohanan sa isang alipin na nagsasalita ng pananalita mula sa ikalulugod ni Allah Pagkataas-taas Niya,hindi niya ito isinasaalang-alang,(hanggang) sa itinataas siya ni Allah dahil dito sa mga matataas na antas,at katotohanan,sa isang alipin na nagsasalita ng pananalita mula sa pagkapoot ni Allah Pagkataas-taas Niya,hindi niya ito isinasaalang-alang,ibaba siya dahil rito sa Impiyerno)) At ayon kay Abdurrahman Bilal bin Al-Harith Al-Muznie-malugod si Allah sa kanya-Na ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan--ay nagsabi;(( Katotohanan,sa isang lalaki na nagsasalita ng pananalita mula sa ikalulugod ni Allah Pagkataas-taas Niya,Hindi niya ina-akala na siya ay aabot sa anumang kanyang inabot,Isinusulat sa kanya ni Allah rito ang pagkalugod Niya hanggang sa Araw na pagharap Niya sa kanya,at Katotohanan,sa isang lalaki na nagsasalita ng pananalita mula sa pagkapoot ni Allah Pagkataas-taas Niya,Hindi niya ina-akala na siya ay aabot sa anumang kanyang inabot,Isinusulat sa kanya ni Allah rito ang pagkapoot Niya hanggang sa Araw na pagharap Niya sa kanya))
Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy - Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad - Isinaysay ito ni Imām MālikKatotohanan sa isang alipin na nagsasalita ng pananalita buhat sa ikalulugod ni Allah Pagkataas-taas Niya at iniibig Niya,tulad ng pagpapayo,pamamatnubay,at pagtuturo,at hindi niya inaakala na ang mga salitang ito ay mag-aabot sa kanya sa anumang inabot niya mula sa pagkalugod ni Allah Pagkataas-taas Niya;Itataas siya ni Allah dahil rito,sa napakataas na Antas.At gayundin kapag siya ay nagsalita ng mga pananalita na ikapopoot ni Allah,tulad ng paninirang-puri,tsismis at kasinungalingan,ibababa siya dahil rito sa Impiyerno sa Araw ng Pagkabuhay.
Ayon kay Abū Umāmah, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: "Nagsabi ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: "Tunay na ang pinakamalapit sa mga tao kay Allah ay ang nagsimula sa kanila sa pagbati." Sa isang sanaysay ni Imām At-Tirmidhīy, sinabi: "O Sugo ni Allah, ang dalawang lalaki na nagtagpo, alin sa kanilang dalawang ang magsisimula sa pagbati?" Nagsabi siya: "Ang pinakamalapit sa kanilang dalawa kay Allah, pagkataas-taas Niya."
Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām Abū DāwudAng pinakamabuti sa mga tao at ang pinakamalapit sa kanila sa pagtalima kay Allah ay ang sinumang nanguna sa mga kapatid niya sa pagbati dahil nanguna siya sa pagtalima at nagmadali rito bilang pagkaibig sa [gantimpalang] nasa kay Allah, pagkataas-taas Niya. Kaya naman siya ang pinakamalapit sa mga tao kay Allah at ang pinakatumatalima sa kanila.
Ayon kay Jābir, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: Narinig ko ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na nagsasabi: "Tunay na sa gabi ay may oras na kapag natapatan ng isang taong Muslim na humihiling kay Allah, pagkataas-taas Niya, ng kabutihang kabilang sa nauukol sa Mundo at Kabilang-buhay, bibigyan siya nito. Iyon ay sa bawat gabi."
Nagsalaysay nito si Imām MuslimSa bawat gabi ay may oras na tinutugon doon ang panalangin. Kaya kapag natapatan ito ng isang taong Muslim na hindi dumadalangin doon ng isang ipinagbabawal, tutugunin ni Allah ang panalangin niya. Ito ay ang huling ikatlong bahagi ng gabi, gaya ng nasaad sa mga ibang tumpak na teksto.
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya: "Talaga ngang nakakita ako ng pitumpong kabilang sa mga tao ng Ṣuffah; wala sa kanilang lalaking nakasuot ng balabal: tapis o kumot na itinali nila sa mga leeg nila. Mayroon sa mga ito na umaabot sa kalahati ng binti at mayroon sa mga ito na umaabot sa mga bukung-bukong. Binubungkos nila ito sa kamay upang maiwasang makita ang kahubaran."
Isinaysay ito ni Imām Al-BukhārīyAng mga tao ng Ṣuffah ay mga Kasamahan ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na kabilang sa mga Muhājir (Lumikas) na maralita na nag-iwan sa mga tahanan nila at mga ari-arian nila sa Makkah at lumikas sa Madīnah matapos na ito ay maging pinakakaibig-ibig sa mga bayan para sa kanila. Ang mga tao ng Ṣuffah ay higit sa pitumpong lalaki. Ang Ṣuffah ay kanlungang masisilungan na matatagpuan sa hulihan ng Masjid ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan. Natutulog sa ilalim nito ang mga maralitang ito na mga Muhājir. Tungkol naman sa mga kasuutan nilang isinusuot nila sa tag-init at taglamig, ipinababatid sa atin ni Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya, yamang siya ay isa sa mga tao ng Ṣuffah at sinasabi niya: "...wala sa kanilang lalaking nakasuot ng balabal: tapis o kumot..." Upang makapagsuot ang isa sa kanila ng balabal kailangang magsuot siya sa ilalim niya ng tapis. Ang balabal ay nakakatumbas sa ngayon ng pang-itaas at tinatawag din na damit. Si Abū Hurayrah ay bumabanggit na ang isa sa kanila ay hindi nagtataglay ng bagay na ito, bagkus siya ay may iisang telang ipinantatakip sa sarili mula sa taas hanggang sa baba na nakawawangis ng tinatawag sa ngayon na maiksing sapin sa kama. Nagsabi si Abū Hurayrah: "...itinali nila sa mga leeg nila." Ibig sabihin: Itinatali ito ng isa sa kanila sa leeg niya, gaya ng pagtatali ng batang lalaki ng damit nito sa leeg nito, dahil hindi nakasasapat sa kanya ang damit na suot niya na baka makalag; ang dulo nito lamang ang nasa leeg niya, malugod si Allāh sa kanya. Pagkatapos ay nagsabi pa si Abū Hurayrah: "Mayroon sa mga ito na umaabot sa kalahati ng binti..." Ibig sabihin: Ang haba ng kasuutang ito ay mula sa balikat hanggang sa kalahati ng binti, kaya naman hindi umaabot sa bukung-bukong. Pagkatapos ay sinabi pa niya: "...mayroon sa mga ito na umaabot sa mga bukung-bukong. Binubungkos nila ito sa kamay upang maiwasang makita ang kahubaran." Ibig sabihin: "Na sa sandali ng ṣalāh binubungkos nila ito sa sarili nila upang hindi makita ang kahubaran nila habang sila ay nakayukod o nakapatirapa, malugod si Allāh, mapagpala Siya at pagkataas-taas, sa kanilang lahat. Ito ang kalagayan ng marami sa mga Kasamahan, malugod si Allāh sa kanila. Namuhay sila sa karalitaan at kasalatan ngunit hindi sila umasa sa mundo at gayak nito; kahit pa noong binuksan sa kanila ang karangyaan ng mundo ay hindi sila naabala nito. Nanatili sila sa kaluguran nila at pag-iwas sa karangyaan hanggang sa bawiin sila ni Allāh.