





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay Usayd bin Hudayr at Anas bin Mālik-malugod si Allah sa kanilang dalawa-Tunay na ang isang lalaki mula sa Ansār ay nagsabi: O Sugo ni Allah,Hindi mo ba ako itatalaga bilang pinuno tulad ng pagtalaga mo bilang pinuno kay pulano? Nagsabi siya:(( Katotohanang makakatagpo ninyo sa mga susunod sa akin ang makasarili,Magtiis kayo hanggang sa makatagpo ninyo ako sa [mahiwagang] lawa))
Napagkaisahan ang katumpakanDumating ang isang lalaki sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at hiniling niya sa kanya na ilagay siya bilang isang manggagawa na may [mataas na] katungkulan mula sa mga katungkulan,katulad ng mga natitirang namumuno sa kanila.Ipinaalam niya-sumakanya ang pagpapala-ang isang pangyayari,Kung saan ay nararapat sa kanya at sa mga kasamahan niya na magtiis sila sa mga haharapin nila, mula sa kawalan ng katarungan at kasamaan sa hinaharap,na kagagawan ng mga pinunong naging sakim o makasarili sila sa mga yaman at biyaya,at hindi nila ito [ipinamamahagi] sa mga pimamahalaan nila, Ipinag-utos niya sa kanila na magtiis hanggang sa maibalik sila sa kanya ,sa kanyang [mahiwagang] lawa,-sumakanya ang pangangalaga.
Mula kay Anas -Malugod sa kanya ang Allah- katotohanan na ang Propeta -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- ay nagsabi: "Kung naisin ng dakilang Allah sa kanyang alipin na bigyan ng kabutihan ay madaliin niya sa kanya ang parusa sa mundong ibabaw, at kung naisin ng dakilang Allah sa kanyang alipin na bigyan siya ng kasamaan ay kanya itong pipigilan bunsod ng kanyang nagawang kasalan at ito'y ibibigay sa kanya sa kabilang buhay".
Isinaysay ito ni At-TirmidhīySinabi ng Propeta -Pagpalain siya ng Allah at pangalagaan- Katotohanan na ang palatandaan ng kabutihang pagpapasya ng dakilang Allah sa alipin niya ay madaliin niya ang pag-bibigay ng parusa sa kanya bunsod ng nagawang kasalanan dito sa mundo hanggang sa lumabas siya sa mundo wala na siyang kasalanan na ibibigay sa kanya sa kabilang buhay; dahil ang sinuman ang natantya ang kanyang gawain dito sa mundo ay gagaan ang kanyang pagkakautang sa kabilang-buhay. At mula sa mga palatandaan ng masamang-atas sa isang alipin ay di pagbabayad sa kasalanang nagawa dito sa mundo hanggang dumating sa araw ng paghuhukom ay dala-dala ang mga kasalanan at ibibigay sa kanya, tutumbasan siya kung ano ang nararapat sa kanya sa araw ng pagkabuhay.
Ayon kay Muṣ`ab bin Sa`d na nagsabi: {Nagturing si Sa`d (malugod si Allāh sa kanya) na may kalamangan siya higit sa mababa sa kanya, kaya nagsabi ang Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan): "Inaadya kaya kayo at tinutustusan kayo kundi dahil sa mga mahina ninyo."}
Nagsalaysay nito si Imām Al-BukhārīyNagpalagay si Sa`d bin Abī Waqqāṣ (malugod si Allāh sa kanya) na siya ay may kalamangan sa sinumang mababa sa kanya kabilang sa mga mahina dahilan sa katapangan niya at tulad niyon. Kaya nagsabi ang Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan): "Inaadya kaya kayo at tinutustusan kayo kundi dahil sa mga mahina ninyo dahil sa mga panalangin nila, dasal nila, at pagpapakawagas nila sapagkat sila kadalasan ay higit na matindi sa pagpapakawagas sa panalangin at higit sa kataimtiman sa pagsamba dahil sa kawalan ng mga puso nila ng pagkahumaling sa mga palamuti ng Mundo."
Ayon kay Abe Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya-Hadith na MArfu: ((Sinuman ang bumisita ng may sakit o bumisita sa kapatid niya [ sa pananampalataya] para sa kaluguran ni Allah,Mananawagan sa kanya ang Anghel nang:Naging dalisay ka,at naging dakila ang iyong gantimpala,at gumawa ka ng iyong tahanan sa Paraiso))
Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām AḥmadSinuman ang umalis upang bumisita ng may sakit o bumusita sa kapatid niya para sa kaluguran ni Allah-Kamahal-mahalan Siya at Kapita-pitagan,Tunay na ang isang Anghel ay mananawagan sa kanya-mula kay Allah-Pagkataas-taas Niya-Na naging dalisay ka sa iyong mga kasalanan,at naging maginhawa ka,dahil sa malaking gantimpala na mula pa kay Allah,at gumawa ka ng palasyong titirahan mo sa Paraiso
Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allāh sa kanya-Tunay na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Kapag siya ay nagsalita,inuulit niya ito sa tatlong beses nang sa ganoon ay maunwaan ito,At kapag dumating siya sa mga tao at bumati siya ,Bumabati siya sa kanila ng tatlong beses.
Isinaysay ito ni Imām Al-BukhārīySa Hadith ni Anas bin Mālik, malugod si Allāh sa kanya-Tunay na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-kapag siya ay nagsalita,inuulit niya ito sa tatlong beses nang sa ganoon ito ay lubos na maunawaan.Sa sinabi niyang: "Nang sa ganoon ay maunawaan ito" Nagpapahiwatig na kapag ito ay naunawaan nang walang pag-uulit,hindi na niya ito inuulit pa,Subalit kapag hindi ito naintindihan ng tao;tulad nang hindi niya nalalaman ang tunay nitong kahulugan,inuulit niya ito hanggang sa maunawaan,o di kaya`y kapag ang pandinig niya ay malabo at hindi nakakarinig,o mayroong mga ingay,Dito ay kinakailangang ulitin ito sa kanya,nang sa ganoon ay maunawaan niya.At Siya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- kapag siya ay bumabati sa mga tao" Bumabati siya nang tatlong beses"Ibig sabihin: Hindi niya ito inuulit ng higit pa sa tatlong beses;Babati siya sa unang beses,at kapag hindi siya sinagot [uulitin niya ito] at babati siya sa ikalawang beses,at kapag hindi pa siya sinagot,[uulitin niya ito] at babati siya sa ikatlong beses,at kapag hindi pa siya sinagot,iiwanan niya ito.At gayundin sa pagpapaalam,Ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagpapaalam ng tatlong beses,Ibig sabihin; Kapag dumating siya sa tao,nagpapaalam siya na pumasok sa bahay niya,kakatok siya sa kanya sa pintuan ng tatlong beses,at kapag hindi siya sinagot,aalis siya,Ito ay Sunnah niya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na ulitin ang mga bagay hanggang sa tatlong beses pagkatapos ay hindi na niya uulitin pa.
Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allah sa kanya: "May dalawang lalaking kabilang sa mga kasamahan ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na umalis mula sa kinaroroonan ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, sa isang gabing madilim. May kasama silang dalawa tulad ng dalawang ilaw sa harapan nila. Noong naghiwalay sila, ang bawat isa sa kanilang dalawa ay may isang ilaw hanggang sa dumating ito sa mag-anak nito."
Isinaysay ito ni Imām Al-BukhārīySa marangal na hadith na ito ay may nasaad na isang hayag na himala para sa dalawang lalaking kabilang sa mga kasamahan ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan. Nasaad sa ilan sa mga sanaysay ng hadith na silang dalawa ay sina `Abbād bin Bishr at Usayd bin Ḥuḍayr, malugod si Allah sa kanilang dalawa. Iyon ay dahil sa ang dalawang kapita-pitagang kasamahang ito ay kasama ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, sa isang gabing may matinding dilim na hindi makakaya ng tao, sa kadalasan, na maglakad sa sandaling iyon nang mabilis. Pinarangalan sila ni Allah, pagkataas-taas Niya, ng isang nakamamanghang himala. Naglagay Siya sa harapan ng dalawa ng isang liwanag na nakawawangis ng liwanag ng ilaw na tumatanglaw sa kanilang dalawa sa daan na nilalakaran nila. Noong naghiwalay na ang dalawang kapita-pitagang kasamahang ito, ang bawat isa sa kanilang dalawa ay nagkaroon ng sariling tanglaw upang makarating ang bawat isa sa kanilang dalawa sa bahay niya nang may kadalian at katiwasayan.
Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy, malugod si Allāh sa kanya.-Hadith na Marfu :Huwag kang makikipag-kaibigan maliban sa mananampalataya,at walang kakain sa pagkain mo maliban sa [taong] may takot [sa Allah]))
Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām AḥmadIpinapahiwatig sa Hadith ni Abū Sa`īd Al-Khudrīy, malugod si Allāh sa kanya.-na ang nararapat sa isang muslim ay ang pakikisama sa mga mabubuting tao,sa lahat ng kalagayan nito.At sa Hadith na ito ,[Napapaloob] ang paghihimok sa pakikipagkaibigan sa mga taong mananampalataya,at ito ay kinakailangan sa pag-iwas sa pakikisama sa mga hindi mananampalataya at mga Munafiq [epokrito],Dahil ang pakikisama sa kanila at nakakapinsala sa relihiyon,at ang ipinapahiwatig sa Mu`min,o mananampalataya,ay bilang ng mga mananampalataya,At pinagtibay niya ang pakikisama sa mga mabubuting tao sa pagsabi niya ng : ((at walang kakain sa pagkain mo maliban sa [taong] may takot [sa Allah])) Ibig sabihin ay nasisiyahan siya sa paggugol ng pagkaing ikinabubuhay niya para sa pagsamba sa Allah, At ang kahulugan nito: Huwag mong ipakain ang pagkain mo maliban sa taong may takot sa Allah,At nasasakupan din nito ang pagkain sa pag-aanyaya,Tulad ng okasyon o maliban pa rito,Nararapat lang na ang iniimbitahan ay kabilang sa mabubuting tao at may pananampalataya.
Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allāh sa kanya-Siya ay nagsabi:Dumating ang isang lalaki sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at sinabi niyang: O Sugo ni Allah,Gusto kong maglakbay,bigyan mo ako ng pabaon,Nagsabi siya:(( Naway pabaunan ka ni Allah ng Takot [sa Allah])) Nagsabi siya: Dagdagan mo pa ako,Nagsabi siya:(( At patawarin Niya ang iyong mga kasalanan)) Nagsabi siya: Dagdagan mo pa ako, Nagsabi siya:(( At maging magaan para sa iyo ang kabutihan saan ka man naroroon))
Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Nagsalaysay nito si Imām Ad-DārimīyAyon kay Anas bin Mālik malugod si Allah sa kanya-Na ang isang lalaki ay dumating sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-nagnanais na maglakbay,Dumating siya upang magpaalam sa kanyang paglalakbay at humihiling ng baon,Ipinalangin siya ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- ng panalanging, ang magiging pakinabang nito at tulad ng baon,Ang magiging baon niya ay ang pagsunod sa mga ipinag-uutos at pag -iwas sa mga ipinagbabawal,Pagkatapos ay inulit niya ang paghiling ng dagdag,na may pagsusumamo sa kabutihan at pagpapala sa panalangin.Tinugon siya ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa karagdagan niyang kahilingan. Upang maging panatag ang kanyang puso. Nagsabi siya: At Naway patawarin ang iyong mga kasalanan.Pagkatapos ay inulit parin niya ang karagdagang paghiling na may pagsusumamo sa mga kabutihan at pagpapala sa panalangin,Walang ibang ginawa ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-maliban sa ibigay sa kanya ang may nakapagandang pagtatapos [na pananalangin] na may pangkalahatang kabutihan at tagumpay, ipinanalangin Niya sa kanya na maging magaan para sa kanya ang dalawang mundo at kabilang buhay, sa kahit saang lugar siya mapunta at kahit Anong panahon siya mapadpad
Ayon kay Thabit at Anas , malugod si Allāh sa kanya-Nagsabi siya:Dumating si Ali sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan--habang ako ay nakikipaglaro sa dalawang bata,Bumati siya sa amin,Inutusan niya ako sa kanyang pangangailangan,At naging mabagal ako sa aking ina,At nang dumating ako,Nagsabi siya: Ano ang nagpatagal sa iyo?Nagsabi ako:Inutusan ako ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan--sa kanyang pangangailangan,Nagsabi siya:Ano ang kailangan niya:Sinabi ko: ito ay lihim;Nagsabi siya: Huwag na huwag mong ipagsabi ang lihim ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan--sa kahit sinuman,Nagsabi si Anas: Sumpa sa Allah.Kung may sinabihan ako nito,sinabi ko na ito sa iyo,o Thabit
Napagkaisahan ang katumpakanAyon kay Thabit buhat kay Anas-lingkod ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-: Tunay na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay dumaan sa kanya habang siya ay nakikipaglaro sa mga bata;Dahil si Anas ay isang musmos na bata,Bumati siya sa mga bata habang sila ay naglalaro,Pagkatapos ay tinawag niya si Anas bin Malik-malugod si Allah sa kanya-inutusan niya ito sa kanyang kailangan.Natagalan siya sa pag-uwi sa kanyang ina,At nang dumating siya sa kanya,tinanong niya ito: Ano ang nagpatagal sa iyo?Nagsabi siya: Napag-utusan ako ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa kanyang pangangailangan; Nagsabi siya: Ano ang kanyang kailangan?Nagsabi siya: Hindi ko maaaring sabihin ang lihim ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan--Ibig sabihin: ay hindi ko sasabihin sa sinuman ang lihim na ito;Nagsabi siya: Huwag na huwag mong ipagsabi ang lihim ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Bilang pagsisiguro at pagtitibay sa kanya,at pagtatag ng paghingi ng paumanhin sa kanya;Dahil tumanggi siya na sabihin sa kanya ang lihim ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-pagkatapos ay sinabi ni Anas sa kanyang estudyante na si Thabit Al-Banani;at laging sumasama sa kanya,Kung may sasabihan man ako sa pangangailan na ipinag-utos sa akin ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sinabi ko na ito sa iyo.