





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya-Hadith na Marfu: ((May isang lalaki na bumisita sa kapatid niya sa ibang nayon,Nagtalaga si Allah-pagkataas-taas Niya-sa daan niya ng isang Anghel,at ng dumating siya rito,Nagsabi siya:Saan mo gustong pumunta? Nagsabi siya:Gusto kong pumunta sa kapatid ko sa nayong ito,Nagsabi siya:Mayroon ka bang mga biyayang palalaguhin sa kanya? Nagsabi siya: Wala,maliban sa iniibig ko siya para kay Allah-pagkataas-taas Niya,Nagsabi siya: Katotohanang ako ay sugo ni Allah sa iyo,[upang ipaalam] na Katotohanang si Allah ay iniibig ka,tulad ng pag-ibig mo sa kanya))
Nagsalaysay nito si Imām MuslimIpinapaalam ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang tungkol sa isang lalaki mula sa mga naunang Ummah,binisita niya ang kapatid niya sa ibang nayon.Inihanda ni Allah para sa kanya ang isang Anghel,daan niya,mangangalaga sa kanya at magsusubaybay sa kanya-Tinanong siya ng Anghel kung saan siya pupunta?Sinabi niya na siya ay pupunta,upang bisitahin ang kapatid niya sa Allah,sa nayong ito.Tinanong siya ng Anghel,kung siya ba ay pag-aari [alipin mo] o anak mo,o maliban rito mula sa mga taong inoobliga mo para sa kanila ang paggugol mo at pagmamahal mo,o mayroon ka bang magagandang [bagay na] nakukuha sa kanya?Ipinaalam niya sa kanya na:Wala; Subalit iniibig ko siya para sa Allah,at hinahangad ko sa pagbisita ko ang kasiyahan ni Allah,Ipinaalam sa kanya ng Anghel na siya ay Sugo mula kay Allah,upang ipaalam sa kanya na katotohanang si Allah ay iniibig siya tulad ng pag-ibig niya sa kapatid niya para sa Allah
Ayon kay Abe Hurayrah-malugod si Allah sa kanya-Haduth na Marfu: ((Hindi mahirap ang yaong tumatanggi sa isang dateles at dalawang dateles,at gayundin hindi ang [tumatanggi] sa isang subo at dalawang subo,Ngunit ang tinatawag na mahirap ay yaong hindi humihingi [sa kanyang paangangailangan].
Napagkaisahan ang katumpakanIpinapaliwanag sa Hadith na ito kung sino ang tunay na mahirap,At tunay na ang mabuting mahirap ay kabilang sa mga karapat-dapat na tumanggap ng kawanggawa,at ang higit na nangangailaangan sa kanila ay yaong hindi humihingi [sa kanyang pangangailangan].Datapuwat ikinaila niya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang mga mahihirap na siyang nanghihingi at palaboy-laboy,sapagkat dumarating sa kanya ang sapat sa kanya,at maaaring dumating sa kanya ang Zakat,at maaalis sa kanya ang katangian niya,ngunit ang mga taong nananatili sa kanya ang pangangailangan,ay yaong mga taong hindi humihingi at hindi nagmamaka-awa ngunit siya ay nabibigyan.
Ayon kay `Ā’ishah, malugod si Allāh sa kanya-Tinanong niya ang Sugo ni Allah-pagpalaain siya ni Allah at pangalagaan-tungkol sa epidemya,Sinabi niya sa kanya na ito ay parusang ipinadala ni Allah-Pagkataas-taas Niya-sa sinumang kanyang naisin,Ginawa ni Allah-Pagkataas-taas Niya-na ito ay Habag para sa mga mananampalataya,walang isang alipin na malalagay [sa isang lugar na] may epidemya,at mananatili siya sa lugar niya na may pagtitimpi at paghahangad sa gantimpala [ni Allah],nalalaman niya na walang tumatama sa kanya maliban sa ito ay nakatadhana ni Allah sa kanya,maliban sa mapapasakanya ang tulad ng gantimpala ng isang martir.
Isinaysay ito ni Imām Al-BukhārīySa Hadith ni `Ā’ishah, malugod si Allāh sa kanya-Katotohanang tinanong niya ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-tungkol sa epidemya,Ipinaalam niya na ang epidemya ay isang parusang ipinapadala ni Allah-Napakamaluwalhati Niya at Pagkataas-taas-sa sinumang ninanais niya sa kanyang mga alipin.Maging ito man ay epidemya na tumatama sa iilang tao lamang o epidemya na tumatama sa pangkalahatan tulad ng kolera at iba pa.Sapagkat ang epidemyang ito ay isang parusang ipinadala ni Allah kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan-,subalit ito ay isang habag para sa mananampalataya,kapag ito ay bumaba sa lugar niya,at nanatili siya rito na nagtitimpi ,na may paghahangad ng gantimpala ni Allah,nalalaman niya na walang dumarating sa kanya maliban sa anumang nakasulat ni Allah para sa kanya,Katotohanang si Allah-pagkataas taas Niya,ay isusulat sa kanya ang tulad ng gantimpala ng martir.kaya`t dumating sa Hadith na tumpak mula kay `Abdurrahman bin `Awf-malugod si Allah sa kanya-siya ay nagsabi: Sinabi ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-"Kapag narinig ninyo ito sa isang lugar,huwag kayong pumunta rito,at kapag bumaba ito sa isang lugar na kayo ay napapaloob rito,huwag kayong lumabas na tumatakas mula rito" Kapag tumama ang epidemya sa isang lugar,tunay na hindi tayo nararapat na pumunta rito,dahil ang pagpunta rito ay itinuturing na pagtapon sa sarili sa kapahamakan,Subalit kapag ito ay tumama sa isang lugar ,tunay na hindi tayo dapat lumabas mula rito upang makatakas.Sapagkat kahit na tumakas ka sa itinakda ni Allah,kapag ito ay bumaba sa isang lugar,ang pagtakas na ito ay hindi makakatulong sa iyo sa anumang bagay mula sa [itinakda ni Allah];Dahil walang matatakasan mula sa itinadhana ni Allah maliban sa Allah.
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya: "Nalalaman ba ninyo kung sino ang bangkarota?" Nagsabi sila: "Ang bangkarota sa amin ay ang walang dirham sa kanya at walang ari-arian." Nagsabi siya: "Tunay na ang bangkarota sa kalipunan ko ay ang sinumang darating sa Araw ng Pagkabuhay na may dalang dasal, ayuno, at zakāh. Darating siya samantalang nanlait kay ganito, nanirang-puri kay ganiyan, lumamon ng yaman ni ganoon, nagpadanak ng dugo ni ganito, at nanakit kay ganiyan. Kaya bibigyan si ganito mula sa mga magandang gawa niya at si ganiyan mula sa mga magandang gawa niya. Kaya kapag naubos ang mga magandang gawa niya bago mabayaran, kukuha mula sa mga kamalian nila at itatapon sa kanya. Pagkatapos ay itatapon siya sa Impiyerno."
Nagsalaysay nito si Imām MuslimTinatanong ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ang mga kasamahan, ang pagkalugod ni Allāh ay sumakanila. Nagsabi siya: "Nalalaman ba ninyo kung sino ang bangkarota?" Ipinabatid nila sa kanya ang alam na ng mga tao. Sinabi nila: "Siya ay ang maralitang walang salapi at walang ari-arian." Ipinabatid sa kanila ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na ang bangkarota sa kalipunang ito ay ang sinumang darating sa Araw ng Pagkabuhay na may dalang mga malaking magandang gawa at maraming matuwid na gawa gaya ng dasal, ayuno, at zakāh ngunit darating siya samantalang nanlait kay ganito, nangamkam ng yaman ni ganiyan, nanirang-puri kay ganoon, nagpadanak ng dugo ni ganito. Ang mga tao ay nagnanais na makuha ang karapatan nila kaya ang hindi nila nakukuha sa Mundo ay kukunin nila sa Kabilang-buhay. Gaganti sa kanya para sa kanila. Kaya kukuha si ganito mula sa mga magandang gawa niya, si ganiyan mula sa mga magandang gawa niya, at si ganoon mula sa mga magandang gawa niya ayon sa katarungan at pagganting ayon sa karapatan. Kaya kapag naubos ang mga magandang gawa niya, kukuha mula sa mga masagwang gawa nila at itatapon sa kanya. Pagkatapos ay itatapon siya sa Impiyerno.
Ayon kay Anas, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: "Nagsabi ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: Dalasan ninyo ang pagsabi ng Yā dha -ljalāli wa –l’ikrām (O Karapat-dapat sa pagpipitagan at pagpaparangal)."
Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy - Isinaysay ito ni Imām AḥmadSa ḥadīth ay may utos na "Dalasan ninyo," na nangangahulugang: "Manatili kayo sa panawagang ito at damihan ninyo ang pagsambit nito." Kaya nangangahulugan itong "Mamalagi kayo sa pagsabi niyon sa panalangin ninyo at ilagay ninyo ito sa dila ninyo." Naglaman ito ng isa sa mga pangalan ni Allah. Sinasabi na ito ay ang dakilang pangalan dahil sa ito ay naglalaman ng lahat ng mga katangian ng pagkapanginoon at pagkadiyos.
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kapag dumating ang isa sa inyo sa pagtitipon, bumati siya [ng Salam]; saka kapag nagnais siya na tumayo, bumati siya sapagkat ang una ay hindi higit na karapat-dapat kaysa sa huli."}
Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, Imām An-Nasā’īy sa Al-Kubrā, at Imām AḥmadGumabay ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa sinumang dumating sa lugar ng pag-upo ng mga tao na bumati siya sa kanila saka kapag nagnais siya na tumayo mula roon ay magpaalam siya sa mga naroon sa pamamagitan ng pagbati rin sapagkat ang unang pagbati sa sandali ng pagdating ay hindi higit na karapat-dapat kaysa sa huling pagbati sa sandali ng paglisan.
Ayon kay Thābit buhat Kay Anas,katotohanang nagsabi siya:((Katotohanan na hindi Ako magpapabaya sa pagdadasal ko (kay ALLAH) para sa inyo tulad ng ginawa ng Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa pagdarasal niya (kay Allah) para sa amin.Nagsabi si Thābit: Si Anas ay gumagawa ng mga bagay na hindi ko nakikitang ginagawa ninyo:Kapag inaangat niya ang ulo niya mula sa pagyuko,nanatili ito sa pagtayo hangang sa masasabi ng tagapag-salita na:Tunay na nakalimot siya,at kapag inangat niya nag ulo niya mula sa pagpatirapa,mananatili siya hanggang sa masabi ng tagapag-salita na:Tunay na nakalimot siya))
Napagkaisahan ang katumpakanSo Anas malugod si Allah sa kanya at nagsasabi: Magsusumikap ako na hindi ako magkukulang na magdarasal ako ( kay Allah ) para sa inyo tulad ng ginawa ng Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan na nagdarasal (Kay Allah ) para sa amin upang masundan ninyo ito,at makapagdasal kayo ng tulad nito.Nagsabi si Thānit Al-Banānie: Si Anas ay gumagawa ng mga bagay mula sa pagiging ganap ng dasal at kagandahan nito,hindi ko ito nakikita sa inyo na ginagawa niyo ang tulad nito,Siya ay nagpapatagal sa pagtindig pagkatapos yumuko, at sa pang-upo Pagkatapos ng pagpatirapa.At kapag siya ay nag-angat sa ulo niya mula sa pagyuko,nanatili ito sa pagtindig hanggang sa masabi ng tagapagsalita:-dahil sa tagal niya tumindig-nakalimutan niya na siya ay nasa pagtindig,na nasa pagitang ng pagyuko at pagpatirapa.At kapag ini-angat niya ang ulo nito mula sa pagpatirapa,nagpapanatili hanggang sa masabi ng tagapag-salita -dahil sa tagal niya mag-upo- tunay na nakalimutan naman niya.
Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy, malugod si Allah sa kanya: "Nagtalo ang Paraiso at ang Impiyerno. Nagsabi ang Impiyerno: 'Nasa akin ang mga palalo at ang mga mapagmalaki.' Nagsabi ang Paraiso: 'Nasa akin ang mga mahina sa mga tao at ang mga dukha nila.'"
Nagsalaysay nito si Imām MuslimAng kahulugan ng ḥadīth na ito: Na ang Paraiso at ang Impiyerno ay nangatwiran sa isa't isa sa kanila; ang bawat isa ay naglahad ng katwiran nito. Ito ay kabilang sa mga usaping espirituwal na kinakailangan sa atin na paniwalaan kahit pa man itinutulak ito ng mga isip. Ang Paraiso ay nangatwiran sa Impiyerno. Ang Impiyerno ay nangatwiran sa Paraiso. Ang Impiyerno ay nangatwiran na nasa kanya ang mga palalo at ang mga mapagmalaki. Ang mga palalo ay ang mga may kagaspangan at katigasan. Ang mga mapagmalaki at ang mga may pagmamayabang at pagmamataas, ang mga nanghahamak sa mga tao at tumatanggi sa katotohanan gaya ng sinabi ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, hinggil sa pagmamalaki: "Tunay na ito ay pang-aaba sa katotohanan at panghahamak sa mga tao." Ang mga may kapalaluan at ang mga may pagmamalaki ay ang mga maninirahan sa Impiyerno - ang pagpapakupkop ay kay Allah. Marahil ang maninirahan sa Impiyerno ay banayad sa mga tao, maganda ang kaasalan ngunit palalo kaugnay sa katotohanan, nagmamalaki sa katotohanan kaya hindi niya mapakikinabangan ang kabanalan niya at ang kabaitan niya sa mga tayo. Bagkus siya ay inilalarawang nagtataglay ng kapalaluan at pagmamalaki, kahit pa man siya banayad sa mga tao dahil nagpakapalalo at nagmalaki sa katotohanan. Ang Parasio naman ay nagsabi na nasa kanya ang mga mahina ng mga tao at ang mga maralita nila sapagkat sila sa kadalasan ang mga nagpapakaamo sa katotohanan at nagpapaakay rito. Ang mga may pagmamalaki at kapalaluan, kadalasan sila ay hindi nagpapaakay. Hinatulan silang dalawa ni Allah, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan. Nagsabi Siya sa Paraiso: "Tunay na Ikaw, ang Paraiso, ay awa Ko; naaawa Ako sa pamamagitan mo sa sinumang ninanais Ko." Nagsabi naman Siya sa Impiyerno: "Tunay na Ikaw, ang Impiyerno, ay parusa Ko; nagpaparusa Ako sa pamamagitan mo sa sinumang ninanais Ko." Pagkatapos ay nagsabi pa Siya, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan: "Sa kapwa sa inyo tungkulin Kong magpuno sa bawat isa." Ginarantiyahan Niya at inobliga ang sarili Niya na pupunuin Niya ang Paraiso at pupunuin Niya ang Impiyerno. Ang kabutihang-loob ni Allah, napakamaluwalhati Niya at pagkataas-taas, at ang awa Niya ay higit na malawak kaysa sa galit Niya. Tunay na Siya, kapag Araw na ng Pagkabuhay, ay maghahagis ng ihahagis sa Impiyerno at ito naman ay magsasabi: "May dagdag pa ba?" Ibig sabihin: "Bigyan ninyo ako, bigyan ninyo ako, dagdagan ninyo." Ilalagay ni Allah sa ibabaw nito ang paa Niya at magsisiksikan sila sa isa't isa: didikit sila sa isa't isa dahil sa resulta ng pagtapak ng Panginoon, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, rito ng paa Niya. Magsasabi [ang Impiyernong] ito: "Tama na, tama na." Ibig sabihin: "Sapat na, sapat na." Ito ang pagkapuno nito. Tungkol naman sa Paraiso, tunay na ang Paraiso ay malawak. Ang luwang nito ay [ang pagitan ng] mga langit at lupa. Papasukin ito ng mga maninirahan rito at mananatili sa loob nito ang labis na kabutihang-loob sa mga maninirahan rito. Maglalagay si Allah, pagkataas-taas Niya, para rito ng mga tao. Papapasukin Niya sila dahil sa kabuitihang-loob Niya at awa Niya dahil si Allah ay naggarantiyang pupunuin Niya ito.
Ayon kay Anas bin Malik-malugod si Allah sa kanya-Siya nagsabi: ((Katotohanan inyong nalalaman ang mga gawaing higit na manipis para sa inyong paningin mula sa buhok,ngunit amin itong ibinibilang sa panahon ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na kabilang sa mga malalaking kasalanan))
Isinaysay ito ni Imām Al-BukhārīyNagsermon ang marangal na kasamahan ng Propeta na si Anas bin Mālik-malugod si Allah sa kanya-ang mga grupo ng mga nagwawalang-bahala sa mga gawain,na nagsasabi:Tunay na nagmamaliit kayo sa mga ibang kasalanan dahil sa hindi ninyo nakikita kung gaano kalaki ang kasalanang ito,Pra sa inyo ito ay tunay na napakaliit,ngunit para sa mga kasamahan ng Propeta,ito ay itinuturing nila na kabilang sa mga nakakasawi,dahil sa laki ng sinumang gumawa ng kasalanang ito,dahil sa laki ng pangamba nila, pagmamasid nila,at pagkukuwenta nila sa mga sarili nila.