





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay `Abdullāh bin Mas`ūd, malugod si Allah sa kanya.-sinabi niya:Ang Propeta ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-kapag siya ay ginabi.sinasabi niyang:(( Aming natapos ang araw at kasama nito,ang lahat ng pamamahala at Kapurihan ay sa Allah,Walang [diyos na] may karapatan upang sambahin maliban sa Allah ng nag-iisa.Walang Katambal.))Nagsabi ang tagasalaysay: Nakikita kong sinabi niya rito : ((Sa Kanya ang pagmamay-ari ng Pamamahala at Kapurihan,Siya ang may kakayahan sa lahat ng bagay,O Panginoon,! Hinihiling ko sa Iyo ang mga kabutihan ng araw na ito at ang mga kabutihang susundan nito,at ako ay nagpapakupkop mula sa kasamaang nilalaman ng araw na ito,at mga kasamaang susundan nito,O Panginoon! Ako ay nagpapakupkop sa Iyo mula sa katamaran at pagka-uliyanin,O Panginoon! Ako ay nagpapakupkop sa Iyo mula sa mga kaparusahan ng Apoy sa Impiyerno,at mga kaparusahan ng libingan)) Kapag siya ay sinapit ng umaga, Sinasabi niya rin ito ((Narating namin ang panibagong araw,at ang lahat ng ito ay napapaloob sa Kapamahalaan ni Allah))
Nagsalaysay nito si Imām MuslimMula sa pagpapatnubay niya-sumakanya ang pangangalaga-kapag dumating umaga at gabi,ang sabihin niya ang mga Mapagpalang Panglangin na ito,At sa sinabi niyang: (Aming natapos ang araw at kasama nito,ang lahat ng pamamahala ni Allah) Pumasok kami sa gabi,at nananatili rito ang Kapamahalaan ni Allah at ito ay para lamang sa Kanya (At ang Kapurihan ay sa Allah) ibig sabihin ay;narating natin ito at ang lahat ng Papuri ay sa Allah-Ibig sabihin Napag-alaman namin dito na ang lahat ng Kapamahalaan at Kapurihan ay sa Allah lamang at wala ng iba pa.(Walang [diyos na] may karapatan upang sambahin maliban sa Allah) Ibig sabihin ;Siya ay Nag-iisa sa Kanyang Pagka diyos.Sa sinabi niyang (O Panginoon,! Hinihiling ko sa Iyo ang mga kabutihan ng araw na ito] Ibig sabihin ay ang sarili nito (At ang kabutihang nilalaaman nito) Ibig sabihin ay mula sa mga kabutihan na mangyayari (matatagpuan at mangyayari) rito,at ang mga kabutihan ng nananahanan rito.(at ako ay nagpapakupkop mula sa kasamaan nito at sa mga masasamang nilalaman nito) Ibig sabihin mula sa mga gabi at sa mga nilalaman nito mula sa mga kasamaang mangyayari sa Relihiyon at sa Mundo.(Ako ay nagpapakupkop sa Iyo mula sa katamaran) Ibig sabihin ay ang pagiging mabigat [ng katawan] sa pananampalataya,na may kasamanag kakayahan,at ito ay dahil sa pagiging hindi masigasig ng sarili [sa paaggawa] ng kabutihan,na may kasamang nakikitang kakayahan.(Ang Pagtanda): Ibig sabihin ay ang pagtanda na tumutungo sa pagkawala ng lakas at kahinaan nito,at ito ay ang hinahayaan hanggang [sa umabot] sa pagiging ulyanin,sapagkat lumilipas sa kanya ang layunin sa pagkabuhay mula sa kaalaman at mga gawain.(At ang pagiging ulyanin) ang kahulugan nito ay ang pagtanda at pagkasintu-sinto,At naiulat ito sa iba na walang patinig sa letrang (Ba) na ang kahulugan ay pagmamalaki,Ibig sabihin : Pagmalabis sa pagsuway sa mga biyaya,at Pagmamalaki sa mga tao.Subalit ang nais ipahiwatig sa pagiging-ulyanin,ay yaong [taong] nagmamana ng katandaan at nawawala sa tamang pag-iisip,at paghahalo ng opinyon at nalilito rito,Gayundin ang pagiging pabaya sa pagsasaganap ng mga gawaing pagsamba,ang maliban pa rito na nakakasama sa kanyang kalagayan.(At ang kaparusahan sa libingan):Ibig sabihun ay sa mismong kaparusahan nito,o sa anumang nararapat [na ipatong na kaparusahan] para sa kanya.(At kapag siya ay sinapit ng umaga)Ibig sabihin:ay pumasok ang kina-umagahan sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-(Sinasabi niya ito):Ibig sabihin: Ang anumang sinasabi niya sa gabi.(Gayundin)Ibig sabihin:Subalit sinasabi niya, kapalit ng pagsabi niya ng: "Aming natapos ang araw at kasama nito,ang lahat ng pamamahala at Kapurihan ay sa Allah" ang (Narating namin ang panibagong araw,at ang lahat ng ito ay napapaloob sa Kapamahalaan ni Allah),At pinapalitan niya ang [pagsabi niya ng] " Araw" sa "Gabi",At sinasabi niyang: O Allah ! Hinihiling ko sa Iyo ang mga kabutihang [napapaloob sa araw na ito" At binabanggit niya ang mga konsiyensya sa kasunod nito.
Ayon kay Abe Mūsā Al-Ash`arīy, malugod si Allāh sa kanya-Hadith na Marfu: ((Kabilang sa pagdadakila kay Allah-Pagkataas-taas Niya:Ay ang paggalang sa matandang muslim,at sa nakapag-saulo ng Qur-an na hindi nagmamalabis dito,at [hindi] naglikas sa [pagbabasa] nito,at paggalang sa isang pinunong makatarungan))
Isinaysay ito ni Imām Abū DāwudNaipatnubay sa Hadith na ito,na ang kabilang sa magkakamit sa pagdadakila kay Allah-Napakamaluwalhati Niya- Pagpipitagan at Pagpapakumbaba sa Kanya-Ay ang mga bagay na nabanggit sa Hadith na ito:(Ang paggalang sa matandang muslim):Ibig sabihin ay pagpaparangal sa isang matanda sa Islam sa pamamagitan ng paggalang sa kanya sa pagpupulong,pagiging maka-tao sa kanya,at pagbibigay awa sa kanya,at iba pang tulad nito,at ang lahat ng mga ito ay kabilang sa ganap na pagdadakila kay Allah,dahil sa [pagiging] banal niya para kay Allah.(At ang nakasa-ulo ng Qur-an) Ibig sabihin ay:Pagbibigay galang sa nakapagsa-ulo nito,at tinawag itong Tagapagdala;sapagkat ito ay dala-dala niya sa puso niya,at dahil sa dinadala nitong sobrang hirap na dumadagdag sa bigat na dinadala nito.At kabilang sa pagbibigay galang na ito ang taong nag-aabala sa Qur-an,[sa pamamagitan ng] pagbabasa at pagbibigay kahulugan.At ang nakasa-ulo ng Qur-an na nabanggit sa Hadith ng Propetang ito,ay may dalawang katangian inilalarawan:(Hindi nagmamalabis): At ang pagmamalabis, ay ang paghihigpit at paglampas sa limitasyon,ibig sabihin ay walang pagpapasensiya sa limitasyon ng pagsasagawa nito,at sa pagsubaybay sa anumang naging lingid dito,at sa mga hindi maliwanag para sa kanya mula sa mga kahulugan nito,at sa limitasyon ng pagbasa at linalabasan ng mga letra nito.At sinasabing ang Pagmmalabis: Ay ang pagmamalabis sa Tajwed [Panuntuntunan sa Pagbasa ng Qur-an],o ang pagmamadali sa pagbasa kung saan ay humahadlang sa kanya sa pagsasaalang-alang sa kahulugan [nito].(At [hindi] naglikas sa [pagbabasa] nito): ibig sabihin ay hindi siya lumalayo rito,[tulad ng] pagtalikod sa pagbabasa nito at pagpapahusay sa mga kahulugan nito,at pagsasagawa sa mga napapaloob rito,At sinasabi na ang Paglikas:Ay ang pag-iwan rito pagkatapos niyang matutunan,lalong-lalo na kung nakalimutan niya ito dahil sa pagpapabaya at pagtalikod.At ang pinakahuling nabanggit ng Propeta na dapat ay pagtuunan ng pansin ang paggalang sa kanya ay ang (Pinunong makatarungan): Ibig sabihin ay ang nagmamay-ari ng kapangyarihan at katungkulan na makatarungan,Ang paggalang sa kanya ay dahil sa pagbibigay pakinabang niya sa karamihan at pagpapabuti niya sa kanyang pinamumunuan.
Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allah sa kanya.siya ay nagsabi: Lumabas ako kasama si Jarir bin `Abdullah Al-Bajaliy-malugod si Allah sa kanya-sa isang paglalakbay,At siya ay naglilingkod sa akin;Nagsabi ako sa kanya: Huwag mo itong gawin,Ang sabi niya:Tunay na nakita ko sa mga Al-Ansar na ginagawa sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang mga bagay na ito,Ipinangako sa sarili ko na hindi ako magsasama ng kahit isa mula sa kanila maliban sa paglilingkuran ko
Napagkaisahan ang katumpakanAng Hadith ni Jarir bin `Abdullah Al-Bajaliy-malugod si Allah sa kanya-Na siya-malugod si Allah sa kanya-ay nasa paglalakbay,Pinaglilingkuran siya ng kasama niya,at sila ay kabilang sa mga Al-Ansar,At kabilang sa kanila ay si Anas bin Malik-malugod si Allah sa kanya- at siya ay may mas maliit na gulang sa kanya;At sinabi sa kanya rito,Ibig sabihin ay:Papaano mo sila napaglilingkuran ,at ikaw ang kasamahan ng Sugo ni Allah-pagpalan siya ni Allah at pangalagaan?! Ang sabi niya:Tunay na nakita ko sa mga Al-Ansar na ginagawa sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang mga bagay na ito-Isinumpa ko sa sarili ko na hindi ako magsaama ng kahit isa mula sa kanila maliban sa paglilingkuran ko,at ito ay mula sa pagpaparangal sa sinumang nagpaparangal sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Kaya ang pagpaparangal sa mga kasamahan ng isang lalaki ay [katumbas din] ng pagpaparangal sa isang lalaki,at ang pagbibigay galang sa kanila,ay [katumbas] ng pagbibigay galang sa kanya,Kaya ginawa niya-malugod si Allah sa kanya-na ang pagpaparangal sa kanila ay kabilang sa pagpaparangal sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan
Si Ibnu Umar malugod si Allah sa kanilang dalawa ay nagsasabi sa lalaki kapag inibig nitong maglakbay; Lumapit ka sa akin upang ipagtagubilin kita tulad nang nang ginagawa ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan kapag nagtagubilin siya amin;Sinasabi niya;(( Ipinagtatagubilin ko kay Allah ( sa pangangalaga niya) ang Relihiyon mo,at ang Katapatan mo,at mga Huling Gawain mo)).At ayon kay Abdullah bin Yazed Al-Khatamie-malugod si Allah sa kanya-ay nagsabi: Ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-kapag inibig niyang magtagubilin sa mga sandatahang-hukbo`y,sinasabi niya;((Ipinagtatagubilin ko kay Allah ( sa pangangalaga niya) ang Relihiyon ninyo,at ang Katapatan ninyo,at mga Huling Gawain ninyo))
Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām AḥmadSi Ibnu Umar malugod si Allah sa kanilang dalawa ay nagsasabi sa lalaki kapag inibig nitong maglakbay; Lumapit ka sa akin upang ipagtagubilin kita tulad nang nang ginagawa ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan kapag nagtagubilin siya sa amin,at ito ay buhat kay Ibnu Umar,pagpapahayag sa pagiging ganap sa pagsusumikap ng mga kasamahan ng Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan sa pagsunod sa patnubay ng Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-,At ang sinabi nito;(Kapag nagtagubilin siya sa isang lalaki);ibig sabihin ay naglakbay,(kukunin niya ang kamay niya at hindi niya ito iiwan); at ito ay nabanggit sa ibang salaysay, ibig sabihin ay;Hindi niya binibitawan ang kamay ng lalaking ito,sa layuning pagpapakumbaba at huling pagpapakita ng pagmamahal at pag-kahabag.At sinabi niya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-" Ipinagtatagubilin ko kay Allah ( sa pangangalaga niya) ang Relihiyon mo," ibig sabihin ay; Ipinapangalaga ko at hinihiling ko sa kanya na pangalagaan Niya ang Relihiyon mo. At " Katapatan mo";Ibig sabihin ay; pangalagaan ang katapatan mo,at ito ay pangkalahatan sa bawat ipinapangalaga sa Kanya (Allah) ng Tao mula sa mga karapatang pang-tao at karapatan ni Allah mula sa mga Obligasyon,at hindi dapat iwanan ng lalaki ito sa paglalakbay niya dahil sa pag-abala niya sa anumang pangangailangan niya sa pagkuha at pagbigay at pakikisalamuha sa mga tao.Nanalangin siya sa kanya na mapangalagaan ang Katapatan niya at mailayo siya sa Pagkataksil,Pagkatapos ay darating ito sa pamilya niya na ligtas ang kinalabasan mula sa kasamaang ito,sa Mundo at sa kabilang buhay.At ito ay kabilang din sa patnubay niya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na kapag inibig niyang ipagtagubilin ang komunidad na nasa labas upang makipag-laban sa landas ni Allah,ipinagtatagubilin niya sila sa panalanging ito na pangkalahatan,upang ang pagtagubilin ay darating sa kanila na ito ay may kasamang pagsang-ayon sa kabutihan,at katumpakan,at tagumpay sa mga kalaban at pangangalaga sa inobliga ni Allah sa pakikipandarambong.
Ayon kay Abe Musa Al-Ash-Arie-malugod si Allah sa kanya-Hadith na Marfu:((Ang tao ay magiging kasama niya ang sinumang iniibig niya)),At sa isang salaysay: Sinabi sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-:Ang isang lalaki ay iniibig ang grupo ng mga tao kahit na dindi niya ito inabutan?Nagsabi siya: ((Ang tao ay makakasama sa sinumang iniibig niya)) Ayon kay `Abdullah bin Mas-`ud-malugod si Allah sa kanya-Nagsabi siya:Dumating ang isang lalaki sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sinabi niya: O Sugo ni Allah,Ano ang masasabi sa isang lalaking iniibig niya ang grupo ng mga tao ngunit hindi niya ito inabutan?Nagsabi ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-: ((Ang tao ay magiging kasama niya ang sinumang iniibig niya))
napagkaisahan ang katumpakan sa dalawang salaysay niyaAng tao sa kabilang buhay ay magiging kasama niya ang sinumang pinaka-iibig niya sa Mundo.Napapaloob sa Hadith na ito ang pag-hihimuk ng malakas na pag-ibig sa mga Sugo at mabubuting tao,at pagsunod sa kanila,batay sa pagkakasunod-sunod nila,At ang pagbibigay babala sa pag-ibig ng sinumang sumasalungat sa kanila,Dahil ang pag-ibig ay isang patunay sa malakas na pag-uugnayan ng umiibig sa sinumang iniibig niya,at pagsunod niya sa kaugalian niya,at pagiging huwaran niya sa kanya,Ito ay napapatunayan sa pagkkaroon nito,at ito rin ang magpupukaw sa kanya rito,at gayundin sinuman ang umiibig kay Allah-Pagkataas-taas Niya-Tunay na ang kaluluwang umiibig sa Kanya ay kabilang sa pinaka-dakilang pagsamba niya kay Allah,Sapagkat si Allah ay Mapagpasalamat,ipinagkakaloob niya sa sinumang sumasamba sa kanya ang higit pa sa pinagsikapan niya,ng maraming pagpapa-ulit.At dahil sa ang umiibig ay magiging kasama niya ang iniibig niya,hindi kinakailangang maging kapantay niya ito sa kinalalagyan niya at sa taas ng antas niya;Sapagkat ang mga ito ay nagkakaiba-batay sa pgkakaiba ng mabubuting gawain at sa mga tagumpay na kala-kalan, Ito ay dahil sa ang pagsasama ay nakakamit sa pamamagitan ng pagtitipon sa anumang bagay.at hindi ito kinakailangan sa lahat ng bagay.Kapag sinang-ayunan na ang lahat ay papasok sa Paraiso,[sa pamamagitan nito] ay nakamtan ang pagsasama,kahit nagkakaiba ang mga antas,Sinuman ang umibig sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-o isa sa mga mananampalataya,siya ay magiging kasama niya sa Paraiso,Dahil sa magandang intensiyon nito,sapagkat ito ang inuuna.at ang gawain ay sumusunod sa kanya,at hindi kinakailangan mula sa pagiging sila ay kasama nila,na makasama siya sa antas [kinalalagyan nila,at gayundin, hindi ang gantimpalaan siya tulad ng gantimpala nila sa lahat ng bagay.
Ayon kay `Abdullāh bin `Amr bin Al-`Āṣṣ, malugod si Allah sa kanilang dalawa:Hadith na Marfu: ((Hindi kabilang sa amin ang sinumang hindi naaawa sa mga maliliit sa amin,at [hindi niya] alam ang karangalan ng matatanda sa amin))
Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām AḥmadHindi kabilang sa mga muslim na nanghahawak ng sunnah,at nagpapanatili rito,ang sinumang hindi naaawa sa kabataan na mga muslim,[hindi] siya maaawa sa kanya,at [hindi] makikitungo ng mabuti sa kanya at [hindi] rin makikipaglaro sa kanya,At ang sinumang hindi niya alam kung ano ang karapat-dapat para sa matatanda,mula sa pagpaparangal at paggalang.
Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allāh sa kanya-siya ay nagsabi: Mayroon dalawang magkapatid sa panahon ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at ang isa ay dumarating sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-habang ang ikalawa ay naghahanapbuhay,isinumbong ng naghahanap-buhay ang kapatid niya sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at Sinabi [ng Propeta]: ((Marahil ikaw ay nabibiyayaan dahil sa kanya))
Isinaysay ito ni At-TirmidhīyIsinasalaysay ni Anas-malugod si Allah sa kanya-siya ay nagsabi: Mayroon dalawang magkapatid sa panahon ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Ang isa sa kanila ay dumarating sa pinagtitipunan ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at nagpapanatili siya rito upang makapagkamit ng kaalaman niya at makakuha ng mga salita at gawa niya.At ang ikalawa,ay naghahanap-buhay ng industriya at naghahanap ng makikitaan,Isinumbong ng naghahanap-buhay ang kapatid niya dahil sa pag-iwan niya ng paghahanap-buhay,sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Nagsabi siya na may [halong] pagtawa sa kanya: Marahil ,ang pagganap mo sa gawain niya,ang siyang dahilan kaya nagiging magaan ang biyaya mo,sapagkat si Allah ay tumutulong sa kanyang alipin,hanggat ang alipin ay tumutulong sa kapatid nito.
Ayon kay Samurah bin Jundub, malugod si Allah sa kanya-siya ay nagsabi:Katotohanang ako sa panahon ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay bata pa,Marami akong naisa-ulo mula sa kanya,At walang humahadlang sa akin na magsalita maliban sa kahit saan ay mga lalaking higit matanda sa akin
Nagsalaysay nito si Imām MuslimIpinapaalam ni Samurah bin Jundub, malugod si Allah sa kanya-na siya ay nasa maliit na gulang sa panahon ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at siya ay may naisa-ulo sa mga ilang kasabihan niya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at walang pumipigil sa kanya sa pagsasalita nito maliban sa mayroon ibang tao na siyang higit na nakakatanda sa kanya.
Ayon kay `Ā'ishah na Ina ng mga Mananampalataya (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {May pumunta sa akin na isang dukha habang nagdadala ng dalawang babaing anak niya saka nagpakain ako sa kanya ng tatlong piraso ng datiles. Nagbigay naman siya sa bawat isa sa dalawang bata ng isang datiles at nag-angat naman siya papunta sa bibig niya ng isang datiles upang kainin ito ngunit hiningi ito ng dalawang babaing anak niya kaya hinati niya ang datiles — na kanina ay ninanais niyang kainin — sa dalawang bata. Kaya nagpamangha sa akin ang inasal niya saka binanggit ko ang ginawa niya sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kaya nagsabi siya: "Tunay na si Allāh ay nag-obliga nga para sa kanya dahil dito ng Paraiso o nagpalaya sa kanya dahil dito mula sa Impiyerno."}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimBinanggit ng Ina ng mga Mananampalataya na si `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya) na may isang babaing dukha na nagdala ng dalawang babaing anak nito sa kanya. Nanghingi ito sa kanya kaya pinakain niya ito ng tatlong pirasong datiles. Nagbigay naman ito sa bawat isa sa dalawang anak nito ng isang datiles at nag-angat ito papunta sa bibig nito ng isang datiles upang kainin ito ngunit hiniling ng dalawang babaing anak nito ang datiles — na kanina ay ninanais niyang kainin — kaya hinati nito ang datiles sa dalawang bata. Kaya nagpamangha kay `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya) ang inasal nito. Binanggit niya ang ginawa ng babae sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kaya nagsabi ito: "Tunay na si Allāh ay nag-obliga nga para sa kanya dahil sa datiles na ito ng Paraiso o nagpalaya sa kanya dahil dito mula sa Impiyerno."