





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Ang sinumang nagsabi ng: "Lā ilāha illa -llāhu waḥdahu lā sharīka lah. Lahu -lmulku wa-lahu -lḥamd. Wa-huwa `alā kulli shay'in qadīr. (Walang Diyos kundi si Allāh — tanging Siya: walang katambal sa Kanya. Ukol sa Kanya ang paghahari at ukol sa Kanya ang papuri. Siya sa bawat bagay ay May-kakayahan.)" sa isang araw nang isang daang ulit, may magiging ukol sa kanya na katumbas ng sampung pagpapalaya ng alipin, may itatala para sa kanya na isang daang magandang gawa, may buburahin sa kanya na isang daang masagwang gawa, may magiging ukol sa kanya na isang pananggalang laban sa demonyo sa araw niyang iyon hanggang sa gumabi. Walang nakagawang isa man ng higit na mainam kaysa inihatid nito kundi isang gumawa ng higit na marami kaysa roon."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang nagsabi ng: "Walang Diyos" at walang sinasamba ayon sa karapatan "kundi si Allāh — tanging Siya: walang katambal sa Kanya" sa pagkadiyos Niya, pagkapanginoon Niya, at mga pangalan Niya at mga katangian Niya. "Ukol sa Kanya ang paghahari" at ang pamamatnugot at ang pangangasiwa sa kabuuan nito "at ukol sa Kanya ang papuri" sa lahat ng nililikha Niya at itinatakda Niya. "Siya sa bawat bagay ay May-kakayahan" nang walang tagakontra at walang tagatutol. Ang anumang hindi Niya niloob ay hindi nangyayari. Ang sinumang nagsabi ng dhikr na ito sa isang araw at nag-ulit-ulit nito nang isang daang ulit, may itatala para sa kanya na pabuya mula kay Allāh gaya ng sa sinumang nagpalaya ng sampung tao kabilang sa mga alipin; may itatala para sa kanya dahil sa mga ito na isang daang mabuting gawa at antas sa Paraiso; may buburahin sa kanya at aalisin na isang daang masagwang gawa; may magiging ukol sa kanya na isang pananggalang, isang pangangalaga, isang panangga, at isang pantanggol laban sa demonyo, mga tagatulong nito, at paghahari nito sa araw niyang iyon hanggang sa sumapit ang gabi sa pagkalubog ng araw. Walang nakagawang isa man sa Araw ng Pagbangon ng higit na mainam kaysa inihatid nito kundi isang gumawa ng higit na marami kaysa roon at nagdagdag doon.
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Hindi natitigil ang puso ng matanda [sa pagiging] binata sa dalawa: sa pag-ibig sa Mundo at haba ng pag-asa."}
Nagsalaysay nito si Imām Al-BukhārīyNagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang matandang lalaki ay tumatanda at nanghihina ang katawan niya subalit ang puso niya ay binata ayon sa pag-ibig sa dalawa: Una. Sa pag-ibig sa Mundo dahil sa dami ng yaman. Ikalawa. Sa haba ng buhay, edad, pamumuhay at pag-asa.
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Magpadalas kayo ng pag-alaala sa tagawasak ng mga sarap." Tinutukoy niya ang kamatayan.}
Nagsalaysay nito sina Imām At-Tirmidhīy, Imām An-Nisā'īy, at Imām Ibnu MājahHumimok ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa dalas ng pagsasaalaala sa kamatayan na sa pag-alaala nito nagsasaalaala ang tao ng Kabilang-buhay at nagwawasak sa pag-ibig niya sa mga sarap ng Mundo sa puso niya at lalo na sa ipinagbabawal.
Ayon kay `Abdullāh bin `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Naparaan kami kasama ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Ḥijr kaya nagsabi sa amin ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Huwag kayong pumasok sa mga tirahan ng mga lumabag sa katarungan sa mga sarili nila maliban na kayo ay maging mga umiiyak, bilang pag-iingat na tumama sa inyo ang tulad ng tumama sa kanila." Pagkatapos nagbunsod siya [sa sinasakyan] kaya nagmabilis siya hanggang sa nag-iwan siya niyon.}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoSumaway ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), noong naparaan siya sa mga tahanan ng Thamūd, laban sa pagpasok sa mga tahanan ng mga pinagdusa na lumabag sa katarungan sa mga sarili nila o laban sa pagpunta roon, maliban na ang pumapasok ay umiiyak na napangangaralan dahil sa kanila, dala ng takot na tumama sa kanya ang tulad ng tumama sa kanila na pagdurusa. Pagkatapos sumigaw siya sa sasakyang hayop niya kaya nagmabilis siya dahil dito hanggang sa nakalampas siya roon.
Ayon kay Ḥudhayfah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Kami minsan ay nasa piling ni `Umar (malugod si Allāh sa kanya) saka nagsabi siya: "Alin sa inyo ang nakarinig sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na bumabanggit ng mga sigalot?" Kaya may nagsabing mga tao: "Kami ay nakarinig sa kanya." Kaya nagsabi siya: "Baka kayo ay tumutukoy sa sigalot ng lalaki sa mag-anak niya at kapit-bahay niya?" Nagsabi sila: "Oo nga." Nagsabi siya: "Doon ay magtatakip-sala ang ṣalāh, ang pag-aayuno, at ang kawanggawa. Subalit alin sa inyo ang nakarinig sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na bumabanggit ng umaalon nang pag-alon ng dagat?"} Nagsabi si Ḥudhayfah: {Kaya tumahimik ang mga tao saka nagsabi ako: "Ako po." Nagsabi siya: "Ikaw, para kay Allāh. ang ama mo!"} Nagsabi si Ḥudhayfah: {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Ilalahad ang mga sigalot sa mga puso gaya ng banig na nilala isang panlala matapos ng isang panlala. Kaya alinmang pusong pinainuman ng mga ito, may babatik dito na isang itim na batik; at alinmang pusong tumututol sa mga ito, may babatik dito na isang puting batik; hanggang sa ang mga ito ay maging nasa dalawang puso: nasa puti tulad ng kadalisayan kaya walang pipinsala rito na isang sigalot hanggat namalagi ang mga langit at ang lupa at ang iba ay itim na kulay-alikabok gaya ng saro habang nakatabingi, na hindi nakakikilala sa isang nakabubuti at hindi tumututol sa isang nakasasama, maliban sa ipinainom mula sa pithaya niya."} Nagsabi si Ḥudhayfah: {Nagsanaysay ako sa kanya na: "Sa pagitan mo at ng mga iyon ay may isang pintuang isinara na napipinto na mawasak." Nagsabi si `Umar: "Isang pagkawasak ba? Wala sa ama, bagkus ukol sa iyo![1] Kaya kung sakali na ito ay binuksan, baka ito ay panunumbalikin." Kaya nagsabi ako: "Hindi; bagkus wawasakin ito." Nagsanaysay ako rito na ang pintuang iyon ay [sumasagisag sa] isang lalaking papatayin o mamamatay – isang sanaysay na walang mga pagkakamali.} Nagsabi si Abū Khālid: {Nagsabi ako kay Sa`d: "O Ama ni Mālik, ano ang itim na kulay-alikabok?" Nagsabi ito: "Ang katindihan ng kaputian sa isang kaitiman." Nagsabi ako: "Saka ano ang saro habang nakatabingi?" Nagsabi ito: "Itiniwarik."}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimAng pinuno ng mga mananampalataya na si `Umar bin Al-Khaṭṭāb (malugod si Allāh sa kanya) ay minsang nasa isang pagtitipon at may kapiling ito na isang pagkatipon ng mga Kasamahan (malugod si Allāh sa kanila) saka nagsabi siya sa kanila: "Alin sa inyo ang nakarinig sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na bumabanggit ng mga sigalot?" Kaya nagsabi ang ilan sa kanila: "Kami ay nakarinig sa kanya na bumabanggit ng mga sigalot." Kaya nagsabi si `Umar bin Al-Khaṭṭāb (malugod si Allāh sa kanya): "Baka kayo ay tumutukoy sa pagsubok at pagsusulit ng lalaki sa natatangi sa kanya: sa maybahay niya at anak niya, na pakalabis ng pag-ibig niya sa kanila, pagdaramot niya para sa kanila, at pagkaabala niya dahil palayo sa marami sa kabutihan, o dahil sa pagpapabaya niya sa anumang inoobliga na pagsasagawa ng mga karapatan nila, pag-eedukasyon sa kanila, at pagtuturo sa kanila; at gayon din ang sigalot ng lalaki sa kapit-bahay niya at tulad niyon. Baka kayo ay tumutukoy niyon?" Nagsabi sila: "Siya nga." Nagsabi siya: "Ang mga iyon ay mga sigalot na humihiling ng pagtutuos. Kabilang sa mga iyon ay mga pagkakasalang inaasahan ang pagtatakip-sala sa mga ito sa pamamagitan ng mga magandang gawa gaya ng ṣalāh, pag-aayuno, at kawanggawa. Subalit alin sa inyo ang nakarinig sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na bumabanggit ng mga pangkalahatang sigalot, na dahil sa tindi ng bigat ng mga iyon at dami ng pagkalaganap ng mga iyon, bumubulabog ang mga iyon sa mga tao gaya ng pagbulabog ng dagat?" Kaya nanahimik ang mga tao saka nagsabi si Ḥudhayfah bin Al-Yamān (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): "Ako po ay nakarinig sa kanya." Kaya natuwa si `Umar (malugod si Allāh dito) at nagsabi siya rito: "Ukol kay Allāh ang tagumpay ng ama mo yayamang nagluwal siya ng tulad mo."} Sabihing nagsabi si Ḥudhayfah na nagsabi ang Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Lalantad ang mga sigalot at kakapit sa luwang at gilid ng puso ng tao gaya ng pagkapit ng higaang banig sa tagiliran ng natutulog dito at aapekto ito sa puso dala ng tindi ng pagkakapit ng mga sigalot dito. Panunumbalikin ang mga sigalot na ito at mauulit-ulit ang mga ito isang sigalot matapos ng isa pa. Ang alinmang puso na pumasok ang mga iyon dito, umibig sa mga ito, at nakihalo ang mga iyon dito gaya ng pakikihalo at pagpasok ng inumin, may itutuldok sa puso niya na isang itim na tuldok; at ang alinmang puso na tumanggi sa mga ito, may itutuldok dito na isang puting tuldok; hanggang sa ang mga puso ay maging nasa dalawang uri: isang puting puso dahil sa katindihan ng pagkakatali ng pananampalataya at pagkaligtas nito sa mga kasiraan at na ang mga sigalot ay hindi nakakapit dito at hindi nakaapekto rito gaya ng bato ng kabusilakang makinis na walang kumakapit dito na anuman kaya walang pumipinsala rito na isang sigalot hanggang sa makatagpo niya si Allāh. Ang ibang puso ay pusong nag-iba ang kulay nito na naging itim dahil sa mga sigalot, gaya ng banga-bangaang nakatagilid o itinaob, na walang makapanatili rito na tubig. Ganito ang taguring ito, walang makakakapit dito na kabutihan ni karunungan, na hindi kumikilala sa isang nakabubuti at hindi tumututol sa isang nakasasama, maliban sa iniibig nito at pinithaya ng sarili nito." Nagsabi si Ḥudhayfah kay `Umar: "Tunay ang mga sigalot na iyon ay walang lalabas na anuman mula sa mga ito sa buhay mo. Sa pagitan mo at ng mga iyon ay may isang pintuang isinara na nalalapit na mawasak." Nagsabi si `Umar: "Mawawasak ba ito sa isang pagkawasak? Kaya kung sakali na ito ay binuksan, baka ito ay panunumbalikin saka isasara." Nagsabi si Ḥudhayfah: "Hindi; bagkus wawasakin ito. Ang pintuang iyon ay [sumasagisag sa] isang lalaking papatayin o mamamatay." Ang binanggit ni Ḥudhayfah ay isang pabatid ng katapatang pinatotohanan. Ito ay hindi mula sa mga pahina ng mga Kitābīy[2] ni mula sa pagsusumikap ng isang may pananaw; bagkus mula sa ḥadīth ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
Ayon kay `Abdullāh bin `Abbas, malugod si Allah sa kanilang dalawa-siya ay nagsabi: ((Kapag kumain ang isa sa inyo ng pagkain;huwag niyang punasan ang kamay niya hanggat hindi niya ito dinilaan i ipadila [sa iba]))
Napagkaisahan ang katumpakanIpinag-utos sa atin ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Na sinuman ang kumain ng pagkain; na huwag punasan ang kamay niya o hugasan ,hanggat hindi niya ito madilaan o ipadila niya [ sa iba],Sapagkat hindi niya nalalaman kung saan sa pagkain niya ang may pagpapala,At dahil rito ay ipinag-utos sa atin ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang pagdila sa mga daliri,sapagkat maaaring ang pagpapala ay sa nakasabit rito mula sa mga pagkain.
Ayon kay `Abdullah bin Umar-malugod si Allah sa kanya-((Na ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nag-utos na gumawa para sa kanya ng singsing na yari sa ginto,at inilalagay niya ang bato nito sa palad ng kamay niya kapag sinusuot niya ito,at gumawa rin ang mga tao ng tulad nito,Pagkatapos ay umupo siya sa entablado,at tinanggal niya ito,At nagsabi siya; Katotohanan, sinusuot ko ang singsing na ito,at inilalagay ko ang bato nito (ng singsing) sa loob,Hanggang sa itinapon niya ito,pagkatapos ay nagsabi siya; Sumpa kay Allah, Hinding-hindi ko na ito susuotin magakailanman,Kaya`t iniwan din ng mga tao (ang pagsusuot) ng mga singsing nila)) at sa ibang pananalita (( inilagay niya ito sa kanang kamay niya))
Napagkaisahan ang katumpakanNag-utos ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na igawa siya siya ng singsing na yari sa ginto,at kapag sinusuot niya ito inilalagay niya ang bato nito sa palad ng kamay niya,Sinunod ito ng mga kasamahan ng Propeta at gumawa din sila tulad ng ginawa niya,at pagkalipas ng ilang panahon ay umupo ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa entablado upang makita ng mga Tao,pagkatapos ay sinabi niya; Katotohanang sinusuot ko ang singsing na ito at inilalagay ko ang bato nito sa paad ng kamay ko,pagkatapos ay itinapon niya ito at nagsabi siya;(( Sumpa kay Allah Hinding-hindi ko na ito susuotin muli,at ito ay pagkaraan ng pagbabawal rito,kaya`t itinapon din ng mga kasamahan ng Propeta ang mga singsing nila bilang pagsunod sa Sugo ni Allah-pagpalai siya ni Allah at pangalagaan.
Ayon kay `Umar bin Al-Khaṭṭāb, malugod si Allah sa kanya-Tunay na ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-((ay nagbawal sa pagsuot ng sutla maliban sa ganito;At itinaas sa amin ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang dalawang daliri nito:Ang hintuturo at ang hinlalato)) At sa kay Imam Muslim: ((Ipinagbawal ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang pagsuot ng sutla maliban sa dalawang lalagyan sa daliri o tatlo o apat))
Napagkaisahan ang katumpakanTunay na ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay ipinagbawal niya sa mga kalalakihan ang pagsuot ng sutla maliban sa ipinahintulot niya,At ang ipinahintulot niya na [binanggit ] sa Hadith na napagkaisahan sa katumpakan ay ang dalawang daliri,at sa salaysay ni Imam Muslim: ay [maaaring] tatlo o apat at higit pa,Walang mali hanggang sa dami ng apat na daliri mula sa pagsuot ng sutla,Tingnan mo ang Ta`sis Al-Ahkam
Ayon kay Abe Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya-Tunay na si Abu Bakar-malugod si Allah sa kanya-ay nagsabi: O Sugo ni Allah-ipag-utos mo sa akin ang mga salitang sasabihin ko kapag sumapit sa akin ang umaga at gabi,Nagsabi siya:((Sabihin mong: O Allah! tagapaglikha ng mga kalangitan at kalupaan-ang Nakakaalam sa mga lingid at mga nakikita;Panginoon ng lahat ng bagay at Tagapamahala nito,Ako ay sumasaksi na walang ibang diyos na dapat sambahain maliban sa Iyo,Ako ay nagpapakupkop sa Iyo, mula sa kasamaan ng aking sarili at kasamaan ni Satanas at sa kanyang kasamaan )) Nagsabi siya: (( Sabihin mo ito kapag sumapit sa iyo ang umaga,gabi at kapag ikaw ay matutulog))
Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām AḥmadAng panalanging ito ay kabilang sa mga panalanging sinasabi sa umaga at gabi,Ito rin ang itinuro ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-kay Abu Bakar-malugod si Allah sa kanya-sapagkat sinabi niya: Tinuruan ako.Tinuruan siya ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ng pag-aalaala at panalangin na sasambitin niya sa bawat pagsapit ng umaga at gabi,At ipinag-utos niya na sabihin niyang:O Allah! tagapaglikha ng mga kalangitan at kalupaan,Ibig sabihin : O Allah! O Tagapaglikha ng kalangitan at kalupaan at tagapaglikha ng dalawang ito,Ibig sabihin ; Ang Paglikha Niya sa dalawang ito-Kamahal-mahalan Siya at Kapita-pitagan-ay walang naging katulad sa una.Datapuwat ang paglikha at paggawa sa dalawang ito mula sa walang pinagmulan,ay walang naging katulad sa una.Ang may kinalaman sa mga lingid at mga nakikitang [bagay],Ibig sabihin :Ang may kinalaman sa mga lingid ng likha at sa mga nakikita,Sapagkat si Allah -Pagkataas-taas Niya ay nalalaman Niya ang kasalukuyan,ang hinaharap at ang tapos ng mangyari.Panginoon ng lahat ng bagay at Tagapamahala nito:Ibig sabihin ay:O Panginoon ng lahat ng bagay at Tagapamahala nito,At si Allah Pagkataas-taas Niya-ay Siyang Panginoon ng lahat ng bagay,at Siyang Tagapamahala ng lahat ng bagay. Ako ay sumasaksi na walang ibang diyos maliban sa Iyo: Inaamin ko sa dila ko at puso ko na tunay na walang ibang diyos na karapat-dapat samabahin maliban sa Iyo,Kaya`t ang lahat ng sinasambang maliban sa Allah ay walang katuturan,walang karapatan sa kanya sa pagsamba,walang nararapat sambahin maliban sa Allah na nag-iisa-Kamahal-mahalan Siya at Kapita-pitagan.Sa pagsabi niya: Ako ay nagpapakupkop sa Iyo sa kasamaan ng aking sarili;Sapagkat ang sarili ay tinataglay na kasamaan,tulad ng sinabi Niya-Pagkataas-taas Niya: (At hindi ko kinakalagan ang aking sarili [na walang sisi].Katotohanan,ang kaluluwa [katawang tao] ay nahihilig sa masama,malibang ang aking Panginoon ay maggawad ng habag),At kapag hindi ka pinrotektahan ni Allah laban sa kasamaan ng iyong sarili,ito ay makakapinsala sa iyo,at mag-uutos sa iyo ng masama,Subalit kapag si Allah ay nagprotekta sa iyo laban sa kasamaan,pinatnubayan ka Niya sa lahat ng kabutihan,At tinapos ito ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- sa pagsabi niya ng: "At mula sa kasamaan ni Satanas at sa pagtatambal niya" at sa ibang pananalita: "at sa mga bitag niya" Ibig sabihin; Humihiling ka sa Allah na pangalagaan ka Niya laban sa kasamaan ni Satanas at sa masasamang butag niya,Ibig sabihin: Ang mga bagay na nag-uutos sa iyo sa pagtatambal o sa mga bitag niya,At ang Bitag:Ay ang mga bagay na hinuhuli ng mga isda at mga ibon,at ang mga tulad pa nito.Sapagkat si Satanas ay may mga bitag,na hinuhuli ng mga Angkan ni Adan,ito ay ang Pagnanasa [ng sarili],o ang mga kahina-hinalang bagay [ipinagbabawal],at ang iba pa rito.At ako ay tumatanggap sa kasamaan ng aking sarili,Ibig sabihin:Iligtas mo ang aking sarili laban sa kasamaan nito,o iligtas mo ito sa isang muslim,At ang panalanging ito,ay ipinag-utos ng Propeta-paagpalain siya ni Allah at pangalagaan - kay Abu Bakar na sabihin niya ito kapag sumapit ang umaga at gabi at kapag siya ay matutulog.