





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay Anas (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {May dumating na isang lalaki sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi ito: "O Sugo ni Allāh, hindi ako nakapag-iwan ng isang maliit na kasalanan ni isang malaking kasalanan malibang nagawa ko na." Nagsabi siya: "Hindi ba sumasaksi ka na walang Diyos kundi si Allāh at na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh?" nang tatlong ulit. Nagsabi ito: "Opo." Nagsabi siya: "Kaya tunay na iyon ay pupuksa roon."}
Nagsalaysay nito sina Imām Abū Ya`lā, Imām Aṭ-Ṭabarānīy, at Imām Aḍ-Ḍiyā' Al-MaqdisīyMay dumating na isang lalaki sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi ito: "O Sugo ni Allāh, tunay na ako ay gumawa nga ng lahat ng mga pagkakasala at mga pagsuway at hindi ako nag-iwan ng isang maliit na kasalanan ni isang malaking kasalanan malibang ginawa ko iyon. Kaya patatawarin po ba ako?" Kaya nagsabi rito ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hindi ba sumasaksi ka na walang Diyos kundi si Allāh at na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh?" Umulit-ulit siya nito ng tatlong beses. Kaya nagsabi ito: "Opo. Sumasaksi po ako." Kaya nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) hinggil sa kainaman ng Dalawang Pagsaksi at pagtatakip-sala nito sa mga masagwang gawa at na ang pagbabalik-loob ay nagpapawalang-saysay sa anumang kasalanan bago nito.
Ayon kay Jābir bin `Abdillāh (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Huwag kayong magpakatuto ng kaalaman upang makipagmayabang kayo nito sa mga maalam at hindi upang makipagtaltalan kayo nito sa mga hunghang. Huwag kayong mamili sa pamamagitan nito ng mga upuan sapagkat ang sinumang gumawa niyon ay ang Apoy, ang Apoy [ang papasukin]."}
Nagsalaysay nito si Imām Ibnu MājahNagbigay-babala ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa paghahanap ng kaalaman para makipagyabangan at makipagtagisan sa mga maalam, sa paghahayag ng ganito: "Ako ay marunong tulad ninyo," o makipagtalumpati at makipagdebate sa pamamagitan nito sa mga hunghang at mga mahina ang mga isip, o magpakatuto upang manguna sa mga pagtitipon at unahin sa iba sa kanya roon. Ang sinumang gumawa niyon, tunay na siya ay nagiging karapat-dapat sa Impiyerno dahil sa pagpapakitang-tao niya at kawalan ng pagpapakawagas sa paghahanap ng kaalaman para kay Allāh.
Ayon kay An-Nawās bin Sam`ān Al-Anṣārīy (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Naglahad si Allāh ng isang paghahalintulad na isang landasing tuwid. Sa dalawang gilid ng landasin ay may dalawang pader. Sa dalawang ito ay may mga pintong pinagbubuksan. Sa mga pinto ay may mga tabing na pinalugay. Sa pinto ng landasin ay may isang tagapag-anyayang nagsasabi: 'O mga tao, pumasok kayo sa landasan nang lahatan at huwag kayong babaluktut-baluktot,' at may isang tagapag-anyayang nag-aanyaya mula sa ibabaw ng landasin, na kapag may nagnais magbukas ng anuman mula sa mga pintong iyon ay nagsasabi ito: 'Kalumbayan sa iyo! Huwag mong buksan iyan sapagkat tunay na ikaw, kung magbubukas niyan, ay lulusot ka riyan.' Ang landasin ay ang Islām. Ang dalawang pader ay ang mga hangganan ni Allāh. Ang mga pintong pinagbubuksan ay ang mga pagbabawal ni Allāh. Ang tagapag-anyayang iyon sa unahan ng landasin ay ang Aklat ni Allāh. Ang tagapag-anyaya mula sa ibabaw ng landasin ay ang tagapangaral ni Allāh sa puso ng bawat Muslim."}
Nagsalaysay nito sina Imām At-Tirmidhīy at Imām AḥmadNaglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na: "Si Allāh ay naglahad ng isang paghahalintulad ng Islām sa daang tuwid na nakaladlad na walang kabaluktutan dito. Sa dalawang gilid ng daang ito ay may dalawang pader o dalawang dingding na pumapalibot dito mula sa dalawang dako nito. Ang dalawang ito ang mga hangganan ni Allāh. Pumapagitna sa dalawang dingding na ito ang mga pintong pinagbubuksan: ang mga ipinagbabawal ni Allāh. Sa mga pintong iyon ay may mga pantabing na hindi naglalantad sa tagadaan sa daan ng sinumang nasa loob ng mga ito. Sa simula ng daan ay may isang tagapag-anyayang nagpapanuto sa mga tao, naggagabay sa kanila, at nagsasabi sa kanila: 'Tumahak kayo sa ibabaw nito nang walang pagkiling sa mga tabi at mga gilid.' Ang tagapag-anyayang ito ay ang Aklat ni Allāh. Mayroong isa pang tagapag-anyaya mula sa ibabaw ng daan. Ang tagapag-anyayang ito, sa tuwing nagbalak ang tagalakad sa landasin na magbukas ng isang kaunting sukat mula sa mga pantabing ng mga pintong iyon, ay nagtataboy rito at nagsasabi rito: 'Kapighatian sa iyo! Huwag mong buksan iyan sapagkat tunay na ikaw, kung magbubukas niyan, ay lulusot riyan at hindi makakakaya na magpigil ng sarili mo sa pagpasok.' Ang tagapag-anyayang ito ay ang mangangaral ni Allāh sa puso ng bawat Muslim.
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Nakaiibig ba ang isa sa inyo, kapag bumalik sa mag-anak niya, na makatagpo siya roon ng tatlong kamelyong buntis na damulag na matataba?" Nagsabi kami: "Opo." Nagsabi siya: "Tatlong talata na bumibigkas ng mga ito ang isa sa inyo sa dasal niya ay higit na mabuti kaysa sa tatlong kamelyong buntis na damulag na matataba."}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimNaglilinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang pabuya sa pagbigkas ng tatlong āyah sa ṣalāh ay higit na mabuti kaysa sa makatagpo ang tao sa bahay nito ng tatlong kamelyong buntis na damulag na matataba.
Ayon kay `Uqbah bin `Āmir Al-Juhanīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang tagapaglantad ng Qur'ān ay gaya ng tagapaglantad ng kawanggawa at ang tagapaglihim ng Qur'ān ay gaya ng tagapaglihim ng kawanggawa."}
Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, at Imām An-Nasā'īyNaglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang tagapaghayag ng pagbigkas ng Qur'ān ay gaya ng tagapaghayag ng pagbibigay ng kawanggawa at ang tagapagkubli ng pagbigkas ng Qur'ān ay gaya ng tagapagkubli ng pagbibigay ng kawanggawa.
Ayon kay `Alīy na nagsabi: {Tunay na ako noon ay isang lalaking kapag nakarinig ako mula sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng isang sanaysay na magpapakinabang sa akin si Allāh mula roon ng anumang niloob Niya na magpakinabang sa akin niyon at kapag may nagsanaysay sa akin na isang lalaki kabilang sa mga Kasamahan niya, nagpapasumpa ako roon. Kaya kapag sumumpa iyon para sa akin, maniniwala ako roon. Tunay na nagsanaysay sa akin si Abū Bakr at nagtotoo si Abū Bakr. Nagsabi siya: "Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: Walang anumang lalaki na nagkakasala ng isang pagkakasala – pagkatapos tumindig iyon saka nagpakadalisay, pagkatapos nagdasal iyon, pagkatapos humingi iyon ng tawad kay Allāh – malibang magpapatawad si Allāh doon. Pagkatapos bumigkas siya ng talatang ito (Qur'ān 3:135): {...na mga kapag nakagawa ng isang mahalay o lumabag sa katarungan sa mga sarili nila ay umaalaala kay Allāh kaya humihingi sila ng tawad para sa mga pagkakasala nila}."}
Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, at Imām An-Nasā'īy sa Al-Kubrā, Imām Ibnu Mājah, at Imām AḥmadNagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na kapag ang anumang tao na nagkakasala ng isang pagkakasala saka nagpahusay siya ng pagsasagawa ng wuḍū', pagkatapos tumindig siya saka nagdasal siya ng dalawang rak`ah nang may layunin ng pagbabalik-loob mula sa pagkakasala niyang ito, pagkatapos hihingi siya ng tawad kay Allāh, magpapatawad naman si Allāh sa kanya. Pagkatapos bumigkas ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng sabi ni Allāh: {...na mga kapag nakagawa ng isang mahalay o lumabag sa katarungan sa mga sarili nila ay umaalaala kay Allāh kaya humihingi sila ng tawad para sa mga pagkakasala nila} (Qur'ān 3:135)
Ayon kay Abū Umāmah Al-Bāhilīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {May dumating na isang lalaki sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi ito: "Nagsaalang-alang ka ba sa isang lalaking sumalakay habang naghahanap ng pabuya at katanyagan? Ano ang para sa kanya?" Kaya nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Walang anuman para sa kanya." Kaya umulit ito niyon nang tatlong ulit habang nagsasabi naman dito ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Walang anuman para sa kanya." Pagkatapos nagsabi siya: "Tunay na si Allāh ay hindi tumatanggap ng gawa maliban na ito ay naging wagas ukol sa Kanya at hinangad dito ang kaluguran ng mukha Niya."}
Nagsalaysay nito si Imām An-Nasā’īyMay dumating na isang lalaki sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) upang magtanong sa kanya at humiling ng pasya sa kanya tungkol sa kahatulan sa lalaki na humayo para sa pagsalakay at pakikibaka habang naghahangad ng pabuya mula kay Allāh at pagkaibig sa papuri at pagbubunyi sa mga tao kung magkakamit ba siya ng pabuya. Kaya sumagot dito ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na walang anumang para rito na pabuya dahil nagtambal ito sa layunin nito ng iba pa kay Allāh. Kaya umulit ang lalaki ng tanong nito nang tatlong ulit sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) habang sumasagot naman siya rito at nagbibigay-diin dito ng mismong sagot na walang pabuya para sa kanya. Pagkatapos nagpabatid dito ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) hinggil sa panuntunan ng pagtanggap ng gawa sa ganang kay Allāh at na si Allāh ay hindi tumatanggap ng gawa maliban na ito sa kabuuan nito ay maging para kay Allāh nang hindi nagtatambal dito ng isa man at ito ay maging ukol sa kaluguran ng mukha ni Allāh (kaluwalhatian sa Kanya).
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Bahagi ng kagandahan ng pagkaanib sa Islām ng tao ang pag-iwan niya ng anumang hindi pumapatungkol sa kanya."
Nagsalaysay nito si Imām At-Tirmidhīy at ang iba pa sa kanyaNaglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na bahagi ng kakumpletuhan ng mga kagandahan ng pagkaanib sa Islām ng Muslim at kalubusan ng pananampalataya niya ang paglayo niya sa anumang hindi pumapatungkol sa kanya, hindi natatangi sa kanya, hindi minamahalaga sa kanya, at hindi nagbebenepisyo sa kanya na mga sinasabi at mga ginagawa, o kabilang sa anumang hindi pumapatungkol sa kanya mula sa mga nauukol sa buhay panrelihiyon at buhay o. Ang pagpapakaabala sa anumang hindi ukol sa tao ay marahil aabala sa kanya palayo sa nauukol sa kanya o magpapahantong sa kanya tungo sa kinakailangang iwasan. Tunay na ang tao ay tatanungin tungkol sa mga gawain niya sa Araw ng Pagbangon.
Ayon kay `Abdullāh bin Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang mananampalataya ay hindi ang palapanirang-puri, ni ang palasumpa, ni ang mahalay, ni ang bastos."}
Nagsalaysay nito si Imām At-TirmidhīyNagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na hindi bahagi ng pumapatungkol sa mananampalatayang kumpleto ang pananampalataya na ito ay maging palapintas sa mga tao sa mga kaangkanan nila ni marami sa mga panlalait at pagsumpa ni mahalay sa gawain ni sa pagsasabi, na walang pagkahiya sa kanya.