





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay Jābir (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Tunay na ang demonyo ay nawalan na ng pag-asa na sumamba sa kanya ang mga nagdarasal sa Tangway ng Arabya, subalit [nagpatuloy] sa pagpapasigalot sa gitna nila."}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimNagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na si Satanas ay nawalan ng pag-asa na manumbalik ang mga mananampalatayang nagdarasal sa pagsamba sa kanya at pagpapatirapa sa anito sa Tangway ng Arabya, subalit siya ay hindi tumigil na nagmimithi. Hindi tumigil ang pagsisikap niya, ang pagpapagal niya, ang paggawa niya, at ang pagpupunyagi niya sa pagpapasigalot sa gitna nila sa pamamagitan ng mga alitan, pagkamuhi, mga digmaan, mga sigalot, at tulad ng mga ito.
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya: "Itinakda sa anak ni Adan ang bahagi niya sa pangangalunya; matatamo iyon, hindi maiiwasan: Ang mga mata, ang pangangalunya ng mga ito ay ang bawal na pagtingin. Ang mga tainga, ang pangangalunya ng mga ito ay ang bawal na pakikinig. Ang dila, ang pangangalunya nito ay ang bawal na pagsasalita. Ang kamay, ang pangangalunya nito ay ang bawal na paghawak. Ang paa, ang pangangalunya nito ay ang bawal na paghakbang. Ang puso ay nagpipithaya, nagmimithi, at paniniwalaan iyon ng ari ng tao o pasisinungalingan iyon."
Napagkaisahan ang katumpakanAng kahulugan ng ḥadīth: Ang tao ay hahantong sa pangangalunya, hindi maiiwasan, maliban sa sinumang pinangalagaan ni Allah. Pagkatapos ay binanggit ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ang mga halimbawa niyon. "Ang mata, ang pangangalunya nito ay ang bawal na pagtingin." Nangangahulugan ito na ang lalaki, kapag tumingin sa isang babae kahit pa walang pagnanasa at iyon ay hindi kabilang sa mga maḥram niya, ito ay isang uri ng pangangalunya. Ito ang pangangalunya ng mata. "Ang mga tainga, ang pangangalunya ng mga ito ay ang bawal na pakikinig." Nangangahulugan ito na nakikinig ang tao sa pananalita ng babae at nagpapasarap siya sa pakikinig sa tinig niyon. Ito ang pangangalunya ng tainga. Gayon din "ang kamay, ang pangangalunya nito ay ang bawal na paghawak." Tinutukoy nito ang gawain ng kamay gaya ng paghipo at anumang nakawangis nito. "Ang paa, ang pangangalunya nito ay ang bawal na paghakbang." Tinutukoy nito na ang tao ay naglalakad sa lugar ng mga kahalayan, halimbawa, o nakaririnig sa tinig ng isang babae at naglalakad siya papunta roon o nakakikita siya ng isang babae at susundan niya iyon. Ito ay isang uri ng pangangalunya. "Ang puso ay nagpipithaya, nagmimithi" Nangangahulugan ito na nahihilig siya sa bagay na ito: ang pagkakahumaling sa mga babae. Ito ay pangangalunya ng puso. "at paniniwalaan iyon ng ari ng tao o pasisinungalingan iyon." Nangangahulugan ito na kapag nangalunya siya sa pamamagitan ng maselang bahagi niya- magpakupkop kay Allah - nagkatotoo nga ang pangangalunya ng maselang bahaging ito. Kung hindi naman siya nangalunya sa pamamagitan ng maselang bahagi niya, bagkus nailigtas niya at napangalagaan niya ang sarili niya, tunay na ito ay isang pagpapasinungaling ng maselang bahaging ito. Pinatutunayan niyon ang pag-iingat laban sa pagkakahumaling sa mga babae sa pamamagitan ng mga tinig nila ni ng pagtingin sa kanila ni ng paghabul-habol sa kanila ni ng pagkatukso ng puso sa kanila. Lahat ng iyon ay kabilang sa mga uri ng pangangalunya - magpakupkop kay Allah. Kaya mag-ingat ang malinis na matalinong tao na sa mga bahagi ng katawang ito ay may anumang nahuhumaling sa mga babae.
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "May dalawang uri ng mga maninirahan sa Impiyerno, na hindi ko nakita: mga taong mayroong mga latigong gaya ng mga buntot ng mga baka, na ipinamamalo nila sa mga tao; at mga babaing nakadamit na nakahubad, na mga nagpapakiling, na mga kumikiling, na ang mga ulo nila ay gaya ng mga nakakiling na mga umbok ng mga kamelyong Baktriyano. Hindi sila papasok sa Paraiso. Hindi sila makaaamoy ng halimuyak nito, kahit pa ang halimuyak nito ay talagang naaamoy mula sa layong ganito at ganito."}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimNagbibigay-babala ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa dalawang uri ng mga tao kabilang sa mga maninirahan sa Impiyerno, na hindi niya nakita at hindi natagpuan sa panahon niya, bagkus lilitaw sila matapos niya. Ang Unang Uri: Mga taong mayroong mga latigong gaya ng mga buntot ng mga baka, na mahahaba, na ipinamamalo nila sa mga tao. Sila ang mga pulis at ang mga katulong ng mga tagalabag sa katarungan na mga namamalo ng mga tao nang walang katwiran. Ang Ikalawang Uri: Mga babaing naghubad ng kasuutan ng kabinihan at pagkahiya, na isinanaturalesa rito ang babae sa nakahiratian. Ang paglalarawan sa kanila: mga nakadamit, na sa totoo ay mga nakahubad sa kahulugan, ay dahil sila ay nagsusuot ng mga damit na maninipis na naaaninag ang kutis at nagtatakip sa isang bahagi ng katawan nila at naglalantad ng isang bahagi nito bilang pagpapalitaw ng karikitan, na mga nagpapakiling sa mga puso ng mga lalaki papunta sa kanila dahil sa pagdadamit nila at pagmamagilas nila sa paglalakad, na mga nagpapakiling ng mga balikat nila at nagpapakiling sa iba sa kanila tungo sa pagkalihis at pagliko na mga nagaganap dito. Kabilang sa mga katangian nila: ang mga ulo nila ay tulad ng mga nakakiling na umbok ng kamelyo sapagkat sila ay nagpapapintog ng sukat ng mga ulo nila at nagpapalaki ng mga ito sa pamamagitan ng pagbalot ng bufanda (scarf) at tulad nito. Ang pagwawangis sa mga umbok ng mga kamelyong Baktriyano ay dahil lamang sa pagkakaangat ng buhok nila at mga tirintas nila sa ibabaw ng mga ulo nila at pagkakapira-piraso ng mga ito dahil sa pagtirintas nila hanggang sa kumiling sa isa sa mga dako ng ulo gaya ng pagkiling ng umbok ng kamelyo. Ang sinumang nasa mga pagkakalarawang ito, sa kanila ang matinding bantang ito na hindi sila makapasok sa Paraiso, hindi sila makaamoy ng halimuyak nito, at hindi sila makalapit doon. Ang halimuyak ng Paraiso ay naaamoy at nasasamyo mula sa isang malayong distansiya.
Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Hindi titingin ang lalaki sa kahubaran ng lalaki, ni ang babae sa kahubaran ng babae. Hindi tatabi ang lalaki sa lalaki sa iisang kumot, ni tatabi ang babae sa babae sa iisang kumot."}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimSumaway ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na tumingin ang lalaki sa kahubaran ng lalaki o tumingin ang babae sa kahubaran ng babae. Ang kahubaran (`awrah) ay ang bawat ikahihiya kapag nalantad. Ang kahubaran ng lalaki ay ang nasa pagitan ng pusod niya at tuhod niya. Ang babae sa kabuuan niya ay kahubaran hinggil sa pagkakaugnay sa mga lalaking estranghero. Hinggil sa pagkakaugnay sa mga babae at sa mga maḥram niya, tunay na siya ay makapaglalantad ng nalalantad ayon sa nakahiratian sa sandali ng trabaho niya sa bahay. Sumaway ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na makisukob ang lalaki sa lalaki sa iisang kumot o sa ilalim ng iisang panakip habang mga nakahubad o na makisukob ang babae sa babae sa iisang kumot o sa ilalim ng iisang panakip habang mga nakahubad dahil iyon ay maaaring mauwi sa pagkasaling ng bawat isa sa kanilang dalawa sa kahubaran ng kasamahan niya. Ang pagsaling ng `awrah ay sinasaway gaya ng pagtingin dito; bagkus ito ay higit na matindi sa pagkasaway dahil nauuwi iyon sa mga katiwaliang higit na malaki.
Ayon kay Ibnu `Umar, malugod si Allah sa kanilang dalawa-Hadith na marfu: (( Huwag ninyong iwanan ang apoy sa tahanan ninyo kapag kayo ay matutulog))
Napagkaisahan ang katumpakanAng kahulugan ng Hadith:Tunay na ang Propeta-pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan-ay nagbabawal sa Ummah niya ng pagtulog bago patayin ang apoy na pinasiklab nila.Pagpapaliwanag sa Riyād Assālihīn ni Ibn 'Uthaimīn (6/390) Pagpapaliwanag sa Sunan Abē Dāwūd Lil-ibād, Kopya ng elektroniya
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya, ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay nagsabi: "Ang kalembang ay kagamitang pantugtog ng Demonyo."
Nagsalaysay nito si Imām MuslimIpinababatid ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na ang mga kalembang na isinasabit sa mga hayop ay isa sa mga kagamitan ng Demonyo na ginagamit niya sa pag-abala sa mga kampon niya at paglilihis sa kanila palayo sa layon ng pagkakalikha sa kanila.
Ayon kay `Ā’ishah, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: "Ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, kapag umihip noon ang hangin, ay nagsasabi: Allāhumma innī as’aluka khayrahā, wa khayra mā fīhā, wa khayra mā ursilat bihi, wa a`ūdhu bika min sharrihā, wa sharri mā fīhā, wa sharri mā ursilat bih (O Allah, tunay na ako ay humihingi sa Iyo ng kabutihan nito, ng kabutihan ng nasa loob nito, at ng kabutihan ng bagay na ipinadala kalakip nito; at nagpapakupkop sa Iyo laban sa kasamaan nito, sa kasamaan ng nasa loob nito, at sa kasamaan ng bagay na ipinadala kalakip nito)."
Nagsalaysay nito si Imām MuslimNagpapabatid si `Ā’ishah, malugod si Allah sa kanya, na bahagi ng patnubay ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, kapag bumuga ang hangin o sa sandali ng pagtindi ng pag-ihip nito ay nagsasabi siya: "Allāhumma innī as’aluka khayrahā, wa khayra mā fīhā,..." Ang hangin na nilikha ni Allah, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, at pinadadala Niya ay nahahati sa dalawa: Una: karaniwang hanging hindi nananakot; ito ay walang takdang dhikr na sunnah. Ikalawa: iba pang hanging unos; ito ay nakatatakot dahil ang liping `Ād ay pinarusahan ni Allah ng hanging mapanira - magpakupkop kay Allah. Kaya kapag bumuga ang hangin ay sabihin mo ang gaya ng patnubay niya, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: "Allāhumma innī as’aluka khayrahā, wa khayra mā fīhā, wa khayra mā ursilat bihi, wa a`ūdhu bika min sharrihā, wa sharri mā fīhā, wa sharri mā ursilat bih (O Allah, tunay na ako ay humihingi sa Iyo ng kabutihan nito, ng kabutihan ng nasa loob nito, at ng kabutihan ng bagay na ipinadala kalakip nito; at nagpapakupkop sa Iyo laban sa kasamaan nito, sa kasamaan ng nasa loob nito, at sa kasamaan ng bagay na ipinadala kalakip nito)." O kabutihan ng dinadala nito dahil ito ay nagpapadala minsan ng mabuti at nagpapadala minsan ng masama. Kaya humihiling ka kay Allah ng kabutihan ng bagay na ipinadala kalakip nito. Nangangahulugan ito na magpakupkop ka laban sa kasamaan nito, kasamaan ng dinadala nito, at kasamaan ng bagay na ipinadala kalakip nito. Sapat na sa kanya si Allah laban sa kasamaan nito at nakinabang siya sa kabutihan nito. Mirqāh Al-Mafātīḥ 3/1115, Mar`āh Al-Mafātīḥ 5/197, at Sharḥ Riyāḍ Aṣ-Ṣāliḥīn ni Ibnu `Uthaymīn 6/471-472.
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: Narinig ko ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na nagsasabi: "Ang hangin ay bahagi ng awa ni Allah. Naghahatid ito ng awa at naghahatid ito ng pagdurusa. Kapag nakita ninyo ito ay huwag ninyong laitin ito. Hingin ninyo kay Allah ang kabutihan nito. Magpakupkop kayo kay Allah laban sa kasamaan nito."
Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām AḥmadAng kahulugang ng hadith: "Ang hangin ay bahagi ng awa ni Allah." Nangangahulugan ito na ang hangin ay bahagi ng awa Niya sa mga lingkod Niya. "Naghahatid ito ng awa at naghahatid ito ng pagdurusa." Ito ay nangangahulugang si Allah, pagkataas-taas Niya, ay nagpapadala ng mga hangin bilang awa sa mga lingkod Niya. Natatamo dahil dito ang biyaya at ang pagpapala sa mga tao. Nagsabi si Allah: "Ipinadala Namin ang mga hangin bilang mga tagapagpabunga" (Qur'an 15:22). Nagsabi pa Siya: "Si Allah ang nagpapadala ng mga hangin, at nagpapagalaw ang mga ito ng mga ulap, at ikinakalat Niya ang mga ito sa langit kung papaano Niyang niloob. Ginagawa Niya ang mga ito na mga tipak kaya nakikita mo ang ulan na lumalabas mula sa mga pagitan ng mga ito." (Qur'an 30:48). Nagsabi pa Siya: "Siya ang nagpapadala ng mga hangin bilang mga balitang nakagagalak bago ang awa Niya hanggang sa, kapag nagdala na ang mga ito ng mga ulat na mabigat, inakay Namin ang mga ito sa isang lupaing patay at ibinaba Namin dito ang tubig" (Qur'an 7:57) Ang "naghahatid ito ng pagdurusa" ay batay sa sinabi Niya: "Kaya nagpadala Kami sa kanila ng isang hanging malamig na humahagunot sa mga sawing-palad na araw upang ipalasap Namin sa kanila ang pagdurusa ng kahihiyan sa makamundong buhay. Talagang ang pagdurusa sa Kabilang-buhay ay higit na kahiya-hiya, at sila ay hindi tutulungan." (Qur'an 41:16) "Kapag nakita ninyo ito ay huwag ninyong laitin ito." Ito ay nangangahulugang hindi ipinahihintulot para sa Muslim na laitin ang hangin dahil ito ay isa sa mga nilikha ni Allah. Ito ay naaatasang tumupad sa isang atas. Wala itong epekto sa anuman: hindi nagdudulot ng pakinabang ni nagdudulot ng kapinsalaan, malibang ayon sa utos ni Allah, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan. Kaya naman ang panlalait dito ay isang panlalait sa Tagapaglikha nito at Tagapangasiwa nito, si Allah, napakamaluwalhati Niya. "Hingin ninyo kay Allah ang kabutihan nito. Magpakupkop kayo kay Allah laban sa kasamaan nito." Ito ay nangangahulugang matapos sinaway ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ang paglait sa hangin, pinatnubayan naman niya ang Kalipunan niya na sa sandali ng pag-ihip nito ay humiling sila kay Allah mula sa kabutihan nito at magpapakupkop sila laban sa kasamaan nito.
Ayon kay Buraydah, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: Nagsabi ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: "Huwag ninyong tawagin ang nagkukunwaring mananampalataya na amo sapagkat tunay na siya, kung siya ay amo, ginalit nga ninyo ang Panginoon ninyo, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan."
Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām AḥmadAng kahulugan ng ḥadīth: Ang nagpapanggap na sumasampalataya, kung siya ay isang amo sa isang dako, na siya ay malaking tao ng lipi niya at tinawag ninyo siyang amo, ginalit nga ninyo si Allah dahil iyon ay isang pagdakila para sa kanya gayong siya ay kabilang sa hindi karapat-dapat sa pagdakila. Kung hindi naman siya isang amo sa mga kalipi niya o isang malaking tao sa mga kalipi niya, tunay na ito ay magiging isang kasinungalingan at isang pagkukunyari. Sa dalawang kalagayan ay ipinagbabawal ang pagtaguri ng salitang amo sa nagpapanggap na mananampalataya at tulad nito: ang tumatangging sumampalataya (Kāfir), ang suwail (Fāsiq), at ang gumagawa ng bid`ah (Mubtadi`), sapagkat ang mga ito ay lubusang hindi karapat-dapat sa paglalarawan ng pagkaamo. Mirqāh Al-Mafātīḥ 3009/7 at Sharḥ Sunan Abī Dāwud lil`Ibād (Kopyang Elektronika).