





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: Nagsabi ang Sugo ni Allāh: "Ang pinakamainam na yaman ng Muslim ay halos maging mga tupang sinusundan niya sa mga tuktok ng mga bundok at mga binabagsakan ng ulan, na tumatakas dahil sa relihiyon mula sa mga sigalot."
Isinaysay ito ni Imām Al-BukhārīyNasaad sa ḥadīth ang kainaman ng pagpapakabukod sa mga araw ng mga sigalot maliban ang taong kabilang sa may kakayahang alisin ang sigalot sapagkat tunay na siya ay kinakailangang magpunyagi sa pag-aalis nito bilang isang tungkuling pansarili o tungkuling panlahat ayon sa kalagayan at posibilidad. Tungkol naman sa hindi mga araw ng sigalot, nagkaiba-iba ang maaalam kaugnay sa pagpapakabukod o pakikihalubilo kung alin sa dalawang ito ay ang higit na mainam? Ang napili ay magalingin ang pakikihalubilo para sa sinumang hindi nananaig sa paglagay niya ang pagkakasadlak sa mga pagsuway. Ang "tumatakas dahil sa relihiyon mula sa mga sigalot" ay nangangahulugang: Sa takot para sa relihiyon niya laban sa pagkakasadlak sa mga sigalot. Dahil dito, inatasan ang tao na lumikas mula sa bayan ng Shirk tungo sa bayan ng Islām, at mula sa bayan ng kasuwailan tungo sa bayan ng pagpapakatuwid. Ganyan kapag nagbago ang mga tao at ang panahon. Tingnan: Fatḥ Al-Bārī 1/100, `Umdah Al-Qārī 1/263, at Sharḥ Riyāḍ Aṣ-Ṣāliḥīn: 3/510.
Ayon kay Abū Dardā’, malugod si Allah sa kanya-hadith na marfu: ((Tunay na ang isang alipin, kapag siya ay sumumpa sa isang bagay,aakyat ang sumpa sa kalangitan,at masasara ang mga pintuan ng kalangitan at hindi ito makakapasok,pagkatapos ay bababa ito sa lupa,at masasara ang mga pintuan nito at hindi ito makakapasok;pagkatapos ay pupunta ito sa deriksiyong kanan at kaliwa,at kapag wala siyang natagpuan na ibang daan,babalik siya sa isinumpa,kung siya ay karapat-dapat rito;at kung hindi ay babalik siya sa nagsabi nito))
Isinaysay ito ni Imām Abū DāwudAng isang alipin,kapag siya ay sumumpa sa isang bagay,sa dila niya;tunay na ang sumpa niya ay aakyat sa kalangitan,subalit ang pintuan ng kalangitan ay masasara sa kanya,kaya babalik ito sa lupa,at gayunding,masasara ang mga pintuan ng lupa sa kanya,at hindi siya makakapasok,Pagkatapos ay pupunta siya sa bandang kanan at kaliwa,at kapag wala siyang natagpuang daan o pananatilihan,babalik siya sa baagay na isinumpa,At kapag ito ay karapat-dapat sa sumpa,mananatili ito rito,at kung hindi ay babalik siya sa nagmamay-ari nito,ang sumumpa,at siya ay tatamaan nito.Dalīl Al-Fālihīn (59/8)
Ayon kay Abe Hurayrah malugod si Allah sa kanya-Buhat sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagsabi:(( Katotohanan sa Allah Pagkataas-taas Niya-ay may mga Anghel umiikot sila sa mga daan,naghahanap sila ng mga taong nag-aalaala(kay Allah),at kapag natagpuan nila ang grupo ng tao nag-aalaala kay Allah kamahal mahalan Siya at Kapita-pitagan,nagtatawagan sila:Pumunta kayo sa mga pangangailangan ninyo,ibinababa nila sa kanila ang mga pakpak nila sa kalangitan(sa Mundo),tatanungin sila ng Panginoon nila- Na Siya ang higit na Nakaka-alam: Ano ang sinasabi ng mga lingkod ko?Nagsabi siya: Sinabi nila:Linuluwalhati ka nila,at Dinadakila ka nila,at Pinupuri ka nila,at Dinadangal ka nila,At Sasabihin Niya:Nakita ba nila Ako? Hindi sumpa sa Allah,Hindi Ka nila nakita.At sasabihin Niya: Papaano pa kaya kapag nakita nila Ako:Sinabi nila: Kapag nakita nila Kayo,Mas hihigitan pa nila sa Iyo ang pagsamba,at mas hihigitan pa nila, sa Iyo ang pagdangal,at mas pararamihin nila sa Iyo ang pagluluwalhati, At sasabihin Niya: Ano ang Hinihiling nila?Nagsabi siya: Sinabi nila: Hinihiling nila sa Iyo ang Paraiso,Nagsabi siya:Nagsabi Siya: Nakita ba nila ito?Nagsabi siya:Sinabi nila:Hindi sumpa sa Allah O Panginoon,Hindi nila ito nakita,Nagsabi siya:Sinabi Niya: Papaano pa kaya kapag nakita nila ito,Nagsabi siya: Sinabi nila: Kapag nakita nila ito,mas hihigitan pa nila ang pagsusumikap rito at mas hihigitan pa nila ang paghihiling rito,at mas lalaki pa ang pagsusumamo nila rito, Nagsab siya: Sa anong bagay sila nagpapakopkop?Nagsabi siya: Sinabi nila: Nagpapakopkop sila sa Naglalagablab na Apoy ng Impiyerno,Nagsabi siya; Sinabi Niya: Nakita ba nila ito? Nagsabi siya: Sinabi nila: Hindi,Sumpa sa Allah,Hindi nila ito nakita,At sasabihin Niya: Papaano pa kaya kapag ito ay nakita nila,Nagsabi siya:Sinabi nila:Kapag nakita nila ito,mas hihigitan pa nila ang pag-iwas rito,at hihigitan nila ang pagkatakot rito,Nagsabi siya;Sinabi Niya:Ipinapasaksi Ko sa inyo ang Kapatawaran Ko sa kanila,Nagsabi siya;Sasabihin ng isang Anghel mula sa mga Anghel;Matatagpuan sa kanila si Pulano,ngunit hindi siya kabilang sa kanila,dumating lamang siya dahil sa kanyang pangangailangan Nagsabi Siya:,Sila ang nagsisi-upuan na hindi sinasawing-palad ang naka-upo sa kanila)) At sa isang salaysay: Ayon kay Abe Hurayrah malugod si Allah sa kanya-Buhat sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Katotohanan si Allah-ay may mga Anghel na bumibisita sa (sa Mundo) upang magkalat ng kainaman,hinahanap nila ang mga Tagpuang may pagaalaala sa Allah,at kapag nakatagpo sila ng Tagpuan na mayroong pagaalaala sa Allah,uupo rin sila kasama nila,at ibinababa ng bawat isa sa kanila ang mga pakpak nila hanggang sa mapuno nila ang pagitan nila at pagitan ng langit sa kalupaan,at kapag naghiwalay sila,tataas sila at aakyat sa kalangitan,Tatanungin sila ng Allah-kamahal-mahalan siya at kapita-pitagan-Na Siya ang higit na Nakaka-alam- Saan kayo galing? sasabihin nila:Galing kami mula sa mga lingkod Mo sa kalupaan:Linuluwalhati ka nila,at Dinadakila ka nila at Pinagsasaksihan ka nila (Na walang ibang Diyos n dapat sambahin maliban sa Iyo) at Pinupuri ka nila,at Humihiling sila sa Iyo:Nagsabi siya: Ano ang hinihiling nila?Nagsabi sila:Hinihiling nila sa Iyo ang Paraiso Mo.Nagsabi siya: Nakita ba nila ang Paraiso Ko? Nagsabi sila:Hindi,ibig sabihin : O Panginoon,Nagsabi siya:Papaano pa kaya kapag nakita nila ang Paraiso Ko,?! Nagsabi sila: At Nagpapakopkop sila.Nagsabi siya: Sa anong bagay sila nagpapakopkop? Nagsabi sila: mula sa Impiyerno Mo O Panginoon,Nagsabi Siya: Nakita ba nila ang Impoyerno Ko? Nagsabi sila: Hindi,Nagsabi siya: Papaano pa kaya kapag nakita nila ang Impiyerno Ko?! Nagsabi sila: At humuhingi sila sa Iyo ng Kapatawaran? Sasabihin Niya: Katotohanan ang kapatawaran Ko ay sa kanila,at Ibinigau Ko sa kanila ang hiniling nila, at kinopkop Ko sila sa anumang pinapakopkop nila,Nagsabi siya;sasabihin nila;O Panginoon,matatagpuan sa kanila si Pulano,isang alipin na makasalanan,at napadaan lamang siya,at umupo kasama nila,Sasabihin Niya:At sa kanya,ang kapatawaran Ko,sila ang mga taong hindi sinasawing-palad ang naka-upo sa kanila))
Napagkaisahan ang katumpakanIkinikwento sa Hadith na ito ang pagpapaakita mula sa pagpapakita sa kadakilaan ng Pagtitipon na Pag-aalaala kay Allah,Sapagkat sinabi ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Katotohanan sa Allah -ay may mga Anghel umiikot sila sa mga daan,naghahanap sila ng mga taong nag-aalaala(kay Allah)" Ibig sabihin:Na si Allah ay nag-utos ng mga grupong nakatalag mula sa mga Anghel liban pa sa mga (Anghel na) nangangalaga na nag-iikot sa kalupaan- nag-iikot sila sa mga daan ng mga Muslim at sa mga Masjid nila,at ang sadya nila ay maghanap ng mga Pinagtitipunan na nag-aalaala kay Allah,binibista nila ito at sinasaksihan nila ito,at pinakikinggan nila ang sinasabi rito, Nagsabi si Hafiz: At ang kahawig nito,ay pagtatalaga rito sa mga Pinagtitipunan nang Pagluluwalhati at ang mga katulad pa nito.at kapag "natagpuan nila ang grupo ng tao nag-aalaala kay Allah kamahal mahalan Siya at kapita-pitagan" at sa salaysay ni mam Muslim: " Kapag natagpuan nila ang Pinagtitipunan na may Pag-aalaala (kay Allah),nagtatawagan sila" ibig sabihin ay,tinatawag nila ang bawat isa,"Pumunta kayo sa mga kailangan ninyo" at sa isang salaysay: Sa layunin ninyo;Ibig sabihin ay:Hali kayo sa mga hinahanap ninyo mula sa mga Pinagtatagpuan na may Pag-aalaala (kay Allah),at ang pagtagpo sa mga tao nito,upang mabisita ninyo sila;at makarinig kayo sa mga Pag-aalaala nila.Nagsabi siya sumakanya ang pagpapala at pangangalaga sa paglalarawan ng mga Anghel habang sila ay nasa Pinagtatagpuan ng Pag-aalaala " Ibinababa nila sa kanila" ibig sabihin ay;umiikot sila sa kanila tulad ng bilog ng pulseras sa pulso." Ibinababa nila sa kanila ang mga pakpak nila" ibig sabihin ay; umiikot sila sa paligid nila gamit ang mga pakpak nila "Hanggang sa kalangitan" ibig sabihin;Hanggang sa umabot sila sa kalangitan.Pagkatapos ay ikinikwento niya pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ang pakikipag-usap na naganap sa pagitan ng Panginoong Dakila at Kapita-pitagan;at sa pagitan ng mga Anghel na mararangal,Sinabi ni Allah-Kapita-pitagan Siya sa Kanyang pagiging Mataas; "Tatunungin sila ng Allah na Siya ang Higit na nakaka-alam" ibig sabihin ay Siya ay mas higit na nakakaalam sa kanilang kalagayan,bilang pagbanggit sa mga gawain nila sa taas ng kalangitan;upang purihin sila ng mga Anghel;" Ano ang sinasabi ng mga lingkod ko? Sasagot ang mga Anghel:Linuluwalhati ka nila,Dinadakila ka nila,Pinupuri ka nila,Dinadangal ka nila" Ibig sabihin ay:Sinasabi ng mga Anghel; Katotohanan silang mga Nag-aalaala ay sinasabi nila; Napakamaluwalhati ni Allah,Ang Papuri ay sa Allah,at Walang ibang Diyos na dapat sambahin maliban kay Allah,Si Allah ay Dakila,at ang pagdangal ay ang pagsasabi ng ;Walang ibang Diyos na dapat sambahin maliban kay Allah,Dahil sa napapaloob dito ang pagdadakila kay Allah Pagkataas taas Niya,sa Pag-iisa sa Kanyang pagiging Panginoon.Sasabihin ni Allah Kapita-pitagan Siya sa Kanyang pagiging Mataas," Nakita ba nila ako?Nagsabi siya:Sinabi nila: Hindi sumpa sa Allah,Hindi ka nila nakita,Nagsabi siya;Sasabihin niya;Papaano pa kaya kapag nakita na nila Ako?" Sasagot ang mga Anghel na mararangal: Kapag nakita Ka nila,Mas hihigitan pa nila sa Iyo ang pagsamba,at mas hihigitan pa nila sa Iyo ang pagdadangal,at mas dadamihan nila sa Iyo ang Pagluluwalhati" Dahila ang pagsusumikap sa Pagsamba ay naaayon sa sukat ng kaalaman.Pagkatapos ay sasabihin ni Allah-mapagpala Siya at pagkataas-taas:" Nagsabi Siya; Ano ang hinihiling nila?" Ibig sabihin ay: ano ang hnihingi nila sa akin.Sasabihin ng mga Anghel;Nagsabi sila:Hinihiling nila sa Iyo ang Paraiso" Ibig sabihin ay:Binabanggit ka nila,at sinasamba ka nila,bilang pananabik sa Paraiso Mo,Sasagot ang mga Anghel;" Kapag nakita nila ito,mas hihigitan pa nila rito ang pagsisikap"Ibig sabihin;Mas pararamihin pa nila ang pagsusumikap rito;sapagkat,walang mas mainam sa kabutihan kapag ito ay nakikita,Sasabihin ni Allah-kapita-pitagan ang pagpipitagan sa Kanya" Nagsabi siya:At sa aning bagay sila nagpapakopkop?"Ibig sabihn:Sa aling bagay na sila ay natatakot,at hinihiling nila Panginoon nila na maligtas sila mula rito.Sasagot ang mga Anghel:" Mula sa Impiyerno" Ibig sabihin ay;Nag-aalala sila at sumasamba sila sa Panginoon nila na may takot sa Impiyerno,at hinihiling nila sa Kanya-Kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan na iligtas Niya sila mula rito.Sasabihin ni Allah-kapita-pitagan ang pagpipitagan sa Kanya;"Papaano pa kaya kapag nakita nila ito"Sasagot ang mga Anghel:" Kapag nakita nila ito,mas hihigitan pa nila ang Pag-iwas mula rito," Ibog sabihin ay;Mas hihigitan pa nila ang pagsusumikap sa paggawa ng mga kabutihan na siyang magiging dahilan sa kaligtasan mula sa Impiyerno.Sasabihin ni Allah-kapita-pitagan ang pagpipitagan sa Kanya:" Nagsabi siya;Sasabihin niya; Ipasasaksi ko sa inyo,Ang Kapatawaran Ko sa kanila"Ibig sabihin ay;Pinatawad Ko sila sa mga kasalanan nila. Sasabihin ng isang Anghel mula sa mga Anghel;" Matatagpuan sa kanila si pulano ,at hindi siya kabilang sa kanila,dumating lamang siya dahil sa kanyang pangangailangan" Ibig sabihin ay;Mayroon sa pagitan nilang Nag-aalaala" Pulano" at siya ay hindi kabilang sa kanila,ngunit dumating siya dahil sa pangangailangan niyang gagawin niya,kaya`t naki-upo siya kasama nila,Siya ba ay mapapatawad?Sasabihin ni Allah kapita-pitagan Siya siya sa pagiging Mataas Niya,ayon sa kahulugan nito; Sila ang nagsisi-upuan na hindi sinasawing-palad ang naka-upo sa kanila at hindi binibigo.
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya: Nagsasabi si Allah: "Kapag ninais ng lingkod Ko na gumawa ng isang gawang masagwa, huwag ninyong itala ito laban sa kanya hanggang sa ginawa niya ito. Kung ginawa niya ito, itala ninyo ito katumbas sa tulad nito. Kung iniwan niya ito alang-alang sa Akin, itala ninyo ito para sa kanya bilang isang gawang maganda. Kapag ninais niyang gumawa ng isang gawang maganda, ngunit hindi niya nagawa ito, itala ninyo ito para sa kanya bilang isang gawang maganda. Kung ginawa niya ito, itala ninyo para sa kanya katumbas sa sampung tulad nito hanggang sa pitong daang ulit."
Napagkaisahan ang katumpakanAng pakikipag-usap na ito ay mula kay Allah, pagkataas-taas Niya, para sa mga anghel na itinalaga sa pagtatala sa gawa ng tao at pagsusulat nito. Ito ay nagpapatunay sa kabutihang-loob ni Allah sa tao at pagpapaumanhin Niya rito. Sinabi Niya: "Kapag ninais ng lingkod Ko na gumawa ng isang gawang masagwa, huwag ninyong itala ito laban sa kanya hanggang sa ginawa niya ito." Ang gawa ay maaaring tumukoy sa gawain ng puso at ng mga bahagi ng katawan. Ito ang hayag dahil may nasaad nga na nagpapatunay na ang gawain ng puso ay maparurusahan at gagantihan. Nagsabi si Allah, pagkataas-taas Niya, (Qur'ān 22:25): "Ang sinumang naghahangad dito ng isang paglihis bilang paglabag sa katarungan, palalasapin Namin siya ng isang masakit na pagdurusa." Nasaad naman sa tumpak na ḥadīth: "Kapag nagtagpo ang dalawang Muslim dala ang tabak nilang dalawa, ang pumatay at ang napatay ay sa Impiyerno. Nagsabi sila: Itong pumatay, [opo] ngunit paano naman po ang napatay? Nagsabi siya: Tunay na siya ay masigasig sa pagpatay sa kapatid niya." Ang mga tekstong ito ay naaangkop sa pagsasapartikular ng pagkapangkalahatan ng sabi Niya: "Kapag ninais niyang gumawa ng isang gawang masagwa ay huwag ninyong itala ito hanggang sa nagawa niya ito." Ito ay hindi sumasalungat sa sabi Niya hinggil sa gawang masagwa: "hindi isinulat laban sa kanya" dahil ang pasya at determinasyon ng puso ay gawain. Ang sabi Niya: "Kung ginawa niya ito, itala ninyo ito katumbas sa tulad nito." Nangangahulugan ito: bilang iisang masamang gawa. Nagsabi si Allah, pagkataas-taas Niya (Qur'ān 6:160): "Ang sinumang gumawa ng gawang maganda ay ukol sa kanya ang ganti sa sampung tulad niyon, at ang sinumang gumawa ng gawang masagwa ay walang igaganti sa kanya kundi ang tulad niyon. Hindi sila gagawan ng kawalang katarungan." Nagsabi pa si Allah (Qur'ān 40:40) "Ang sinumang gumawa ng masagwang gawa ay hindi gagantihan maliban ng tulad nito. Ang sinumang gumawa ng matuwid na gawa, lalaki man o babae, habang siya ay isang Mananampalataya, ang mga iyon ay papasok sa Paraiso, na tutustusan doon nang walang pagtutuos." Sinabi Niya: "Kung iniwan niya ito alang-alang sa Akin, itala ninyo ito para sa kanya bilang isang gawang maganda." Nilimitahan ni Allah ang pag-iwan nito bilang alang-alang sa Kanya, pagkataas-taas Niya: bilang takot sa Kanya at pagkahiya. Kapag naman iniwan niya ito dahil sa kahinaan o takot sa nilikha o sa iba pang hadlang, tunay na ang pag-iwang ito ay hindi itatala para sa kanya bilang magandang gawa, bagkus baka isulat laban sa kanya bilang masagwang gawa. Sinabi Niya: "Kapag ninais niyang gumawa ng isang gawang maganda, ngunit hindi niya nagawa ito, itala ninyo ito para sa kanya bilang isang gawang maganda. Kung ginawa niya ito, itala ninyo para sa kanya katumbas sa sampung tulad nito hanggang sa pitong daang ulit." Ito ay isang pagmamabuting-loob mula kay Allah, pagkataas-taas Niya, ang Mapagbigay, ang Mapagkaloob sa mga lingkod Niya kaya naman ukol sa Kanya ang papuri at ang pagkilala sa kagandahang-loob. Kaya aling kagalantehan ang higit na dakila kaysa rito? Kapag naglayon siya ng magandang gawa, magtatala si Allah dahil dito ng isang buong magandang gawa. Kapag ginawa ang magandang gawa, magtatala dahil dito ng sampung mabuting gawa hanggang sa pitung daang magandang gawa. Sa ḥadīth na ito, isinaysay ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ang pananalitang ito mula kay Allah, pagkataas-taas Niya, sa pamamagitan ng sabi niya: "Nagsasabi si Allah: Kapag ninais ng lingkod Ko...", habang naglalarawan sa Kanya sa pamamagitan niyon. Ang sinabing ito ay bahagi ng Batas Niya na naglalaman ng pangako Niya sa mga lingkod Niya at pagmamabuting-loob Niya sa kanila. Ito ay hindi Qur'ān at hindi nilikha sapagkat ang sinabi ni Allah, pagkataas-taas Niya, ay hindi nilikha.
Ayon kina Abū Sa`īd Al-Khuḍrī at Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "May mananawagang isang tagapanawagan: Tunay na ukol sa inyo na lumusog kayo kaya hindi kayo magkakaramdaman magpakailanman. Tunay na ukol sa inyo na mabuhay kaya hindi kayo mamamatay magpakailanman. Tunay na ukol sa inyo na bumata kayo kaya hindi kayo tatanda magpakailanman. Tunay na ukol sa inyo na guminhawa kayo kaya hindi kayo mawawalang-pag-asa magpakailanman." Kaya iyon ang sabi Niya (aj): {Tatawagin sila: “Iyon ay ang Paraiso; ipinamana sa inyo iyon dahil sa dati ninyong ginagawa.”} (Qur'an 7:43)}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimBumanggit ang Propeta (s) na may mananawagan sa mga maninirahan sa Paraiso na isang tagapanawagan habang sila roon ay nagpapakaginhawa: "Tunay na ukol sa inyo na lumusog kayo kaya hindi kayo magkakasakit sa Paraiso magpakailanman, gaano man kaunti ang sakit. Tunay na ukol sa inyo na mabuhay kaya hindi kayo mamamatay rito magpakailanman, kahit pa man isang pagkatulog, na isang maliit na pagkamatay. Tunay na ukol sa inyo na bumata kayo kaya hindi kayo tatanda rito magpakailanman. Tunay na ukol sa inyo na guminhawa kayo kaya hindi kayo malulungkot o mawawalang-pag-asa rito magpakailanman." Kaya iyon ang sabi Niya (aj): {Tatawagin sila: “Iyon ay ang Paraiso; ipinamana sa inyo iyon dahil sa dati ninyong ginagawa.”} (Qur'an 7:43)
Ayon kay Ṣuhayb (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: Kapag nakapasok sa Paraiso ang maninirahan sa Paraiso, magsasabi si Allah (napakamapagpala Siya at napakataas): "Nagnanais ba kayo ng isang bagay na idadagdag Ko sa inyo?" Kaya magsasabi sila: "Hindi ba nagpaputi Ka sa mga mukha namin? Hindi ba nagpapasok Ka sa amin sa Paraiso at nagligtas Ka sa amin mula sa Impiyerno?" Kaya maghahawi Siya ng tabing. Hindi sila nabigyan ng anumang higit na kaibig-ibig sa kanila kaysa pagtingin sa Panginoon nila (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan).}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimNagpapabatid ang Propeta (s) na kapag nakapasok sa Paraiso ang mga maninirahan sa Paraiso, magsasabi si Allah (napakamapagpala Siya at napakataas) sa kanila: "Nagnanais kaya kayo ng isang bagay na idadagdag Ko sa inyo?" Kaya magsasabi ang mga maninirahan sa Paraiso sa kabuuan nila: "Hindi ba nagpaputi Ka sa mga mukha namin? Hindi ba nagpapasok Ka sa amin sa Paraiso at nagligtas Ka sa amin mula sa Impiyerno?" Kaya mag-aalis si Allah ng tabing at mag-aangat Siya nito. Ang tabing Niya ay ang liwanag. Hindi sila nabigyan ng anumang higit na kaibig-ibig sa kanila kaysa pagtingin sa Panginoon nila (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan).
Ayon kay Abū Sa`īd, malugod si Allah sa kanya: "Tunay na ang mga naninirahan sa Paraiso ay talagang makakikita sa mga naninirahan sa mataas na tirahan sa ibabaw nila gaya ng pagkakita nila sa maningning na tala na nagdaraan sa abot-tanaw ng silangan o kanluran dahil sa pagkakalamangan sa pagitan nila." Nagsabi sila: "O Sugo ni Allah, ang mga iyon ay tahanan ng mga propeta na hindi maaabot ng iba sa kanila?" Nagsabi siya: "Bagkus, sumpa man sa Kanya na ang kaluluwa ko ay nasa kamay Niya, [maaabot ng] mga taong sumampalataya kay Allah at nagpatotoo sa mga isinugo."
Napagkaisahan ang katumpakanAng mga maninirahan sa Paraiso ay nagkakaiba ang mga tahanan nila alinsunod sa mga antas nila sa kabutihan. Ang mga may matataas na mga antas ay talagang makikita ng mga mababa sa kanila, gaya ng pagkakita sa mga bituin.
Ayon kay Mu`āwiyah, malugod si Allah sa kanya: "Tunay na ikaw, kung susubaybayan mo ang mga ikahihiya ng mga Muslim, sisirain mo sila o halos sisirain mo sila."
Isinaysay ito ni Imām Abū DāwudTunay na ikaw, kung susubaybayan mo ang mga ikahihiya ng mga Muslim sa pamamagitan ng paniniktik sa mga kalagayan nila, ng paghahanap ng mga kapintasan nila, at ng paghahalukay sa mga kasiraan nilang ikinukubli nila at ibinuko mo naman sila, ipahihiya mo sila at ilalantad mo ang pinagtatakpan nila. Mawawala ang hiya nila kaya mangangahas sila sa paggawa ng mga tulad ng mga iyon na mga pagsuway nang harapan matapos na sila noon ay nagkukubli, na walang nakaalam tungkol sa kanila kundi si Allah.
Ayon kay Khirāsh Hadrad bin bin Abē Hadrad Al-Aslamī-malugod si Allāh sa kanya-Hadith na marfu:(( Ang sinuman ang lumikas sa kapatid niya sa loob ng isang taon,ito ay tulad ng pagpadanak sa dugo niya))
Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām AḥmadAng sinuman ang lumikas sa kapatid niya ng walang layuning [naaayon] batas ng Islam at nagpatuloy siya sa paglikas sa kanya sa loob ng isang taon,nararapat para sa kanya ang kaparusahan,tulad ng ang pagpadanak sa dugo niya ay nararapat [na patawan] ng parusa,ito ay ang pagsaway sa anumang [naaangkop] na nakikita sa kanya ng hukom,bilang pagpipigil sa kanya at pagsaway sa iba,Ngunit kung ang paglikas ay may kasamang layuning [naaayon sa] batas ng Islam,tulad ng;kapag siya ay lumikas sa kawani ng mga bid`ah at mga [taong] makasalanan,nararapat lamang na mapanatili ito sa paglipas ng panahon,hanggang sa lumitaw sa kanila ang pagsisisi at pagbalik sa katotohanan