





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay Anas bin Mālik (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang panalangin ay hindi tinatanggihan sa pagitan ng adhān at iqāmah."}
Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, at Imām An-Nasā'īyNaglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng kainaman ng pagdalangin sa pagitan ng adhān at iqāmah, na ito ay hindi tinatanggihan at marapat sa pagsagot. Kaya naman dumalangin kayo kay Allāh dito.
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Ang Sugo ni Allāh noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsasabi: "Allāhumma aṣliḥ lī dīni -llādhī huwa `iṣmatu amrī, wa-aṣliḥ lī dunyāya -llatī fīhā ma`āshī, wa-aṣliḥ lī ākhirati -llatī fīhā ma`ādī, wa-j`ali -lḥayāta ziyādatan lī fī kulli khayr, wa-j`ali -lmawta rāḥatan lī min kulli sharr. (O Allāh, isaayos Mo para sa akin ang buhay panrelihiyon ko, na ito ang pananggalang ng nauukol sa akin; isaayos Mo para sa akin ang buhay pangmundo ko, na narito ang kabuhayan ko; isaayos Mo para sa akin ang buhay na pangkabilang-buhay ko, na naroon ang balikan ko, gawin Mo ang buhay bilang karagdagan para sa akin sa bawat kabutihan, at gawin Mo ang kamatayan bilang kapahingahan para sa akin sa bawat kasamaan.)"}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimDumalangin ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng isang panalangin na nagtipon siya rito ng mga saligan ng mararangal sa mga kaasalan na ipinadala siya para sa paglubos sa mga ito. Ang mga ito ay ang kaayusan ng buhay panrelihiyon, buhay pangmundo, at buhay pangkabilang-buhay. Hinango niya sa maiksing pananalitang ito ang kaayusan sa tatlong masaklaw na kahulugan. Nagsimula siya sa kaayusan ng buhay panrelihiyon. Sa pamamagitan nito ang kaayusan ng kalagayan sa Mundo at Kabilang-buhay sapagkat nagsabi siya: "Allāhumma aṣliḥ lī dīnī (O Allāh, isaayos Mo para sa akin ang buhay panrelihiyon ko)" sa pamamagitan ng pagtutuon sa akin sa pagsasagawa ng mga etiketa rito sa paraang pinakalubos na pinakaganap. "[a]llādhī huwa `iṣmatu amrī, (na ito ay pananggalang ng nauukol sa akin)" at tagapag-ingat ng lahat ng mga nauukol sa akin sapagkat kung nasira ang buhay panrelihiyon ko, masisira ang mga nauukol sa akin, magririmarim ang mga ito, at malulugi ang mga ito at dahil hindi naisasagawa ang kaayusan ng buhay panrelihiyong hinihiling kundi sa pamamagitan ng buhay pangmundo. Nagsabi siya: "wa-aṣliḥ lī dunyāya (isaayos Mo para sa akin ang buhay pangmundo ko)" sa pamamagitan ng pagbibigay sa akin ng kalusugan ng katawan, katiwasayan, panustos, maayos na kabiyak, kaaya-ayang supling, at anumang kakailanganin ko, na magiging ipinahihintulot at tagatulong sa pagtalima sa Iyo. Pagkatapos binanggit niya ang katwiran sa paghiling niya ng pagsasaayos dito sa pamamagitan ng pagsabi: "[a]llatī fīhā ma`āshī (na narito ang kabuhayan ko)" at ang lugar ng pamumuhay ko at ang panahon ng buhay ko. "wa-aṣliḥ lī ākhirati -llatī fīhā ma`ādī (isaayos Mo para sa akin ang buhay na pangkabilang-buhay ko, na naroon ang balikan ko" at pagbabalik ko sa pakikipagkita sa Iyo. Iyon ay sa pamamagitan ng kaayusan ng mga gawain at pagtutuon ni Allāh sa tao sa pagsamba, pagpapakawagas, at kagandahan ng wakas. Isinunod ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ang Kabilang-buhay matapos ng Mundo yayamang ang Una ay ang kaparaanan sa pagsasaayos sa Ikalawa. Kaya ang sinumang natuwid sa buhay pangmundo niya alinsunod sa ninanais ni Allāh, matutuwid para sa kanya ang buhay pangkabilang-buhay niya at liligaya siya roon. "wa-j`ali -lḥayāta (gawin Mo ang buhay)" at ang haba ng edad "ziyādatan lī fī kulli khayr (bilang karagdagan para sa akin sa bawat kabutihan)" na magpapakarami ako dito ng mga gawang maayos. "wa-j`ali -lmawta (at gawin Mo ang kamatayan)" at ang pagmamadali rito "rāḥatan lī min kulli sharr (bilang kapahingahan para sa akin sa bawat kasamaan)," tukso, pighati, at pagsubok dahil sa pagsuway at pagkalingat, bilang kaligtasan mula sa hirap ng Mundo at mga bagabag nito, at bilang pagtamo ng kapahingahan.
Ayon kay Abū Mūsā (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), siya noon ay dumadalangin ng panalanging ito: "Rabbi -ghfir lī khaṭī'atī wa-jahlī wa-isrāfī fī amrī kullihi wa-mā anta a`lamu bihi minnī. Allāhumma -ghfir lī khaṭāyāya wa-`amdī wa-jahlī wa-hazlī wa-kullu dhālika `indī. Allāhumma -ghfir lī mā qaddamtu wa-mā akhkhartu, wa-mā asrartu wa-mā a`lantu. Anta -lmuqaddimu wa anta -lmu'akhkhiru, wa-anta `alā kulli shay'in qadīr. (O Allāh, magpatawad Ka sa akin sa pagkakamali ko, pagkamangmang ko, pagpapakalabis ko sa nauukol sa akin sa kabuuan nito, at anumang Ikaw ay higit na nakaaalam niyon kaysa sa akin. O Allāh, magpatawad Ka sa akin sa mga pagkakamali ko, pananadya ko, pagkamangmang ko, at pagbibiro ko. Ang lahat ng iyon ay sa ganang akin. O Allāh, magpatawad Ka sa akin sa anumang ipinauna ko at anumang ipinahuli ko, at anumang inilihim ko at anumang inihayag ko. Ikaw ay ang Tagapagpauna at Ikaw ay ang Tagapagpahuli. Ikaw sa bawat bagay ay May-kakayahan.)"}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoKabilang noon sa mga masaklaw na panalangin ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ang sabi niya: "Rabbi -ghfir lī khaṭī'atī (O Allāh, magpatawad Ka sa akin sa pagkakamali ko,) pagkakasala ko "wa-jahlī (at pagkamangmang ko,)" at anumang naganap mula sa akin nang walang kaalaman. "wa-isrāfī fī amrī kullihi (pagpapakalabis ko sa nauukol sa akin sa kabuuan nito,)" pagkukulang ko, paglampas ko sa hangganan, "wa-mā anta a`lamu bihi minnī (at anumang Ikaw ay higit na nakaaalam niyon kaysa sa akin) na nakaalam Ka nito mismo, O Allāh, at nakalimot naman ako nito mismo. "Allāhumma -ghfir lī khaṭāyāya wa-`amdī (O Allāh, magpatawad Ka sa akin sa mga pagkakamali ko, pananadya ko,)" anumang namutawi buhat sa isang pananadya mula sa akin, at isang kaalam mula sa akin ng mga pagkakasala, "[wa-jiddī] wa-hazlī ([pagseseryoso ko,] at pagbibiro ko)," anumang namutawi buhat sa isang pagpapatawa, at anumang naganap mula sa akin sa dalawang kalagayan. "wa-kullu dhālika `indī (Ang lahat ng iyon ay sa ganang akin)" yayamang natipon ang nabanggit na mga pagkakasala at mga kapintasan. "Allāhumma -ghfir lī mā qaddamtu (O Allāh, magpatawad Ka sa akin sa anumang ipinauna ko" sa anumang nakalipas "wa-mā akhkhartu,(at anumang ipinahuli ko,)" sa anumang darating, "wa-mā asrartu (at anumang inilihim ko)," anumang ikinubli ko, "wa-mā asrartu wa-mā a`lantu (at anumang inihayag ko)" at anumang inilantad ko. "Anta -lmuqaddimu wa anta -lmu'akhkhiru, (Ikaw ay ang Tagapagpauna at Ikaw ay ang Tagapagpahuli.)" Nagpapauna Ka sa sinumang niloob Mo mula sa nilikha mo tungo sa awa Mo sa pamamagitan ng pagtutuon Mo sa anumang kinalulugdan Mo. Ikaw ay nagpapahuli sa sinumang niloloob Mo buhat doon sa pamamagitan ng pagtatwa Mo sa kanya. Walang tagapagpauna sa anumang ipinahuli Mo at walang tagapagpahuli sa anumang ipinauna Mo kabilang sa mga bagay-bagay. "wa-anta `alā kulli shay'in qadīr (Ikaw sa bawat bagay ay May-kakayahan)" na lubos sa kakayahan, ganap sa pagnanais, palagawa ng bawat anumang niloloob Mo.
Ayon sa Anak ni `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Hindi nangyaring ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nag-iiwan ng mga panalanging ito kapag gumagabi at kapag nag-uumaga: "Allāhumma innī as'aluka -l`āfiyata fi -ddunyā wa-l'ākhirah. Allāhumma innī as'aluka -l`afwa wa-l`āfiyata fī dīnī wa-dunyāya wa-ahlī wa-mālī. Allāhumma -stur `awratī (o: `awrātī) wa-āmin raw`ātī. Allāhumma -ḥfaḏnī mim bayni yadayya wa-min khalfī wa-`an yamīnī wa-`an shimālī wa-min fawqī, wa-a`ūdhu bi-`aḏamatika an ughtāla min taḥtī. (O Allāh, tunay na ako ay humihiling sa Iyo ng kagalingan sa Mundo at Kabilang-buhay. O Allāh, tunay na ako ay humihiling sa Iyo ng paumanhin at kagalingan sa buhay panrelihiyon ko, buhay pangmundo ko, mag-anak ko, at ari-arian ko. O Allāh, pagtakpan Mo ang kahihiyan ko (o: ang mga kahihiyan ko) at patiwasayin Mo ang mga pangingilabot ko. O Allāh, ingatan Mo ako mula sa harapan ko at sa likuran ko, sa dakong kanan ko at sa dakong kaliwa ko, at mula sa itaas ko. Nagpapakupkop ako sa kadakilaan Mo na hindi ako paslangin mula sa ilalim ko.)"}
Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām An-Nasā'īy, Imām Ibnu Mājah, at Imām AḥmadHindi nangyaring ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagwawaksi ng mga panalanging ito kapag gumagabi at kapag nag-uumaga. "Allāhumma innī as'aluka -l`āfiyata (O Allāh, tunay na ako ay humihiling sa Iyo ng kagalingan)" at kaligtasan mula sa mga karamdaman, mga pagsubok, mga kasawiang-palad na pangmundo, mga pagnanasa, mga sigalot na pangmundo "fi -ddunyā wa-l'ākhirah (sa Mundo at Kabilang-buhay)" na madalian at matagalan. "Allāhumma innī as'aluka -l`afwa (O Allāh, tunay na ako ay humihiling sa Iyo ng paumanhin)," pagpawi ng mga pagkakasala, pagpapalampas sa mga ito, "wa-l`āfiyata (kagalingan)," at kaligtasan mula sa mga kapintasan "fī dīnī (sa buhay panrelihiyon ko)," mula sa Shirk, mga bid`ah, at mga pagsuway; "wa-dunyāya (buhay pangmundo ko)" mula sa mga kasawiang-palad, perhuwisyo, at mga kasamaan; "wa-ahlī (mag-anak ko):" mga asawa ko, mga anak ko, at mga kamag-anak ko; "wa-mālī (at ari-arian ko):" mga ari-arian ko at trabaho ko. "Allāhumma -stur `awrātī (O Allāh, pagtakpan Mo ang mga kahihiyan ko)" at ang nasa akin na mga kapintasan, mga kasiraan, at pagkukulang; "wa-āmin raw`ātī (at patiwasayin Mo ang mga pangingilabot ko)," ang hilakbot ko, at ang pangamba ko "Allāhumma -ḥfaḏnī (O Allāh, ingatan Mo ako)" at itulak Mo ang pagsubok palayo sa akin na mga tagaperhuwisyo at pagsubok "mim bayni yadayya wa-min khalfī wa-`an yamīnī wa-`an shimālī wa-min fawqī (mula sa harapan ko at sa likuran ko, sa dakong kanan ko at sa dakong kaliwa ko, at mula sa itaas ko)." Ito ay yayamang humiling siya na ingatan siya ni Allāh mula sa lahat ng mga dako dahil ang mga pagsubok at ang mga salot ay tanging sumusunod sa tao at sumasalubong sa kanya mula sa isa sa mga dakong ito. "wa-a`ūdhu bi-`aḏamatika an ughtāla (Nagpapakupkop ako sa kadakilaan Mo na hindi ako paslangin)," hindi ako panagutin nang bigla, at hindi ako pasawiin sa pagkalingat "min taḥtī (mula sa ilalim ko)" para masawi ako dahil sa paglamon ng lupa.
Ayon kay `Ā'ishah na ina ng mga mananampalataya (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) ay nagturo sa kanya ng panalanging ito: "Allāhumma innī as'aluka mina -lkhayri kullih, `ājilihi wa-ājilihi, mā `alimtu minhu wa-mā lam a`lam; wa-a`ūdhu bika mina -shsharri kullihi, `ājilihi wa-ājilihi, mā `alimtu minhu wa-mā lam a`lam. Allāhumma innī as'aluka min khayri mā sa'alaka `abduka wa-nabīyuka, wa-a`ūdhu bika min sharri mā `ādha bihi `abduka wa-nabīyuka. Allāhumma innī as'aluka -ljannata wa-mā qarraba ilayhā min qawlin aw `amalin, wa-a`ūdhu bika mina -nnāri wa-mā qarraba ilayhā min qawlin aw `amal, wa-as'aluka an taj`ala kulla qaḍā'in qaḍaytahu lī khayrā. (O Allāh, tunay na ako ay humihiling sa Iyo mula sa kabutihan sa kabuuan nito, madalian nito at matagalan nito, na nalaman ko mula rito at hindi ko nalaman; at nagpapakupkop sa Iyo laban sa kasamaan sa kabuuan nito, madalian nito at matagalan nito, na nalaman ko mula rito at hindi ko nalaman. O Allāh, tunay na ako ay humihiling sa Iyo mula sa kabutihan ng anumang humiling nito sa Iyo ang Lingkod Mo at ang Propeta Mo; at nagpapakupkop sa Iyo laban sa kasamaan ng anumang nagpakanlong dahil dito ang Lingkod Mo at ang Propeta Mo. O Allāh, tunay na ako ay humihiling sa Iyo ng Paraiso at anumang nagpapalapit doon na sinasabi o ginagawa; nagpapakupkop sa Iyo laban sa Impiyerno at anumang nagpapalapit doon na sinasabi o ginagawa; at humihiling sa Iyo na gumawa Ka sa bawat pagtatadhanang itinadhana Mo bilang kabutihan para sa akin.)"}
Nagsalaysay nito sina Imām Ibnu Mājah at Imām AḥmadNagturo ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kay `Ā'ishah na ina ng mga mananampalataya (malugod si Allāh dito) ng mga masaklaw sa panalangin. Ito ay apat na panalangin. 1. Panalanging pangkalahatan para sa bawat kabutihan: "Allāhumma innī as'aluka mina -lkhayri kullih (O Allāh, tunay na ako ay humihiling sa Iyo mula sa kabutihan sa kabuuan nito)" at lahat nito, "`ājilihi (madalian nito)" ang malapit sa oras nito, "ājilihi (at matagalan nito)" ang malayo, "mā `alimtu minhu (ng nalaman ko mula rito)" kabilang sa itinuro Mo sa akin, at "wa-mā lam a`lam (at hindi ko nalaman)" kabilang sa nasa kaalaman Mo (kaluwalhatian sa Iyo). Nasaad dito ang pagpapaubaya ng nauukol doon kay Allāh, ang Maalam, ang Mapagbatid, ang Mapagtalos, sapagkat pumipili Siya (kaluwalhatian sa Kanya) para sa Muslim ng pinakamainam nito at pinakamaganda nito. "wa-a`ūdhu (at nagpapakupkop):" nangungunyapit ako at nagpapasanggalang ako "bika mina -shsharri kullihi, `ājilihi wa-ājilihi, mā `alimtu minhu wa-mā lam a`lam (sa Iyo laban sa kasamaan sa kabuuan nito, madalian nito at matagalan nito, ng nalaman ko mula rito at hindi ko nalaman)." 2. Ito ay isang pag-iingat para sa Muslim laban sa pangangaway sa panalangin: "Allāhumma innī as'aluka (O Allāh, tunay na ako ay humihiling sa Iyo)" at humihingi "min khayri mā sa'alaka `abduka wa-nabīyuka (mula sa kabutihan ng anumang humiling nito sa Iyo ang Lingkod Mo at ang Propeta Mo)" – basbasan siya ni Allāh at pangalagaan – "wa-a`ūdhu (at nagpapakupkop)," dumudulog, at nangungunyapit "bika min sharri mā `ādha bihi `abduka wa-nabīyuka (sa Iyo laban sa kasamaan ng anumang nagpakanlong dahil dito ang Lingkod Mo at ang Propeta Mo.)" Basbasan siya ni Allāh at pangalagaan. Ito ay isang panalangin at isang paghiling mula kay Allāh na magbigay Siya sa tagapanalangin mula sa hiningi at hiniling ni Propeta Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) para sa sarili nito, nang walang pagbibilang ng mga uri ng ipinanalangin nito (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan). 3. Ang paghiling ng pagpasok sa Paraiso at pagkalayo sa Impiyerno, na isang kahilingan ng bawat Muslim at layon ng gawain niya: "Allāhumma innī as'aluka -ljannata (O Allāh, tunay na ako ay humihiling sa Iyo ng Paraiso)" at pagtamo nito "wa-mā qarraba ilayhā min qawlin aw `amal (at anumang nagpapalapit doon na sabi o gawa)" na maayos na nagpapalugod sa Iyo; "wa-a`ūdhu bika mina -nnāri (nagpapakupkop sa Iyo laban sa Impiyerno)" yayamang walang pananggalang laban sa mga pangit sa mga gawain malibang sa pamamagitan ng kabaitan Mo "wa-mā qarraba ilayhā min qawlin aw `amal (at anumang nagpapalapit doon na sabi o gawa)" kabilang sa mga pagsuway na nagpapagalit sa Iyo. 4. Ang pagdalangin ng pagkalugod sa pagtatadhana ni Allāh: "wa-as'aluka an taj`ala kulla qaḍā'in qaḍaytahu lī khayrā (at humihiling sa Iyo na gumawa Ka sa bawat pagtatadhanang itinadhana bilang kabutihan para sa akin)." Ang bawat bagay na itinadhana ni Allāh para sa akin ay na gawin Niya bilang isang kabutihan para sa akin. Ito ay bahagi ng panalangin ng pagkalugod sa pagtatadhana ni Allāh.
Ayon kay `Abdullāh bin `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Kabilang sa panalangin ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Allāhumma innī a`ūdhu bika min zawāli ni`matika, wa-taḥawwuli `āfiyatika, wa-fujā'ati niqmatika, wa-jamī`i sakhaṭik. (O Allāh, tunay na ako ay nagpapakupkop sa Iyo laban sa paglaho ng biyaya Mo, pagbabagong-anyo ng kagalingang dulot Mo, pambibigla ng higanti Mo, at lahat ng inis Mo.)"}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimHumiling ng pagkupkop ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa apat na bagay: 1. "Allāhumma innī a`ūdhu bika min zawāl ni`matika (O Allāh, tunay na ako ay nagpapakupkop sa Iyo laban sa paglaho ng biyaya Mo)" na panrelihiyon at pangmundo, at na tumatag ako sa Islām at malayo ako sa pagkasadlak sa mga pagsuway na nag-aalis ng mga biyaya. 2. "wa-taḥawwuli `āfiyatika" (pagbabagong-anyo ng kagalingang dulot Mo)" sa pamamagitan ng pagpapalit nito para maging pagsubok, kaya humihiling ako sa Iyo ng pamamalagi ng kagalingan at kaligtasan mula sa mga hapdi at mga karamdaman. 3. "wa-fujā'ati niqmatika (pambibigla ng higanti Mo) na pagsubok o kasawiang-palad sapagkat ang higanti at kaparusahan, kapag dumating nang biglaan at nang agaran, ay hindi magkakaroon ng isang panahon para sa pagbabalik-loob. Ang tinamaan nito ay naging higit na mabigat at higit na matindi. 4. "wa-jamī`i sakhaṭik (at lahat ng inis Mo)" at mga kadahilanang nag-oobliga ng galit Mo sapagkat tunay na ang sinumang kinainisan Mo ay nabigo at nalugi nga. Bumanggit nga ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng salitang panlahat upang sumaklaw ito sa lahat ng mga kadahilanan ng pagkainis ni Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya) na mga sabi, mga gawa, at mga paniniwala.
Ayon kay `Abdullāh bin `Amr bin Al-`Āṣṣ (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ang Sugo ni Allāh noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay dumadalangin sa pamamagitan ng mga pangungusap na ito: "Allāhumma innī a`ūdhu bika min ghalabati -ddayni wa-ghalabati -l`adūwi wa-shamātati -l'a`dā'. (O Allāh, tunay na ako ay nagpapakupkop sa Iyo laban sa pananaig ng utang, pananaig ng kaaway, at pagkagalak ng mga kaaway.)"}
Nagsalaysay nito sina Imām An-Nisaiy at Imām AḥmadHumiling ng pagkupkop ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa ilang bagay: 1. "Allāhumma innī a`ūdhu (O Allāh, tunay na ako ay nagpapakupkop)," dumudulog, at nagpapakanlong "bika (sa Iyo)" hindi sa iba sa Iyo "min ghalabati -ddayni (laban sa pananaig ng utang)" panggagapi nito, bagabag nito, at pighati nito, at humihingi sa Iyo ng pagtulong sa pagtapos dito at pagbabayad nito. 2. "wa-ghalabati -l`adūwi" (pananaig ng kaaway)," panggagapi nito, at paghahari nito. Humihiling ako sa Iyo ng pagpigil sa perhuwisyo niya at pagwawagi laban sa kanya. 3. "wa-shamātati -l'a`dā' (at pagkagalak ng mga kaaway) at pagkatuwa nila sa anumang dumadapo sa mga Muslim na pagsubok at kasawiang-palad.
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): Siya noon ay nagsasabi kapag inumaga siya: "Allāhumma bika aṣbaḥnā, wa-bika amsaynā, wa-bika naḥyā, wa-bika namūt, wa-ilayka -nnushūr. (O Allāh, sa pamamagitan Mo ay inumaga kami, sa pamamagitan Mo ay ginabi kami, sa pamamagitan Mo ay nabubuhay kami, sa pamamagitan Mo ay mamamatay kami, at tungo sa Iyo ang pagkabuhay.)" Kapag ginabi siya, nagsasabi siya: "[Allāhumma] bika amsaynā, wa-bika aṣbaḥnā, wa-bika naḥyā, wa-bika namūt, wa-ilayka -nnushūr. ([O Allāh,] sa pamamagitan Mo ay ginabi kami, sa pamamagitan Mo ay inumaga kami, sa pamamagitan Mo ay nabubuhay kami, sa pamamagitan Mo ay mamamatay kami, at tungo sa Iyo ang pagkabuhay.)" Nagsabi naman siya sa ibang pagkakataon: "... wa-ilayka -lmaṣīr (... at tungo sa Iyo ang kahahantungan.)"}
Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, Imām An-Nasā’īy sa Al-Kubrā, at Imām Ibnu MājahAng Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag dumating sa kanya ang umaga na simula ng maghapon kasabay ng pagsapit ng madaling-araw, ay nagsasabi: "Allāhumma bika aṣbaḥnā (O Allāh, sa pamamagitan Mo ay inumaga kami)" habang mga nagtatamasa ng pag-iingat Mo, na mga nakalubog sa biyaya Mo, na mga nagpapakaabala sa pag-alaala sa Iyo, na mga nagpapatulong sa pamamagitan ng ngalan Mo, na mga nasasaklawan ng pagtutuon Mo, na mga kumikilos sa pamamagitan ng pagpapagalaw Mo at lakas Mo. "[Allāhumma,] bika amsaynā, wa-bika naḥyā, wa-bika namūt ([O Allāh,] sa pamamagitan Mo ay ginabi kami, sa pamamagitan Mo ay nabubuhay kami, sa pamamagitan Mo ay mamamatay kami)" Ibig sabihin: Gaya ng naunang pananalita kasabay ng paglagay rito sa gabi kaya magsasabi: "O Allāh, sa pamamagitan Mo ay ginabi kami sa pamamagitan ng pangalan Mong tagapagbigay-buhay nabubuhay kami; at sa pamamagitan ng pangalan Mong tagapagbigay-kamatayan namamatay kami. "wa-ilayka -nnushūr (at tungo sa Iyo ang pagkabuhay)." Ang pagbubuhay at matapos ng kamatayan at ang pagkakahiwa-hiwalay ay matapos ng pagkatipon. Nagpapatulong ang kalagayan natin dito sa lahat ng mga oras at ang nalalabi sa mga kalagayan. Hindi ako nakakakalas buhat dito at hindi ako nakaiiwan nito. Kapag dumating sa kanya ang gabi matapos ng hapon, nagsasabi siya: "Allāhumma bika amsaynā, wa-bika aṣbaḥnā, wa-bika naḥyā, wa-bika namūt, wa-ilayka -lmasir. (O Allāh, sa pamamagitan Mo ay ginabi kami, sa pamamagitan Mo ay inumaga kami, sa pamamagitan Mo ay nabubuhay kami, sa pamamagitan Mo ay mamamatay kami, at tungo sa Iyo ang kahahantungan:)" ang balikan sa Mundo at ang uwian sa Kabilang-buhay sapagkat Ikaw ay nagbibigay-buhay sa akin at Ikaw ay nagbibigay-kamatayan sa akin.
Ayon kay Abe Sa`īd Al-Khudrīy, malugod si Allah sa kanya-Sa Hadith na Marfu-Iwasan ninyo ang pag-upo sa mga daan,Nagsabi sila:O Sugo ni Allah,Wala kaming dapat iwasan sa pag-upo namin,nag-uusap kami rito,Kapag kayo ay nagtanggi ipagkaloob ninyo ang karapatan ng daan,Nagsabi sila: Ano ang Karapatan nito?Nagsabi siya:Pagbaba sa paningin,at pagpigil sa mga nakakapinsala,at pagsagot sa pagbati,at pag-utos sa kabutihan at pagbabawal sa kasamaan.
Napagkaisahan ang katumpakanNagbabala ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa mga kasamahan niya sa pag-upo sa mga daan,Nagsabi sila: Wala kaming napapala dito,Nagsabi siya:Kapag nagtanggi kayo,at nararapat sa inyo ang pag-upo,Obligado sa inyo sa inyo na maibigay ninyo ang karapatan ng daan.Nagtanong sila sa karapatan ng daan,Sinabi niya ito sa kanila:Ang ibaba ang paningin sa mga kababaihan na dumadaan sa harapan nila,at ang pigilan nila ang anumang bagay na makakapinsala sa dumadaan,maging ito man ay sa salita o sa gawa,at ang pagsagot nila sa mga Pagbati sa sinumang magbigay nito sa kanila,at ang mag-utos sila sa kabutihan at kapag nakakita sila ng kasamaan sa harapan nila,nararapat sa kanila na tanggihan nila ito.