





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay Anas (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Ang pinakamadalas sa panalangin noon ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay: "Allāhumma rabbanā ātinā fi -ddunyā ḥasanatan wa-fi -l'ākhirati ḥasanatan wa-qinā `adhāba -nnār. (O Allāh, Panginoon namin, magbigay Ka sa amin sa Mundo ng maganda at sa Kabilang-buhay ng maganda; at magsanggalang Ka sa amin sa pagdurusa sa Apoy.)"}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoAng Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagpapadalas ng pagdalangin masasaklaw sa panalangin. Kabilang sa mga ito: "Allāhumma rabbanā ātinā fi -ddunyā ḥasanatan wa-fi -l'ākhirati ḥasanatan wa-qinā `adhāba -nnār. (O Allāh, Panginoon namin, magbigay Ka sa amin sa Mundo ng maganda at sa Kabilang-buhay ng maganda; at magsanggalang Ka sa amin sa pagdurusa sa Apoy.)" Ito ay naglalaman ng maganda sa Mundo na panustos na kaiga-igayang malawak na ipinahihintulot, kabiyak na maayos, anak na ikinagiginhawa ng mata, kapahingahan, kaalamang nagpapakinabang, gawaing maayos, at tulad nito kabilang sa mga kahilingang naiibigan at pinahihintulutan; at ng maganda sa Kabilang-buhay na kaligtasan mula sa mga kaparusahan sa libingan, tindigan (mawqif), at Impiyerno; at pagtamo ng kaluguran ni Allāh, pagkamit ng kaginhawahang mananatili, at pagkalapit sa Panginoong Maawain.
Ayon kay Shaddād bin Aws (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang pangunahin sa paghingi ng tawad ay na magsabi ka ng: Allāhumma anta rabbī. Lā ilāha illā anta. Khalaqtanī wa-anā `abduka, wa-anā `alā `ahdika wa-wa`dika ma -staṭa`tu. A`ūdhu bika min sharri mā ṣana`tu. Abū'u laka bi-ni`matika `alayya wa-abū'u bi-dhambī, fa-ghfir lī fa-innahū lā yaghfiru -l dhdhunūba illā anta. (O Allāh, Ikaw ay Panginoon ko. Walang Diyos kundi Ikaw. Nilikha Mo ako at ako ay alipin Mo. Ako ay nasa ilalim ng kasunduan sa Iyo at pangako sa Iyo hanggang sa abot ng makakaya ko. Nagpapakupkop ako sa Iyo laban sa kasamaan ng nagawa ko. Kumikilala ako sa Iyo sa biyaya Mo sa akin at kumikilala ako sa Iyo sa pagkakasala ko kaya magpatawad Ka para sa akin sapagkat tunay na walang nagpapatawad sa mga pagkakasala kundi Ikaw.) Ang sinumang nagsabi nito sa maghapon habang nakatitiyak dito saka namatay sa araw nito bago gumabi, siya ay kabilang sa mga maninirahan sa Paraiso. Ang sinumang nagsabi nito sa gabi habang nakatitiyak dito saka namatay sa araw nito bago mag-umaga, siya ay kabilang sa mga maninirahan sa Paraiso."}
Nagsalaysay nito si Imām Al-BukhārīyNagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang paghingi ng tawad ay may mga pananalita at ang na pinakamainam sa mga ito at ang pinakadakila sa mga ito ay magsabi ang tao ng: "Allāhumma anta rabbī. Lā ilāha illā anta. Khalaqtanī wa-anā `abduka, wa-anā `alā `ahdika wa-wa`dika ma -staṭa`tu. A`ūdhu bika min sharri mā ṣana`tu. Abū'u laka bi-ni`matika `alayya wa-abū'u bi-dhambī, fa-ghfir lī fa-innahū lā yaghfiru -l dhdhunūba illā anta. (O Allāh, Ikaw ay Panginoon ko. Walang Diyos kundi Ikaw. Nilikha Mo ako at ako ay alipin Mo. Ako ay nasa ilalim ng kasunduan sa Iyo at pangako sa Iyo hanggang sa abot ng makakaya ko. Nagpapakupkop ako sa Iyo laban sa kasamaan ng nagawa ko. Kumikilala ako sa Iyo sa biyaya Mo sa akin at kumikilala ako sa Iyo sa pagkakasala ko kaya magpatawad Ka para sa akin sapagkat tunay na walang nagpapatawad sa mga pagkakasala kundi Ikaw.)" Maninindigan ang tao kay Allāh sa Tawḥīd, una sa lahat; na si Allāh ay Tagalikha niya at sinasamba niya: walang katambal sa Kanya; na siya ay tumutupad sa kasunduan kay Allāh (kaluwalhatian sa Kanya) na pananampalataya sa Kanya at pagtalima sa Kanya alinsunod sa kakayahan dahil ang tao, maging gaano man nagsagawa ng pagsamba, ay hindi makakakaya na magsagawa ng lahat ng ipinag-utos sa kanya ni Allāh ni ng pagsasagawa ng kinakailangan na pagpapasalamat sa mga biyaya; na siya ay dumudulog kay Allāh at mangungunyapit sa Kanya sapagkat tunay na Siya ay ang hinihilingan ng pagkupkop laban sa kasamaan na niyari ng tao; na siya ay naninindigan at kumikilala sa Kanya ng pagkukusang-loob sa biyaya Niya sa kanya at umuulit sa sarili ng paninindigan at pagkilala sa kasalanan niya at pagsuway niya. Matapos ng pagsusumamong ito kay Allāh, dadalangin siya sa Panginoon niya na magpatawad sa kanya sa pamamagitan ng pagtatakip sa mga pagkakasala niya at pagsasanggalang sa kanya sa mga kasalanan niya sa pamamagitan ng pagpaumanhin Niya, kabutihang-loob Niya, at awa Niya sapagkat tunay na walang nagpapatawad sa mga pagkakasala kundi Siya (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan). Pagkatapos nagpabatid ang Propeta (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) na ang mga ito ay kabilang sa mga dhikr sa umaga at gabi. Kaya ang sinumang nagsabi ng mga ito nang may katiyakan, kamalayan sa mga kahulugan ng mga ito, at pananampalataya sa mga ito sa unang bahagi ng araw niya sa pagitan ng pagsikat ng araw at katanghaliang-tapat nito, na oras ng maghapon, saka namatay siya, papasok siya sa Paraiso. Ang sinumang nagsabi ng mga ito sa gabi, na mula sa paglubog ng araw hanggang sa pagsapit ng madaling-araw, saka namatay siya bago mag-umaga, papasok siya sa Paraiso.
Ayon kay Mu`āwiyah bin Ḥaydah, malugod si Allah sa kanya: "Kapighatian sa nagsasalita at nagsisinungaling upang matawa ang mga tao! Kapighatian sa kanya, pagkatapos ay kapighatian sa kanya!"
Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām AḥmadMay nasasaad sa hadith na matinding babala laban sa pagsisinungaling at banta ng kapahamakan sa nahihirati sa pagsisinungaling para magbiro at magpatawa sa mga tao. Ito ay kabilang sa pinakapangit sa mga pangit na gawain. Ipinagdidiinan ang pagbabawal rito sapagkat ito ay kabilang sa mga masagwang kaasalan na kinakailangang iwaksi ng mananampalataya, layuan, at linisin ang dila sa pagsisinungaling sa lahat ng kalagayan, maliban sa pinahintulutan ni Allah. Kung papaanong ipinagbabawal ang pagsasalita ng kasinungalingan para magbiro, gayon din ipinagbabawal sa mga tagapakinig ang pakikinig nito kapag nalaman nilang kasinungalingan ito, bagkus kinakailangang masamain nila ito.
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya: "Nagsasabi si Allah, pagkataas-taas Niya: Ako ay kasama ng lingkod Ko hanggat umalaala siya sa Akin at gumalaw dahil sa Akin ang mga labi niya."
Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy bilang Mu'allaq - Isinaysay ito ni Imām AḥmadAng ḥadīth ay nagpapatunay na ang sinumang umaalaala kay Allah, si Allah ay magiging malapit sa kanya at magiging kasama niya sa lahat ng mga kapakanan niya. Si Allah ay magtatama sa kanya, gagabay sa kanya, tutulong sa kanya, at tutugon sa panalangin niya. Ang kahulugan ng ḥadīth na ito ay nasaad sa isa pang ḥadīth sa Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy. Nagsabi ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: "Nagsasabi si Allah: Ako ay ayon sa palagay ng lingkod Ko sa Akin at Ako ay kasama niya kapag naalaala niya Ako. Kaya kung inalala niya Ako sa sarili niya, aalalahanin Ko siya sarili Ko; at kung inalala niya Ako sa madla, aalalahanin Ko siya sa madlang higit na mabuti kaysa sa kanila."
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya: "Ang sinumang inalok ng balanoy ay huwag tanggihan ito sapagkat ito ay magaan dalahin, mabango ang amoy."
Nagsalaysay nito si Imām MuslimAng sinumang niregaluhan ng isang pabango ay nararapat sa kanya na tanggapin ito sapagkat ito ay walang hirap dalhin at gayon din ang amoy nito ay mabango.
Ayon kay Jābir bin `Abdillāh (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Mangilag kayo sa kawalang-katarungan sapagkat tunay na ang kawalang-katarungan ay mga kadiliman sa Araw ng Pagbangon. Mangilag kayo sa kasakiman sapagkat tunay na ang kasakiman ay nagpasawi sa mga bago ninyo, na nagbuyo sa kanila na nagpadanak sila ng mga dugo nila at nagturing sila ng pagpapahintulot sa mga ipinagbawal sa kanila."}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimNagbigay-babala ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa kawalang-katarungan. Bahagi nito ang kawalang-katarungan sa mga tao, ang kawalang-katarungan sa sarili, at ang kawalang-katarungan sa karapatan ni Allāh (napakataas Siya). Ito ay ang pagwawaksi ng pagbibigay sa bawat may karapatan ng karapatan nito. Ang kawalang-katarungan ay mga kadiliman sa mga tagagawa nito sa Araw ng Pagbangon, na pagtamo ng mga kasawiangpalad at mga hilakbot. Sumaway siya laban sa kasakiman na siyang katindihan ng karamutan kasabay ng sigasig. Bahagi nito ang pagkukulang sa pagganap sa mga tungkuling pampananalapi at ang katindihan ng pagsigasig sa kamunduhan. Ang uring ito ng kawalang-katarungan ay nagpasawi sa mga bago natin na mga kalipunan yayamang nagbuyo ito sa kanila sa pagpatay sa iba sa kanila at pagpayag sa ipinagbawal ni Allāh na mga ipinagbabawal.
Ayon kay Abū Umāmah Al-Bāhilīy, malugod si Allāh sa kanya: "Ako ay tagapaggarantiya ng isang bahay sa paligid ng Paraiso para sa sinumang umayaw sa pakikipagtalo kahit pa man siya ay nasa tama, ng isang bahay sa gitna ng Paraiso para sa sinumang umayaw sa pagsisinungaling kahit pa man siya ay nagbibiro, at ng isang bahay sa kaitaasan ng Paraiso para sa sinumang nagpaganda ng kaasalan niya."
Isinaysay ito ni Imām Abū DāwudIpinabatid ng Propeta, (s), na siya ay naggagarantiya ng isang bahay sa palibot ng Paraiso, sa labas nito, para sa sinumang umayaw sa pakikipagtalo kahit pa man siya ay nasa totoo hinggil doon dahil ito ay isang pagsasayang ng oras at isang dahilan ng pagkamuhi. Gayon din, naggagantriya siya ng isang bahay sa gitna ng Paraiso para sa sinumang umayaw sa pagsisinungaling at pagbabalita ng salungat sa tunay na pangyayari kahit pa man siya ay nagbibiro, at ng isang bahay sa kaitasan ng Paraiso para sa sinumang nagpaganda ng kaasalan niya kahit pa man sa pamamagitan ng pagpipilit sa sarili at pagsasanay nito.
Ayon kay `Abdullāh bin `Amr (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {May isang lalaki na nagtanong sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kung aling gawain sa Islām ang pinakamabuti. Nagsabi siya: "Magbigay ka ng pagkain at bumigkas ng pagbati sa sinumang nakilala mo at sa sinumang hindi mo nakilala."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoTinanong ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kung alin sa mga kakanyahan ng Islām ang pinakamainam. Kaya naman bumanggit siya ng dalawang kakanyahan: A. Ang pagpapadalas ng pagpapakain sa mga maralita. Napaloloob dito ang pagkakawanggawa, ang pagreregalo, ang pagpapanauhin, at ang pagpipiging. Natitiyak ang kalamangan ng pagpapakain sa mga panahon ng taggutom at pagtaas ng mga presyo. B. Ang pagbibigay ng pagbati sa bawat Muslim na nakilala mo o hindi mo nakilala.
Tinanong ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-tungkol sa karamihan sa mga taong nakakapasok sa Paraiso?Nagsabi siya:Takot kay Allah at Magandang pag-uugali,at tinanong siya tungkol sa karamihan sa mga taong nakakapasok sa Impiyerno,Nagsabi siya: Ang bunganga at ang pribadong bahagi sa harapan
Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām AḥmadAng karamihan sa mga dahilan ng pagpasok sa Paraiso ay ang Pagkatakot kay Allah at Magandang pag-uugali,at ang pagkatakot kay Allah ay sa pag-iwas sa mga ipinagbabawal,sa lahat ng uri nito;at ang Magandang pag-uugali ay sa mga likha,at ang pinakamaliit nito ay ang pag-iwan sa pagpipinsala sa kanila,at ang pinakamataas nito ay sa pamamagitan ng [pagpapakita ng] kabutihan sa sinumang gumagawa ng masamsa sa kanya,At ang karamihan sa mga dahilan ng pagpasok sa Impiyerno ay ang bunganga at ang pribadong bahagi sa harapan,sapagkat ang mga tao ay kadalasang nakakasuway kay Allah-Napakamaluwalhati Niya at sa mga tao dahil sa dalawang ito.