Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way






























Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
Ang pinakamainam sa pagsusuot ng tsinelas ay ang pagsisimula ng pagsuot sa kanang paa,at ang pinakamainam sa pagtanggal,ay kabaliktaran,ito ay ang pagsisimula sa kaliwa,ito`y upang bigyan ng halaga ang kanang paa.
Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang pinakamabigat na nasa timbangan ng mananampalataya sa Araw ng Pagbangon kabilang sa mga ginagawa at mga sinasabi ay ang kagandahan ng kaasalan. Iyon ay sa pamamagitan ng kaaliwalasan ng mukha, pagpigil ng perhuwisyo, at pagkakaloob ng nakabubuti. Si Allāh (malugod si Allāh sa kanya) ay namumuhi sa pangit sa ginagawa ng tao at sinasabi nito at sa bastos sa binibigkas ng dila nito.
Ang sabi niya: "Ang pakikipagkamay ba noon ay [kaugalian] sa mga kasamahan ng Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan?" ay nangangahulugang: Napagtibay at umiiral sa kanila sa sandali ng pagkikita nila matapos ang pagbati bilang karagdagan sa pagmamahal at pagpaparangal? Ang pakikipagkamayan ay sa pamamagitan ng kanang kamay. Kapag nangyari iyon tunay na si Allāh ay magpapatawad sa kanilang dalawa bago sila maghiwalay. Ito ay nagpapatunay sa kalamangan ng pakikipagkamay kapag nakatagpo ng Muslim ang kapwa niya. Ito ay kapag nakipagtagpo upang makipag-usap o anumang nakawangis niyon. Tungkol naman sa kung nakatagpo lamang sa daan, hindi bahagi ng patnubay ng mga kasamahan kapag naparaan lamang sa mga tao sa daan na makipagkamay; makasasapat na bumati sa kanila.
Pinapatunayan ng Hadith na ang Pag-pupuri (Pagtasbeeh) ay siyang pinakamamahal na salita para kay Allah-kamahal-mahalan siya at kapita-pitagan,Sapagkat ang kahulugan ng Pagpupuri (Pagtasbeeh) ay ang Pagtatang-gal sa kanya Napaka-maluwalhati Niya,sa bawat bagay na hindi nararapat sa kanya mula sa Paghahalimbawa at Paghahalintulad at Kakulangan at sa lahat ng pag-atyesta nito ng mga Atyesta mula sa mga Pangalan Niya.At ang sinabi ng tagapag-salita:( Na ang lahat ng Papuri ay sa kanya) Pag-aamin na ang Pagpupuri(Pagtasbeeh) na ito ay nararapat lamang sa Pagpuri sa kanya,Napaka-Maluwalhati Niya at sa Kanya ang Napaka-mabuting kalooban,At maaring ang kahulugan nito ay:Nagtatasbeeh ako sa kanya na may kasamang Pagpupuri ko sa kanya,dahil sa kapahintulutan Niya sa akin,Kaya`t ang (Subhanallahi wa Bihamdihi)-Napaka maluwalhati Niya,at ang lahat ng Papuri ay sa kanya,ay siyang pinaka-mamahal na salita para kay Allah,dahil nasasakop nito ang Pagdadakila,At ang Pagtatanggal(sa mga bagay na hindi karapat-dapat sa kanya),at ang Pagpupuri na may ibat-ibang uri ng kagandahan.
Nagbigay-babala ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa pagwaksi ng pagdalangin ng basbas sa kanya sa sandali ng pagkarinig ng pangalan niya o taguri sa kanya o paglalarawan sa kanya. Nagsabi siya: "Ang kuripot na ganap ang kakuriputan ay ang sinumang nabanggit ako sa piling niya ngunit hindi siya dumalangin ng basbas sa akin." Iyon ay dahil sa ilang bagay: 1. Na ito ay isang kakuriputan sa isang bagay na hindi siya nalulugi dahilan dito ng kaunti ni ng marami, hindi siya nagkakaloob ng salapi, at hindi siya nagkakaloob ng isang pagsisikap. 2. Na ito ay isang kakuriputan sa sarili niya at nagkakait siya rito ng pabuya sa pagdalangin ng basbas sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) dahil siya, sa pamamagitan ng pagtanggi niya sa pagdalangin ng basbas sa Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), ay nagmaramot nga at nagkait nga ng pagganap ng isang karapatang nauukol sa kanya ang pagganap nito bilang pagsunod sa utos at natatamo sa pamamagitan nito ang pabuya. 3. Na ang pagdalangin ng basbas sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay may dulot na pagganap sa ilan sa karapatan niya sapagkat siya ang nagturo sa atin, siya ang gumabay sa atin, at siya ang nag-anyaya sa atin tungo kay Allāh (napakamapagpala Siya at napakataas) at naghatid sa atin ng pagsisiwalat na ito at Batas na ito. Kaya naman siya ang kadahilanan ng kapatnubayan natin – matapos ni Allāh (napakamapagpala Siya at napakataas). Ang sinumang hindi dumalangin ng basbas sa kanya, ito ay magiging nagkuripot nga sa sarili nito at nagkuripot sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng isang karapatang kabilang sa pinakamababa sa mga karapatan niya.
Humihimok ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa sinumang kumain ng pagkain na magpuri siya kay Allāh sapagkat walang kakayahan sa kanya sa pagkamit ng pagkain ni sa pagkain nito kundi sa pamamagitan ni Allāh (napakataas Siya) at ng pagtulong Niya. Pagkatapos nagbalita ng nakagagalak ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa sinumang nagsabi niyon na siya ay karapat-dapat sa pagpapatawad ni Allāh sa kanya sa nakalipas sa mga pagkakasala niyang maliliit.
"Sinuman ang matakot sa Dakilang Allah ay dapat siyang lumayo sa mga masasamang gawain at magsikap sa pagsunod sa Kanya; At ang ari-arian ng Dakilang Allah ay napakamahal, at siya ay ang Paraiso na kung saan hindi nababagay sa kanyang halaga kundi ang pagsakripisyo ng sarili at kayamanan".
" Sumusumpa ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa Panginoon Niya,pagkatapos ay sinabi niyang:Kung hindi kayo nagkakasala,aalisin kayo ni Allah,at papalitan [kayo] ni Allah ng mga grupo nang tao na humihingi sa kapatawaran sa likod ng kanilang pagkakasala,na may totoong layunin at tapat na puso,upang sila ay patawarin"
Dadalhin ang Impiyernong Apoy sa Araw ng Pagkabuhay nang may pitumpong libong lubid na ipinang-aakay. Sa bawat lubid ay may pitumpong libong anghel na kumakaladkad sa mga ito.