





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay Abū Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na kabilang sa naabutan ng mga tao mula sa pananalita ng unang pagkapropeta: Kapag hindi ka nahiya, gawin mo ang niloob mo."}
Nagsalaysay nito si Imām Al-BukhārīyNagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na kabilang sa [katuruang] nasaad doon ang tagubilin buhat sa mga naunang propeta, naglipat-lipat nito ang mga tao sa gitna nila, at nagmana-mana sila nito buhat sa mga iyon, isang salinlahi matapos ng isang salinlahi, hanggang sa dumating sa una ng Kalipunang ito [ang katuruang]: "Tumingin ka sa ninanais mong gawin sapagkat kung ito ay naging kabilang sa hindi mo ikahihiya, gawin mo ito; at kung ito ay naging kabilang sa ikahihiya mo, iwan mo ito." Kaya tunay na ang tagapigil sa paggawa ng mga pangit ay ang pagkahiya sapagkat ang sinumang hindi nagkaroon ng pagkahiya ay nagugumon sa bawat mahalay at nakasasama.
Ayon kay `Abdullāh bin `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Humawak ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa kasukasuan ng balikat ko saka nagsabi siya: "Ikaw sa Mundo ay maging para bang ikaw ay isang estranghero o isang tumatawid sa landas." Ang Anak ni `Umar noon ay nagsasabi: "Kapag ginabi ka, huwag mong hintayin ang umaga; at kapag inumaga ka, huwag mong hintayin ang gabi. Kumuha ka mula sa kalusugan mo para sa pagkakasakit mo at mula sa buhay mo para sa kamatayan mo."}
Nagsalaysay nito si Imām Al-BukhārīyBumanggit ang Anak ni `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay humawak sa kasukasuan ng balikat niya – ang pinagsalubungan ng braso at balikat – at nagsabi sa kanya: "Ikaw sa Mundo ay maging para bang ikaw ay isang estranghero, na dumating sa isang bayang walang bahay para sa kanya roon na kakanlungan niya walang nakatirang magpapalubag-loob sa kanya, na malayo sa pamilya, mga anak, at mga kaugnayan, na siyang kadahilanan ng pagkaabala palayo sa Tagalikha. Bagkus ikaw ay maging higit na matindi kaysa sa estranghero, na tumatawid sa landas na dumadaan sa daan habang naghahanap ng bayan niya, dahil ang estranghero ay maaaring matiwasay sa bayan ng kaestrangheruhan at manahanan doon, na kasalungatan sa tumatawid sa landas na nagsasadya sa bayan sapagkat tunay na bahagi ng pumapatungkol sa kanya ang maghinay-hinay hindi ang tumigil-tigil at ang magsigasig sa pagdating sa bayan niya. Kaya kung paanong ang manlalakbay ay hindi nangangailangan ng higit kaysa magpapaabot sa kanya sa layon ng paglalakbay niya, gayon din naman, hindi nangangailangan ang mananampalataya sa Mundo ng higit sa magpapaabot sa kanya sa patutunguhan. Kaya nagsagawa ang Anak ni `Umar ng payong ito at nagsasabi siya noon: "Kapag inumaga ka, huwag mong hintayin ang gabi; at kapag ginabi ka, huwag mong hintayin ang umaga. Ibilang mo ang sarili mo sa mga nananahan sa mga libingan dahil ang buhay ay hindi nawawalan ng kalusugan at pagkakasakit." Kaya magdali-dali ka sa mga araw ng kalusugan mo sa pagtalima para sa pagkakasakit mo. Samantalahin mo ang pagkakataon ng mga maayos na gawa sa kalusugan mo bago humarang sa pagitan mo at nito ang pagkakasakit. Samantalahin mo ang pagkakataon ng buhay mo sa Mundo saka tipunin mo rito ang magpapakinabang sa iyo matapos ng kamatayan mo.
Ayon kay `Abdullāh bin Busr (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {May isang lalaking nagsabi: "O Sugo ni Allāh, tunay na ang mga batas ng Islām ay dumami nga sa akin, kaya magpabatid ka sa akin ng isang bagay na panghahawakan ko." Nagsabi siya: "Hindi matitigil ang dila mo na basa dahil sa pag-alaala kay Allāh."}
Nagsalaysay nito sina Imām At-Tirmidhīy, Imām Ibnu Mājah, at Imām AḥmadMay dumaing na isang lalaki sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang mga kinukusang-loob sa mga pagsamba ay dumami nga sa kanya hanggang sa nawalang-kakayahan siya sa mga ito dahil sa kahinaan niya. Pagkatapos tinanong niya ang Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) na gabayan siya sa isang gawaing madali na hahatak sa maraming gantimpala, na kakapitan niya at hahawakan niya. Kaya gumabay sa kanya ang Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) na ang dila niya ay maging basa, na gumagalaw-galaw sa pagpapalagi sa pag-aalaala kay Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya) sa bawat oras at kalagayan sa pagsambit ng tasbīḥ, taḥmīd, istighfār, panalangin, at tulad niyon.
Ayon kay Anas (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Hindi sumasampalataya ang isa sa inyo hanggang sa ibigin niya para sa kapatid niya ang iniibig niya para sa sarili niya."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNaglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na hindi naisasakatotohanan ang kumpletong pananampalataya para sa isa sa mga Muslim hanggang sa ibigin niya para sa kapatid niya ang iniibig niya para sa sarili niya na mga pagtalima at mga uri ng mga kabutihan sa buhay panrelihiyon at buhay pangmundo at kasuklaman niya para rito ang kinasusuklaman niya para sa sarili niya. Kaya kung nakakita siya sa kapatid niyang Muslim ng isang kakulangan sa buhay panrelihiyon nito, magsusumikap siya na magsaayos nito; at kung nakakita siya rito ng isang kabutihan, magtatama siya rito, tutulong siya rito, at magpapayo siya rito kaugnay sa nauukol sa buhay panrelihiyon nito o buhay pangmundo nito.
Ayon kay Ibnu Mas`ūd, malugod si Allāh sa kanya: "Hindi ko ba ipababatid sa inyo kung sino ang ipinagkait sa Impiyerno, o kanino ipinagkait ang Impiyerno? Ipinagbawal ito sa bawat malalapitan, mahinahon, banayad, madaling [pakisamahan]."
Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām AḥmadHindi ko ba ipababatid sa inyo kung sino ang ipinagbawal sa Apoy, o kanino ipinagbawal ito? Ipinagbawal ito sa bawat malapit sa mga tao sa pakikisama sa kanila sa mga pook ng pagtalima at pakikipagmabutihan sa kanila sa abot ng makakaya, sa bawat matimpiin na banayad ang kalooban, maluwag sa pakikitungo sa mga tao.
Mula kay Abū Hurayrah -(malugod si Allah sa kanya)-: "Hindi kailan man kinadustaan ng Propeta -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- ang anumang pagkain, kung ito'y kinagagalakan niya ay kakainin niya, at kung ito'y kinasusuklaman niya ito'y iiwan niya".
Napagkaisahan ang katumpakanHindi kelan man kinadustaan ng Propeta -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- ang anumang pagkain noon, subalit kung ito'y kanais-nais sa kanya ay kakainin niya, pero kung hindi ito'y kanyang iiwan at hindi dudustaan o sisiraan ng puri.
Ayon kay Ibn `Umar, malugod si Allah sa kanya-Hadith na Marfu: ((Ang kawalan ng katarungan ay dilim sa Araw ng Pagkabuhay)) Ayon kay Jaber-maalugod si Allah sa kanya-Hadith na Marfu: ((Mangilag kayo sa kawalan ng katarungan sapagkat ang kawalan ng katarungan ay dilim sa Araw ng Pagkabuhay,Mangilag kayo sa pagiging maramot,sapagkat dahil dito kaya nalipon ang mga nauna sa inyo))
Nagsalaysay nito si Imām Muslim - Napagkaisahan ang katumpakanAng dalawang Hadith ay nagpapatunay ng pagbabawal sa kawalan ng katarungan,at ito ay sumasakop sa lahat ng uri ng kawalan ng katarungan.,At sa pagkasabi niya sa dalawang Hadith: "Ang kawalan ng katarungan ay dilim sa Araw ng Pagkabuhay" Ang kahulugan nito ay sunod-sunod na dilim sa gumagawa nito,kung saan ay hindi nakakapag-patnubay ng daan sa Araw ng Pagkabuhay,At sa pagsabi niya sa pangalawang Hadith :(Mangilag kayo sa pagiging maramot,sapagkat dahil dito kaya nalipon ang mga nauna sa inyo) Mayroon pagbibigay babala mula sa pagiging maramot at pagpapahayag naa kapag ito ay lumaganap sa komunidad,ito ang magiging palatandaan ng kasawian,Dahil ito ay kabilang sa dahilan ng kawalan ng katarungan,pang-aapi,pag-aaway at pagdanak ng dugo.
Ayon kay `Abdullāh bin Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Ang pang-aalipusta sa Muslim ay kasuwailan at ang pakikipaglaban sa kanya ay kawalang-pananampalataya."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoSumaway ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Muslim na manghamak at mag-alipusta sa kapwa nito Muslim, na iyon ay bahagi ng kasuwailan, ang paglabas sa pagtalima kay Allāh at sa Sugo Niya (basbasan Niya ito at pangalagaan), at na ang pakikipaglaban ng Muslim sa kapwa nito Muslim ay kabilang sa mga gawaing pangkawalang-pananampalataya subalit ito ay isang maliit na kawalang-pananampalataya.
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Huwag kayong magpasimula sa mga Hudyo at mga Kristiyano ng pagbati; kaya kapag nakatagpo kayo ng isa sa kanila sa daan, mamilit kayo sa kanya tungo sa pinakamasikip nito."}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimSumasaway ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa pagpapasimula sa mga Hudyo at mga Kristiyano ng pagbati ng kapayapaan, kahit pa man sila ay mga dhimmīy, higit lalo sa iba pa sa kanila kabilang sa mga tagatangging sumampalataya. Naglinaw siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na tayo, kapag nakatagpo tayo ng isa sa kanila sa isang daan, ay mamimilit sa kanya tungo sa pinakamasikip na bahagi ng daan sapagkat ang mananampalataya ay ang naglalakad sa gitna ng daan samantalang ang nagpapakagilid ay ang tagatangging sumampalataya. Ang Muslim ay hindi magiging hamak sa isang kalagayan sa mga kalagayan.