





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya: "Ang sinumang gumugol sa dalawang asawa sa landas ni Allāh ay ipananawagan mula sa mga pinto ng Paraiso: O Lingkod ni Allāh, ito ay mabuti. Ang sinumang kabilang sa mga alagad ng pagdarasal ay tatawagin mula sa pinto ng pagdarasal. Ang sinumang alagad ng pakikibaka ay tatawagin mula sa pinto ng pakikibaka. Ang sinumang alagad ng pag-aayuno ay tatawagin mula sa pinto ng Rayyān. Ang sinumang alagad ng kawanggawa ay tatawagin mula sa pinto ng kawanggawa." Nagsabi si Abū Bakr, malugod si Allāh sa kanya: "Sa pamamagitan ng ama ko, ikaw [ay tubusin nawa], at sa pamamagitan ng ina ko, o Sugo ni Allāh! Ang tinawag mula sa mga pintong iyon wala nang pangangailangan. May isa po bang tatawagin mula sa mga pintong iyon, sa lahat ng iyon?" Nagsabi siya: "Oo, at umaasa akong ikaw ay kabilang sa kanila."
Napagkaisahan ang katumpakanAng sinumang nagkawanggawa ng mga anuman kabilang sa mga pagkain o mga kasuutan o mga sasakyan o mga pera sa paghahangad ng kaluguran ni Allāh, tatawagin siya ng mga anghel mula sa mga pinto ng Paraiso na sumasalubong sa pagdating niya sa kanila habang sila ay nagsasabi: "Talagang ngang nagpauna ka ng maraming kabutihang gagantimpalaan ka dahil sa mga ito ngayong araw ng isang malaking gantimpala." Ang mga nagpaparami ng pagdarasal ay ipananawagan mula sa pinto ng pagdarasal at papasok mula roon. Ang mga nagpaparami ng kawanggawa ay ipananawagan mula sa pinto ng kawanggawa at papasok mula roon. Ang mga nagpaparami ng pag-aayuno ay sasalubungin ng mga anghel sa tabi ng pinto ng Rayyān, habang nag-aanyaya sa kanila sa pagpasok mula roon. Ang kahulugan ng Rayyān ay ang pumapawi ng uhaw dahil ang mga nag-aayuno ay nagpipigil uminom ng tubig kaya dumaranas sila ng uhaw lalo na sa mga mahabang mainit na araw ng tag-init kaya gagantihan sila dahil sa uhaw nila ng nananatiling pagkapawi ng uhaw sa Paraiso na papasok sila roon mula sa pintong iyon. Noong narinig ni Abū Bakr, malugod si Allāh sa kanya, ang ḥadīth na ito ay nagsabi siya: "O Sugo ni Allāh, sa pamamagitan ng ama ko, ikaw [ay tubusin nawa], at sa pamamagitan ng ina ko, ang sinumang pumasok mula sa mga pintong iyon ay wala nang kakulangan at wala nang pagkalugi." Pagkatapos ay nagsabi siya: "May isa po bang tatawagin mula sa mga pintong iyon, sa lahat ng iyon?" Nagsabi ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Oo, at umaasa akong ikaw ay kabilang sa kanila."
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya: "Ang sinumang nakakita sa akin sa panaginip ay makikita niya ako sa pagkagising, o para bang nakita niya ako sa pagkagising; hindi lumilitaw ang Demonyo sa anyo ko."
Nagsalaysay nito si Imām Muslim - Napagkaisahan ang katumpakanNagkaiba-iba ang mga maalam sa paglilinaw sa kahulugan ng ḥadīth na ito sa ilang pananaw. Kabilang sa mga ito: 1. Na ang ibig sabihin nito ay ang mga tao sa panahon niya. Ang kahulugan nito ay na ang sinumang nakakita sa kanya sa panaginip at hindi pa lumikas [sa Madīnah] ay papatnubayan ni Allah, pagkataas-taas Niya, sa paglikas at pagkakita sa kanya, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, sa mata habang gising. 2. Na ang lumitaw sa kanya sa panaginip ay ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, sa totoo, ibig sabihin: sa daigdig ng espiritu, at na ang panaginip niya ay totoo sa kondisyong ayon sa kilalang kaanyuan ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan. 3. Na nakita niya ang patotoo sa panginip na iyon habang gising sa Kabilang-buhay, ayon sa pagkakitang natatangi sa pagkalapit sa kanya at pagkamit ng pamamagitan niya, at mga tulad niyon. Ang sabi niya: "para bang nakita niya ako sa pagkagising" ay sanaysay ito ni Muslim sapagkat isinaysay niya ng may pagdududa: Sinabi ba niya, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: "makikita niya ako sa pagkagising," o sinabi niya: "para bang nakita niya ako sa pagkagising"? Ang kahulugan nito ay na ang sinumang nakakita sa Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, sa panaginip ayon sa kaanyuan niyang tinataglay niya ay para bang nakita siya sa panahon ng pagiging gising. Ito ay gaya ng sabi niya, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, gaya ng nasaad sa Ṣaḥīḥān: "Ang sinumang nakakita sa akin sa panaginip ay nakita nga niya ako." Sa isa pang sanaysay sa Ṣaḥīḥān din: "Ang sinumagn nakakita sa akin sa panaginip ay nakita nga niya ang katotohanan. Ang sabi niya: "hindi lumilitaw ang Demonyo sa anyo ko" at sa ibang pananalita: "Ang sinumang nakakita sa akin sa panaginip ay nakita nga niya ako; tunay na hindi nararapat sa Demonyo na lumitaw sa anyo ko." Ang kahulugan: Na ang Demonyo ay hindi maaari sa kanya na lumitaw sa anyo ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, sa tunay na kaanyuan niya. Maaaring dumating ang Demonyo at magsabing siya ay Sugo ni Allah sa kaanyuang hindi kaanyuan niya, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan. Ito ay hindi ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan. Kaya kapag nakakita ang isang tao at sumagi sa isip niya iyon daw ay ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, saliksikin niya ang mga katangian nitong nakita niya kung tumutugon ba sa mga katangian ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, o hindi. Kung tumugon, nakita nga niya Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan; at kung hindi tumugon, hindi iyon ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan. Ang mga ito ay mga kahibangang mula sa Demonyo na ipinasasagi niya isip ng natutulog na ito raw ang Sugo, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, gayong siya ay hindi ang Sugo. Naisanaysay nina Aḥmad at At-Tirmidhīy sa Ash-Shamā’il, ayon sa sinabi ni Yazīd Al-Fārisīy: "Nakita ko ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, sa panaginip kaya sinabi ko kay Ibnu `Abbās: Tunay na ako ay nakakita sa Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, sa panaginip. Nagsabi naman si Ibnu `Abbās: Tunay na ang Sugo ni Allah noon ay nagsasabi: 'Tunay na ang Demonyo ay hindi makakakayang mag-anyong kawangis ko. Kaya ang sinumang nakakita sa akin sa panaginip ay nakita nga niya ako.' kaya makakaya mo bang ilarawan ang lalaking ito na nakita mo? Nagsabi ako: Opo. Noong nailarawan na niya ito, nagsabi si Ibnu `Abbās: Kung sakaling nakita mo siya nang gising, hindi mo makakayang ilarawan siya ng higit dito." Itinuring na ḥasan ito ni Shaykh Al-Albānīy sa Mukhtaṣar Ash-Shamā’il, pahina 208, numero 347. Ang kahulugan: Na ikaw, kung sakaling nakita mo ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, sa sandaling gising ka, ay hindi mo maaaring ilarawan siya ng higit pa sa paglalarawan mo. Ito ay nangangahulugang totoong nakita niya ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan.
Ayon kay An-Nu`mān bin Bashīr (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na ang pinakamagaan sa mga maninirahan sa Impiyerno sa pagdurusa ay ang sinumang may dalawang sapatos at dalawang sintas mula sa isang apoy, na kukulo dahil sa dalawang ito ang utak niya kung paanong kumukulo ang kaldero. Hindi siya makakikita na may isang higit na matindi kaysa sa kanya sa pagdurusa samantalang tunay na siya ay talagang pinakamagaan sa kanila sa pagdurusa."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang pinakamagaan sa mga maninirahan sa Impiyerno sa pagdurusa sa Araw ng Pagbangon ay ang sinumang may dalawang sapatos at dalawang sintas, na kukulo ang utak niya dahil sa init ng dalawang ito kung paanong kumukulo ang kalderong tanso. Hindi siya makakikita na may isang higit na matindi sa pagdurusa kaysa sa kanya samantalang tunay na siya ay talagang pinakamagaan sa kanila sa pagdurusa. Iyon ay dahil talagang matitipon sa kanya ang pagdurusang pangkatawan at pangkaluluwa.
Ayon kay Anas, malugod si Allah sa kanya: "Sinusundan ang patay ng tatlo: ng mag-anak niya, ng yaman niya, at ng gawa niya. Uuwi ang dalawa at maiiwan ang isa. Uuwi ang mag-anak niya at ang yaman niya, at maiiwan ang gawa niya."
Napagkaisahan ang katumpakanAng kahulugan ng ḥadīth: Kapag namatay ang tao, susundan siya ng mga maghahatid sa kanya. Sinusundan siya ng mag-anak niya. Inihahatid nila siya sa libingan niya. Sinusundan siya ng yaman niya. Ibig sabihin ng mga alipin niya at mga alila niya na mga inaari niya. Sinusundan siya ng gawa niya kasama niya. Uuwi ang dalawa at maiiwan kasama niya ang gawa niya. Kaya kung mabuti, mabuti rin ang kahihinatnan. Kung masama, masama rin ang kahihinatnan.
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Babati ang nakasakay sa naglalakad, ang naglalakad sa nakaupo, at ang kaunti sa marami."} Batay kay Imām Al-Bukhārīy: "Babati ang nakababata sa nakatatanda, ang dumaraan sa nakaupo, at ang kaunti sa marami."
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoGumabay ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungo sa etiketa ng pagbibigay ng pagbati ng kapayapaan sa pagitan ng mga tao: "Assalāmu `alaykum wa-raḥmatu -llāhi wa-barakātuh. (Ang kapayapaan ay sumainyo, ang awa ni Allāh, at ang mga pagpapala Niya.)" Kaya babati ang nakababata sa nakatatanda, ang nakasakay sa naglalakad, ang naglalakad sa nakaupo, at ang kaunting bilang sa marami.
Ayon kay An-Nawās bin Sam`ān Al-Anṣārīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagtanong ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa pagsasamabuting-loob at kasalanan, kaya nagsabi siya: "Ang pagsasamabuting-loob ay ang kagandahan ng asal. Ang kasalanan ay ang anumang lumigalig sa dibdib mo at nasuklam ka na makabatid niyon ang mga tao."}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimTinanong ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa pagmamabuting-loob at kasalanan, kaya nagsabi siya: Ang pinakadakila sa mga kakanyahan ng pagsasamabuting-loob ay ang kagandahan ng kaasalan kay Allāh sa pamamagitan ng pangingilag magkasala at sa nilikha sa pamamagitan ng pagbata ng perhuwisyo, kakauntian ng galit, pagkamasayahin ng mukha, kaayahan ng pagsasalita, pagpapanatili ng ugnayan, pagtalima, kabaitan, kabutihang-loob, at kagandahan ng pakikisalamuha at pakikisama. Hinggil naman sa kasalanan, ito ang anumang kumilos sa sarili na mga napaghihinalaan, nag-atubili nang walang pagkapanatag ang dibdib doon, at nangyari sa puso dahil doon ang pagdududa at ang pangamba sa pagiging ito ay isang pagkakasala at hindi ka nagnais na maglantad nito dahil sa pagiging ito ay pangit sa mga prominente at mga ideyal sa mga tao at mga lubos sa kanila. Iyon ay dahil ang kaluluwa, ayon sa kalikasan nito, ay nakaiibig sa pagkabatid ng mga tao sa kabutihan nito. Kaya kapag nasuklam ito sa pagkabatid sa ilan sa mga gawain nito, iyon ay kasalanang walang kabutihan doon.
Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allāh sa kanya: "Talagang si Allāh ay higit na masaya sa pagbabalik-loob ng lingkod Niya kaysa sa isa inyo na nakasumpong sa kamelyo niya noong naiwala niya ito sa lupang disyerto." Sa isang sanaysay: "Talagang si Allāh ay higit na matindi sa tuwa sa pagbabalik-loob ng lingkod Niya nang nagbabalik-loob ito sa Kanya kaysa sa isa sa inyo na lulan dati ng sasakyang kamelyo nito sa lupang disyerto ngunit nakawala iyon mula rito. Lulan niyon ang pagkain niya at inumin niya kaya nawalan siya ng pag-asa roon. Pumunta siya sa isang punong-kahoy at nahiga sa lilim niyon. Nawalan na siya ng pag-asa sa sasakyang kamelyo niya ngunit habang siya ay gayon, biglang siya ay kasama niyon habang nakatayo sa tabi niya. Kinuha niya ang renda niyon. Pagkatapos ay nagsabi dahil sa tindi ng tuwa: "O Allāh, Ikaw ay alipin ko at ako ay Panginoon Mo!" Nagkamali siya dahil sa tindi ng tuwa.
Napagkaisahan ang katumpakanNagpapabatid ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na si Allāh ay higit na matindi sa pagkatuwa sa panunumbalik ng lingkod Niya sa Kanya sa pamamagitan ng pagtalima nito at pagsunod sa utos Niya nang taos sa puso nito kaysa sa pagkatuwa ng isa sa inyo na dati ay nasa lupang disyerto, na walang isa man sa paligid niya, walang tubig, walang pagkain, at walang mga tao. Nawala pa ang kamelyo niya kaya sinimulan niyang hanapin ito ngunit hindi niya natagpuan ito. Pumunta siya sa isang punong-kahoy at natulog sa ilalim nito habang naghihintay ng kamatayan. Nawalan na siya ng pag-asa sa kamelyo niya. Nawalan na siya ng pag-asa sa buhay niya dahil ang pagkain niya at ang inumin niya ay lulan ng kamelyo niya at ang kamelyo ay nawala. Habang siya ay gayon, natagpuan niya ang kamelyo niya, na biglang nasa tabi niya habang nakakabit na ang renda nito sa punong-kahoy na siya ay natutulog sa ilalim niyon. Sa aling bagay masusukat ang pagkatuwang ito? Ang pagkatuwang ito ay hindi maaaring maguniguni ng isa man maliban sa sinumang nasadlak sa tulad ng kalagayang ito! Dahil ito ay malaking pagkatuwa, natuwa siya sa buhay pagkatapos ng sa kamatayan. Dahil dito, kinuha niya ang renda at nagsabi: "O Allāh, Ikaw ay alipin ko at ako ay Panginoon Mo!" Ninais niyang ipagbunyi si Allāh at sabihin: "O Allāh, Ikaw ay Panginoon ko at ako ay alipin Mo," subalit dahil sa tindi ng pagkatuwa niya ay nagkamali siya.
Ayon kay `Abdullāh bin Umar, malugod si Allāh sa kanya: "Tunay na si Allāh, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, ay tumatanggap sa pagbabalik-loob ng tao hanggat hindi ito naghihingalo."
Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām AḥmadSi Allāh, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, ay tumatanggap sa pagbabalik-loob ng tao hanggat hindi umabot ang kaluluwa sa lalamunan sapagkat kapag umabot ang kaluluwa sa lalamunan, wala nang pagbabalik-loob at dahil ang sabi Niya (Qur'ān 4:18): "Ang pagtanggap ng pagsisi ay hindi ukol sa mga gumagawa ng mga masagwang gawa hanggang sa nang dumating sa isa sa kanila ang kamatayan ay magsasabi siya: Tunay na ako ay nagbalik-loob ngayon..."
Ayon kay Abū Mūsā (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Tunay na si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) ay nag-aabot ng kamay Niya sa gabi upang magbalik-loob ang tagagawa ng masagwa sa maghapon at nag-aabot ng kamay Niya sa maghapon upang magbalik-loob ang tagagawa ng masagwa sa gabi, hanggang sa sumikat ang araw mula sa kanluran nito."}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimNagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na si Allāh (napakataas Siya) ay tumatanggap ng pagbabalik-loob mula sa mga lingkod niya. Kaya kung nagkasala ang tao ng isang pagkakasala sa maghapon at nagbalik-loob siya sa gabi, tatanggap si Allāh ng pagbabalik-loob niya; at kung nagkasala naman siya ng isang pagkakasala sa gabi at nagbalik-loob siya sa maghapon, tatanggap si Allāh ng pagbabalik-loob niya. Nag-aabot Siya ng kamay Niya (kaluwalhatian sa Kanya) para sa pagbabalik-loob dala ng pagkatuwa rito at dala ng pagtanggap dito. Hindi natitigil ang pinto ng pagbabalik-loob na nakabukas hanggang sa sumikat ang araw mula sa kanluran nito bilang pagpapahayag ng pagwawakas ng Mundo. Kapag sumikat ito [mula sa kanluran], tunay na ang pinto ng pagbabalik-loob ay isasara.