





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya: "Walang natira sa pagkapropeta kundi ang mga mubashshirah. Nagsabi sila: At ano po ang mga mubashshirah? Nagsabi siya: Ang magkakatotoong panaginip."
Isinaysay ito ni Imām Al-BukhārīyTunay ang pagsisiwalat ni Allah ay naputol sa pagkamatay ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, at walang natitira sa maaaring malamang mangyayari kundi ang magkakatotoong panaginip.
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya: "Kung nagkataong nagkaroon ako ng tulad sa [bundok ng] Uhud na ginto, talagang ikagagalak ko na pagkalipas ng tatlong gabi ay walang matitira sa akin na anuman mula rito maliban sa anumang ipambabayad ko sa isang pagkakautang."
Napagkaisahan ang katumpakan. Ang pananalita ay kay Imām Al-Bukhārīy"Kung nagkataong nagmamay-ari ako ng yaman na kasukat ng bundok ng Uḥud na dalisay na ginto, talagang gugugulin ko ang lahat ng ito sa landas ni Allah at hindi ako magtitira mula rito maliban sa halagang kakailanganin ko sa pagbayad sa mga obligasyon at pagbayad sa mga utang na pananagutan ko."
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {May isang lalaki na nagsabi: "O Sugo ni Allāh, tunay na mayroon akong kamag-anakan na nakikipag-ugnayan ako sa kanila at pumuputol naman sila ng ugnayan sa akin, gumagawa ako ng maganda sa kanila at gumagawa naman sila ng masagwa sa akin, at nagtitimpi ako sa kanila at nagmamaltrato naman sila sa akin." Kaya nagsabi siya: "Talagang kung ikaw ay gaya ng sinabi mo, para bang nagpalamon ka sa kanila ng mainit na abo. Hindi matitigil na may kasama kang mapagtaguyod mula kay Allāh laban sa kanila hanggat ikaw ay nasa gayon."}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimMay dumaing na isang lalaki sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na mayroon daw siyang kamag-anak at kaanak, na nakikitungo siya sa kanila ng pinakamaganda samantalang sila naman ay nakikitungo sa kanya ng kabaliktaran niyon sapagkat nagpapanatili siya ng ugnayan sa kanila at pumupunta sa kanila samantalang pumuputol naman sila ng ugnayan sa kanila, gumagawa siya ng maganda sa kanila sa pamamagitan ng pagsasamabuting-loob at pagkamatapat at gumagawa naman sila ng masagwa sa kanya sa pamamagitan ng pang-aapi at kagaspangan, at nagtitimpi siya at nagpapaumanhin siya sa kanila at nagmamaltrato naman sila sa kanya sa pamamagitan ng pangit na sinasabi at ginagawa. Kaya magpapatuloy ba siya sa pagpapanatili ng ugnayan sa kanila sa kabila ng nabanggit? Kaya nagsabi sa kanya ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kung ito ay gaya ng binanggit mo, tunay na ikaw ay humihiya sa kanila at humahamak sa kanila sa mga sarili niya. Para bang ikaw ay nagpapakain sa kanila ng mainit na abo dahil sa dami ng paggawa mo ng maganda at kapangitan ng gawain nila sa ganang sarili nila. Hindi matitigil na may kasama sa iyo na isang tagatulong mula sa ganang kay Allāh laban sa kanila at isang tagatulak palayo sa iyo ng perhuwisyo nila hanggat ikaw ay ayon sa binanggit mo na paggawa mo ng maganda sa kanila habang nanatili naman sila sa paggawa nila ng masagwa sa iyo."
Ayon kay Al-Mustawrid bin Shaddād, malugod si Allah sa kanya: "Ang Mundo kung ihahambing sa Kabilang-buhay ay tulad ng paglalagay ng isa sa inyo ng daliri niya sa dagat, kaya pagmasdan niya kung ano ang ibinabalik nito."
Nagsalaysay nito si Imām MuslimAng kahulugan ng ḥadīth na ito: Na ikaw, kapag ninais mo na malaman ang reyalidad ng Mundo kung ihahambing sa Kabilang-buhay, ay maglagay ng daliri mo sa dagat. Pagkatapos ay iangat mo ito. Pagkatapos ay pagmasdan mo ang ibinabalik nito. Walang naibalik ito na anuman kung ihahambing sa dagat. Ito ang katuturan ng Mundo kung ihahambing sa Kabilang-buhay. Ang paghahambing sa kaiklian ng yugto ng Mundo at paglalaho ng mga sarap nito at pamamalagi naman ng Kabilang-buhay at pamamalagi ng mga sarap niyon at lugod doon. Ito ay tulad ng tubig na kumapit sa daliri kung ihahambing sa natitira sa dagat. Ang sabi Niya, pagkataas-taas Niya: "Ngunit ang kasiyahan ng pangmundong buhay kung ihahambing sa kabilang-buhay ay kakaunti." (Qur'an 9:38) Ang lahat ng ibinigay sa nilikha na lugod sa Mundo at sarap nito ay tinatamasa ng tao sa maikling panahon, na napapalamanan ng mga sumsira sa maligayang buhay, na nahahaluan ng mga panggambala. Ipinanggagayak ito ng tao sa katiting na panahon para magmayabang at magpakitang-tao. Pagkatapos ay maglalaho iyon nang mabilis at pasusundan ng panghihinayang at pagsisisi. "Ang ibinigay sa inyo na anuman ay kasiyahan ng buhay na makamundo at gayak nito. Ang nasa kay Allah ay higit na mabuti at higit na nagtatagal. Kaya hindi ba kaya uunawa?" (Qur'an 28:60) Kaya naman ang nasa kay Allah gaya ng mananatiling lugod, maalwang buhay, mga palasyo, at kagalakan ay higit na mabuti at higit na nagtatagal sa katangian at dami. Ito palagi magpakailanman.
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Walang anumang mga taong tumatayo mula sa inupuan, na hindi umaalaala kay Allāh roon, malibang tatayo sila palayo sa tulad ng isang bangkay ng isang asno at ito para sa kanila ay magiging isang hinagpis."}
Nagsalaysay nito si Imām Abū DāwudNagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na walang anumang mga tao na umupo sa isang pagtitipon pagkatapos tumayo sila mula roon samantalang hindi sila umaalaala kay Allāh roon malibang tatayo sila palayo sa tulad ng mga nagtipon sa isang bangkay ng isang asno dahil sa kabahuan at karumihan. Iyon ay dahil nagpakaabala sila sa pagsasalita sa halip ng pag-alaala kay Allāh. Ang pagtitipong iyon ay magiging isang hinagpis sa kanila sa Araw ng Pagbangon, isang kakulangan, at isang pagsisising kakapit sa kanila.
Ayon kay Abū Dharr, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: Naglalakad ako noon kasama ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sa isang batuhan sa Madīnah at tumunghay sa amin ang Uḥud kaya nagsabi siya: "O Abū Dharr." Nagsabi ako: "Bilang pagtugon sa iyo, o Sugo ni Allah." Nagsabi siya: "Hindi magpapagalak sa akin na mayroon akong tulad ng Uḥud na ito na ginto, na lilipas sa akin ang tatlong araw samantalang mayroon pa akong isang dinar mula rito, bukod pa sa isang bagay na inilalaan ko para sa isang utang, malibang nagugol ko ito sa mga lingkod ni Allah, nang ganito, ganyan, at ganoon," [na tumuturo] sa dakong kanan niya, sa dakong kaliwa niya, at sa dakong likuran niya. Pagkatapos ay umusad siya at nagsabi: "Tunay na ang mga pinakamarami ay ang mga pinakakaunti sa Araw ng Pagkabuhay maliban sa gumugol ng salapi nang ganito, ganyan, at ganoon, sa dakong kanan niya, sa dakong kaliwa niya, at sa dakong likuran niya; ngunit kakaunti sila." Pagkatapos ay nagsabi siya sa akin: "Sa kinalalagyan mo ay huwag kang umalis hanggang sa pumunta ako sa iyo." Pagkatapos ay lumisan siya sa kadiliman ng gabi hanggang sa naglaho siya. Nakarinig ako ng isang tinig na tumaas nga kaya kinabahan ako na may isang humarang sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan. Ninais kong puntahan siya ngunit naalaala ko ang sabi niya: "Huwag kang umalis hanggang sa pumunta ako sa iyo." Kaya hindi ako umalis hanggang sa pumunta siya sa akin at nagsabi ako sa kanya: "Talaga ngang nakarinig ako ng isang tinig na nangamba ako roon at binanggit ko sa kanya." Nagsabi siya: "Narinig mo ba iyon?" Nagsabi ako: "Opo." Nagsabi siya: "Iyan ay si Gabriel; pinuntahan niya ako at nagsabi: 'Ang sinumang namatay kabilang sa Kalipunan mo na hindi nagtatambal kay Allah ng anuman ay papasok sa Paraiso.'" Nagsabi ako: "Kahit pa nangalunya siya, kahit pa nagnakaw siya?" Nagsabi siya: "Kahit pa nangalunya siya, kahit pa nagnakaw siya."
Napagkaisahan ang katumpakanAng kahulugan ng ḥadīth: Nagpapabatid si Abū Dharr, malugod si Allah sa kanya, na naglalakad siya noon kasama ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sa isang purok na may mga batong itim sa Madīnah at tumunghay sa kanila ang Uḥud, ang kilalang burol, kaya nagsabi ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Kung sakaling nangyaring mayroon akong tulad ng Uḥud na ginto, hindi magpapagalak sa akin na lilipas sa akin ang tatlong araw samantalang mayroon pa akong anuman mula rito, bukod pa sa anumang inilalaan ko para sa isang utang." Nangangahulugan ito: "Kung sakaling nangyaring nagmamay-ari ako ng yaman na kasing laki ng Uḥud na lantay na ginto, talagang gugulin ko ang lahat ng ito sa landas ni Allah at walang matitira sa akin mula roon maliban sa halagang kakailanganin ko sa pagtugon sa mga tungkulin at pagbabayad sa mga utang na pananagutan ko. Ang anumang lumabis doon, tunay na hindi magpapagalak sa akin na lilipas sa akin ang tatlong araw habang mayroon akong anuman mula roon. Ito ay nagpapatunay na ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at ang mag-anak niya at pangalagaan, ay kabilang sa pinakamalayo sa mga tao ang loob sa kamunduhan dahil siya ay hindi nagnanais na magkamal ng salapi bukod pa sa halagang inilalaan niya para sa utang. Pumanaw nga ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, habang ang kalasag niya ay nakasangla sa isang Hudyo dahil sa trigong ipinangutang niya para sa mag-anak niya. Kung sakaling nangyaring ang kamunduhan ay kaibig-ibig kay Allah, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, hindi sana Niya pinagkaitan niyon ang Propeta Niya, pagpalain siya at pangalagaan. "Ang Mundo ay isinumpa: isinumpa ang anumang nasa loob nito maliban sa pag-alaala kay Allah, sa anumang tumangkilik sa Kanya, sa nakaaalam, at sa natututo," at sa anumang sa pagtalima kay Allah, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan. Pagkatapos ay nagsabi siya: "Tunay na ang mga pinakamarami ay ang mga pinakakaunti sa Araw ng Pagkabuhay..." Nangangahulugan ito: "Ang mga nagpaparami ng kamunduhan ay ang mga nangangaunti sa mga gawang matuwid sa Araw ng Pagkabuhay dahil ang madalas sa sinumang dumami ang yaman niya sa Mundo ay kadalasang ang pag-aakala ng kasapatan, ang pagmamalaki, at ang pag-ayaw sa pagtalima kay Allah dahil ang Mundo ay nagpapalingat sa kanya kaya naman siya ay nagpaparami sa ukol Mundo at nagpapakaunti sa ukol sa Kabilang-buhay. Ang sabi niya: "maliban sa gumugol ng salapi nang ganito, ganyan, at ganoon..." Nangangahulugan ito: "Kaugnay sa salapi at paggugol nito sa landas ni Allah, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan." Pagkatapos ay nagsabi siya: "ngunit kakaunti sila." Ang kahulugan ay na ang gumugugol ng salapi alang-alang sa landas ni Allah, sila ay kakaunti. Pagkatapos ay nagsabi: "Ang sinumang namatay kabilang sa Kalipunan mo na hindi nagtatambal kay Allah ng anuman ay papasok sa Paraiso...Kahit pa nangalunya siya, kahit pa nagnakaw siya." Ito ay hindi nangangahulugang ang pangangalunya at ang pagnanakaw ay madaling kasalanan, bagkus mahirap na kasalanan. Dahil dito, itinuring ito na mabigat ni Abū Dharr. Nagsabi siya: "Kahit pa nangalunya siya, kahit pa nagnakaw siya?" Nagsabi naman ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Kahit pa nangalunya siya, kahit pa nagnakaw siya." Iyon ay dahil sa ang sinumang namatay sa pananampalataya habang mayroon siyang mga pagsuway na kabilang sa malalaki sa mga pagkakasala, tunay na si Allah naman ay nagsasabi (Qur'ān 4:48): "Tunay na si Allah ay hindi magpapatawad na tambalan Siya ngunit mapatatawad Niya ang anumang mababa pa roon sa kaninumang loloobin Niya..." Maaaring magpaumanhin si Allah sa kanya at hindi siya parusahan at maaaring parusahan siya subalit kung parurusahan man siya, ang patutunguhan niya naman ay sa Paraiso dahil ang bawat sinumang hindi nagtatambal kay Allah at hindi nakagawa ng anumang nagpapaalis sa pananampalataya, tunay na ang patutunguhan niya ay sa Paraiso. Ang sinumang gumawa naman ng nagpapaalis sa pananampalataya, ito ay pananatilihin sa Impiyerno at ang gawa niya ay nawawalan ng kabuluhan dahil ang mga nagpapanggap ng pananampalataya ay nagsasabi noon sa Sugo, sumakanya ang pagpapala at ang pangangalaga (Qur'ān 63:1): "Sumasaksi kami na tunay na ikaw ay talagang Sugo ni Allah." Sila noon ay bumabanggit kay Allah, subalit si Allah ay hindi bumabanggit sa kanila malibang madalang, at nagdarasal subalit (Qur'ān 4:142): "Kapag tatayo sila para sa pagdarasal, tumatayo sila bilang mga tamad..." Sa kabila niyon, sila ay mapupunta sa pinakamababang kalaliman ng Impiyerno. Nagpatunay ito sa paglalayo ng loob sa kamunduhan, na ang tao ay hindi nararapat na magkapit ng sarili niya roon, at na ang Mundo ay dapat nasa kamay niya hindi nasa puso niya nang sa gayon ay magtuon siya ng puso niya kay Allah, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, sapagkat tunay na ito ay kalubusan ng paglalayo ng loob sa kamunduhan. Hindi ito nangangahulugang ikaw ay hindi kukuha ng anuman mula sa Mundo, bagkus kumuha ka mula sa Mundo ng ipinahihintulot sa iyo at huwag mong kalimutan ang bahagi mo roon subalit ilagay mo iyon sa kamay mo at huwag mong ilagay iyon sa puso mo. Ito ay ang mahalaga.
Ayon kay Abū Mūsā (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang paghahalintulad sa umaalaala sa Panginoon niya at hindi umaalaala sa Panginoon niya ay tulad ng buhay at patay."} Sa pananalita ni Imām Muslim: {"Ang paghahalintulad sa bahay na inaalaala si Allāh doon at bahay na hindi inaalaala si Allāh doon ay tulad ng buhay at patay."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNaglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng kaibahan sa pagitan ng umaalaala kay Allāh (napakataas Siya) at ng sinumang hindi umaalaala sa Kanya, na ito ay tulad ng kaibahan sa pagitan ng buhay at patay sa pagpapakinabang nito at kagandahan ng anyo nito. Ang paghahalintulad sa umaalaala sa Panginoon niya ay tulad ng buhay na ang panlabas nito ay nagagayakan ng liwanag ng buhay at ang panloob nito ay nagagayakan ng liwanag ng pagkakaalam at narito ang pakinabang. Ang paghahalintulad sa hindi umaalaala kay Allāh ay tulad ng patay na ang panlabas nito ay walang-silbi at ang panloob nito ay kabulaanan at wala ritong pakinabang. Gayon din ang bahay, inilalarawan bilang buhay kung ang mga nakatira rito ay umaalaala kay Allāh at kung hindi naman ito ay isang bahay na patay dahil sa katamlayan ng mga nakatira rito sa pag-alaala kay Allāh. Kapag itinaguri ang buhay at ang patay sa paglalarawan ng bahay, tinutukoy lamang dito ang nakatira sa bahay.
Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nakaupo isang araw sa mimbar at nakaupo kami sa paligid niya saka nagsabi siya: "Tunay na kabilang sa pinangangambahan ko para sa inyo matapos ko ang pagbubuksan sa inyo na karangyaan ng Mundo at gayak nito." Kaya may nagsabing isang lalaki: "O Sugo ni Allāh, at nagdadala po ba ang kabutihan ng kasamaan?" Kaya natahimik ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka sinabi rito: "Ano ang pumapatungkol sa iyo? Kinakausap mo ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at hindi siya kumakausap sa iyo." Nakita namin na siya ay binababaan [ng kasi]. Pinahid niya sa kanya ang pawis saka nagsabi siya: "Nasaan ang tagapagtanong?" Para bang siya ay nagpuri rito. Saka nagsabi siya: "Tunay na hindi nagdadala ang kabutihan ng kasamaan. Tunay na mula sa pinatutubo ng tagsibol ay pumapatay o napipintong pumatay maliban sa tagakain ng Khaḍrā'. Kumain ito hanggang sa lumuwang ang dalawang tagiliran nito. Humarap ito sa mata ng araw saka dumumi ito, umihi ito, at nanginain ito. Tunay na ang yamang ito ay luntiang matamis. Kaya kay inam na kasamahan ng Muslim ito, na nagbibigay siya mula rito sa dukha, ulila, at kinapos sa landas." O gaya ng sinabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na ang sinumang kumukuha nito nang walang karapatan dito ay gaya ng kumakain at hindi nabubusog. Magiging isang saksi ito laban sa kanya sa Araw ng Pagbangon."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNakaupo ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) isang araw sa mimbar habang nakikipag-usap sa mga Kasamahan niya saka nagsabi siya: "Tunay na ang higit na pinangangambahan ko at kinatatakutan ko para sa inyo matapos ko ay ang pagbubuksan sa inyo na mga pagpapala ng Daigdig, karangyaan ng Mundo, gayak nito, dilag nito, at anumang narito na mga uri ng mga tinatamasa, mga kasuutan, mga pananim, at iba pa sa mga ito kabilang sa bagay na nagmamayabang ang mga tao sa kagandahan nito sa kabila ng kakauntian ng pananatili." Kaya may nagsabing isang lalaki: "Ang karangyaan ng Mundo ay biyaya mula kay Allāh. Kaya mauuwi ba ang biyayang ito at magiging isang salot at isang kaparusahan?" Kaya sinisi ng mga tao ang tagapagtanong yayamang nakita nila ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nanahimik. Nag-akala sila na ito ay nagpagalit sa kanya. Luminaw na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay binababaan ng pagkasi, pagkatapos nagsimula siyang nagpunas sa noo niya ng pawis saka nagsabi siya: "Nasaan ang tagapagtanong?" Nagsabi ito: "Ako po." Nagpuri siya kay Allāh at nagbunyi sa Kanya. Pagkatapos nagsabi siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang tunay na kabutihan ay hindi nagdadala kundi ng kabutihan subalit ang karangyaang ito ay hindi isang kabutihang payak dahil sa kinahahantungan nito na tukso, tagisan, at pagkaabala rito sa halip ng kalubusan ng pagtuon sa Kabilang-buhay." Pagkatapos naglahad siya para roon ng isang paghahalintulad sapagkat nagsabi siya: "Tunay na ang halaman ng tagsibol at ang luntian nito, na isang uri ng halaman na kinalulugdan ng mga hayop saka pumapatay dahil sa dami ng pagkain dahil sa impatso o nalalapit sa pagpatay, maliban sa tagakain ng luntian, na kumain hanggang sa mapuno ang dalawang tagiliran ng tiyan nito saka humarap sa araw at naglabas ng dumi mula sa tiyan nito nang malambot o umihi. Pagkatapos nagpaangat ito ng nasa bituka nito saka ngumuya niyon, pagkatapos lumulon niyon, pagkatapos bumalik ito saka kumain ito." "Tunay na ang yamang ito ay gaya ng halamang luntiang matamis; pumapatay ito o nalalapit na pumatay dahil sa dami nito, malibang kapag nagkasya rito sa kaunti na hinihiling ng pangangailangan at natatamo dahil dito ang kasapatan sa paraang ipinahihintulot sapagkat tunay na ito ay hindi makapipinsala. Kay inam na kasamahan ng Muslim ito para sa sinumang nagbigay mula rito sa dukha, ulila, at kinapos sa daan. Ang sinumang kumukuha nito nang may karapatan dito ay pagpapalain dahil dito. Ang sinumang kumukuha nito nang walang karapatan dito, ang paghahalintulad sa kanya ay katulad ng kumakain at hindi nabubusog. Magiging isang saksi ito laban sa kanya sa Araw ng Pagbangon."
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: May lalaking pumunta sa Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, at nagsabi: "O Sugo ni Allāh, sino po ang higit na karapat-dapat sa mga tao sa kagandahan ng pakikisama ko?" Nagsabi siya: "Ang ina mo." Nagsabi ito: "Pagkatapos ay sino po?" Nagsabi siya: "Ang ina mo." Nagsabi ito: "Pagkatapos ay sino po?" Nagsabi siya: "Ang ina mo." Nagsabi ito: "Pagkatapos ay sino po?" Nagsabi siya: "Ang ama mo." Napagkaisahan ang katumpakan nito. Sa isang sanaysay: "O Sugo ni Allāh, sino po ang higit na karapat-dapat sa kagandahan ng pakisama?" Nagsabi siya: "Ang ina mo, pagkatapos ay ang ina mo, pagkatapos ay ang ina mo, pagkatapos ay sa ama mo, pagkatapos ay ang pinakamalapit sa iyo, ang pinakamalapit sa iyo." Ang pakikisama ay may kahulugang pakisama. Ang sabi niya: "pagkatapos ay sa ama mo" ay ganito: Ito ay nasa kaukulang layon ng ipinahihiwatig na pandiwa, na nangangahulugang: Pagkatapos ay magpakabuti ka sa ama mo. Sa isang sanaysay: "pagkatapos ay ang ama mo". Ito ay malinaw.
Nagsalaysay nito si Imām Muslim - Napagkaisahan ang katumpakanAng ḥadīth na ito ay nagpapatunay na bawat isa sa mga magulang ay may karapatan sa magandang pakikisama at lubos na pangangalaga sa mga kapakanan nito: "at pakisamahan mo silang dalawa sa Mundo nang nakabubuti". Subalit ang karapatan ng ina ay mataas sa karapatan ng ama ng ilang antas yamang hindi nabanggit ang karapatan ng ama malibang matapos na nabigyang-diin ang karapatan ng ina nang lubusang pagbibigay-diin sa pamamagitan ng pagbanggit sa ina nang tatlong ulit. Mataas ang kalagayan ng ina sa kalagayan ng ama gayong silang dalawa ay magkatambal sa pagpapalaki sa anak: itong ama sa pamamagitan ng salapi niya at pangangalaga niya at itong ina sa pamamagitan ng paglilingkod sa kanya sa pagkain niya, inumin niya, damit niya, higaan niya, at iba pa dahil ang ina ay naghirap alang-alang sa kanya ng hindi ipinaghirap ng ama. Ipinagdalang-tao siya ng ina niya nang siyam na buwan na nanlata nang nanlata at nanghina nang nanghina. Isinilang siya nito kahit nagpahirap sa kanya dahil doon ang mga hapdi ng panganganak. Nagsabi ng gayon ang Qur'ān 46:15: "Nagtagubilin Kami sa tao ng paggawa ng maganda sa mga magulang. Ipinagdalang-tao siya ng ina niya nang nahihirapan at isinilang siya nito nang nahihirapan. Ang pagbubuntis sa kanya at ang pag-awat sa kanya ay tatlumpong buwan." Nakikita mong si Allāh ay nagtagubilin sa tao ng paggawa ng maganda sa mga magulang niya at hindi bumanggit ng mga dahilan maliban sa ipinaghihirap ng ina bilang pahiwatig sa karapatan nito. Bahagi ng kagandahan ng pakikitungo sa mga magulang ang paggugol sa kanilang dalawa sa pagkain, inumin, tirahan, kasuutan, at tulad nitong mga pangangailangan ng pamumuhay kung silang dalawa ay nangangailangan. Bagkus kung silang dalawa ay nasa pamumuhay na mababa o katamtamang antas samantalang ikaw ay nasa pamumuhay na maginhawa at nakalulugod, iangat mo silang dalawa sa antas mo o dagdagan mo pa sapagkat tunay na iyon ay bahagi ng paggawa ng maganda sa pakikitungo. Tandaan mo ang ginawa ni Propeta Jose sa mga magulang niya noong nabigyan na siya ng kapamahalaan yamang iniangat niya silang dalawa sa trono matapos na dalhin niya silang dalawa sa piling niya mula sa ilang. Bahagi ng kagandahan ng pakikitungo, bagkus ng panaklaw ng mga nauukol sa pagkikitungo, ang binanggit ni Allāh sa sabi Niya (Qur'ān 17:23-24): "Nagtadhana ang Panginoon mo na wala kayong sasambahin kundi Siya at ng paggawa ng maganda sa mga magulang. Kung aabutan nga sa piling mo ng katandaan ang isa sa kanilang dalawa o ang kapwa sa kanilang dalawa ay huwag kang magsabi sa kanilang dalawa ng nakasusuya at huwag mong bulyawan silang dalawa. Magsabi ka sa kanilang dalawa ng marangal na salita. Ibaba mo para sa kanila ang pakpak ng kababaang-loob bahagi ng pagkaawa at sabihin mo: Panginoon ko, kaawaan Mo sila gaya ng pag-aalaga nilang dalawa sa akin noong bata pa ako." Ipagkait mo sa kanilang dalawa ang pagsasalita ng kalapastanganan at iiwas mo sa kanilang dalawa ang mga uri ng kapinsalaan. Magmalumanay ka sa kanilang dalawa sa pananalita mo: "Pag-ukulan mo silang dalawa ng pagpapakumbaba mo, isailalim mo sa pagtalima sa kanilang dalawa ang sarili mo, pabigkasin mo ang bibig mo ng panalangin para sa kanilang dalawa mula sa kaibuturan ng puso mo at kaloob-looban ng kaluluwa mo at sabihin mo: "Panginoon ko, kaawaan Mo sila gaya ng pag-aalaga nilang dalawa sa akin noong bata pa ako." Huwag mong kalimutan ang pagdaragdag ng pangangalaga sa ina bilang pagtupad sa pahiwatig ng Qur'ān at pakikibagay sa lohika ng ḥadīth.