





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Na may isang Arabeng disyerto na pumunta sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi ito: "O Sugo ni Allāh, gabayan mo ako sa isang gawaing kapag ginawa ko ay papasok ako sa Paraiso." Nagsabi siya: "Sasamba ka kay Allāh nang hindi ka nagtatambal sa Kanya ng anuman, magpapanatili ka ng pagdarasal, magbibigay ka ng zakāh na isinatungkulin, at mag-aayuno ka sa Ramaḍān." Nagsabi ito: "Sumpa man sa Kanya na ang kaluluwa ko ay nasa kamay Niya, hindi ako magdaragdag ng higit diyan." Kaya noong tumalikod ito, nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang pinagalak na tumingin sa isang lalaking kabilang sa mga maninirahan sa Paraiso, tumingin siya diyan."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoMay pumunta na isang lalaking kabilang sa mga naninirahan sa ilang sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) upang gumabay siya rito sa isang gawain na magpapasok sa kanya sa Paraiso. Kaya sumagot dito ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang pagpasok sa Paraiso at ang kaligtasan mula sa Impiyerno ay dumedepende sa pagganap ng mga haligi ng Islām gaya ng pagsamba kay Allāh – tanging sa Kanya – at na hindi ka magtambal sa Kanya ng anuman, magpanatili ka ng limang ṣalāh na inobliga ni Allāh sa mga lingkod Niya sa bawat araw at gabi, at magbigay ka ng zakāh ng yaman na inobliga ni Allāh sa iyo at ipagkaloob mo ito sa karapat-dapat dito, at mangalaga ka ng pag-aayuno sa buwan ng Ramaḍān sa oras nito. Nagsabi ang lalaki: "Sumpa man sa Kanya na ang kaluluwa ko ay nasa kamay Niya, hindi ako magdaragdag sa gawaing isinatungkulin na narinig ko mula sa iyo ng anuman mula sa mga pagtalima at hindi ako magbabawas mula rito." Noong nakalisan ang lalaki, nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang pinagalak na tumingin siya sa isang lalaking kabilang sa mga maninirahan sa Paraiso, tumingin siya sa arabeng disyertong iyan."}
Ayon kay Sahl bin Sa`d As-Sā`idīy, malugod si Allah sa kanya: "Kung nagkataong ang mundo ay nakakatumbas sa ganang kay Allah ng isang pakpak ng lamok, hindi na sana Siya nagpainom sa isang tumatangging sumampalataya mula roon ng isang inom ng tubig."
Isinaysay ito ni At-TirmidhīySa ḥadīth ay may paglilinaw sa pagkahamak ng Mundo sa ganang kay Allah at na ito ay walang halaga. Kung nagkataong may katiting na halaga ito sa ganang kay Allah, hindi na sana Siya nagpainom mula rito sa isang tumatangging sumampalataya ng isang inom ng tubig, huwag nang sabihing pinagtamasa iyon dito at nagpasarap sa mga kaaya-ayang bagay dito. Dahil diyan ang Mundo ay aba sa ganang kay Allah, pagkataas-taas Niya, na taliwas naman sa Kabilang-buhay sapagkat ito ay tahanan ng lugod na mananatili para sa mga may pananampalataya, na laan sa kanila at hindi kasama ang mga tumatangging sumampalataya. Dahil diyan nararapat sa mga may pananampalataya na matalos nila ang reyalidad ng Mundong ito at huwag umasa dito sapagkat ito ay tahanan ng pagkalipas hindi tahanan ng pamamalagi. Kukunin nila mula rito ang babaunin nila para sa Kabilang-buhay nila na siyang tahanan ng pamamalagi. Nagsabi si Allah, pagkataas-taas Niya: "Ang ibinigay sa inyo na anuman ay kasiyahan ng buhay na makamundo at gayak nito. Ang nasa kay Allah ay higit na mabuti at higit na nagtatagal. Kaya hindi ba kaya uunawa?" (Qur'an Q:60)
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Kasuklam-suklam, pagkatapos kasuklam-suklam, pagkatapos kasuklam-suklam!" Sinabi: "Sino po, O Sugo ni Allāh?" Nagsabi siya: "Ang sinumang nakaabot sa mga magulang niya sa sandali ng katandaan, sa isa sa kanilang dalawa o sa kapwa nilang dalawa, ngunit hindi siya papasok sa Paraiso."}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimDumalangin ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng pagkahamak at pagkapahiya hanggang sa umabot ito sa isang tao, na para bang inilagay ang ilong nito sa alabok. Nag-ulit-ulit siya nito nang tatlong ulit. Kaya tinanong siya: "Sino po ito, O Sugo ni Allāh, na dumalangin ka ng laban sa kanya?" Nagsabi naman ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nakaabot sa mga magulang niya sa sandali ng katandaan - sa isa sa kanilang dalawa o sa kapwa nilang dalawa - ngunit hindi silang dalawang naging kadahilanan ng pagpasok niya sa Paraiso. Iyon ay dahilan sa kawalan ng paggawa ng maganda sa kanilang dalawa at kasuwailan sa kanilang dalawa.
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay minsang tumatahak sa daan ng Makkah saka naparaan siya sa isang bundok na tinatawag na Jumdān. Kaya nagsabi siya: "Tumahak kayo. Ito ay Jumdān. Nanguna ang mga tagapagbukod-tangi." Nagsabi sila: "Ano po ang mga tagapagbukod-tangi, O Sugo ni Allāh?" Nagsabi siya: "Ang mga lalaking tagapag-alaala kay Allāh nang madalas at ang mga babaing tagapag-alaala."}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimNaglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng katayuan ng mga tagapag-alaala kay Allāh nang madalas, na sila ay namukod-tangi nga at nanguna sa iba sa kanila sa pagtamo ng mga antas na pinakamatataas sa mga hardin ng Kaginhawahan. Nagwangis siya sa kanila sa bundok ng Jumdān na namukod-tangi sa iba pa rito na mga bundok.
Ayon kay Ibnu `Abbās, malugod si Allāh sa kanilang dalawa: "May dalawang matang hindi hihipuin ng Apoy: matang umiyak dahil sa takot kay Allāh at matang nagpamagdamag na nagtatanod alang-alang sa landas ni Allāh."
Isinaysay ito ni At-TirmidhīyAng kahulugan ng ḥadīth ay na ang apoy ay hindi sasaling sa isang matang umiyak dahil sa takot kay Allāh, pagkataas-taas Niya, sapagkat kapag inaalaala ng tao ang kadakilaan ni Allāh at ang kapangyarihan Niya sa mga lingkod Niya at inaalaala niya ang kalagayan niya at ang pagkukulang niya sa karapatan ni Allāh, pagkataas-taas Niya, at naiyak siya bilang pagmimithi sa awa Niya at takot sa parusa Niya at pagkainis Niya, ang taong ito ay pinangangakuan ng kaligtasan mula sa Impiyerno. May isa pang matang hindi sasalingin ng apoy. Ito ay ang nagpamagdamag na nagtatanod alang-alang sa landas ni Allāh, pagkataas-taas Niya, sa mga hangganan at mga lugar ng pakikipaglaban bilang pangangalaga sa mga buhay ng mga Muslim. Ang sabi niyang: "May dalawang matang hindi hihipuin ng Apoy," ito ay ang paggamit ng isang kataga para sa bahagi gayong ang tinutukoy ay ang kabuuan. Ang ninanais sabihin: Na ang sinumang umiyak dahil sa takot kay Allāh, pagkataas-taas Niya, at ang sinumang nagpamagdamag na nagtatanod alang-alang sa landas ni Allāh, tunay na si Allāh, pagkataas-taas Niya, ay magkakait sa katawan niya sa Apoy.
Ayon kay Ka`b bin `Iyāḍ, malugod si Allāh sa kanya : "Tunay na ang bawat kalipunan ay may tukso at ang tukso ng kalipunan ko ay ang yaman."
Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy - Isinaysay ito ni Imām AḥmadNagsabi si Ka`b bin `Iyāḍ, malugod si Allāh sa kanya : Narinig ko ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na nagsasabi: "Tunay na ang bawat kalipunan ay may tukso..." Ang tukso ay ang mga bagay na nagsasadlak sa pagkaligaw at pagsuway. "at ang tukso ng kalipunan ko ay ang yaman." dahil ito ay masaklaw sa pagtamo ng minimithi at humahadlang sa pagkalubos ng mabuting kahihinatnan. Ang pagkalibang sa yaman ay umaabala sa isip sa pagsasagawa ng pagtalima [kay Allāh] at nagpapalimot sa Kabilang-buhay.
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Ang lahat ng kalipunan ko ay mapagpapaumanhinan maliban sa mga naglalantad [ng kasalanan]. Tunay na kabilang sa paglalantad [ng kasalanan] na gumawa ang tao sa gabi ng isang [masamang] gawain pagkatapos magpaumaga siya habang napagtakpan na siya ni Allāh roon saka magsabi naman siya: 'O Polano, nakagawa ako kahapon ng ganito at gayon,' habang nagpamagdamag nga siya habang napagtakpan na siya ng Panginoon niya at mag-uumaga siya na magbubunyag ng pinagtakpan ni Allāh sa kanya."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNaglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang Muslim na nagkakasala ay maaasahan sa kanya ang paumanhin ni Allāh at ang kapatawaran Nito maliban ang naghahayag ng pagsuway dala ng pagmamayabang at kabastusan sapagkat hindi siya nagiging karapat-dapat sa paumanhin yayamang gumagawa siya ng pagsuway sa gabi, pagkatapos mag-uumaga siya habang napagtakpan na siya ni Allāh saka nagsasanaysay naman siya sa iba sa kanya na siya ay gumawa ng gayong pagsuway kahapon habang nagpamagdamag nga siya habang napagtakpan na siya ng Panginoon niya at mag-uumaga siya na magbubunyag ng pinagtakpan ni Allāh sa kanya!
Ayon kay Jābir (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), tatlong araw bago ng pagpanaw niya, na nagsasabi: "Huwag ngang mamamatay ang isa sa inyo malibang habang siya ay nagpapaganda ng palagay kay Allāh."}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimHumimok ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Muslim na hindi mamatay malibang habang siya ay nagpapaganda ng palagay kay Allāh sa pamamagitan ng pagpapanaig niya sa aspeto ng pag-asa sa sandali ng paghihingalo na si Allāh ay maaawa sa kanya at magpapaumanhin sa kanya dahil ang pangamba ay hinihiling para sa pagpapaganda ng gawain. Ang kalagayang iyon ay hindi kalagayan ng mga gawain kaya ang hinihiling dito ay ang pagpapanaig niya ng pag-asa.
Ayon kay Ibnu Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Nakatagpo ko si Abraham sa gabi na nagpalakbay sa akin [sa langit] saka nagsabi ito: O Muḥammad, bigkasin mo sa kalipunan mo mula sa akin ang pagbati at ipabatid mo sa kanila na ang Paraiso ay kaaya-aya ang lupa, matamis ang tubig, na ito ay malalawak na kapatagan, na ang mga pananim nito ay Subḥāna -llāh, Alḥamdu lillāh, Lā ilāha illa -llāhu, at Allāhu akbar. (Napakamaluwalhati ni Allāh, Ang papuri ay ukol kay Allāh, Walang Diyos kundi si Allāh, at Si Allāh ay Pinakadakila.)"}
Nagsalaysay nito si Imām At-TirmidhīyNagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na siya ay nakatagpo kay Abraham na matalik na kaibigan ni Allāh (sumakanya ang pangangalaga) sa gabi ng pagpapalakbay at pag-akyat [sa langit] saka nagsabi ito: "O Muḥammad, ipaabot mo sa kalipunan mo mula sa akin ang pagbati at ipaalam mo sa kanila na ang Paraiso ay kaaya-aya ang lupa, matamis ang tubig na walang kaalatan dito, na ang Paraiso ay malawak na kapatagang walang mga puno, na ang mga tanim nito ay ang mga kaaya-ayang pangungusap, na mga maayos na matitira: Subḥāna -llāh, Alḥamdu lillāh, Lā ilāha illa -llāhu, at Allāhu akbar (Napakamaluwalhati ni Allāh, Ang papuri ay ukol kay Allāh, Walang Diyos kundi si Allāh, at Si Allāh ay Pinakadakila). Sa tuwing nagsabi ng mga ito ang Muslim at nag-ulit-ulit siya ng mga ito, may itatanim para sa kanya na isang tanim sa Paraiso."