





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya: "Tunay na ang tao ay talagang nagsasalita ng pananalitang hindi siya nakatitiyak hinggil doon, na ikatitisod niya sa Impiyerno na higit na malayo kaysa sa pagitan ng silangan at kanluran."
Napagkaisahan ang katumpakanIpinababatid sa atin ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na mayroon sa mga tao na hindi nag-iisip, kapag nagnais magsalita, kung ang pananalitang ito na sasabihin niya ay mabuti o hindi. Ang resulta ay na ang nagsasalitang ito ay nasasadlak sa ipinagbabawal dahil sa kawalan ng pag-iisip na ito. Isinusuong niya ang sarili niya sa parusa ni Allah sa apoy ng Impiyerno - magpakupkop kay Allah - at marahil babagsak siya sa Impiyerno sa layong higit na malayo kaysa sa pagitan ng silangan at kanluran.
Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allāh sa kanya.-Hadith na Marfu: (( Sinuman ang magsabi-ibig sabihin ay: Kapag lumabas siya sa bahay niya: Sa Ngalan ni Allah,Ipinaubaya ko ang pananalig sa Allah, walang Kapangyarihan at walang lakas kundi sa pamamagitan ni Allah,Sasabihin sa kanya:Napatnubayan ka, Nalugod ka,Napangalagaan ka,at lalayo sa kanya si Satanas)) Dinagdagan ito ni Imam Abu Dawud: ((Sinabi niyang-ibig sabihin ay si Satanas- sa ibang Satanas: Papaano mo makakayanan ang isang lalaking ,napatnubayan,nasiyahan at napangalagaan?))
Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām Abū DāwudIpinapahayag ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na kaapag lumabas ang isang lalaki sa bahay niya at sinabi niyang:Sa Ngalan ni Allah,Ipinaubaya ko ang pananalig sa Allah, walang Kapangyarihan at walang lakas kundi sa pamamagitan ni Allah;Mananawagan sa kanya ang isang Anghel: O lingkod ni Allah! Napatnubayan ka sa matuwid na landas,at naging masiyahin ka sa iyong pagkalungkot,at napangalagaan ka laban sa iyong mga kaaway;Lalayo sa kanya ang Satanas na naitlaga sa kanya,At sasabihin ng ibang Satanas sa Satanas na ito,Papaano mo maililigaw ang isang lalaking napatnubayan at nasiyahan at napaangalagaan mula sa mga [kasamaan ng] lahat ng Satanas.Sapagkat sinabi niya ang salitang ito,hindi hindi mo siya makakayanan.
Ayon kay Abū Umāmah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagtatalumpati sa Ḥajj ng Pamamaalam saka nagsabi siya: "Mangilag kayong magkasala kay Allāh na Panginoon ninyo, magdasal kayo ng limang [dasal] ninyo, mag-ayuno kayo sa buwan [ng pag-aayuno] ninyo, magbigay kayo ng zakāh ng mga yaman ninyo, at tumalima kayo sa may kapamahalaan sa inyo ninyo, papasok kayo sa Paraiso ng Panginoon ninyo."}
Nagsalaysay nito sina Imām At-Tirmidhīy at Imām AḥmadNagtalumpati ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Araw ng `Arafah sa Ḥajj ng Pamamaalam noong taong 10 Hijrah. Tinawag itong gayon dahil siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay namaalam sa mga tao rito. Nag-utos siya sa mga tao sa kalahatan na mangilag silang magkasala sa Panginoon nila sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya, na magdasal sila ng limang ṣalāh na isinatungkulin ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) sa araw at gabi, na mag-ayuno sila sa buwan ng Ramaḍān, na magbigay sila ng zakāh ng mga yaman nila sa mga karapat-dapat sa mga ito at huwag silang magmaramot ng mga ito, at na tumalima sila sa mga ginawa ni Allāh bilang mga pinuno sa kanila sa hindi pagsuway kay Allāh. Ang sinumang gumawa nitong mga bagay na nabanggit, ang gantimpala sa kanya ay ang pagpasok sa Paraiso.
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Kapag nakitagpo ang isa sa inyo sa kapatid niya, bumati siya rito; ngunit kung may nakaharang sa pagitan nilang dalawa na isang punong-kahoy o isang pader o isang bato pagkatapos nakatagpo niya ito, bumati rin siya rito."}
Nagsalaysay nito si Imām Abū DāwudHumihimok ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Muslim sa pagbati sa kapwa niya Muslim kapagka nakatagpo niya ito kahit pa naglalakad silang dalawa nang sabay at may naghiwalay sa pagitan nilang dalawa na isang tagapaghiwalay gaya ng isang punong-kahoy o isang pader o isang malaking bato, pagkatapos nakatagpo niya ito matapos niyan, bumati siya rito sa muli.
Ayon kay ̄ Abu Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Hindi ba ako gagabay sa inyo sa anumang pumapawi si Allāh sa pamamagitan nito sa mga kamalian at nagtataas Siya sa pamamagitan nito ng mga antas?" Nagsabi sila: "Opo, O Sugo ni Allāh." Nagsabi siya: "Ang pagpapalubus-lubos sa pagsasagawa ng wuḍū' sa kabila ng mga kalagayang kinasusuklaman, ang dami ng paghakbang patungo sa mga masjid, at ang paghihintay sa ṣalāh matapos ng ṣalāh sapagkat iyon ang pagbabantay [para kay Allāh]."}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimNagtanong ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa mga Kasamahan niya kung nagnanais ba sila na gumabay siya sa kanila sa mga gawaing magiging isang kadahilanan sa kapatawaran ng mga pagkakasala, pagkapawi sa mga ito mula sa mga talaan ng mga anghel na tagaingat, at kataasan ng mga katayuan sa Paraiso. Nagsabi ang mga Kasamahan: "Opo, nagnanais po kami niyon." Nagsabi siya: UNA: Ang pagkumpleto at ang paglulubos ng pagsasagawa ng wuḍū' sa kabila ng hirap gaya ng ginaw, kakauntian ng tubig, sakit ng katawan, at mainit na tubig. IKALAWA: Ang dami ng paghakbang – ang puwang sa pagitan ng dalawang paang lumalakad – patungo sa mga masjid dahil sa kalayuan sa tahanan at dami ng pag-uulit-ulit. IKATLO: Ang paghihintay sa oras ng ṣalāh, ang pagkahumaling ng puso rito, ang pagpapakahanda para rito, at ang pag-upo para rito sa masjid para sa paghihintay ng konggregasyon. Kapag dinasal niya ito, maghihintay siya sa pinagdasalan niya ng isa pang ṣalāh. Pagkatapos naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang mga bagay na ito ay ang tunay na pagbabantay dahil ang mga ito ay pumipinid sa mga daan ng demonyo sa kaluluwa, sumusupil sa pithaya, at pumipigil dito laban sa pagtanggap ng mga pasaring kaya nananaig dahil sa mga ito ang lapian ni Allāh sa mga hukbo ng demonyo. Iyon ay ang pinakamalaking pakikibaka sapagkat ang mga ito ay naging nasa antas ng pagbabantay sa bukana ng kaaway.
Ayon kay Abu Ad-Dardā' (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hindi ba ako magbabalita sa inyo hinggil sa pinakamabuti sa mga gawa ninyo, pinakabusilak sa mga ito sa ganang May-ari ninyo, pinakaangat sa mga ito sa mga antas ninyo, pinakamabuti para sa inyo kaysa sa paggugol ng ginto at pilak, at pinakamabuti para sa inyo kaysa sa makitagpo kayo sa kaaway ninyo para tumaga kayo ng mga leeg nila at tumaga sila ng mga leeg ninyo?" Nagsabi sila: "Opo." Nagsabi siya: "Ang pag-alaala kay Allāh (napakataas Siya)."}
Nagsalaysay nito sina Imām At-Tirmidhīy, Imām Ibnu Mājah, at Imām AḥmadNagtanong ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa mga Kasamahan niya: "Nagnanais ba kayo na magpabatid ako sa inyo at magpaalam ako sa inyo hinggil sa pinakamainam sa mga gawa ninyo, pinakamarangal sa mga ito, pinakamalago sa mga ito, pinakadalisay sa mga ito, pinakabusilak sa mga ito sa ganang kay Allāh na Tagapagmay-ari (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan), pinakaangat sa mga ito sa mga tahanan ninyo sa Paraiso, pinakamabuti para sa inyo kaysa sa pagkakawanggawa ng ginto at pilak, at pinakamabuti para sa inyo kaysa makipagtagpo kayo sa mga tagatangging sumampalataya para makipaglaban para tumaga kayo sa mga leeg nila at tumaga sila sa mga leeg ninyo? Nagsabi ang mga Kasamahan: "Opo, nagnanais kami niyon." Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang pag-alaala kay Allāh (napakataas Siya) sa kabuuan ng mga oras at sa lahat ng mga anyo at mga kalagayan."
Ayon kay Sulaymān bin Ṣurad (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Ako minsan ay nakaupo kasama ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) habang may dalawang lalaking nag-aalipustaan. Ang isa sa kanila ay namula ang mukha niya at namintog ang mga ugat niya sa leeg. Kaya naman nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na ako ay talagang nakaaalam ng isang pangungusap na kung sakaling sinabi niya ay aalis palayo sa kanya ang ikinangingitngit niya. Kung sakaling nagsabi siya ng: A`ūdhu bi-llāhi mina -shhayṭān (Nagpapakupkop ako kay Allāh laban sa demonyo), maaalis palayo sa kanya ang ikinangingitngit niya." Kaya nagsabi sila rito: "Tunay na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: Magpakapalakupkop ka kay Allāh laban sa demonyo." Kaya nagsabi ito: "Sa akin kaya ay may kabaliwan?"}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoMay nag-alipustaan at naglaitan na dalawang lalaki sa harap ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Namula nga ang mukha ng isa sa kanilang dalawa at namintog ang mga ugat niyang nakapalibot sa leeg niya. Kaya nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na ako ay talagang nakaaalam ng isang pangungusap na kung sakaling sinabi niya, ang galit na ito ay talagang maaalis palayo sa kanya. Kung sakaling nagsabi siya: A`ūdhu bi-llāhi mina -shhayṭāni -rrajīm (Nagpapakupkop ako kay Allāh laban sa demonyong isinumpa)." Kaya nagsabi sila rito: "Tunay na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: Magpakapalakupkop ka kay Allāh laban sa demonyo." Kaya nagsabi ito: "Baliw ba ako?" Nagpalagay siya na walang humihiling ng pagkupkop kay Allāh laban sa demonyo kundi ang sinumang may kabaliwan.
Ayon kay Abū Qatādah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang mabuting panaginip ay mula kay Allāh at ang masamang panaginip ay mula sa Demonyo. Kaya kapag nanaginip ang isa sa inyo ng isang panaginip na pinangangambahan niya, dumura siya sa dakong kaliwa niya at magpakapalakupkop siya kay Allāh laban sa kasamaan nito kaya tunay na ito ay hindi makapipinsala sa kanya."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang mabuting panaginip na nagpapatuwa sa sandali ng pagkatulog ay mula kay Allāh samantalang ang masamang pananaginip, ang panaginip na kinasusuklaman at nagpapalungkot, ay mula sa demonyo. Kaya ang sinumang nakapanaginip ng kinasusuklaman niya, lumura siya sa dakong kaliwa niya at humiling siya ng pagkupkop kay Allāh laban sa kasamaan niyon kaya tunay na iyon ay hindi makapipinsala sa kanya yayamang gumawa si Allāh sa binanggit bilang kadahilanan para sa kaligtasan mula sa kinasusuklamang inireresulta ng panaginip.
Ayon kay `Uqbah bin `Āmir (malugod si Allāh sa kanya): {Nagsabi ako: "O Sugo ni Allāh, ano po ang kaligtasan?" Nagsabi siya: "Pigilan mo sa iyo ang dila mo, magkasya sa iyo ang bahay mo, at umiyak ka dahil sa kasalanan mo."}
Nagsalaysay nito sina Imām At-Tirmidhīy at Imām AḥmadNagtanong si `Uqbah bin `Āmir (malugod si Allāh sa kanya) sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa mga kadahilanan ng kaligtasan ng mananampalataya sa Mundo at Kabilang-buhay? Kaya nagsabi siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Manatili ka sa tatlong bagay: Una. Ingatan mo ang dila palayo sa anumang walang kabutihan doon at palayo sa pagsasabi ng bawat kasamaan at huwag kang bumigkas kundi ng mabuti. Ikalawa. Manatili ka sa bahay mo upang sumamba ka kay Allāh sa sandali ng mga pag-iisa, magpakaabala ka sa pagtalima kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan), at bumukod ka sa bahay mo palayo sa mga sigalot (fitnah). Ikatlo. Umiyak ka, magsisi ka, at magbalik-loob ka palayo sa nagawa mo na mga pagkakasala.