





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: Narinig ko ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na nagsasabi: "Tunay na ang una sa mga tao na hahatulan sa Araw ng Pagkabuhay ay isang lalaking pinatay na martir. Ihahatid siya at ipaaalam sa kanya ni Allah ang biyaya sa kanya at malaman niya iyon. Magsasabi si Allah: Kaya ano ang ginawa mo sa [biyayang] iyon? Magsasabi siya: Nakipaglaban ako alang-alang sa Iyo hanggang sa napatay akong martir. Magsasabi Siya: Nagsinungaling ka; bagkus nakipaglaban ka upang masabing magiting! Kaya sinabi nga. Pagkatapos ay ipag-uutos na kaladkarin siya na nakangudngod ang mukha niya hanggang sa maihagis siya sa Apoy. May isang lalaking natuto ng kaalaman. Nagturo siya nito at bumigkas ng Qur'an. Ihahatid siya at ipaaalam sa kanya ni Allah ang biyaya sa kanya at malaman niya iyon. Magsasabi si Allah: Kaya ano ang ginawa mo sa [biyayang] iyon? Magsasabi siya: Natuto ako ng kaalaman, itinuro ko ito, at bumigkas ako ng Qur'an alang-alang sa Iyo. Magsasabi Siya: Nagsinungaling ka; bagkus natuto ka upang masabing nakaaalam at bumigkas ka ng Qur'an upang masabing tagabigkas! Kaya sinabi nga. Pagkatapos ay ipag-uutos na kaladkarin siya na nakangudngod ang mukha niya hanggang sa maihagis siya sa Apoy. May isang lalaking pinayaman ni Allah at binigyan ng sari-saring yaman. Ihahatid siya at ipaaalam sa kanya ni Allah ang biyaya sa kanya at malaman niya iyon. Magsasabi si Allah: Kaya ano ang ginawa mo sa [biyayang] iyon? Magsasabi siya: Wala akong iniwang landas na iniibig Mong gumugol ako roon malibang gumugol ako doon para sa iyo. Magsasabi Siya: Nagsinungaling ka; bagkus ginawa mo iyon upang masabing mapagbigay! Kaya sinabi nga. Pagkatapos ay ipag-uutos na kaladkarin siya na nakangudngod ang mukha niya hanggang sa maihagis siya sa Apoy."
Nagsalaysay nito si Imām MuslimAng kahulugan ng ḥadīth ay na ang unang hahatulan sa mga tao sa Araw ng Pagkabuhay ay tatlong uri: nag-aaral na nagpapakitang-tao, nakikipaglaban na nagpapakitang-tao, at nagkakawanggawa ng nagpapakitang-tao. Pagkatapos tunay na si Allah, napakamaluwalhati Niya at pagkataas-taas Niya, ay maghahatid sa kanila sa Kanya sa Araw ng Pagkabuhay. Ipaaalam ni Allah ang biyaya Niya at malalaman nila ito. Tatanungin niya ang bawat isa sa kanila: Ano ang ginawa mo bilang pasasalamat sa biyayang ito? Magsasabi ang una: Natuto ako ng kaalaman at binasa ko ang Qur'an alang-alang sa Iyo. Magsasabi si Allah sa kanya: Nagsinungaling ka; bagkus natuto ka upang sabihing nakaaalam at nagbasa ka ng Qur'an upang sabihing tagabasa, hindi para kay Allah bagkus alang-alang sa pagpapakitang-tao. Pagkatapos ay ipag-uutos na kaladkarin siya na nakangudngud ang mukha niya sa Apoy. Gayon din ang gagawin sa pagkatapos niya.
Ayon kay Abū Dharr, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: "Sinabi sa Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: Ano po ang tingin mo sa lalaking gumagawa ng gawang kabilang sa kabutihan at pinupuri siya ng mga tao dahil doon? Nagsabi siya: Iyon ay maagang magandang balita sa Mananampalataya."
Nagsalaysay nito si Imām MuslimAng kahulugan ng ḥadīth: na may taong gagawa ng matuwid na gawa para kay Allah. Hindi siya naglalayon dito ng ikalulugod ng mga tao. Pagkatapos tunay na na ang mga tao ay magpupuri sa kanya dahil doon. Magsasabi sila: "Si Polano ay maraming nagawang mabuti. Si Polano ay maraming nagawang pagtalima. Si Polano ay maraming nagawang kagandahang-loob sa mga nilikha." At anumang nakawangis niyon. Magsasabi naman ang Propeta, (s): "Iyon ay maagang magandang balita sa Mananampalataya." Ito ay ang papuri sa taong ito dahil kapag ang mga tao ay nagpuri sa tao ng kabutihan, sila ay mga saksi ni Allah sa lupa Niya. Dahil dito, noong may naparaang isang ililibing sa kinaroroonan ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, habang ang mga kasamahan niya ay nagpuri roon ng mabuti, nagsabi siyang karapat-dapat iyon. Pagkatapos ay may naparaang isa pang ililibing at nagsabi sila roon ng masama. Nagsabi siyang karapat-dapat iyon kaya nagsabi naman sila: "O Sugo ni Allah, ano po ang naging karapat-dapat?" Nagsabi siya: "Tungkol sa una, naging karapat-dapat para sa kanya ang Paraiso. Tungkol naman sa ikalawa, naging karapat-dapat para sa kanya ang Impiyerno. Kayo ay mga saksi ni Allah sa lupa." Ito ang kahulugan ng sabi niya: "Iyon ay maagang magandang balita sa Mananampalataya." Ang pagkakaiba nito at ng pagpapakitang-tao ay na ang nagpapakitang-tao ay hindi gumagawa ng gawain malibang upang makita siya ng mga tao at papurihan nila siya kaya naman sa kalagayang ito ay nagtambal nga siya kay Allah ng iba pa. Ang isa namang ito ay may layuning inilalaan kay Allah, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, at hindi sumagi sa isip niya na papurihan siya ng mga tao o pulaan nila siya. Kapag nalaman nila ang pagtalima niya at pinuri nila siya, ito ay hindi pagpapakitang-tao; ito ay maagang magandang balita. Ang pagkakaiba nito at ng nabanggit sa ḥadīth ay isang mabigat na pagkakaiba. Sharḥ Riyāḍ Aṣ-Ṣāliḥīn ni Ibnu `Uthaymīn 6/354-355.
Ayon kay Jarīr bin `Abdillāh (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagtanong ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa tingin ng pagkabigla kaya nag-utos siya sa akin na magbaling ako ng paningin ko.}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimNagtanong si Jarīr bin `Abdillāh (malugod si Allāh sa kanya) sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa pagkatingin ng lalaki sa babaing estranghera para sa kanya nang biglaan na walang pananadya. Nagsabi sa kanya ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na kinakailangan sa kanya na maglihis ng mukha niya patungo sa ibang bahagi at ibang dako kaagad-agad matapos ng pagkaalam niya at walang kasalanan sa kanya.
Ayon kay Jābir, malugod si Allāh sa kanya-Hadith na Marfu:((Takpan ninyo ang mga lalagyan,at itali ninyo ang mga lalagyan ng tubig,isara ninyo ang mga pintuan,at patayin ninyo ang mga ilaw,Dahil hindi makakalagan ni Satanas ang mga [nakataling] lalagyan ng mga tubig,at hindi niya mabubuksan ang mga pintuan,at hindi niya matatanggal ang mga [takip] ng lalagyan.At kapag walang nahanap ang isa sa inyo maliban sa kahoy ,na ilalagay niya ng pahaba sa lalagyan niya,at banggitin niya ang Pangalan ni Allah,ay gawin niya.Dahil ang mga daga ay sinusunog nila ang mga taong naninirahan sa bahay at ang tahanan nila)).
Nagsalaysay nito si Imām MuslimIpinag-utos ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang pagtatakip sa mga lalagyan bilang proteksiyon rito mula sa mga insekto,at sa iba pang nakakapinsala kapag ito ay nahulog rito,mula sa mga peste.At ang takpan ang mga lalagyang tubig,at isara ang mga pintuan,para sa ikabubuti ng Relihiyon at makamundong-bagay,at pangangalaga sa buhay at kayamanan,laban sa mga masasamang tao at maninira,At itinuro niya ang pagpatay sa ilaw,dahil sa pamamagitan nito ay napapangalagaan ang tahanan at sa mga naninirahan dito,dahil sa pangamba niya sa kanila mula sa pinsala ng sunog,At ang Hadith ay ginagampanan sa oras ng pagtulog sa gabi,At sinabi niya na si Satanas ay hindi niya nabubuksan ang mga lalagyang tubig na natakpan,at ang mga pintuan,gayunding hindi niya nabubuksan ang mga lalagyang nakasarado.At kapag hindi natakpan ang mga lalagyan,mag-isip siya ng ibang paraan,[na maaari niyang gawing pang-takip],na hindi makikita ang nilalaman nito o ang iba rito,at huwag niya itong hayaang nakabukas,subalit lagyan niya ito ng kahoy na pahaba,at banggitin niya ang Pangalan ni Allah-Pagkataas-taas Niya-sa pagtakip ng mga lalagyan,at pagtali ng mga lalagyang tubig,at pagsara sa mga pintuan,At nabanggit rin na ang mga ilaw at ang ipa pang bagay na umiilaw,kapag sila ay iniwan sa kanilang kalagayan at hindi napatay bago matulog ,Ang kadalasan sa mga daga ay pinaglalaruan ito,at maaaring ito ay maging dahilan ng pagkasunog ng mga taong nananahanan sa baahay sa oras ng pagtulog nila
Ayon kay Masrūq na nagsabi: "Pumasok kami kay `Abdullāh bin Mas`ūd, malugod si Allah sa kanya, at nagsabi siya: O mga tao, ang sinumang nakaalam ng anuman ay magsabi nito, at ang sinumang hindi nakaalam ay magsabi ng Allāhu a`lam (Si Allah ay higit na nakaaalam) sapagkat tunay na bahagi ng kaalaman na magsabi sa anumang hindi nalalaman ng Allāhu a`lam (Si Allah ay higit na nakaaalam). Nagsabi si Allah, pagkataas-taas Niya, sa Propeta Niya, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: 'Sabihin mo: Hindi ako humihingi sa inyo para roon ng anumang kabayaran at ako ay hindi kabilang sa mga nagkukunwari.'" (Qur'an 38:86)
Isinaysay ito ni Imām Al-BukhārīyAng kahulugang ng ḥadīth: Na ang tao, kapag tinanong siya tungkol sa isang bagay na nalalaman niya, ay maglilinaw nito sa mga tao at hindi maglilihim nito. Kapag naman tinanong siya tungkol sa isang bagay na hindi niya nalalaman, sasabihin niya: "Si Allah ay higit na nakaaalam" at huwag siyang magpanggap sa pagsagot. Ang "sapagkat tunay na bahagi ng kaalaman na magsabi sa anumang hindi nalalaman ng Allāhu a`lam (Si Allah ay higit na nakaaalam)" ay nangangahulugang bahagi ng kaalaman na magsabi ang tao sa hindi niya nalalaman ng: "Si Allah ay higit na nakaaalam" dahil ang nagsasabi ng: "Hindi ko nalalaman" samantalang siya ay hindi nakaaalam ay ang nakaaalam sa totoo. Siya ang nakaalam sa halaga ng sarili niya at nakaalam sa antas niya. Siya ay hindi nakaaalam kaya magsasabi siya sa hindi niya nalalaman ng: "Si Allah ay higit na nakaaalam." Sa ganang kay Imām Muslim naman, na may pananalitang: "sapagkat tunay na siya ay higit na nakaaalam sa bawat isa sa inyo na magsabi siya sa hindi niya nalalaman: Si Allah ay higit na nakaaalam." Pagkatapos ay ipinampatunay ni Ibnu Mas`ūd, malugod si Allah sa kanya, ang sabi Niya, pagkataas-taas Niya: "Sabihin mo: Hindi ako humihingi sa inyo para roon ng anumang kabayaran at ako ay hindi kabilang sa mga nagkukunwari." (Qur'an 38:86) Nangangahulugan ito: Hindi ako humihingi sa inyo, dahil sa inihatid ko na kapahayagan, ng kabayaran na ibibigay ninyo sa akin. Nagpatnubay lamang ako sa inyo sa kabutihan at inaanyayahan ko kayo kay Allah, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan. Ang "ako ay hindi kabilang sa mga nagkukunwari" ay nangangahulugang hindi kabilang sa mga nagpapahirap sa inyo o mga nagsasabi nang walang kaalaman. Ang buod: hindi ipinahihintulot sa tao na magbigay ng kahatulan malibang sa puntong ipinahintulot sa kanya ang humatol. Kung si Allah, pagkataas-taas Niya, ay nagnais na siya ay maging isang pinuno sa mga tao, na nagbibigay ng kahatulan sa kanila at nagpapatnubay sa kanila sa tuwid na landasin, tunay na siya ay magiging gayon. Kung si Allah ay hindi nagnais niyon, hindi niya mapakikinabangan ang kapusukan niya sa paghahatol. Iyon ay magiging kasiraan sa kanya sa Mundo at Kabilang-buhay. Maṭāli` Al-Anwār `alā Ṣiḥāḥ Al-Āthār 4/439 at Sharḥ Riyāḍ Aṣ-Ṣāliḥīn ni Ibnu `Uthaymīn 6/391-392.
Ayon kay Jābir, malugod si Allah sa kanya, ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay nagbawal na magsuot ng sapatos ang tao nang nakatayo.
Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām Abū DāwudAng hadith na ito ay naglalaman ng pagbabawal sa pagsusuot ng sapatos nang nakatayo dahil ang pagsusuot nito habang nakaupo ay higit na madali at higit na matatag. Ang kahatulang ito ay nauukol kapag ang sapatos ay nangangailangan ng lakas sa pagsusuot nito sa paa. Ito ay dahil sa ang tao, kapag nagsuot ng sapatos nang nakatayo samantalang ang sapatos ay nangangailangan ng lakas sa pagsusuot, ay maaaring bumagsak kapag inangat niya ang paa niya para ilapat ang sapatos. Tungkol naman sa mga sapatos na kilala sa ngayon, walang masama na isuot ito ng tao habang siya ay nakatayo. Hindi napaloloob iyon sa pagbabawal dahil ang mga sapatos natin ay madaling hubarin at isuot na hindi na nangangailangang umupo pa. Walang pinagkaiba ang lalaki at babae sa kahatulan dahil ang mga kahatulan ng Batas ng Islam ay hindi nagtatangi sa pagitan ng lalaki at babae malibang may napatunayang isang patunay kaugnay sa pagtatangi. Ang pagtatangi ng hadith dito sa lalaki ay dahil sa ang mga lalaki ay ang higit na madalas lumabas at lumantad kaysa sa mga babae. Dahil doon, itinangi sila sa pagbanggit. Sharḥ Riyāḍ aṣ-Ṣāliḥīn ni Ibnu `Uthaymīn, 6/388.
Ayon kay Jābir, malugod si Allah sa kanya: Ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay pumasok kay Umm As-Sā’ib o Umm Al-Musayyib at nagsabi: "Ano ang nangyayari sa iyo, o Umm As-Sā’ib - o Umm Al-Musayyib - nangangatal ka?" Nagsabi ito: "Ang lagnat; huwag nawa pagpalain ni Allah ito!" Kaya nagsabi siya: "Huwag mong alipustain ang lagnat sapagkat tunay na ito ay nag-aalis ng mga kasalanan ng mga anak ni Adan gaya ng pag-aalis ng bulusan ng dumi ng bakal."
Nagsalaysay nito si Imām MuslimNagpapabatid si Jābir, malugod si Allah sa kanya, sa ḥadīth na ito na ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay pumasok kay Umm As-Sā’ib habang ito ay nanginginig. Tinanong niya ito hinggil sa dahilan niyon at nagsabi naman ito: "Ang lagnat". Nangangahulugan ito na ang dahilan niyon ay ang dumapo sa kanya na lagnat. Ang lagnat ay init na dumadapo sa katawan. Ito ay isa sa mga uri ng mga sakit. Ang mga ito ay sari-saring uri. Ang "huwag nawa pagpalain ni Allah ito!" Ito ay panalangin laban sa dumapo sa kanya na sakit na lagnat kaya nagsabi siya: "Huwag mong alipustain ang lagnat". Nangangahulugan ito na ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay nagbawal sa atin sa pag-alipusta sa lagnat dahil ito ay kabilang sa mga gawa ni Allah, pagkataas-taas Niya. Ang bawat bagay ay kabilang sa mga gawa ni Allah sapagkat tunay na hindi ipinahihintulot sa tao na alipustain ito dahil ang pag-alipusta rito ay isang pag-alipusta sa Tagapaglikha nito, kapita-pitagan Siya at kataas-taasan. Dahil dito nagsabi ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: "Huwag ninyong alipustain ang panahon sapagkat tunay na si Allah ay ang panahon." Tungkulin ng tao, kapag dinapuan siya ng sakit, na magtiis at umasa ng kabayaran kay Allah, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan. Ang "sapagkat tunay na ito ay nag-aalis ng mga kasalanan ng mga anak ni Adan gaya ng pag-aalis ng bulusan ng dumi ng bakal." Ang kahulugan ay na ang sakit na lagnat ay isang dahilan sa pagtatakip-sala ng mga masagwang gawa at pag-aangat ng mga antas gaya ng bakal, kapag isinalang sa apoy, ay naaalis ang dumi nito at masamang bahagi nito at nagiging dalisay. Gayon ang ginagawa ng lagnat, tunay na ito ay nag-aalis ng mga pagkakasalang maliliit ng mga anak ni Adan upang manumbalik na malinis at dalisay mula sa mga pagkakasala. Sharḥ Riyāḍ Aṣ-Ṣāliḥīn ni Ibnu `Uthaymin 6/47.
Ayon kay Ayon kay Jābir bin `Abdillāh, malugod si Allah sa kanilang dalawa: Ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay nag-utos na dilaan ang mga daliri at ang plato at nagsabi siya: "Tunay na kayo ay hindi nakaaalam kung nasa aling bahagi nito ang biyaya." Sa isang sanaysay: "Kapag bumagsak ang sansubo ng isa sa inyo, kunin niya ito, alisin niya ang anumang duming narito, kainin niya ito, at huwag niyang iwan ito sa demonyo. Huwag niyang punasan ang kamay niya ng pamunas hanggang sa nadilaan niya ang mga daliri niya sapagkat tunay na siya ay hindi nakaaalam kung nasa aling bahagi ng pagkain niya ang biyaya." Sa isa pang sanaysay: "Tunay na ang demonyo ay pumupunta sa isa sa inyo sa sandali ng bawat anuman sa kalagayan niya hanggang sa pinapuntahan pa siya nito sa pagkain niya kaya kapag bumagsak ang sansubo ng isa sa inyo, kunin niya ito, alisin niya ang anumang duming narito, kainin niya ito, at huwag niyang iwan it sa demonyo."
Nagsalaysay nito si Imām MuslimNagparating si Jābir bin `Abdillāh, malugod si Allah sa kanilang dalawa, buhat sa Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ng mga magandang kaugalian sa pagkain. Kabilang sa mga ito na kapag ang tao ay natapos sa pagkain, didilaan niya ang mga daliri niya at didilaan niya ang plato. Nangangahulugan ito na sasaidin ito hanggang sa walang matira rito na bakas ng pagkain sapagkat kayo ay hindi nakaaalam kung nasaan sa pagkain ninyo ang biyaya. Gayon din, kabilang sa mga magandang kaasalan sa pagkain na ang tao, kapag bumagsak ang sansubo niya sa lapag, ay hindi mag-iiwan nito. Ang demonyo ay pumupunta sa tao sa lahat ng mga kalagayan niya at kinukuha nito ang pagkaing bumagsak ngunit hindi nito kinukuha iyon samantalang tayo ay nakatingin dahil ito ay isang pangyayaring nakalingid sa pandama natin na hindi natin nasasaksihan. Subalit tayo ay nakaaalam niyon dahil sa ulat ng Propetang nagsasabi ng totoo at pinatotohanan, sumakanya ang pagpapala at ang pangangalaga, na kinukuha ito ng demonyo at kinakain ito, kahit pa man nanatili ito sa harap natin sa pisikal na kalagayan ngunit kinakain naman nito iyon sa espirituwal na kalagayan. Ito ay kabilang sa mga espirituwal na kalagayan na kinakailangang paniwalaan natin.
Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allāh sa kanya, ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay dumating kay Sa`d bin `Ubādah, malugod si Allāh sa kanya, at naghain ito ng tinapay at langis at kumain. Pagkatapos ay nagsabi ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Afṭara `indakumu ṣṣā'imūna wa akala ta`āmakumu -l'abrāra wa ṣallat `alaykumu -lmalā'ikah. (Nagsagawa ng ifṭār sa piling ninyo ang mga nag-aayuno, kumain ng pagkain ninyo ang mga nagpapakabuti, at dumalangin para sa inyo ang mga anghel.)"
Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad - Nagsalaysay nito si Imām Ad-DārimīyAyon kay Anas bin Mālik, malugod si Allṣh sa kanya, ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay dumating kay Sa`d bin `Ubādah, ang pinuno ng liping Khazraj. Ang sabi niyang: "at naghain ito ng tinapay at langis" ay nagsasaad ng paghahain ng anumang madali at hindi ito sumasalungat sa pagkamapagbigay. Ang "at kumain" ay nangangahulugang ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan. Ang "Pagkatapos ay nagsabi ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan" ay nangangahulugang matapos kumain. Ang sabi niyang: "Nagsagawa ng ifṭār sa piling ninyo ang mga nag-aayuno" ay nangangahulugang: Gantimpalaan nawa kayo ni Allāh ng gantimpala ng sinumang nagkaloob ng ifṭār sa isang nag-aayuno. Ang pangungusap ay may kahulugang panalangin. Ang sabi niyang: "kumain ng pagkain ninyo ang mga nagpapakabuti" ay tumutukoy sa nangingilag magkakasala. Ang sabi niyang: "at dumalangin para sa inyo ang mga anghel" ay nangangahulugang: Humingi sila ng tawad kay Allāh para sa inyo. Tingnan: Dalīl Al-Fāliḥīn, 7/75-76.