





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya: "Kapag namatayan ang isa sa mga Muslim ng tatlo sa mga anak, hindi siya sasalingin ng apoy [ng Impiyerno] maliban sa pagpapatupad sa sinumpaan."
Napagkaisahan ang katumpakanAng sinumang namatayan ng tatlo sa mga anak, mga lalaki man o mga babae o kabilang sa mga lalaki at mga babae, tunay na si Allah, pagkataas-taas Niya, ay magkakait sa katawan niya sa Apoy sa kundsiyong kapag nagtiis siya, umasang gagantimpalaan siya, at nalugod sa pagtatadhana ni Allah, pagkataas-taas Niya, at pagtatakda Niya, maliban sa yugto ng pagpapatupad ni Allah sa panunumpa Niya. Ito ay ang sabi Niya, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan: "Wala sa inyo na hindi tatawid doon. Ito sa Panginoon mo ay isang kahatulang ipinasya." (Qur'an M:71)
Ayon kay Anas, malugod si Allah sa kanya: "Sinumang Muslim na namatayan ng tatlong anak na hindi pa tumuntong sa ganap na gulang, papapasukin ito ni Allah sa Paraiso dahil sa kalamangan ng awa Niya sa kanila."
Isinaysay ito ni Imām Al-BukhārīyKapag namatayan ang isa sa mga Muslim ng tatlong batang anak na lalaki o babae na hindi pa lumalampas sa edad ng karampatang gulang, iyon ay magiging isang dahilan ng pagpasok niya sa Paraiso.
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya, ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay nagsabi: "Kapag nagsabi ang isang lalaki na nasawi ang mga tao,siya ay higit na [naging] sawi sa kanila))
Nagsalaysay nito si Imām Muslim"Kapag nagsabi ang isang lalaki : Nasawi ang mga Tao,Ninanais niya rito ang pagmamaliit sa kanila at pagsusuklam sa kanila at pagmamataas sa kanila,dahil sa nakikita niya sa sarili na higit siyang mainam sa kanila,tunay na siya ay magtatamo ng higit na kasawian kaysa sa kanila."At ito ay batay sa salaysay na Arraf`e ( May patinig na O):"Higit na masasawi mula sa kanila" At batay sa salaysay na Annasab ( May patinig na A): " Sinawi niya sila"Ibig sabihin nito:" Siya ang naging dahilan sa pagkasawi nila,sapagkat siniraan niya sila ng loob,[Gumawa siya ng paraan upang mawalan] sila ng pag-asa mula sa mga habag ni Allah,at pinigilan niya sila sa pagbabalik sa kanya sa pamamagitan ng Pagbabalik-loob [pagsisi] ,at itinulak sila sa pagpapatuloy sa anumang naging kalagayan nila mula sa kawalan ng pag-asa hanggang sa nangasawi sila"
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya, ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay nagsabi: "Ang naglalaitan sa sinasabi nila, nasa nagpasimula sa kanilang dalawa [ang kasalanan] hanggang hindi nagmamalabis ang naapi."
Nagsalaysay nito si Imām MuslimAng lahat ng namutawi sa naglalaitan, tunay na ang kasalanan doon ay nasa nagpasimula sa kanilang dalawa dahil siya ang nangangaway sa pamamagitan ng panlalait niya. Ang ikalawa naman ay walang kasalanan dahil siya ay pinahihintulutang tumugon sa nang-api sa kanya. Kung nagmalabis naman ang naapi sa nang-aapi sa pamamagitan ng paglampas sa limitasyong ipinahihintulot, ang kasalanan ng naapi ay higit na marami kaysa sa kasalanan ng nagpasimula.
Ayon kay Ibni Mas-ud malugod si Allah sa kanya,katotohanan dumating sa kanya ang isang lalaki at sinabi sa kanya:Iyan si pulano,pumapatak sa balbas niya ang alak,Nagsabi siya:Katotohanan na ipinagbawal sa atin ang paniniktik,ngunit kapag lumitaw sa atin ang ilan sa mga ito(katibayan),ay paparusahan natin siya dahil dito.
Isinaysay ito ni Imām Abū DāwudKatotohanang si Ibni Mas-ud malugod si Allah sa kanya ay dumating sa kanya ang isang lalaki na naka-inom ng alak at ang pag-aakala sa sitwasyon ay tumutugma doon,at ito ang balbas niya na may patak ng alak,Sinagot niya sila na tayo ay ipinagbawal sa atin sa batas ng Allah ang Paniniktik sa ibang tao; Dahil ang maliwanag sa sitwasyon ng lalaki ay uminom siya ng patago,Ngunit silang mga tao, ay naniktik sa kanya,hanggang sa mailabas nila ito sa ganitong sitwasyon.Ngunit kapag lumitaw sa atin ang ilan dito(katibayan),at naliwanagan,at napatatag sa pamamagitan ng mga saksi ng matutuwid o di kaya`y pag-amin niya sa sarili niya na walang halong paniniktik sa kanya,Katotohanan na tayo`y magsasagawa ng paghatol sa kanya mula sa hatol ni Allah,o pagpaparusa(pagdidisiplina),at sinuman ang matatakpan dahil sa pagtakip ni Allah ay hindi natin siya mapaparusahan.
Ayon kay Abē Hurayrah-malugod si Allāh sa kanya-siya ay nagsabi: Sinabi ng Sugo ni Allāh-pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan-:(( Hindi ipinapahintulot sa isang Muslim na lumikas siya sa kapatid niya nang mahigit sa tatlong araw,ang sinuman ang lumikas ng mahigit sa tatlong araw at siya ay namatay,Siya ay papasok sa Impiyerno))
Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām AḥmadAng kahulugan ng Hadith; Tunay na hindi ipinapahintulot sa isang Muslim na lumikas sa kapatid niyang Muslim na hihigit sa tatlong araw,Kung ang paglikas na ito ay dahil sa kagustuhan ng sarili at pamumuhay sa mundo,Subalit, kung ito ay dahil sa isang layunin para sa Islam, ito ay pinapahintulutan, datapuwat ito ay magiging katungkulan,tulad ng paglikas sa mga taong gumagawa ng Bid'ah,kriminal at may malalaking kasalanan,kapag sila ay hindi nagbalik-loob,At sinuman ang gumawa nito pagkatapos ay namatay na siya ay nagpapatuloy sa mga kasalanan niya at hindi siya nagbalik-loob bago mamatay, Siya ay papasok sa Impiyerno. At napag-alaman na sinuman ang karapat-dapat sa Impiyerno mula sa mga Muslim,Dahil sa kasalanan nagawa niya na hindi pinatawad ni Allāh sa kanya,tunay na kapag siya ay napasok rito, nararapat na siya ay makakalabas rin dito.At hindi siya mananatili sa Impiyerno ng magpakailanman, maliban sa mga hindi mananampalataya, na silang mananahanan rito.at wala ng ibang paraan na makalabas sila mula rito
Ayon kay Hishām bin Ḥakīm bin Ḥizām (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Siya ay naparaan sa mga taong kabilang sa mga Nabateyo sa Sirya, na pinatayo nga sa ilalim ng araw. Kaya naman nagsabi siya: "Ano ang pumapatungkol sa kanila?" Nagsabi sila: "Ikinulong sila dahil sa jizyah." Kaya nagsabi si Ḥakīm: "Sumasaksi ako, talagang nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: Tunay na si Allāh ay magdudulot ng pagdurusa sa mga nagdudulot ng pagdurusa sa mga tao sa Mundo."}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimNaparaan si Hishām bin Ḥakīm bin Ḥizām (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) sa mga magbubukid kabilang sa mga Nabateyo sa Sirya, na pinatindig nga sa ilalim ng init ng araw. Kaya naman nagtanong siya tungkol sa pumapatungkol sa kanila. Nagpabatid siya na sila ay ginawan ng gayon dahilan sa hindi pagkabayad nila ng jizyah samantalang sila ay nakakakaya naman niyon. Kaya naman nagsabi si Hishām (malugod si Allāh sa kanya): "Sumasaksi ako, talagang nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: Tunay na si Allāh ay magdudulot ng pagdurusa sa mga nagdudulot ng pagdurusa sa mga tao sa Mundo dala ng kawalang-katarungan, nang walang karapatan.
Ayon kay Ibnu `Umar, malugod si Allah sa kanilang dalawa, na nagsabi: "Ang sinumang namalo ng isang alipin niya dahil sa kasalanang hindi nito ginawa o sinampal ito, tunay ang panakip-sala niya ay palayain ito."
Nagsalaysay nito si Imām MuslimAng sinumang namalo ng isang alipin niya nang walang pagkakasala, magiging karapat-dapat sa kanya ang parusa; at kung hindi gumawa ang alipin ng kasalanang mag-oobliga ng takdang parusa, tunay ang panakip-sala sa pagsuway na iyon ay palayain niya ito.
Ayon kay Abū Ṭalḥah Al-Anṣārīy, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: "Kami noon ay nakaupo sa harapan ng bahay, na nag-uusap doon at dumating ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan. Tumindig siya sa tabi namin at nagsabi: 'Ano ang mayroon kayo at mayroon ang mga pagtitipon sa mga daan? Iwasan ninyo ang mga pagtitipon sa mga daan.' Kaya nagsabi kami: 'Umupo lamang kami nang walang masamang layon. Umupo kami upang magtalakayan at mag-usap.'Nagsabi siya: Kung hindi [maiiwasan], gampanan ninyo ang karapatan ng mga ito: ang pagpapababa ng tingin, ang pagtugon sa pagbati, at ang kagandahan ng pananalita.'"
Nagsalaysay nito si Imām MuslimIpinababatid ni Abū Ṭalḥah Al-Anṣārīy, malugod si Allah sa kanya, na sila noon ay nakaupo sa harapan ng bahay: ang lugar na maluwang sa tabi ng bahay. Nag-uusap sila tungkol sa mga kapakanan nila. Dumating ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, at tumindig sa tabi nila. Nangangahulugan ito na ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ay lumapit sa kanila, tumindig sa kanila, at nagbawal sa kanila sa pag-upo sa mga daan. Nagsabi sila: "O Sugo ni Allah, umupo lamang kami hindi dahil sa isang bagay na may masama ayon sa Batas ng Islam, bagkus ang pag-upo namin dito ay ayon sa isang bagay na ipinahihintulot: kami ay nagtalakayan at nag-uusap hinggil sa mga natatanging usapin namin. Nagsabi siya: "Kung hindi [maiiwasan], gampanan ninyo ang karapatan ng mga ito:" Nangangahulugan ito na kung tatanggi kayong iwan ang mga pagtitipong ito, gampanan ninyo ang karapatan ng mga ito. Sa ibang sanaysay: "Tinanong nila siya kung ano ang karapatan ng daan" at nagsabi siya: "Ang pagpapababa ng tingin, ang pagtugon sa pagbati, at ang kagandahan ng pananalita." Sa isa pang sanaysay: "Ang pagpapababa ng tingin, ang pagpigil sa pamiminsala, ang pagtugon sa pagbati, ang pag-uutos sa nakabubuti, at ang pagsaway sa nakasasama." Ang kahulugan: Kung tatanggi kayo upang magpatuloy sa pag-upo sa mga daanan, tunay na ang isinasatungkulin sa inyo ay gampanan ninyo ang anumang isinatungkulin sa inyo:. Nilinaw niya, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, sa kanila ang dahilan ng pagsaway sa pag-upo sa mga daanan. Iyon ay dahil sa ang tao ay maaaring maharap sa mga tukso sa harap ng mga dalaga at sa pangamba sa anumang nauugnay roon na pagtingin sa kanila at tukso dahil sa kanila. Bahagi ng pagharap sa mga karapatan ni Allah at ng mga Muslim sa anumang hindi nag-oobliga sa tao ay kapag siya ay nasa bahay niya kung nag-iisa siya o nagpapakaabala sa anumang nag-oobliga sa kanya. Sa pagkakita ng nakasasama, kinakailangan sa kanya sa kalagayang ito na ipag-utos ang nakabubuti at sawayin ang nakasasama. Kapag hinayaan niya iyon, naharap nga siya pagsuway kay Allah. Gayon din, siya ay nahaharap sa sinumang napararaan sa kanya at bumabati. Marahil darami iyon sa kanya at hindi niya kakayaning tumugon ng pagbati para sa sinumang naroon at ang pagtugon ay isang tungkulin, kaya naman magkakasala siya. Ang tao ay naaatasang huwag humarap sa mga tukso at huwag obligahin ang sarili niya sa maaaring hindi niya magampanan ang tungkulin niya roon.