





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya: "Hindi nararapat sa isang matapat na siya ay maging palasumpa."
Nagsalaysay nito si Imām MuslimTunay na ang pagpapadalas sa pagsumpa ay sumasalungat sa kalubusan ng antas ng pagkamatapat na kabilang sa pinakamataas sa mga antas na maaaring maabot ng Mananampalataya sa ganang kay Allah, pagkataas-taas Niya.
Ayon kay Samurah bin Jundub,-malugod si Allah sa kanya-((Huwag ninyong isumpa ang bawat isa sa sumpa ni Allah,at sa poot Niya,at sa naglalagablab na apoy Niya))
Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām AḥmadIpinagbawal ng maluwalhating Hadith sa mga mananampalataya,na ipanalangin nila ang bawat isa sa anumang uri ng mga panalanging tulad ng:Sumpa ni Allah at poot ni Allah at sa naglalagablab na apoy,ito ay dahil sa laki ng pagpapahalaga sa mga panalanging ito para kay Allah-pagkataas-taas Niya.Dalil Al-Falihin 57/8
Ayon kay Imraan bin Husain-malugod si Allah sa kanilang dalawa-Nagsabi siya:Habang ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nasa ilang lakad nito,at ang isang babae mula sa Ansar na nasa kamelyo,Nagalit siya rito, at Isinumpa niya ito(kamelyo),Narinig ito ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at nagsabi siya:((Kunin ninyo ang mga gamit rito at pakawalan ninyo ito,sapagkat ito ay isinumpa))Nagsabi si Emran:Para kung nakikita ngayon,na naglalakad ito sa mga tao at walang pumapansin rito kahit na isa."
Nagsalaysay nito si Imām MuslimAyon kay Imraan bin Husain-malugod si Allah sa kanya,Na ang isang babae mula sa Al-Ansar ay nasa kanyang kamelyo,napagod siya rito at nagsawa at sinabi niya:"Isinumpa ka ni Allah",Narinig ito ng Propeta -pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ipinag-utos niya na kunin rito ang mga baon o mga gamit,pagkatapos ay pakawalan,sapagkat ito ay isinumpa.Nagsabi si `Imraan malugod si Allah sa kanya-Katotohanang nakita ko ito,ibig sabihin ay ang kamelyo na naglalakad sa mga tao na walang pumapansin rito,dahil ang Propeta -pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nag-utos na ito ay pakawalan.
Ayon kay Abe Barzah Nadhlah bin Ubayd Al-Aslamie-malugod si Allah sa kanya-Nagsabi siya:Habang ang isang babae ay nasa kamelyo dala nito ang ilan sa mga bagahe ng mga tao,at nakita siya ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at naging makitid para sa kanila ang bundok,nagsabi siya:(Hal)-Solusyunan,O Allah sumpain mo siya.Kaya nagsabi ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan:((Hindi isinasama sa atin ang kamelyo na may sumpa.))
Nagsalaysay nito si Imām MuslimMayroon isang batang babae na nasa murang edad na nasa kamelyo dala nito ang mga bagahe at mga gamit,Kaya nakita siya ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at naging makitid sa mga tao at sa kanila`y ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ang bundok,Ninais niya na pabilisin ang kamelyo,kaya`t nagsabi siya:(Hal)-Solusyunan-ito ay salitang panakot sa kamelyo-upang bumilis paglakbay,pagkatapos ay isinumpa niya ito, Kaya nagsabi ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan:Hindi inilalakbay kasama sa atin ang kamelyo na may sumpa.
Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy, malugod si Allāh sa kanya: Tunay na ang demonyo ay nagsabi: "Sumpa man sa kapangyarihan Mo, o Panginoon ko, hindi ako titigil sa pagliligaw ko sa mga lingkod Mo hanggat nananatili ang mga kaluluwa nila sa mga katawan nila." Nagsabi ang Panginoon: "Sumpa man sa kapangyarihan Ko at kapitaganan Ko, hindi Ako hihinto sa pagpapatawad Ko sa kanila hanggat humihingi sila ng tawad sa Akin."
Isinaysay ito ni Imām AḥmadTunay na ang demonyo ay nagsabi: "Sumpa man sa kapangyarihan Mo, o Panginoon ko, hindi ako titigil sa pagliligaw ko sa mga lingkod Mo hanggat nananatili ang mga kaluluwa nila sa mga katawan nila." Nangangahulugan ito: Sumumpa ang demonyo sa kapangyarihan ni Allah na siya ay hindi hihinto sa pagligaw sa mga tao sa buong buhay nila. "Nagsabi ang Panginoon: Sumpa man sa kapangyarihan Ko at kapitaganan Ko, hindi Ako hihinto sa pagpapatawad Ko sa kanila hanggat humihingi sila ng tawad sa Akin." Nangangahulugan ito: Kaya nagsabi ang Panginoon, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, bilang pagsagot sa kanya: "Sumpa man sa kapangyarihan Ko at kapitaganan Ko, hindi Ako hihinto sa pagpapatawad Ko sa kanila hanggat nanatili silang humihiling mula sa Akin ng kapatawaran sa mga pagkakasala nila."
Ayon kay Ibnu `Umar, malugod si Allah sa kanilang dalawa: "Pangilagan ninyo ang mga panalangin ng naapi sapagkat tunay na ang mga ito ay umaakyat sa langit na para bang ang mga ito ay mga dagitab."
Isinalaysay ito ni Imām Al-ḤākimIwasan ninyo ang pang-aapi at mangamba kayo sa panalangin ng naapi sapagkat tunay na ito ay umaakyat kay Allah sa langit gaya ng mga dagitab. Iwinangis niya ito sa mga dagitab sa bilis ng pag-akyat nito o dahil sa ito ay lumabas mula sa isang pusong nagliliyab sa apoy ng paniniil at pang-aapi at na ito sa panunuot nito sa pagtatakip ay para bang ito ay dagitab sa epekto nito.
Ayon kay Abū Mūsā Al-Ash`arīy, malugod si Allāh sa kanya: "May dalawang harding yari sa pilak ang mga sisidlan ng dalawang ito at ang anumang nasa dalawang ito. May dalawang harding yari sa ginto ang mga sisidlan ng dalawang ito at ang anumang nasa dalawang ito. Walang nasa pagitan ng mga tao at pagtingin nila sa Panginoon nila malibang ang balabal ng kadakilaan sa mukha Niya sa Paraiso ng Eden."
Napagkaisahan ang katumpakanAng ḥadīth ay nagpapahiwatig ng pagkakaiba-iba ng mga kalagayan at mga antas sa Paraiso. Ang ilan doon ay higit na mataas kaysa sa ilan ayon sa pisikal at espirituwal na kalagayan. Ang pagkakagawa nito ay yari sa ginto at ang mga sisidlan nito ay yari sa ginto samantalang ang iba naman doon, ang pagkakagawa nito ay yari sa pilak at ang mga sisidlan nito ay yari sa pilak. Alam nating ang ginto ay ang pinakamataas sa mga metal at ang pinakamahal sa mga ito para sa mga kinakausap sa Qur'ān sa panahon ng pagbaba nito. Ipinahihintulot ding doon ay may higit na mataas kaysa sa ginto at higit na mahal dahil si Allah, pagkataas-taas Niya, ay nagpabatid na sa loob niyon ay may bagay na wala pang matang nakakita, wala pang taingang nakarinig, at hindi pa sumagi sa isip ng isang tao. Nasaad sa simula ng ilan sa mga sanaysay ng ḥadīth na ito: "Ang mga hardin ng Paraiso ay apat: dalawang yari sa ginto..." Sinabi niya: "Walang nasa pagitan ng mga tao at pagtingin nila sa Panginoon nila malibang ang balabal ng kadakilaan sa mukha Niya sa Paraiso ng Eden." Nasaad dito ang tahasang pagpapahayag sa pagkalapit ng tingin nila sa Panginoon nila. Kaya kapag ninais ni Allah na biyayaan sila at dagdagan sa pagpaparangal sa kanila, iaangat Niya ang balabal ng kadakilaan palayo sa mukha Niya at titingin sila sa Kanya. Ang mga Alagad ng Sunnah ay kumikilala sa balabal ng kadakilaan para kay Allah, pagkataas-taas Niya, at sa pagtingin ng mga Mananampalataya sa Panginoon nila sa Paraiso, nang walang pagpapaliwanag sa kahulugan, ni pagtutulad, at nang walang paglilihis sa kahulugan, ni pag-aalis sa kahulugan, gaya ng pagkilala nila para sa Kanya ng mukhang naaangkop sa pagpipitagan sa Kanya. Hindi ipinahihintulot ang pagbibigay-pakahulugan sa anuman mula roon at pagbaling nito palayo sa tunay na kahulugan nito, gaya ng kapaniwalaan ng Matuwid na Ninuno.
Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Tunay na sa Paraiso ay may isang punong-kahoy na makapaglalakbay ang sumasakay sa kabayong mahusay na mabilis ng isandaang taon nang hindi natatawid ito."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na sa Paraiso ay may isang punong-kahoy na makapaglalakbay ang sumasakay sa kabayong inihanda sa mabilis na karera sa pagtakbo nito ng isandaang taon nang hindi nagwawakas ito sa dulo ng kumikiling mula sa mga sanga nito.
Ayon kay Anas bin Mālik (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Tunay na sa Paraiso ay talagang may isang tagpuan na pinupuntahan nila tuwing Biyernes. Umiihip ang hangin ng hilaga saka dumadampi ito sa mga mukha nila at mga kasuutan nila saka nadaragdagan sila ng kagandahan at karikitan. Bumabalik sila sa mga mag-anak nila noong nadagdagan sila ng kagandahan at karikitan saka nagsasabi sa kanila ang mga mag-anak nila: Sumpa man kay Allāh, talaga ngang nadagdagan kayo matapos namin ng kagandahan at karikitan! Kaya nagsasabi sila: At kayo, sumpa man kay Allāh, ay talaga ngang nadagdagan matapos namin ng kagandahan at karikitan!"}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimNagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na sa Paraiso ay may isang lugar na pinagtitipunan nila, na wala roong pagtitinda at ni pagbili, na kumukuha sila mula roon ng ninanais nila. Pumupunta sila roon sa sukat na tuwing pitong araw. Umiihip ang hangin ng hilaga saka gumagalaw ito sa mga mukha nila at mga kasuutan nila saka nadaragdagan sila ng kagandahan at karikitan. Bumabalik sila sa mga mag-anak nila noong nadagdagan sila ng kagandahan at karikitan saka nagsasabi sa kanila ang mga mag-anak nila: "Sumpa man kay Allāh, talaga ngang nadagdagan kayo matapos namin ng kagandahan at karikitan!" Kaya nagsasabi sila: "Sumpa man kay Allāh, talaga ngang nadagdagan kayo matapos namin ng kagandahan at karikitan!"