





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay `Abdullāh bin `Amr bin Al-`Āṣṣ, malugod si Allah sa kanilang dalawa, na nagsabi: Narinig ko ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na nagsasabi: "Tunay na si Allah ay hindi kumukuha ng kaalaman sa paraang hinahablot Niya ito mula sa mga tao, subalit kinukuha Niya ang kaalaman sa pamamagitan ng pagkuha sa mga maalam hanggang sa kapag wala na Siyang itinirang isang maalam ay gagawin niya ang mga tao bilang mga pinunong mangmang. Tatanungin sila at maghuhusga sila nang walang kaalaman kaya naman naligaw sila at nanligaw sila."
Napagkaisahan ang katumpakanAyon kay `Abdullāh bin `Amr, malugod si Allah sa kanilang dalawa, na nagsabi: Nagsabi ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: "Tunay na si Allah ay hindi kumukuha ng kaalaman." Ang tinutukoy rito ay ang Qur'an at ang Sunnah at ang anumang nauugnay sa dalawang ito. Ang "sa paraang hinahablot Niya ito mula sa mga tao," ay nangangahulugang hindi Niya kinukuha ang kaalaman mula sa mga tao sa pamamagitan ng pag-aangat nito mula sa gitna nila papuntang langit "subalit kinukuha niya ang kaalaman" o inaalis ito "sa pamamagitan ng pagkuha sa mga maalam," sa pamamagitan ng pagkuhaa sa kaluluwa nila. Ang "gagawin Niya ang mga tao bilang mga pinunong mangmang" ay nangangahulugang bilang khalīfah, hukom, sanggunian, imām,at shaykh. Ang "Tatanungin sila at maghuhusga sila" ay nangangahulugang sasagot sila at hahatol sila. Ang "nang walang kaalaman kaya naman naligaw sila" ay nangangahulugang sila ay magiging mga naliligaw. Ang "at nanligaw sila" ay nangangahulugang sila ay mga nagliligaw sa ibang mga tao kaya naman lalaganap ang kamangmangan sa Mundo. Sa ḥadīth na ito ay may pahiwatig na ang kaalaman ay aalisin at walang matitira sa lupa na isang maalam na papatnubay sa mga tao sa Relihiyon ni Allah kaya naman guguho ang kalipunang Islam at maliligaw matapos niyon. Tingnan: Mirqāh Al-Mafātīḥ 460/1 at Ṣarḥ Riyāḍ Aṣ-Ṣāliḥīn 452/5.
Ayon kay Zayd, taga-pagtanggol ng Sugo ng Allah -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-siya ay nagsabi: Nagsabi ang Sugo ng Allah -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-(( Sinuman ang magsabi ng :Ako ay humuhingi ng Kapatawaran sa Allah,Na Wala ng ibang Diyos na karapat-dapat pag-ukulan ng pagsamba maliban sa Kanya,Ang may Walang-hanggang buhay,Ang may Walang hanggang Kapangyarihan,At nagbabalik-loob ako sa Kanya)) Patatawarin ang mga kasalanan niya,;Kahit pa siya ay tumalikod [ sa oras ng pakikibaka sa landas ni Allah] sa Hukbong sandatahan [ng kalaban].))
Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām Abū DāwudSinuman ang magsabi ng :Ako ay humuhingi ng Kapatawaran sa Allah,Na Wala ng ibang Diyos na karapat-dapat pag-ukulan ng pagsamba maliban sa Kanya,Ang may Walang-hanggang buhay,Ang may Walang hanggang Kapangyarihan,At nagbabalik-loob ako sa Kanya)) Patatawarin sa kanya ang mga kasalanan niya,;Kahit pa siya ay tumalikod [sa oras ng pakikibaka sa landas ni Allah] sa mga Hindi mananampalataya.At kabilang sa napag-alaman na ang pagtalikod sa Hukbong Sandatahan ng kalaban ay isa sa mga Pitong malalaking kasalanan batay sa naisalaysay sa Hadith: ((Layuan ninyo ang Pitong malalaking kasalanan;at kabilang dito: Ang Pagtalikod [sa oras ng pakikibaka sa landas ni Allah] sa Hukbong sandatahan ng kalaban))At ang magiging kahulugan nito ay ang pagiging Matuwid [ sa landas ni Allah] Kapag ang tinutukoy nito ,na siya ay katotohanang nagbalik-loob sa Allah sa lahat ng kanyang kasalanan;kabilang rito ang:Pagtalikod [sa oras ng pakikibaka sa landas ni Allah] sa Hukbong sandatahan ng kalaban.Dahil kung ito ay pansamantalang paghihingi lamang ng Kapatawaran at ang Tao ay nananatili parin sa [paggawa] ng kasalanan,ito ay hindi nakakapag-bigay pakinabang.Sapagkat makakapag-bigay pakinabanag lamang ito kung ito ay may kasamanag Pagbabalik-loob sa Allah mula sa mga kasalanan.
Ayon kay Ja`ber-malugod si Allah sa kanya-na nagsabi;Sinabi ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-((Sino ang maghahatid sa akin ng balita ng mga Tao?)) sa Araw ng Ahzab.Nagsabi si Zubayr; Ako,Pagkatapos ay sinabi niya: ((Sino ang maghahatid sa akin ng balita ng mga Tao?))Nagsabi si Zubayr; Ako,Nagsabi ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan;Tunay na sa bawat Propeta ay may taga-pagligtas at ang aking Taga-pagligtas ay si Zubayr))
Napagkaisahan ang katumpakanSa panahon ng paglalaban sa Ahzab at dumating ang mga Quraysh at ang iba pa sa kanila sa Madinah upang makipaglaban sa mga Muslim,At naghukay ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ng Kanal;Nalaman ng mga Muslim a ang mga Tribo ng Quraydhah`mula sa mga Hudyo ay hindi tumupad sa kanilang pangako sa pagitan nila at pagitan ng mga Muslim,At sumang-ayon sila sa mga Quraysh sa pakikipaglaban laban sa mga Muslim,Nagsabi ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Sino ang maghahatid sa akin balita mula sa Tribo ng Quraydhah`? Ang sabi ni Zubair bin Al-Awwa`m;Ako ang maghahatid sa iyo ng balita mula sa kanila.Pagkatapos ay sinabi niya-sumakanya ang pagpapala at pangangalaga ulit;Sino ang maghahatid sa akin balita mula sa Tribo ng Quraydhah`?Ang sabi ni Zubair;Ako.Ang sabi ng propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa oras na iyon;Tunay na sa bawat Propeta ay may taga-pagligtas at ang aking Taga-pagligtas ay si Zubayr.
Mula kay Ja-beer Bin Abdullah -kalugdan nawa siya ng Allah- Marfuw'an: ((Si Zubair ay anak ng aking tiyahin at kaibigan o kasama ko mula sa aking mga tauhan)).
Isinaysay ito ni Imām AḥmadNagsabi ang Propeta -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- na katotohanan si Zubair Bin Al-awwam -kalugdan nawa siya ng Allah- ay anak ng kanyang tiyahin na si Safiyyah Bint Abdilmuttalib -kalugdan nawa siya ng Allah-, at katotohanan na siya ay kaibigan o kasama o taga-pagtanggol Niya.
Ayon kay `Abdullāh bin `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay tumayo matapos na binato si Al-Aslamīy saka nagsabi: "Iwasan ninyo ang kasalaulaang ito na sumaway si Allāh laban dito. Kaya ang sinumang nakagawa nito ay magpatakip siya ng pagtatakip ni Allāh at magbalik-loob siya kay Allāh sapagkat tunay na ang sinumang naglantad sa atin ng pagkasalarin niya, magpapatupad tayo sa kanya ng Aklat ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan)."}
Nagsalaysay nito sina Imām Al-Ḥākim at Imām Al-BayhaqīyNagpabatid ang Anak ni `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay tumayo, matapos na binato si Mā`iz bin Mālik Al-Aslamīy (malugod si Allāh sa kanya) dahil sa takdang parusa sa pangangalunya, saka nagtalumpati sa mga tao at nagsabi: "Iwasan ninyo ang kasalaulaang ito at ang anumang minamarumi at minamasagwa na mga pagsuway, na sumaway si Allāh laban sa mga ito. Ang sinumang nasadlak at nakaranas mula sa mga ito ng anuman ay may kinailangan sa kanya na dalawang bagay: Ang Una. Na magpatakip siya ng sarili yayamang nagtatakip sa kanya si Allāh at huwag siyang magpabatid ng pagsuway niya. Ang Ikalawa. Na magdali-dali siya sa pagbabalik-loob kay Allāh at huwag siyang magpatuloy rito sapagkat ang sinumang lumitaw sa atin ng pagsuway niya, magpapatupad tayo sa kanya ng takdang parusang nabanggit sa Aklat ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) para sa pagsuway na iyon."
Ayon kay Abū Sa`īd (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsagawa ng i`tikāf ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa masjid saka nakarinig siya sa kanila na nagpapalakas ng pagbigkas kaya hinawi niya ang pantakip saka nagsabi: "Pansinin, tunay na ang bawat isa sa inyo ay nakikipagniig sa Panginoon niya. Kaya huwag ngang mamerhuwisyo ang iba sa inyo sa iba at huwag mag-angat ang iba sa inyo higit sa iba sa pagbigkas." o nagsabi siya: "... sa pagdarasal."}
Nagsalaysay nito si Imām Abū DāwudAng Propeta minsan (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nanatili, na nagsasagawa ng i`tikāf sa kubol sa loob ng masjid niya para sa pagpapakalapit-loob kay Allāh. Nakarinig ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa mga Kasamahan niya na nagpapalakas ng pagbigkas ng Qur'ān nang pagpapalakas na matinding napeperhuwisyo dahil dito ang isa't isa sa kanila. Kaya hinawi niya ang pantakip sa kubol, sinisi niya ang gumawa niyon, at pinagsabihan niya ito saka nagsabi: "Tunay na ang lahat sa inyo ay nakikipagniig sa Panginoon ninyo sa pamamagitan ng pagbigkas ng Qur'ān. Kaya huwag ngang mamerhuwisyo ang iba sa inyo sa iba at huwag mag-angat ang iba sa inyo ng tinig niya higit sa iba sa pagbigkas o sa pagdarasal."
Ayon sa Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Magsuot kayo mula sa mga puting kasuutan ninyo sapagkat tunay na ang mga ito ay kabilang sa pinakamabuti sa mga kasuutan ninyo. Magbalot kayo sa mga ito ng mga patay ninyo."}
Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, at Imām Ibnu MājahGumagabay ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa mga lalaki ng pagsusuot ng mga kasuutan na may kulay puti at pagbabalot sa mga patay sa mga ito sapagkat tunay na ang mga ito ay kabilang sa pinakamabuti sa mga kasuutan.
Ayon kay Jābir bin `Abdullāh (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Kami minsan ay nasa isang paglusob saka namalo ang isang lalaking kabilang sa mga Tagalikas (Muhajirun) ng isang lalaking kabilang sa mga Tagaadya (Ansari). Kaya nagsabi ang Tagaadya: "O saklolo mga Tagaadya." Nagsabi naman ang Tagalikas: "O saklolo mga Tagalikas." Kaya nagparinig nito si Allāh sa Sugo Niya (basbasan Niya ito at pangalagaan). Nagsabi siya: "Ano ito?" Kaya nagsabi sila: "Namalo po ang isang lalaking kabilang sa mga Tagalikas ng isang lalaking kabilang sa mga Tagaadya. Kaya nagsabi ang Tagaadya: O saklolo mga Tagaadya. Nagsabi naman ang Tagalikas: O saklolo mga Tagalikas." Kaya nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Mag-iwan kayo niyan sapagkat tunay na iyan ay nakasusulasok."} Nagsabi pa si Jābir: {Ang mga Tagaadya noon nang dumating ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay higit na marami. Pagkatapos dumami ang mga Tagalikas matapos niyan. Nagsabi naman si `Abdullāh bin Ubayy: "At ginawa nga ba nila? Sumpa man kay Allāh, talagang kung nakabalik tayo sa Madīnah ay talaga ngang magpapalisan ang pinakamakapangyarihan mula roon sa pinakakaaba-kaaba." Kaya nagsabi si `Umar bin Al-Khaṭṭāb (malugod si Allāh sa kanya): "Hayaan mo ako, O Sugo ni Allāh, na tumaga sa leeg ng mapagpaimbabaw na ito." Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hayaan siya. Hindi magsasalita ang mga tao na si Muḥammad ay pumapatay ng mga Kasamahan niya."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoAng Propeta minsan (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay naglalakbay sa isang paglusob habang kasama niya ang mga Kasamahan kabilang sa mga Tagalikas at mga Tagaadya (malugod si Allāh sa kanila). Namalo ang isang lalaking kabilang sa mga Tagalikas ng pigi ng isang lalaking kabilang sa mga Tagaadya sa pamamagitang ng kamay niyon. Kaya nagsabi ang Tagaadya: "Saklolohan ninyo ako, O mga Tagaadya." Nagsabi naman ang Tagalikas: "Saklolohan ninyo ako, O mga Tagalikas." Kaya nagparinig nito si Allāh sa Sugo Niya (basbasan Niya ito at pangalagaan). Nagsabi siya: "Ano ito?" Kaya nagsabi sila: "Namalo po ang isang lalaking kabilang sa mga Tagalikas ng pigi ng isang lalaking kabilang sa mga Tagaadya. Kaya nagsabi ang Tagaadya: Saklolohan ninyo ako, O mga Tagaadya. Nagsabi naman ang Tagalikas: Saklolohan ninyo ako, O mga Tagalikas." Kaya nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Mag-iwan kayo ng nakahiratiang pangkamangmangang iyan sapagkat tunay na iyan ay pangit na kasuklam-suklam na nakapeperhuwisyo." [Ang nakahiratiang] iyan ay na ang lalaki, kapag nadaig ng kahidwaan niya, ay nanawagan sa mga kalipi niya saka nagdadali-dali naman sila sa pag-adya sa kanya – nang-aapi man siya o naaapi, dala ng isang kamangmangan mula sa kanila at tribalismo. Nagsabi pa si Jābir: "Ang mga Tagaadya noon nang dumating ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Madīnah bilang isang tagalikas ay higit na marami. Pagkatapos dumami ang mga Tagalikas matapos niyan. Nagsabi naman si `Abdullāh bin Ubayy bin Salūl: "At umabot nga ba ang usapin sa puntong ito? Sumpa man kay Allāh, talagang kung nakabalik tayo sa Madīnah ay talaga ngang magpapalisan ang mga pinakamakapangyarihan," tumutukoy siya sa sarili niya at sinumang kasama sa kanya, "mula sa Madīnah sa mga pinakakaaba-kaaba," tumutukoy siya sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at sinumang kasama sa kanya. Kaya nagsabi si `Umar bin Al-Khaṭṭāb (malugod si Allāh sa kanya): "Hayaan mo ako, O Sugo ni Allāh, na tumaga sa leeg ng mapagpaimbabaw na ito." Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hayaan mo siya. Hindi magsasalita ang mga tao na si Muḥammad ay pumapatay ng mga tagasunod niya, kahit pa man sa panlabas."
Ayon kay `Abdullāh bin Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Natulog ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa isang banig saka bumangon siya at nagpabakas nga ito sa gilid niya kaya nagsabi kami: "O Sugo ni Allāh, kung gumawa kaya kami para sa iyo ng isang kutson." Kaya nagsabi siya: "Ano ang mayroon sa akin at mayroon sa Mundo? Walang iba ako sa Mundo kundi gaya ng isang pasaherong nagpalilim sa ilalim ng isang punong-kahoy pagkatapos umalis at nag-iwan niyon."}
Nagsalaysay nito sina Imām At-Tirmidhīy at Imām Ibnu MājahBumanggit si `Abdullāh bin Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya) na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay natulog sa isang maliit na higaang nilala yari sa isa sa mga halaman, saka bumangon siya at nagpabakas nga ito sa gilid niya kaya nagsabi kami: "O Sugo ni Allāh, kung gumawa kaya kami para sa iyo ng isang higaang malambot, talaga sanang ito ay naging higit na maganda kaysa sa paghiga mo sa magaspang na banig na ito." Kaya nagsabi siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Wala akong pag-ibig at pagkagiliw sa Mundo nang sa gayon maghangad ako nito sapagkat walang iba ang paghahalintulad sa akin at pamamalagi sa Mundo kundi gaya ng isang pasaherong nagpalilim sa ilalim ng isang punong-kahoy pagkatapos umalis at nag-iwan niyon."