





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay Salmān Al-Fārisīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "May tatlong hindi kakausap sa kanila si Allāh sa Araw ng Pagbangon, hindi Siya magpapabusilak sa kanila, at ukol sa kanila ay isang masakit na pagdurusa: isang ubaning nangangalunya, isang naghihikahos na nagmamalaki, at isang lalaking gumawa kay Allāh bilang paninda niya sapagkat hindi siya bumibili malibang may panunumpa niya at hindi siya nagtitinda malibang may panunumpa niya."}
Nagsalaysay nito si Imām Aṭ-ṬabrānīyNagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa tatlong uri ng mga tao, na mga karapat-dapat sa parusa ni Allāh sa Araw ng Pagbangon sa pamamagitan ng tatlong kaparusahan, kung hindi sila nagbalik-loob o hindi napatawad para sa kanila ang parusa: Ang Una: Hindi kakausap sa kanila si Allāh sa Araw ng Pagbangon dahil sa tindi ng galit Niya, bagkus aayaw Siya sa kanila o kakausap Siya sa kanila sa isang usapang hindi magpapagalak sa kanila at magpapatunay sa pagkainis Niya sa kanila. Ang Ikalawa: Hindi Siya magpapabusilak sa kanila at hindi Siya magdadalisay sa kanila mula sa mga pagkakasala. Ang Ikatlo: Ukol sa kanila ay isang nakasasakit na matinding pagdurusa sa Kabilang-buhay. Ang mga uring ito ay ang sumusunod: Ang Unang Uri: matandang lalaki na nasasadlak sa kahalayan ng pangangalunya. Ang Ikalawang Uri: Ang maralitang walang yaman at sa kabila niyon siya ay nagpapakamalaki sa mga tao. Ang Ikatlong Uri: Ang sinumang nagpapakarami sa panunumpa kay Allāh sa pagtitinda at pagbili kaya nakahahamak sa ngalan ni Allāh at gumagawa rito bilang isang kaparaanan sa pagkita ng salapi.
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya: "Kapag naglakbay kayo sa matabang lupain, ibigay ninyo sa mga kamelyo ang bahagi ng mga ito sa lupa. Kapag naglakbay kayo sa payat na lupa, paspasan ninyo para sa mga ito ang paglalakbay at pabilisin ninyo ang mga ito sa patutunguhan bago mapagod ang mga ito. Kapag nagkampo, iwasan ninyo ang daan sapagkat ito ay mga daanan ng mga hayop at tuluyan ng mga kulisap sa gabi."
Nagsalaysay nito si Imām MuslimNasaad sa ḥadīth ang pagsasaalang-alang sa mga kapakanan ng tao at mga hayop yamang ginabayan ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ang mga manlalakbay sa mga kaasalang ito. Inatasan ang manlalakbay, kapag naglakbay sakay ng sasakyang hayop tulad ng mga kamelyo o mga asno o mga mola o mga kabayo, na kailangan niyang isaalang-alang ang kapakanan ng mga ito sa pagpapastol at paglakad dahil siya ay mananagot dahil sa mga ito. Kapag naglakbay sa mga araw ng pananagana ng tanim at kumpay, kailangan niyang maghinay-hinay at hindi magmadali sa paglalakbay hanggang sa maibigay sa mga hayop ang karapatan ng mga ito sa pagpapastol. Kapag naman naglakbay sa mga araw ng kasalatan ng tanim at kumpay,kailangan niyang magmadali sa abot ng kakayahan ng hayop nang sa gayon ay hindi mabigatan ang hayop at mapagod ito. Gayon din, inutusan ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ang manlalakbay na kapag nanuluyan siya sa gabi upang magpahinga at matulog, hindi niya gagawin iyon sa daan dahil ito ay mga daanan ng mga hayop ng mga manlalakbay na pabalik-balik doon. Hindi niya pagkakaitan ang mga ito ng mga daanan ng mga ito at magdahilan para sa mga ito ng kapinsalaan. Gayon din, dahil sa ito ay tuluyan ng mga kulisap at mga hayop ng lupa na mga may kamandag at mga mabangis na hayop, na naglalakad sa gabi sa mga daanan dahil sa kadalian ng pagdaan dito at dahil sa ang mga iyon ay nakapupulot mula sa mga ito ng nalalaglag na pagkain at tulad nito.
Ayon kay Anas, malugod si Allah sa kanya: "Manatili kayo sa paglalakbay sa gabi sapagkat tunay na ang daigdig ay tinutupi sa gabi."
Isinaysay ito ni Imām Abū DāwudGinagabayan ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ang Kalipunan niya na maglakbay sa gabi. Ipinabatid niya na ang lupa ay tinutupi para sa manlalakbay kapag naglakbay siya sa gabi kaya naman malalakbay niya sa gabi ang hindi niya malalakbay sa araw dahil ang hayop sa gabi ay higit na malakas sa paglalakad. Kapag nakabawi na ito ng lakas niya at nakapagpahinga sa araw ay mag-iibayo ang paglalakad nito. Gayon din ang tao, sa gabi ay magiging higit na may kakayahan sa paglalakad dahil sa kawalan ng init. Gayon din kaugnay sa mga kotse, gagaan ang init sa mga ito sa gabi.
Ayon kay Abū Qatādah Al-Anṣārīy, malugod si Allah sa kanya: "Ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, kapag siya noon ay nasa isang paglalakbay at namahinga sa gabi, ay humihiga sa kanang tagiliran niya. Kapag namahinga siya bago magmadaling-araw, itinutukod niya ang braso niya at inilalagay niya ang ulo niya sa palad niya."
Nagsalaysay nito si Imām MuslimBahagi ng patnubay niya, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, noon ay na kapag nanuluyan siya sa unang bahagi ng gabi upang matulog at magpahinga ay inilalagay niya ang tagiliran niya sa lapag sa kanang bahagi niya. Kapag nanuluyan naman siya kapag malapit nang sumapit ang madaling-araw, sumasandig siya at itinurukod ang kamay niya at sumasandig dito dahil siya, kapag nasa unang bahagi ng gabi, ay natutulog sa kanang tagiliran upang maibigay sa sarili ang bahagi nito sa tulog. Kapag naman malapit nang magdaling-araw, itinurukod niya ang kamay niya, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, at natutulog doon upang hindi lumalim ang tulog at makakaligtaan niya ang dasal sa madaling-araw.
Ayon kay Jābir bin `Abdillāh, malugod si Allah sa kanilang dalawa: "Ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay nagpapahuli sa paglalakbay at nag-aakay ng mahina, nag-aangkas, at dumadalangin para rito."
Isinaysay ito ni Imām Abū DāwudAng kahulugan: Na ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay nasa hulihan noon ng mga tao sa paglalakbay upang makita niya ang kalagayan ng mga tao at mga nangangailangan upang tulungan sa paglalakbay, gaya ng mahina ang pangangatawan at isang walang hayop na masasakyan. Inaakay niya ang mahina, kinakarga sa likod niya, at dumadalangin para rito.
Ayon kay Jābir bin`Abdillāh, malugod si Allāh sa kanya, ayon sa Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: Siya ay nagnais na sumalakay kaya nagsabi siya: "O pangkat ng mga lumikas at mga dumamay, tunay na kabilang sa mga kapatid ninyo ay mga taong walang ari-arian at walang lipi kaya magsama ang isa sa inyo sa kanya ng dalawang lalaki o tatlo sapagkat hindi nagtataglay ang [bawat] isa sa atin ng sasakyang magdadala sa kanya malibang salitan gaya ng salitan." Tinutukoy niya ang [salitan ng bawat] isa sa kanila. Nagsabi ako: "Kaya nagsama ako sa akin ng dalawa o tatlo; wala akong [magagawa] malibang salitang gaya ng salitan ng [bawat] isa sa kanila sa kamelyo ko."
Isinaysay ito ni Imām Abū DāwudAng kahulugan ay na ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nag-utos sa mga Kasamahan niya, malugod si Allāh sa kanila, na maghalilihan ang dalawang lalaki o ang tatlo sa pagsakay sa isang kamelyo nang sa gayon ang mga tao ay maging pantay lahat.
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya: "Kapag hihiga ang isa sa inyo sa higaan niya, pagpagin niya ang higaan niya ng laylayang panloob ng tapis niya sapagkat tunay na siya ay hindi nakaaalam kung ano ang pumalit sa kanya sa ibabaw nito. Pagkatapos ay magsabi siya: Bi-smika rabbī waḍa`tu jambī wa bika arfa`uhu in amsakta nafsī fa-rḥamhā wa in arsaltahā fa-ḥfađhā bimā taḥfađu bihi `ibādaka -ṣṣāliḥīn (Sa ngalan mo, Panginoon ko, inilalapag ko ang tagiliran ko. Kung pipigilin Mo ang kaluluwa ko ay kaawaan Mo ito. Kung palalayain Mo ito ay pangalagaan Mo ito ng ipinangangalaga Mo sa mga lingkod Mong matutuwid)."
Napagkaisahan ang katumpakanUmiikot ang kahulugan ng ḥadīth na ito sa paglilinaw ng mga dhikr. Ito ay ang sandaling isinusuko ng tao ang kaluluwa niya sa Panginoon niya, sa sandaling hindi siya nagtataglay ng kakayahan ni lakas. Iniiwan niya ito sa kamay ng Tagapaglikha nito upang ingatan ito at ibalik ito, kalakip ng kalubusan ng pagpapaubaya sa Kanya, pagkataas-taas Niya. Nagsabi ang mga may kaalaman: Ang kasanhian ng pagsambit ng dhikr at panalangin sa sandali ng pagtulog at pagkagising ay upang ang wakas ng mga gawa niya ay maging ayon sa pagtalima at ang una sa mga gawa niya ay maging ayon sa pagtalima. Sa pinagpalang ḥadīth na ito, nililinaw sa atin ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ang sunnah para sa tao na gawin at sabihin sa pagtulog. Ginabayan tayo ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sa bahaging panggawain. Sinabi niya: "Kapag hihiga ang isa sa inyo sa higaan niya, pagpagin niya..." Ito ay dahil sa ang mga Arabe noon ay nag-iiwan ng higaan nang hindi naliligpit kaya marahil papasukin ang higaan, matapos lisanin ito ng tao, ng ilan sa mga insektong nakapipinsala o narumihan ng alikabok o tulad nito. Kaya ipinag-utos ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ang pagpapagpag sa higaan bago matulog. Pagkatapos ay nilinaw ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ang kasangkapan ng pagpapagpag at paglilinis. Nagsabi siya: "...pagpagin niya ang higaan niya ng laylayang panloob ng tapis niya." Ang tapis ay ang isinusuot sa ilalim ng katawan. Ang tinutukoy ay ang dulo ng panloob na kasuutan dahil ito ay pinakamadali sa pagpapagpag, at upang hindi masagi ang labas ng tapis ng anumang dumi at tulad nito. Ito rin ay higit na nakatatakip sa kahubaran. Pagkatapos ay nagsabi ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Pagkatapos ay nagsasabi siya: Bi-smika rabbī..." Nangangahulugan itong: Sa ngalan ni Allāh, ang Mataas, ang Dakila, ilalapag ko ang katawan kong namamahinga sa higaan." Ito ay nagpapatunay sa pagtuturing na kaibig-ibig ang pagpapanatili ng tao sa pag-alaala sa Panginoon niya sa bawat sandali. Pagkatapos ay nagsasabi siya: "waḍa`tu jambī wa bika arfa`uhu..." Nangangahulugan itong: Tunay na ako ay naglalapag ng katawang ito at hindi nag-aangat nito malibang isinasabay ang pagsambit sa Iyo. Pagkatapos ay nagsabi siya, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "in amsakta nafsī fa-rḥamhā... (kung pinigilan mo ang kaluluwa ko ay kaawaan Mo ito..." bilang taguri sa kamatayan. Ang sabi niya, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "wa in arsaltahā..." ay bilang taguri sa buhay. Ang sabi niya, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "fa-ḥfađhā bimā taḥfađu bihi `ibādaka -ṣṣāliḥīn" ay nangangahulugang: na pangalagaan Mo ang kaluluwa ko at ang espiritu ko ng ipinangangalaga Mo sa mga lingkod Mo. Ito ay pag-iingat na pangkalahatan laban sa lahat ng mga kasalanan, mga nakapapahamak, at mga kasamaan, gaya ng sabi niya, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Ingatan mo si Allāh, iingatan ka Niya." Ito ay pag-iingat na pangkalahatan mula sa natatanging pag-iingat ni Allāh na inilalaan ni Allāh, pagkataas-taas Niya, sa mga tinangkilik Niya, subalit maaaring makatamo ng isang bahagi mula sa pag-iingat na pangkalahatan.
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya: "Magpakupkop kayo kay Allāh laban sa hirap ng kasawian, sa pagkaabot ng kahapisan, sa kasamaan ng wakas, at sa pagkatuwa ng mga kaaway." Sa isang sanaysay, nagsabi si Sufyān: "Nagdududa ako na ako ay nagdagdag ng isa man mula rito."
Napagkaisahan ang katumpakanAng ḥadīth na ito ay kabilang sa mga masaklaw na pananalita dahil ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagpakupkop laban sa apat na bagay. Kapag naligtas laban sa mga ito ang tao, maliligtas para sa kanya ang pangmundong buhay niya at ang pangkabilang-buhay niya. Ito ang malinaw na pagwawagi at ang dakilang tagumpay. Ang mga masaklaw na pananalita ay ang pagpapaikli ng pagpapahayag ng maraming kahulugan sa kakaunting salita. Ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagpakupkop sa apat na bagay: 1. Laban sa hirap ng kasawian: Ang katindihan at ang hirap ng kasawian sa sandali nito - ang pagpapakupkop ay kay Allāh - ay dahil sa ang kasawian, kapag tumindi, ang tao ay hindi makapagliligtas sa sarili niya laban sa pagkasuya at panghihinawa sa mga itinakda ni Allāh, pagkataas-taas Niya, kaya naman malulugi siya sa Mundo at Kabilang-buhay. 2. Pagkaabot ng kahapisan: Ang paghantong sa kahapisan. Ito ay pangkalahatan. Napabibilang dito ang kahapisan sa Kabilang-buhay bilang pangunahing pagkabilang dahil ito ay ang kahapisang hindi nasusundan ng tuwa, na kasalungatan ng kapahamakan sa mundo sapagkat ang mga araw [sa Mundo] ay papalit-palit: isang araw para sa iyo na ikagagalak mo at isang araw laban sa iyo na ikahahapis mo. 3. Kasamaan ng wakas: Ang anumang itinakda ay nakatakdang mangyari at magaganap sa tao kaugnay sa anumang hindi magpapagalak sa kanya. Ito ay pangkalahatan sa lahat ng mga nauukol sa Mundo gaya ng yaman, anak, kalusugan, maybahay...at mga nauukol sa Kabilang-buhay at Huling Hantungan. Ang kahulugang ng wakas (qaḍā') dito ay ang winakasan (maqḍīy) dahil ang qaḍā' (pagtatadhana) at ang paghahatol ni Allāh ay lahat mabuti batay sa sabi ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Ang kasamaan ay hindi inuugnay sa Iyo." 4. Pagkatuwa ng mga kaaway: Ito ay kabilang sa nadarama ng tao na nakatagpo sa kaaway niya na natutuwa sa kasawian niya. Ang mga kaaway ng Muslim sa katotohanan ay ang mga Kāfir na natutuwa at nagsasaya sa sigalutan, pag-aawayan, at pagkahamak ng mga Muslim. Ang pagkabilang nila sa pagiging kaaway ng Islām sa ḥadīth na ito ay pangunahing pagkabilang. Napabibilang din dito ang kaaway sa Mundo bilang ikalawang pagkabilang subalit ang ambisyon ng tagapag-anyaya ng Islām ay dapat maging mataas kaya naman lalayunin niya ang mga kaaway ng Islām muna at pagkatapos ay ang mga kaaway niya kabilang sa mga Muslim. Hihilingin natin sa kanya na pag-ayusin niya ang mga Muslim.
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: Nagsabi ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: "Ang pagkain ng dalawa ay sasapat sa tatlo. Ang pagkain ng tatlo ay sasapat sa apat." Sa isang sanaysay ni Muslim ayon kay Jābir, malugod si Allah sa kanya, ayon sa Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na nagsabi: "Ang pagkain ng isa ay sumasapat sa dalawa. Ang pagkain ng dalawa ay sumasapat sa apat. Ang pagkain ng apat ay sumasapat sa walo."
Nagsalaysay nito si Imām Muslim - Napagkaisahan ang katumpakanNasaad sa ḥadīth ang pag-uudyok sa pagbibigay ng pagkain. Kung ito ay kakaunti man, magkakaroon ito ng nilalayong kasapatan. Magkakaroon ito ng biyaya na sasaklaw sa mga dumadalo roon. Ito ay isang pag-uudyok mula sa kanya, sumakanya ang pagpapala at ang pangangalaga, sa pagtangkilik sa iba higit sa sarili. Nangangahulugan ito na kung sakaling binigyan ka ng pagkain mo na tinaya mo na ito ay sasapat sa iyo at may dumating na ibang tao, huwag kang magmaramot sa kanya at magsabing: Ito ay pagkain ko lamang. Bagkus bigyan mo siya mula rito nang sa gayon ay maging sapat para sa dalawa.