





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay Abū Kabshah `Amr bin Sa`d Al-Anmārīy, malugod si Allah sa kanya: "May tatlong [kalagayang] sumumpa ako para sa mga ito. Magsasalita ako sa inyo sa isang pagsalita kaya isaulo ninyo ito: Hindi nabawasan ang yaman ng isang tao dahil sa kawanggawa, walang ipinaranas sa isang tao na isang paglabag sa katarungang pinagtiisan niya ito malibang dadagdagan siya ni Allah ng karangalan, walang taong nagbukas ng pinto ng panghihigi malibang magbubukas si Allah sa kanya ng pinto ng karalitaan, o pananalitang tulad nito. Magsasalita ako ng isang pagsasalita kaya isaulo ninyo ito." Nagsabi siya: "Ang mundo ay para sa apat na tao lamang: isang taong tinustusan ni Allah ng yaman at kaalaman at siya ay nangngilag magkasala dahil dito sa Panginoon niya, nakikipag-ugnayan siya dahil dito sa kaanak niya, at kumikilala siya para kay Allah ng karapatan sa kanya kaya ito ay nasa pinakamainam sa mga kalagayan; isang taong tinustusan ni Allah ng kaalaman ngunit hindi siya tinustusan ng yaman at siya ay tapat ang layunin, na nagsasabi: 'Kung sakaling mayroon akong yaman, talagang gumawa na sana ako ng ginawa ni Polano,' at siya ay ayon sa layon niyon kaya ang kabayaran nilang dalawa ay magkapantay; isang taong tinustusan ni Allah ng yaman ngunit hindi siya tinustusan ng kaalaman kaya siya ay nagpadaskul-daskol siya yaman niya nang walang kaalaman: hindi siya nangingilag magkasala sa Panginoon niya, hindi siya nakikipag-ugnayan dahil dito sa kaanak niya, at hindi siya kumikilala para kay Allah ng karapatan sa kanya kaya ito ay nasa pinakamasama sa mga kalagayan; at isang taong hindi tinustusan ni Allah ng yaman ni kaalaman kaya siya ay nagsasabi: 'Kung sakaling mayroon akong yaman, talagang gumawa na sana ako dahil dito ng ginawa ni Polano,' at siya ay ayon sa layon niyon kaya ang pasanin nilang dalawa ay magkapantay."
Isinaysay ito ni At-TirmidhīyMay tatlong katangiang sinumpaan ng Propeta, (s), at nagsalita siya sa kanila ng isang pang pagsasalita. Tungkol sa tatlong katangian, ang mga ito ay ang sumusunod: 1. Hindi nabawasan ang yaman ng tao dahil sa kawanggawa; nangangahulugan ito na hindi nababawasan ang biyaya nito dahil sa pagbibigay ng kawanggawa. 2. Kapag pinaranas ang isang tao ng kawalang katarungan at tiniis niya ito, dadagdagan siya ni Allah dahil doon ng karangalan; nangangahulugan ito ang natamong kawalang katarungan, kahit pa man ito ay naglalaman ng isang uri ng panghahamak, ay pararangalan siya ni Allah dahil doon at hahamakin ang lumalabag sa katarungan. 3. Kapag binuksan ng isang tao para sa sarili niya ang pintuan ng panghihingi sa mga tao, hindi dahil sa isang pangangailangan at isang kagipitan bagkus dahil sa layong magpayaman at madagdagan, pahihirapin siya ni Allah sa pamamagitan ng pagbukas para sa kanya ng pintuan ng iba pang pangangailangan o aalisin sa kanya ang taglay niyang biyaya. Pagkatapos ay binanggit niya na ang mundo ay ukol sa apat na uri at binanggit niya sila.
Ayon kay Zayd bin Arqam (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Hindi ako magsasabi sa inyo kundi gaya ng anumang ang Sugo ni Allāh noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsasabi. Siya noon ay nagsasabi ng: "Allāhumma innī a`ūdhu bika mina -l`ajzi, wa-lkasali, wa-ljubni, wa-lbukhli, wa-lharami, wa `adhābi -lqabr. Allāhumma, ātī nafsī taqwāhā, wa-zakkihā anta khayru man zakkāḥā, anta walīyuhā wa-mawlāhā. Allāhumma, innī a`ūdhu bika min `ilmin lā yanfa`, wa-min qalbin lā yakhsha`, wa-min nafsin lā tashba`, wa-min da`watin lā yustajābu lahā. (O Allāh, tunay na ako ay nagpapakupkop sa Iyo laban sa kawalang-kakayahan, katamaran, karuwagan, karamutan, pag-uulyanin, at pagdurusa sa libingan. O Allāh, magbigay Ka sa sarili ko ng pangingilag magkasala nito at magpabusilak Ka nito: Ikaw ay pinakamabuti sa sinumang nagpabusilak dito; Ikaw ay ang Katangkilik nito at ang Mapagtangkilik dito. O Allāh, tunay na ako ay nagpapakupkop sa Iyo laban sa kaalamang hindi nagpapakinabang, laban sa pusong hindi nagtataimtim, laban sa sariling hindi nabubusog, at laban sa panalanging hindi tinutugon.)"}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimKabilang sa mga panalangin ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "O Allāh, tunay na ako ay nagpapakupkop sa Iyo" at dumudulog sa Iyo "laban sa kawalang-kakayahan," dahil sa pagkawala ng kakayahan sa kaparaanang nakapagpapakinabang, "katamaran," dahil sa pagkawala ng pagkakaroon ng pagnanais sa paggawa sapagkat ang nawalang-kakayahan ay hindi nakakaya ng kaparaanan at ang tamad ay hindi nagnanais nito, "karuwagan," dahil sa pagpipigil sa paglalakas-loob sa nararapat gawin, "karamutan," dahil sa pagkakait ng kinakailangang ipagkaloob, "pag-uulyanin" at katandaan ng edad na nauuwi sa paghina ng katawan, [at pagdurusa sa libingan" at mga kadahilanang humahantong doon. "O Allāh, magbigay Ka sa sarili ko," gumawad Ka rito, at magtuon Ka rito para sa "pangingilag magkasala nito" sa pamamagitan ng paggawa ng pagtalima at pagwaksi ng pagsuway, "at magpabusilak Ka nito" at magdalisay Ka nito mula sa mga bisyo mga kaasalang kahamak-hamak: "Ikaw ay pinakamabuti sa sinumang nagpabusilak nito" at walang tagapagpabusilak nito na isa man bukod sa Iyo; "Ikaw ay ang Katangkilik nito," ang Tagapag-adya nito, ang Tagapag-aruga nito, "at ang Mapagtangkilik dito," ang Tagatangkilik sa mga nauukol dito, ang Panginoon nito, ang Tagapagmay-ari nito, at ang Tagapagbiyaya nito. "O Allāh, tunay na ako ay nagpapakupkop sa Iyo laban sa kaalamang hindi nagpapakinabang," gaya ng astrolohiya, panghuhula, at panggagaway, o anumang hindi magpapakinabang sa Kabilang-buhay, o kaalamang hindi ginagawa," laban sa pusong hindi nagtataimtim" sa Iyo, hindi nagpapakumbaba, hindi natatahimik, at hindi napapanatag sa pagkabanggit sa iyo, "laban sa sariling hindi nabubusog" at hindi nasisiyahan sa ibinigay Mo at itinustos Mo mula sa pinahihintulutang kaaya-aya, "at laban sa panalanging" tinatanggihang "hindi tinutugon."
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya: "Allāhumma innī a`ūdhu bika mina -ljū`i fainnahu bi’sa -ḍḍajī`u wa a`ūdhu bika mina -lkhiyānati fainnahā bi’sati -lbiṭānah (O Allāh, tunay na ako ay nagpapakupkop sa Iyo laban sa gutom sapagkat tunay na ito ay kay saklap na kasiping at nagpapakupkop sa Iyo laban sa kataksilan sapagkat tunay na ito ay kay saklap na kapalagayang-loob)."
Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy - Isinaysay ito ni Imām Abū DāwudNagpakupkop ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, laban sa gutom dahil tunay na ito ay kay saklap na kasama dahil nagkakait ito ng kapahingahan sa kaluluwa at puso, at nagpapakupkop siya laban sa kataksilan sa ipinagkatiwala ng nilikha at Tagapaglikha dahil tunay na ito ay kay saklap na alagad ng tao.
Ayon kay `Alīy (malugod si Allāh sa kanya): {May isang mukātab[6] na dumating sa kanya saka nagsabi ito: "Tunay na ako ay nawalang-kakayahan na sa mukātabah[6] ko kaya tulungan mo ako."} Sinabi: {Hindi ba ako magtuturo sa iyo ng ang mga salita na itinuro sa akin ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), na kung sakaling sa iyo ay may tulad ng bundok ng Ṣīr na pagkakautang, magbabayad nito si Allāh para sa iyo?} Sinabi: {Sabihin mo: "Allāhumma -kfinī bi-ḥalālika `an ḥarāmika, wa-aghninī bi-faḍlika `amman siwāk. (O Allāh, magbigay-kasapatan Ka sa akin sa pamamagitan ng ipinahintulot Mo sa halip ng ipinagbawal Mo at magpayaman Ka sa akin sa pamamagitan ng kabutihang-loob Mo sa halip ng sinumang iba pa sa Iyo.)"}
Nagsalaysay nito si Imām At-TirmidhīyMay dumating sa pinuno ng mga mananampalataya na si `Alīy bin Abī Ṭālib (malugod si Allāh sa kanya) na isang lalaking alipin na ang Pinapanginoon nito ay nakipagkasunduan na rito na bilhin nito ang sarili nito at palalayain niyon ito upang ito ay maging isang malaya. Wala itong salapi kaya nagsabi ito: "Tunay na ako ay nawalang-kakayahan na sa pagbabayad ng kailangan sa akin kaya tulungan mo ako sa pagbayad nito sa pamamagitan ng salapi o pagtuturo at paggabay." Nagsabi naman dito ang pinuno ng mga mananampalataya: "Hindi ba ako magtuturo sa iyo ng mga salita na itinuro sa akin ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), na kung sakaling sa iyo ay may utang na tulad ng isang bundok na ang pangalan ay Ṣīr ng Liping Ṭay', talagang magbabayad nito si Allāh para sa iyo sa karapat-dapat dito at sasagip Siya sa iyo mula sa kahamakan nito?" Nagsabi siya: Sabihin mo: "O Allāh, magbigay-kasapatan Ka sa akin" at magbaling Ka sa akin at magpalayo Ka sa akin "sa pamamagitan ng ipinahintulot Mo" habang nagpapatulong dito "sa halip ng" pagkasadlak sa "ipinagbawal Mo" "at magpayaman Ka sa akin" at magbigay-kasapatan Ka sa akin "sa pamamagitan ng kabutihang-loob Mo" at kagalantehan Mo "sa halip ng sinumang iba pa sa Iyo" mula sa nilikha.
Ayon kay Abē Hurayrah-malugod si Allah sa kanya-Sa Hadith na Marfū-" Habang ang isang ay naglalakad sa (napakaganda nitong) damit,namamangha ito sa sarili niya,nasuklay ang buhok niya,Kaya't pinapangyari ni Allah na lagumin siya (ng lupa), at siya ay malulubog sa ilalim ng lupa hanggang sa Araw ng Pagkabuhay"
Napagkaisahan ang katumpakanIpinapahayag ng Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Na ang isang lalaki ay naglalakad na may pagmamalaki sa kanyang sarili at siya ay nakasuot ng napakagandang damit,at nasuklay ang buhok,kaya`t pinapangyari ni Allah na lagumin siya ng lupa,gumuho sa kanya ang lupa at nilamon siya rito,nailibing siya na siya ay tumatalilis rito hanggang sa Araw ng Pagkabuhay; sapagkat-Ang pagpapakopkop ay sa Allah- nang magkaroon siya nitong pagmamalaki,at itong pagmamataas at itong pagkamangha sa sarili,nilagum siya rito.At ang sinabi nito:"Siya ay malulubog sa ilalim ng lupa" Malamang na siya ay nalulubog na siya ay buhay sa makamundong buhay,at mananatili ito na pinaparusahan hanggang sa Araw ng Pagkabuhay;pinaparusahan siya sa ilalim ng lupa na siya ay may buhay,Pinaparusahan siya tulad ng pagpaparusa mga may Buhay;At malamang ,nang mangyaring siya ay nalibing sa lupa,namatay siya.tulad ng kautusan ni Allah-kamahal-mahalan siya at kapita-pitagan-;Namatay siya ngunit gayunpaman siya nalulubog sa lupa,na siya ay patay na,Ang paglulubog niyang ito ay paglulubog sa pamumuhay ng libingan,Hindi natin nalalaman ang pamamaraan nito.Si Allah ang higit na nakaka-alam.Ang mahalaga ,ito ay kabayaran sa kanya,Ang pagpapakopkop ay sa Allah
Ayon kay Ibn `Abbās, malugod si Allah sa kanilang dalawa-: Tunay na si `Aliy bin Abe Talib-malugod si Allah sa kany-ay lumabas mula sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa sakit nito na ikinamatay niya,Sinabi ng mga tao:O Aba Al-Hasan!,Kumusta ang kalagayan ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan?Nagsabi siya: Siya ay naging maayos na,Ang Papuri ay sa Allah
Isinaysay ito ni Imām Al-BukhārīyAyon kay Ibn `Abbas-malugod si Allah sa kanilang dalawa-Tunay na si `Aliy bin Abe Talib-malugod si Allah sa kanya-ay lumabas mula sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa sakit nito na ikinamatay niya, At si `Aliy bin Abe Talib ay bayaw ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at anak ng tiyuhin niya,Tinanong si `Aliy-malugod si Allah sa kanya-:Kumusta ang kalagayan ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at ito ay pagiging masigasig,pagmamahal at pangangalaga ng mga kasamahan ng Propeta sa Propeta-sumakanya ang pagpapala at pangangalaga,Nagsabi si `Aliy: Siya ay naging maayos na,Ang Papuri ay sa Allah.
Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: Ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagsasabi: "Allāhumma innī a`ūdhu bika mina -l`ajzi wa -lkasli wa -ljubni, wa -lharami, wa -lbukhl; wa a`ūdhu bika min `adhābi -lqabri; wa a`ūdhu bika min fitnati -lmaḥyā wa -lmamāti. (O Allāh, tunay na ako ay nagpapakupkop sa Iyo laban sa kawalang-kakayahan, katamaran, karuwagan, pag-uulyanin, at karamutan; nagpapakupkop sa Iyo laban sa pagdurusa sa libingan at laban sa pagdurusa sa Impiyerno; at nagpapakupkop sa Iyon laban sa tukso ng buhay at kamatayan.)" Sa isang sanaysay: "wa ḍala`i -ddayni wa ghalabati -rrijāl. (bigat ng utang, at panggagapi ng mga tao.)"
Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy - Napagkaisahan ang katumpakanAng ḥadīth na ito ay mga masaklaw na mga pananalita. Ito ay dahil sa ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay bumibigkas ng mga makahulugang pananalitang masaklaw sa kakaunting pangungusap dahil ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagpakupkop kay Allāh laban sa ilan sa mga kapinsalaan at mga kasamaang bumabalakid sa pagkilos ng pagsulong ng tao tungo kay Allāh. Kaya nagpakupkop ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, laban sa: "kawalang-kakayahan at katamaran." Ang dalawang ito ay magkasamang kabilang sa mga sumasagabal sa pagkilos at sa hindi paggawa. Ito ay alin sa dalawa: dahil sa kahinaan ng kasiglahan o pagnanais - ito ay katamaran at ang tamad ay ang pinakamahina sa mga tao sa kasiglahan at ang pinakakaunti sa kanila sa pagkaibig - o maaaring naging dahil sa kawalan ng paggawa dahil sa kawalan ng kakayahan ng tao - ito ay kawalang-kakayahan. Ang "karuwagan at karamutan" ay kabilang sa pumipigil sa pagtupad sa tungkulin at sa pagmamagandang-loob. Ang karuwagan ay nagpapahina sa puso ng tao kaya naman hindi siya nag-uutos sa nakabubuti at hindi siya sumasaway sa nakasasama dahil sa kahinaan ng puso niya at pagkahumaling niya sa mga tao sa halip na sa Panginoon ng mga tao. Ang "karamutan" ay nag-aanyaya sa nagtataglay nito ng pagpipigil sa sandaling kailangang gumugol. Kaya hindi niya ibinibigay ang karapatan ng Tagapaglikha gaya ng mga zakāh ni ang karapatan ng nilikha gaya ng paggugol. Siya ay kinamumuhian sa ganang mga tao tao at sa ganang kay Allāh. Ang "pag-uulyanin" ay ang pagsapit ng tao sa pinakahamak na gulang. Ang tao, kapag umabot sa pinakahamak na gulang, ay nawawalan ng marami sa mga pandama niya. Humuhupa ang mga lakas niya kaya naman hindi niya nakakayang sumamba kay Allāh, pagkataas-taas Niya, ni nakapagdudulot ng pakinabang sa mag-anak niya. Pagkatapos ay nagpakupkop ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, laban sa pagdurusa sa libingan. Ang pagdurusa sa libingan ay totoo. Dahil dito, itinagubilin sa atin ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na magpakupkop tayo kay Allāh laban sa pagdurusa roon sa bawat dasal. Pagkatapos ay nagpakupkop siya laban sa tukso ng buhay at kamatayan upang masaklaw ang dalawang tahanan. Ang tukso ng buhay ay ang mga kasawian dito at ang mga pagsubok dito. Ang tukso ng kamatayan ay ang pagkatakot para sa sarili ng kasagwaan ng wakas at kasamaan ng kahihinatnan, ng tukso ng dalawang anghel sa libingan, at ng iba pa. Sa isang sanaysay: "wa ḍala`i -ddayni wa ghalabati -rrijāl. (bigat ng utang, at panggagapi ng mga tao.)" Ang dalawang ito ay bahagi ng pananaig. Ang bigat ng utang ay ang tindi nito at ang pabigat nito kapag walang tagatulong sa kanya roon. Ito ay pananaig sa tao ngunit ayon sa karapatan. Ang "panggagapi ng mga tao" ay ang pangingibabaw nila sa kanila. Ito ay ang pananaig na walang kabuluhan.
Ayon kay 'Abdullah bin Sarjīs-malugod si Allah sa kanya-Nagsabi siya: Ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-kapag siya ay naglakbay,Nagpapakupkop siya sa kahirapan ng paglalakbay,at sa Nakakapag-hinagpis na daratnan,At Kakulangan pagkatapos ng kaganapan,at sa panalangin ng mga naaapi,at sa masamang paningin sa Pamilya at sa kayamanan.
Nagsalaysay nito si Imām MuslimAng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagpapakopkop sa Allah mula sa matinding kahirapan sa paglalakbay,o ang bumalik siya mula sa paglalakbay niya na tumama sa kanya ang kinamumunghian niya ,sa pamilya niya o yaman niya,At nagpapakopkop siya sa Allah mula sa mga masamang pangyayari,at nanalangin kay Allah na iligtas siya ni Allah mula sa dalangin ng mga naaapi.
Ayon kay `Abdullāh bin `Amr bin Al-`Āṣṣ, malugod si Allah sa kanilang dalawa: "Ang [isang] sumasakay ay demonyo, ang dalawang sumasakay ay dalawang demonyo, ang tatlo ay mga sumasakay."
Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad - Isinaysay ito ni Imām MālikAng pagsaway laban sa paglalakbay ng isang tao lamang, at gayon din sa paglalakbay ng dalawang tao lamang. Ito ay sa mga pook na walang katau-tao, na walang isa mang dumaraan. Ang pag-uudyok sa paglalakbay nang magkakasama at sa isang pangkat. Ang pagsaway laban sa paglalakbay nang mag-isa ay malinaw: upang magkaroon ng makatutulong kapag nangailangan o kapag namatay at upang hindi siya dumanas ng pakana ng Demonyo. Ang sa dalawang tao naman ay baka may mangyari sa isa at ang iba pang kasama ay magiging mag-isa na lamang. Hinggil naman sa panahon natin, ang paglalakbay lulan ng kotse at tulad nito sa mga daan ng mabibilis na sasakyan, na dinaraanan ng mga manlalakbay, ay hindi na maituturing na paglalakbay nang mag-isa. Ang pasahero ay hindi na mabibiktima ng demonyo dahil ang mga kasabay na pasahero ay gaya na ng karaban, tulad ng mga daan sa pagitan ng Makkah at Riyadh, o ng Makkah at Jeddah. Subalit sa mga daang putol, na hindi dinaraanan ng mga manlalakabay, itinuturing na [ang paglalakbay sa mga ito ay gaya] ng mag-isang manlalakbay at napaloloob sa ḥadīth na ito.