





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya, ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay nagsabi: "Huwag magmithi ang isa sa inyo ng kamatayan. Kung gumagawa siya ng mabuti, harinawa siya ay magdagdag pa; at kung gumagawa siya ng masama, harinawa siya ay magsisi na." Ito ay pananalita ni Al-Bukhārīy. Sa isang sanaysay ni Muslim ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya, ayon sa Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na nagsabi: "Huwag magmithi ang isa sa inyo ng kamatayan at huwag dumalangin nito bago dumating ito sa kanya. Tunay na siya, kapag namatay, ay napuputol ang gawa niya. Tunay na walang naidaragdag sa mananampalataya ang edad niya kundi kabutihan."
Napagkaisahan ang katumpakanAng sabi ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay "Huwag magmithi ang isa sa inyo ng kamatayan." Ang pagsaway rito ay pagbabawal dahil ang pagmimithi ng kamatayan dito ay isang pahiwatig ng kawalan ng pagkalugod sa itinadhana ni Allah. Ang mananampalataya ay kinakailangang magtiis kapag dinapuan ng kasawian. Kapag nagtiis siya sa kasawain, magkakamit siya ng dalawang mahalagang bagay. Una: Ang pagtatakip sa mga kamalian sapagkat tunay na ang tao ay walang dumadapo sa kanya na kabalisaan, ni pighati, ni kapinsalaan, ni anuman na hindi ipambabayad-sala ni Allah iyon, pati na ang tinik na tumuturok sa kanya ay ipambabayad-sala Niya. Ikalawa: Kapag pinalad siyang makaasa sa gantimpala mula kay Allah at nagtiis habang naghahangad sa pamamagitan niyon ng ikalulugod ni Allah, tunay na siya ay gagantimpalaan. Ang pagmimithi niya ng kamatayan ay nagpapatunay sa kanyang pagiging hindi nagtitiis sa itinadhana ni Allah, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, ni nalulugod doon. Nilinaw ng Sugo, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na siya ay maaaring maging kabilang sa mga gumagawa ng maganda at nadadagdagan ng matuwid na gawa ang pananatili ng buhay niya sapagkat ang mananampalataya, kapag nanatiling buhay kahit pa man may kapinsalaan kahit pa man kasiraan, ay marahil madaragdagan ng mga magandang gawa. Siya ay maaari ring maging isang gumagawa ng masagwa na nakagawa ng isang masagwa kaya harinawa humingi siya kay Allah ng pagkalugod at paumanhin at mamatay na nakapagbalik-loob. Kaya huwag kang magmithi ng kamatayan dahil ang lahat ng mangyayari ay itinakda. Magtiis at umasa sa gantimpala ni Allah sapagkat ang pananatili sa masamang kalagayan ay imposible. May pahiwatig dito na ang kahulugan ng pagbabawal sa pagmimithi ng kamatayan at pagdalangin para roon ay ang pagkaputol ng gawain dahil sa kamatayan sapagkat tunay na ang buhay ay namumutawi mula rito ang gawain at ang gawain ay nagdudulot ng karagdagan sa gantimpala. Kung sakaling walang nangyari maliban sa pagpapatuloy ng Tawḥīd, ito ay pinakamainam sa mga gawain. Hindi maipapakahulugan dito na ipinahihintulot ang tumalikod - pakupkop kay Allah - sa pananampalataya dahil iyon ay madalang. Ang pananampalataya matapos nakihalubilo sa puso ang ngiti nito ay hindi ito maiinis ng isa man. Alinsunod sa pagpapalagay ng pangyayari niyon, at nangyayari nga ngunit madalang, nauna nang nalaman ni Allah para roon ang wakas na masagwa. Hindi maiiwasang mangyari iyon, humaba man ang buhay niya o umikli, kaya ang pagmamadali niyon sa pamamagitan ng paghiling ng kamatayan ay walang kabutihan doon para sa kanya. Sa hadith ay may pahiwatig sa pagtuturing na mapalad ang gumagawa ng maganda dahil sa paggawa niya ng maganda at may babala sa gumagawa ng masagwa dahil sa paggawa niya ng masagwa. Para bang Siya ay nagsasabi sa sinumang gumagawa ng maganda na itigil niya ang pagmimithi ng kamatayan at magpatuloy sa paggawa niya ng maganda at pagdagdag nito, at sa sinumang gumagawa ng masagwa na itigil ang pagmimithi ng kamatayan at kumalas sa paggawa ng masagwa upang hindi mamatay sa paggawa ng masagwa at malalagay siya sa panganib.
Ayon kay Abū Rifā`ah Tamīm bin Usayd, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: "Pumunta ako sa Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, samantalang siya ay nagtatalumpati. Nagsabi ako: O Sugo ni Allah, may isang lalaking estranghero na dumating na nagtatanong tungkol sa relihiyon niya; hindi niya nalalaman kung ano ang relihiyon niya. Bumaling sa kanya ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, at iniwan ang talumpati niya hanggang sa makapunta sa akin. Nagdala ng isang silya at umupo siya roon. Nagsimula siyang nagturo sa akin mula sa itinuro sa kanya ni Allah. Pagkatapos ay ipinagpatuloy niya ang talumpati niya at tinapos ang natira rito."
Nagsalaysay nito si Imām MuslimBahagi ng pagpapakumbaba ng Sugo, sumakanya ang pagpapala at ang pangangalaga ni Allah, na noong puntahan siya ng isang lalaki habang siya ay nagtatalumpati sa mga tao at nagsabi iyon: "May isang estrangherong lalaki na pumunta na nagtatanong tungkol sa relihiyon niya." Pinagtuunan ito ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, at pinutol ang talumpati niya hanggang sa makarating siya roon. Pagkatapos ay dinalhan ang lalaking ito ng silya at nagsimula siyang magturo rito dahil ito ay dumating na nagpapahalaga at umiibig sa kaalaman. Ninanais nito na malaman ang relihiyon niya nang sa gayon ay maisagawa niya ito kaya naman pinagtuunan siya ng Propeta, sumakanya ang pagpapala at ang pangangalaga ni Allah, pinutol niya ang talumpati niya, at tinuruan ito. Pagkatapos niyon ay nilubos niya ang talumpati niya.
Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allah sa kanya, siya ay napadaan sa mga bata kaya bumati siya sa kanila at nagsabi: "Ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay gumagawa niyon noon."
Napagkaisahan ang katumpakanNasaad sa ḥadīth ang paghihimok sa pagpapakumbaba, ang pagkakaloob ng pagbati sa lahat ng mga tao, at ang paglilinaw sa pagpapakumbaba ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan. Nasaad na siya noon ay bumabati sa mga bata kapag naparaan siya sa kanila. Tumulad sa kanya ang mga kasamahan niya, malugod si Allah sa kanila. Ayon kay Anas, malugod si Allah sa kanya: "Na siya noon ay napaparaan sa mga bata at bumabati siya sa kanila. Napaparaan siya sa kanila sa palengke na naglalaro at bumabati siya sa kanila." Sinasabi pa ni Anas: "Tunay na ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay gumagawa noon niyon." Nangangahulugan ito na bumabati siya sa mga bata kapag naparaan siya sa kanila. Ito ay bahagi ng pagpapakumbaba at kagandahan ng asal, at bahagi ng edukasyon at kagandahan ng pagtuturo, paggagabay, at pag-aakay dahil ang mga bata, kapag bumabati ang mga tao sa kanila, tunay na sila ay masasanay roon at iyon ay magiging gaya ng kalikasan sa mga kaluluwa nila.
Ayon kay Abe Mūsā Al-Ash`arīy, malugod si Allāh sa kanya-siya ay nagsabi:Narinig ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang isang lalaki na nagbibigay puri sa isang lalaki at nagmamalabis siya sa pagpuri niya,Nagsabi siya: ((Sinawi ninyo o pinutol ninyo ang likod ng isang lalaki))
Napagkaisahan ang katumpakanNarinig ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang isang lalaking naglalarawan sa isang lalaki sa mga kabutihan nito,at naging labis ang paglalarawan niya sa kanya sa mga katangiang maganda na wala naman sa mga katangian niya Pinagbawalan siya ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-,At sinabi nia na ang mga bagay na ito ay maaaring maging dahilan sa pagkasawi niya,Sapagkat ang mga [pagpupuring] ito ay mag-oobliga sa taong pinupuri na maging Magmataas at Mayabang.
Ayon kay Abū Bakrah, malugod si Allah sa kanya: "May isang lalaking binanggit sa harap ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, at pinapurihan ito ng isang lalaki nang maganda. Kaya nagsabi ang Sugo, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: "Kapighatian sa iyo! Pinutol mo ang leeg ng kaibigan mo." Sinasabi niya ito ng ilang ulat. "Kung ang isa sa inyo ay magpupuri nang hindi maiiwasan, magsabi siya: Itinuturing ko ito na ganito at ganoon kung nakikita niya na ito ay ganoon. Ang tagatuos niya ay si Allah. Hindi makapagpapatotoo ang isa man kay Allah sa kalinisang-budhi ng sinuman."
Napagkaisahan ang katumpakanSa ḥadīth ay may mga direktiba ng pinagpalang sunnah. Ang Muslim ay lalayo sa pagpapalabis sa pagpupuri. Ang pagmamagaling at ang kapalaluan ay isa sa mga pinapasukan ng Demonyo. Ang pagpapalabis sa pagpupuri at pagbubunyi ay naglulublob sa pinapupurihan sa pagmamagaling at pagmamalaki kaya naman mapapahamak siya. Magiging katamtaman ang Muslim sa pagpupuri niya at pagbubunyi niya at ipauubaya niya ang usapin ng mga tao kay Allah, napakamaluwalhati Niya, ang Nakaaalam sa mga ikinukubli ng mga kaluluwa.
Ayon kay `Abdullāh bin `Umar, malugod si Allah sa kanilang dalawa: "Ipinagbawal ng Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na maglakbay dala ang Qur'an sa lupain ng kaaway."
Napagkaisahan ang katumpakanIpinagbawal ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ang pagdadala ng Qur'an at ang paglalakbay dala ito sa bayan ng mga Kāfir na hindi nagrerelihiyon ng Islam sapagkat sasailalim ito sa panghahamak doon. Kapag nanaig sa palagay ang kaligtasan laban doon, ipinahihintulot na dalhin.
Ayon kay Jubayr bin Mut`im malugod si Allah sa kanya-Nagsabi siya: Habang siya ay naglalakad kasama ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa pagbabalik niya mula sa Hunayn,Naantala ang mga Arabo na nagtatanong sila sa kanya,hanggang sa napilitan silang [pumunta] sa Puno ng Samra,Isinampay niya ang damit niya,Tumayo ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan; nagsabi siya:(( Ibigay ninyo sa akin ang damit ko,Kung nagmamay-ari lang ako tulad ng bilang ng Punongkahoy na Edhah na ito ng mga alagang Hayop,tunay na hinati ko na ito sa pagitan ninyo,at hindi ninyo ako makikitang [kabilang sa] Maramot,at hindi rin Sinungaling at hindi rin Duwag.
Isinaysay ito ni Imām Al-BukhārīyNang bumalik ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan mula sa Pandarambong sa Hunayn,at ito ay bangin sa pagitan ng Meccah at Taif,at kasama niya si Jubayr bin Mut`em-malugod si Allah sa kanya-naantala ang mga tao sa kanya,na tinatanong nila ang tungkol sa mga nadambong hanggang sa nakasilong sa Puno ng Samrah-at ito ay kabilang sa mga puno ng Disyerto na may mga tinik-isinampay niya ang damit niya sa may tinik nito,at naakit rito ang mga arabo,Nagsabi ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Ibigay ninyo sa akin ang damit ko,Kung nagmamay-ari lang ako [tulad] ng bilang ng Punong Edhah-at ito ay punongkahoy na maraming tinik-ng mga Alagang Hayop mula sa Kamelyo,Baka,at Tupa,tunay na hinati kona ito sa pagitan ninyo,pagkatapos ay nagsabi siya:At kapag sinubukan ninyo ako,at hindi ninyo ako makikitang [kabilang sa] Maramot,at hindi rin Sinungaling at hindi rin Duwag.
Ayon kay Abū Zayd Umāmah Iyās bin Tha`labah Al-Anṣārīy Al-Ḥārithīy, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: "Binanggit ng mga kasamahan ng Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, isang araw sa piling niya ang makamundong buhay kaya nagsabi ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Hindi ba kayo nakaririnig? Hindi ba kayo nakaririnig? Tunay na ang pagsusuot ng lumang damit ay bahagi ng pananampalataya."
Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām AḥmadNagsalita ang isang pangkat mula sa mga kasamahan ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, tungkol sa makamundong buhay kaya nagsabi sa kanila ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Hindi ba kayo nakaririnig", na nangangahulugang: makinig kayo. Inulit-ulit niya para bigyang-diing tunay na ang pagpapakumbaba sa kasuutan at gayak ay bahagi ng mga kaasalan ng mga may pananampalataya at ang pananampalataya ay ang nag-uudyok doon.
Ayon kay `Ā'ishah na Ina ng mga Mananampalataya (malugod si Allāh sa kanya), na maybahay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "O `Ā’ishah, tunay na si Allāh ay Malumay na umiibig sa kalumayan at nagbibigay Siya dahil sa kalumayan ng hindi Niya ibinibigay dahil sa karahasan at ng hindi Niya ibinibigay dahil sa iba rito."}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimHinimok ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Ina ng mga Mananampalataya na si `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya) ang pagkamalumay yayamang si Allāh ay Malumay na Mabait sa mga lingkod Niya, na nagnanais sa kanila ng ginhawa at hindi nagnanais sa kanila ng hirap. Kaya naman hindi Siya nag-aatang sa kanila ng higit sa kakayahan nila. Nakaiibig Siya na magtaglay ang lingkod Niya ng katangian ng kabanayaran ng sarili at paggamit ng kadalian kaya ito ay hindi magiging isang mabagsik na magaspang. Si Allāh (napakataas Siya) ay nagbibigay dahil sa kalumayan at kabanayaran sa Mundo ng marikit na pagbubunyi, pagkatamo ng mga hinihiling, at pagpapadali ng mga pinapakay; at sa Kabilang-buhay ng masaganang gantimpala, higit kaysa ibinibigay Niya resulta ng karahasan, katindihan, at kagaspangan sapagkat ang kalumayan ay dumarating kasama nito sa hindi dumarating kasama ng iba pa rito.