





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay Buraydah, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: Nakarinig ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ng isang lalaking nagsasabi: "Allāhumma innī as'aluka bi'annī ashhadu annaka anta -llāhu lā ilāha illā anta -l'ahadu -ṣṣamadu -lladhī lam yalid wa lam yūlad wa lam yakul lahu kufuwan aḥad. (O Allāh, tunay na ako ay humihiling sa Iyo yamang tunay na ako ay sumasaksi na Ikaw ay si Allāh: walang [totoong] Diyos kundi Ikaw, ang Iisa, ang Dulugan, na hindi nagkaanak at hindi ipinanganak at walang isa na sa Kanya ay naging kapantay.)" Kaya nagsabi siya: "Talaga ngang humiling ito kay kay Allāh sa pamamagitan ng ngalan Niyang kapag humiling sa pamamagitan nito ay nagbibigay Siya at kapag dumalangin sa pamamagitan nito ay tumutugon Siya."
Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy - Isinaysay ito ni Imām Abū DāwudAng dakilang panalanging ito na narinig ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ang Arabeng disyertong iyon habang dumadalangin nito at nagsusumamo kay Allāh ay naglalaman ng pinakadakilang pangalan ni Allāh, pagkataas-taas Niya, at sumasaklaw sa pananampalataya sa kaisahan ni Allāh: na Siya ay iisa, namumukod-tangi, dulugan, na hinihingan ng mga tao ng mga pangangailangan nila. Siya ay hindi nagkaanak dahil Siya ay walang katulad sa Kanya at dahil Siya ay walang pangangailangan sa bawat isa, hindi nagkaanak, at walang isang naging katulad sa Kanya. Hindi Siya nagkaroon ng isa mang nakatutulad sa Kanya sa sarili Niya ni sa mga katangian Niya ni sa mga gawa Niya. Ang mga dakilang kahulugang ito na siyang batayan at kinasasalalayan ay gumawa sa panalanging ito bilang pinakadakila sa mga uri ng mga panalangin. Walang taong dumalangin sa pamamagitan nito kay Allāh na hindi ibinigay sa kanya ang hiningi niya.
Ayon kay `Abdullāh bin Mas`ūd, malugod si Allāh sa kanya: "O Allāh, kung paano Mong pinaganda ang pagkalikha sa akin, pagandahin mo ang kaasalan ko."
Isinaysay ito ni Imām AḥmadKailangan sa tao na humiling kay Allāh, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, na kung paano Niyang pinaganda ang panlabas na anyo nito, hinusayan iyan, at nilubos iyan, ay na pagandahin Niya ang panloob na anyo nito at pagkalooban Niya ito ng mga marangal na kaasalang ikalulubos ng pagkatao nito at ikadadalisay ng panloob nito.
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya: "Ang mananampalataya ay salamin ng kapatid niyang mananampalataya."
Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām Abū DāwudMay [nasaad] sa ḥadīth na marikit na paglalarawang pampropeta at pagwawangis na malalim na naglilinaw sa kalagayan ng kapatid na Muslim sa kapatid nito. Itinatakda niyon ang pananagutan niya rito. Kaya naman papatnubayan niya ito tungo sa mga magandang kaasalan, at isasagawa naman nito ang mga iyon, at palayo sa mga masasagwang kaasalan, at iwawaksi naman nito ang mga iyon. Kaya naman siya para rito ay gaya ng salaming makintab na nagpapakita sa kanya ng sarili niya sa katotohanan. Ito ay nagpapahiwatig ng pagkaisinatungkulin ng pagpapayo sa mananampalataya. Kaya kapag nakaalam siya ng anuman sa mga kapintasan ng kapatid niya at mga kamalian nito, pinaaalalahanan niyo ito hinggil sa mga iyon at pinapatnubayan niya ito tungo sa pagtutuwid ng mga iyon, ngunit sa pagitan lamang nilang dalawa dahil ang pagpapayo sa harap ng madla ay panghihiya.
Ayon kay `Iyāḍ bin Ḥimār na kapatid ng Angkan ng Mujāshi` (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Tumayo sa amin ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) isang araw bilang isang mananalumpati saka nagsabi siya: (Binanggit ang ḥadīth at nasaad dito): "Tunay na si Allāh ay nagkasi sa akin na magpakumbaba kayo nang sa gayon walang magmayabang na isa man sa isa at walang lumabag na isa man laban sa isa."}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimTumayo ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa mga Kasamahan niya bilang isang mananalumpati at naging kabilang sa sinabi niya: Tunay na si Allāh ay nagkasi sa kanya na kinakailangan sa mga tao na magpakumbaba sila sa gitna nila. Iyon ay sa pamamagitan ng pagbaba ng loob sa nilikha at kalumayan ng sarili nang sa gayon walang magmayabang na isa man higit sa isa sa pamamagitan ng pag-aangkin ng kadakilaan, pagkamalaki, at kamaharlikaan dahil sa kaangkanan niya o yaman niya o iba pa roon at walang lalabag sa katarungan at walang mag-aagrabiyado na isa man laban sa isa.
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya: "Tunay na kayo ay hindi makapagpapasaya sa mga tao sa pamamagitan ng mga yaman ninyo, subalit pasayahin sila mula sa inyo ng kaaliwalasan ng mukha at kagandahan ng kaasalan."
Isinalaysay ito ni Imām Al-ḤākimAng ḥadīth ay patunay sa kalamangan ng kaaliwalasan ng mukha, kasayahan nito at kagalakan nito sa pakikipagkita, at sa kalamangan ng kagandahan ng kaasalan, kagandahan ng pakikisama, at pakikitungo sa mga tao sa pamamagitan ng mabuting pananalita at maganang gawa. Ito ay makakaya ng bawat tao. Ang mga kaasalang ito ay ang umaakit sa pag-ibig at nagpapatagal sa bukluran ng mga kaanib ng lipunan.
Ayon kay Mu`ādh bin Jabal, malugod si Allah sa kanya: "Walan ginawa ang anak ni Adan na gawaing higit na nakapagliligtas sa kanya mula sa pagpaparusa ni Allah kaysa sa pag-aalaala kay Allah."
Isinalaysay ni Ibnu Abī Shaybah - Isinalaysay ito ni Imām Aṭ-Ṭabrānīy - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad - Isinaysay ito ni Imām MālikNaghanda nga si Allah, pagkataas-taas Niya, para sa mga lingkod Niyang mananampalataya ng mga dahilang ikatatamo ng Paraiso at naipangsasanggalang sa Impiyerno. Kabilang sa mga dahilang ito ang pag-aalaala sa Kanya, pagkataas-taas Niya. Ang hadith ay nagpatunay sa kainaman ng pag-alaala (dhikr) kay Allah at na ito ay kabilang sa pinakadakila sa mga dahilan ng pagkakaligtas sa mga kinatatakutan sa Mundo at Kabilang-buhay sapagkat ito ay isa sa mga dahilan ng kaligtasan sa Impiyerno. Ang kainamang ito ay itinuturing na pinakadakila sa mga kainaman ng pag-alaala kay Allah (dhikr).
Ayon kay `Abdullāh bin `Umar, malugod si Allah sa kanilang dalawa: "Ang sinumang nagpapakadakila sa sarili nito at nagpapakapalalo sa paglalalakad nito, makatatagpo nito si Allah habang Siya rito ay galit."
Isinalaysay ito ni Imām Al-Ḥākim - Isinaysay ito ni Imām AḥmadAng hadith ay nagpapatunay sa pagpupula sa pagmamalaki at pagpapakadakila. Lumilitaw ang pagmamalaking ito at ang pagpapakadakilang ito sa paglalakad niya. Nagpapakapalalo siya sa paglalakad, sa kasuutan niya, sa pananalita niya, at sa lahat ng mga gawain niya. Ang sinumang ito ang kalagayan niya na pagmamalaki, na naniniwala sa sarili niya na siya ay dakila na karapat-dapat sa pagdakila higit sa karapat-dapat sa iba sa kanya, tunay na siya ay makatatagpo kay Allah habang si Allah sa kanya ay galit.
Ayon kay Thawbān, malugod si Allah sa kanya, ayon sa Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na nagsabi: "Tunay na ang Muslim, kapag dumalaw siya sa kapatid niyang Muslim, ay hindi matitigil sa pamimitas sa Paraiso hangang sa makauwi siya." Sinabi: "O Sugo ni Allah, ano po ang pamimitas sa Paraiso?" Nagsabi siya: "Ang pangunguha ng bunga roon."
Nagsalaysay nito si Imām MuslimAng ḥadīth ayon kay Thawbān, malugod si Allah sa kanya, na ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay nagsabi: "Tunay na ang Muslim, kapag dumalaw siya sa kapatid niyang Muslim - ibig sabihin: sa pagkakasakit nito - ay hindi matitigil sa pamimitas sa Paraiso" Sinabi: "O Sugo ni Allah, ano po ang pamimitas sa Paraiso?" Nagsabi siya: "Ang pangunguha ng bunga roon." Nangangahulugan ito na siya ay mamimitas ng mga bunga ng Paraiso sa panahon ng pananatili niya sa piling ng maysakit na ito. Iwinangis ang tatamuhin ng dumadalaw sa maysakit sa gantimpala ng matatamo ng namimitas ng bunga. Sinabi: Ang ninanais ipakahulugan nito rito ay ang daan. Ang kahulugan ay na ang dumadalaw ay naglalakad sa daang humahantong sa Paraiso. Ang unang paliwanag ay higit na malapit. Ang pananatili sa piling ng maysakit ay nagkakaiba-iba ayon sa pagkakaiba-iba ng mga kalagayan at mga tao. Maaaring ang pananatili sa maysakit ay maging hinihiling at maaari ring ito ay hindi maging hinihiling. Kapag nalamang ang maysakit ay natutuwa sa dumadalaw na ito at iniibig niyang tumagal ito sa piling niya, ang pinakamainam ay tumagal ito. Kapag naman nalamang ibig ng maysakit na padaliin ng dumadalaw ang dalaw, tunay na ito ay hindi dapat magtatagal. Sa bawat katayuan ay may ibang masasabi.
Ayon kay Sahl bin Sa`d, malugod si Allah sa kanya, ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay dinalhan ng inumin. Uminom siya mula rito samantalang sa gawing kanan niya ay may batang lalaki at sa gawing kaliwa niya ang mga matanda. Nagsabi siya sa batang lalaki: "Magpapahintulot ka ba sa akin na ibigay ko [ito] sa mga [matandang] ito?" Nagsabi ang batang lalaki: "Hindi; sumpa man kay Allah, o Sugo ni Allah, hindi ako magtatangi sa isa man sa [pagbibigay ng] bahagi ko mula sa iyo." Kaya inilagay ito ng Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, sa kamay niya.
Napagkaisahan ang katumpakanNasaad sa ḥadīth na nagpaalam ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, sa batang lalaki sa pagbibigay ng inumin sa mga matanda bago siya. Ginawa niya lamang iyon bilang pagbubuklod sa mga puso ng mga matanda, pagpapahayag ng pagmamahal sa kanila, at pagtatangi sa karangalan nila, kapag hindi naman nahahadlangan ang isang sunnah dahil dito. Nilalaman niyon ang paglilinaw sa sunnah na ito: ang kanang bahagi ay higit na karapat-dapat at hindi ibibigay ang ukol dito sa iba malibang may pahintulot nito. Wala ring masama sa paghingi ng pahintulot kaugnay rito at hindi rin inoobliga ang magpahintulot. Nararapat din sa kanya na hindi magpahintulot kung may pagkakaroon ng pagkakait ng kabutihang pangkabilang-buhay at kapakanang pagrelihiyon. Ang batang ito ay ang anak ni`Abbās, malugod si Allah sa kanilang dalawa.