





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Mula kay Muadh Ibn Anas -Malugod si Allah sa kanya- Marfu'an: ((Sinuman ang iniwan ang pananamit na pagpakumbaba sa Allah, at ito ay kaya niya, tatawagin siya ng Allah sa araw ng paghukom sa gitna ng mga nilalang (tao) hanggang sa papipiliin sya mula sa anong damit pananampalataya ang nais niyang suutin)).
Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad"Sinuman ang iniwan niya ang magarbong kasuutan mula sa damit bilang pagpakumbaba sa Allah at pag-iwan sa palamuti ng makamundong buhay, at hindi nakapigil sa kanya ang kawalan ng kakayahan ay tatawagin siya ng Allah sa araw ng paghukom sa mga nilalang bilang pagpupugay sa kanya, hangga't sa papipiliin siya kung aling palamuti ng taga paraiso ang nais niyang susuotin".
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya: "Hinalikan ng Propeta, (s), si Al-Ḥasan bin `Alīy, malugod si Allāh sa kanilang dalawa, habang kapiling niya si Al-Aqra` bin Ḥābis kaya nagsabi si Al-Aqra`: 'Tunay na mayroon akong sampung anak; wala akong hinalikan mula sa kanila isa man.' Tumingin sa kanya ang Sugo ni Allah, (s), at nagsabi: 'Ang sinumang hindi naaawa ay hindi kinaaawaan.'"
Napagkaisahan ang katumpakanIpinabatid ni Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya, na ang Sugo ni Allah, (s), ay humalik kay Al-Ḥasan bin `Alīy habang kapiling niya si Al-Aqra` bin Ḥābis At-Tamīmīy na nakaupo. Nagsabi si Al-Aqra`: "Tunay na mayroon akong sampung anak; wala akong hinalikan mula sa kanila isa man." Tumingin sa kanya ang Sugo ni Allah, (s), pagkatapos ay nagsabi: "Ang sinumang hindi naaawa ay hindi kinaaawaan." Sa isang sanaysay: "At may magagawa ba ako na inalis ni Allah mula sa puso mo ang awa?" Nangangahulugan ito: ano ang gagawin ko kapag si Allah ay nag-alis na mula sa puso mo ng damdamin ng pagkaawa? Makakaya ko bang ibalik iyon sa iyo?
Ayon kay Anas-maalugod si Allah sa kanya-Buhat sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Tunay na ipinagbawal niya ang pag-inom ng lalaki na nakatayo,Nagsabi si Qatadah,:Sinabi namin kay Anas: Ang pagkain? Nagsabi siya:Ito ang pinakamasama at pinakamarumi.At sa isang salaysay: Tunay na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagbabala sa taong umiinom na nakatayo. Ayon kay Abū Hurayrah-malugod si Allah sa kanya-Hadith na Marfu- ((Huwag na huwag uminom ang isa sa inyo na nakatayo,sinuman ang nakalimot ay isuka niya ito))
Isinaysay ito ni Imam Muslim sa dalawang salaysay niya" Nagsabi si Anas-malugod si Allah sa kanya: Ipinagbawal ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang pag-inom na nakatayo,Nagsabi si Qatadah bin Di`amah Al-Sudusi-kaawaan siya ni Allah:Sinabi namin kay Anas-malugod si Allah sa kanya-Kung gayun ano ang panuntunan ng pagkain na nakatayo? ito ba ay ipinagbabawal katulad ng pag-inom? Nagsabi si Anas:Ito ay higit na ipinagbabawal? ito ay higit na masama at higit na kasuklam-suklam, Ang pagbabawal ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa pag-inom na nakatayo" "Ipinagbawal ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na uminom ang sinuman na nakatayo,sinuman ang nakalimot at nakagawa nito,isuka niya ang nasa tiyan niya,bilang kainaman,at kung hindi ay hindi rin siya magkakasala;Dahil ang [panuntunan] sa pag-inom na nakatayo, ay kinamumuhian at hindi ipinagbabawal [haram]."
Ayon kay Abe Hurayrah at `Abdullah bin `Abbas-malugod si Allah sa kanila-Hadith na Marfu:Ipinagbawal ng Sugo ng Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang pag-inom sa bunganga ng lalagyang tubig o bibig [ng lalagyang tubig ]
Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy - Napagkaisahan ang katumpakan"Ipinagbawal ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang pag-inom sa bibig ng lalagyan ng tubig dahil sa mga bagay na kinakatakutan na nakakapinsala,maaaring hindi ito makita ng umiinom hanggang sa pumasok ito sa tiyan niya"
Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy, malugod si Allāh sa kanya-Ipinagbawal ng Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ang pagbasag sa bunganga ng iniinuman.
Napagkaisahan ang katumpakanIpinagbawal ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na basagin ang bunganga ng lalagyang tubig at baluktutin ito,pagkatapos ay iinom siya rito,Sapagkat maaaring may mga bagay rito na nakakasama,makakapasok ito sa tiyan niya at mapipinsala siya
Ayon kay Abē Sa`īd Al-Khudrīy, malugod si Allāh sa kanya.Hadith na Marfu: Ipinagbawal niya ang pag-ihip sa inumin,Nagsabi ang lalaki:Papaano kung ang dumi ay nakikita sa lalagyang tubig? Nagsabi siya: (Ibuhus mo ito) Nagsabi siya:Papaano kung ako ako ay hindi umiinom sa isang beses na paghinga lamang?Nagsabi siya: ((Kung gayun ay ilayo mo ang lalagyang tubig sa iyong bunganga))
Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad - Isinaysay ito ni Imām Mālik - Nagsalaysay nito si Imām Ad-DārimīyIpinagbawal ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang pag-ihip sa iniinom,Nagtanong sa kanya ang isang lalaki,sinabi niya:O Sugo ni Allah! ang dumi ay nasa iniinom,iniihipan ito ng tao upang maiilabas ito,Ang sabi ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ibuhus mo ang tubig na may dumi at hindi ito iniihipan,Pagkatapos ay nagtanong siya kung bakit hindi dapat umiinom sa isang paghinga lamang,Ipinag-utos ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na ilayo ang lalagyan ng tubig mula sa bunganga nito,pagkatapos ay huminga,pagkatapos ay bumalik siya sa pag-inom.
Ayon kay Ibn `Umar-malugod si Allah sa kanilang dalawa-siya ay nagsabi: Dumaan ako sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at sa sarong ko ay may Kataasan,Nagsabi siya:(( O Alipin ni Allah,itaas mo ang Sarong mo)) itinaas ko ito.Pagkatapos ay nagsabi siya:(( Dagdagan mo pa)),Dinagdagan ko ito,Nananatili ako sa pagsasagawa pagkatapos nito,Nagsabi ang ilan sa mga grupo ng tao,Hanggang saan? Nagsabi siya: Hanggang sa gitna ng dalawang binti.
Nagsalaysay nito si Imām MuslimAyon kay Ibn `Umar malugod si Allah sa kanya--Siya ay nagsabi:Dumaan ako sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at ang Sarong ko mahaba,Nagsabi siya:O Alipin ni Allah,itaas mo ang sarong mo.Itinaas ko ito hanggang sa bukong-bukong,o malapit dito.Pagkatapos ay nagsabi sila: Dagdagan mo ang taas nito,dahil sa pagiging higit na kainaman nito at kadalisayan,Dinagdagan ko ito hanggang sa umabot ito sa gitna ng dalawang binti,at nagpanatili ako sa pagpapataas nito pagkatapos noon,bilang Pangangalaga sa Sunnah,at Pagpapanatili sa pagsunod.Nagsabi ang ilan sa mga grupo ng Tao: Hanggang saan matatapos ang pagpapataas,na ipinag-utos rito?Nagsabi siya: Hanggang sa gitna ng dalawang binti.
Ayon kay Abū Mūsā Al-Ash`arīy, malugod si Allah sa kanya, ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, kapag nangamba siya noon sa ilang tao, ay nagsasabi: "Allāhumma innā naj`aluka fī nuḥūrihim wa na`ūdhu bika min shurūrihim (O Allah, tunay na kami ay naglalagay sa Iyo sa mga leeg nila at nagpapakupkop sa Iyo laban sa mga kasamaan nila)."
Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām AḥmadAng sabi ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: "O Allah, tunay na kami ay naglalagay sa Iyo sa mga leeg nila" ay nangangahulugang "sa harapan nila, itataboy Mo sila palayo sa amin at hahadlangan Mo kami laban sa kanila." Itinangi niya sa pagbanggit ang "leeg" dahil ito ay higit na mabilis at higit na malakas sa pagtaboy at pananaig sa itinataboy. Ihinaharap lamang niya ang leeg niya sa pagsalansang para sa pakikipaglaban o para sa pag-asang magtagumpay sa pagpaslang sa kanila o pagpatay sa kanila. Ang "nagpapakupkop sa Iyo laban sa mga kasamaan nila" sa kalagayang ito nakasasapat na sa iyo si Allah laban sa kasamaan nila. Ang ipinakakahulugan nito ay humihiling kami sa Iyo na ipinid Mo ang mga dibdib nila, itaboy Mo ang mga kasamaan nila, makasapat Ka sa amin laban sa mga gawain nila, at humadlang Ka sa pagitan namin at nila: dalawang madaling pangungusap, kapag sinabi ng tao nang tapat at kawagasan, tunay na si Allah, pagkataas-taas Niya, ay magtatanggol sa kanya. Si Allah ay ang Tagapagpatnubay.
Ang mga matitirang matuwid ay Lā ilāha illa –llāh (Walang Diyos kundi si Allah), Subḥāna –llāh (Napakamaluwalhati ni Allah), Al-ḥamdu lillāh (Ang papuri ay ukol kay Allah), at Lā ḥawla wa lā qūwata illā bi-llāh (Walang kapangyarihan at walang lakas kundi sa pamamagitan ni Allah)
Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Habba`n - Isinalaysay ito ni Imām Al-Ḥākim - Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īySa ḥadīth na ito ay may patunay sa kalamangan ng sinasambit na ito ayon sa anyong ito dahil sa taglay nito na mga kahulugan ng pagluluwalhati, pagbabanal, at pagdakila kay Allah, kapita-pitagan Siya at kataas-taasan, at dahil sa taglay nito na pagpupuri kay Allah sa mga gawa Niya. Kaya walang kapangyarihan para sa tao ni pagkilos ni kakayahan malibang ayon sa kalooban ni Allah, pagkataas-taas Niya. Kaya walang kapangyarihan sa pagtulak sa kasamaan ni lakas sa pagtamo ng kabutihan malibang sa pamamagitan ni Allah, kapita-pitagan Siya at kataas-taasan.