





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay `Ā`ishah, malugod si Allāh sa kanya, ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay dumadalangin gamit ang mga salitang ito: "Allāhumma innī a`ūdhu bika min fitnati -nnāri wa `adhābi -nnāri wa min sharri -lghinā wa -lfaqr. (O Allāh, tunay na ako ay nagpapakupkop sa Iyo laban sa tukso ng Impiyerno, sa pagdurusa sa Impiyerno, at sa kasamaan ng yaman at karalitaan.)"
Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām Abū DāwudNagpapakupkop ang piniling Propeta, sumakanya ang pagpapala at ang pangangalaga, laban sa apat na bagay. Ang sabi niya: "O Allāh, tunay na ako ay nagpapakupkop sa Iyo laban sa tukso ng Impiyerno" ay nangangahulugang: Tuksong humahantong sa Impiyerno upang hindi maulit-ulit. May posibilidad na ang tinutukoy ng "tukso ng Impiyerno" ay ang tanong ng mga anghel sa paraang naninisi. Ito ang tinutukoy ng sabi ni Allāh (Qur'ān 67:8): "Tuwing nakapagtapon sa loob nito ng isang pulutong, tinatanong sila ng mga tanod nito: Hindi ba kayo pinuntahan ng isang tagapagbabala?" Ang sabi niya: "sa pagdurusa sa Impiyerno" ay nangangahulugang: Nagpapakupkop ako sa Iyo laban sa pagkabilang ko sa mga maninirahan sa Impiyerno. Sila ay ang mga Kāfir sapagkat tunay na sila ay ang mga pagdurusahin. Ang mga Mananampalataya naman, tunay na sila ay mga lilinisin at mga dadalisayin ng apoy at hindi mga pagdurusahin doon. Ang "pagdurusa sa libingan" ay tumutukoy sa Barzakh na paglalagyan sa tao matapos mamatay. Ang paggamit sa salitang libingan ay pangkalahatan. Ang lahat ng nilalagakan ng mga bahagi ng katawan ng tao ay libingan niya. Ang pagsubok sa libingan ay tumutukoy sa pagkalito sa pagsagot sa dalawang anghel. Ang "kasamaan ng tukso ng yaman" ay tumutukoy sa pagmamarangya, pagmamalabis, pagkamal ng yaman mula sa ipinagbabawal, paggugol nito sa pagsuway, at pagpapayabangan ng yaman at impluwensiya. Ang "laban sa tukso ng karalitaan" ay tumutukoy sa pagkainggit sa mga mayaman, pag-iimbot sa mga yaman nila, pagpapakaaba sa pagyurak sa karangalan at relihiyon, hindi pagkalugod sa ibinahagi ni Allāh sa kanya, at iba pa roon na hindi mapupuri ang kahihinatnan. Ang ikaapat na bagay na nagpakupkop ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, laban doon ay ang "tukso ng yaman." Tumutukoy ito sa sigasig sa pag-ipon ng yaman at pagkaibig sa paraang kinikita ito nang hindi ayon sa ipinahihintulot at ipinagkakait ito sa mga kinakailangang paggugulan at mga karapatan nito. Ang tukso ng karukhaan ay tumutukoy sa karukhaang hindi nalalakipan ng pagtitiis ni pag-iwas sa kasalanan hanggang sa masangkot ang nagtataglay nito dahil dito sa anumang hindi naaangkop sa mga nagtataglay ng Islām at pagkalalaki. Hindi niya inaalintana dahil sa karukhaan niya ang alinmang ipinagbabawal.
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Alalh sa kanya: "May isang lalaking nagsabi: O Sugo ni Allah, tunay na ako ay nagnanais na maglakbay kaya tagubilinan mo po ako. Nagsabi siya: Panatiliin mo ang pangingilag sa pagkakasala kay Allah at ang pagdakila [kay Allah] sa bawat mataas na lugar. Kaya noong nakalisan na ang lalaki, nagsabi siya: O Allah, paiksiin Mo para sa kanya ang layo at pagaanin Mo sa kanya ang paglalakbay."
Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām AḥmadNinais ng isang lalaki na maglakbay kaya ngsabi ito: "O Sugo ni Allah, tagubilinan mo po ako." Nagtagubilin sa kanya ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na panatilihin niya ang pangingilag sa pagkakasala kay Allah, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, at na dakilain niya si Allah, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, sa bawat mataas na lugar. Noong nakatalikod ang lalaki, dumalangin ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na maging madali sa kanya ang gawain at ang magandang sasakyan na magpaparating sa kanya nang maginhawa, at na padaliin sa kanya ang paglalakbay sa pamamagitan ng pagtaboy sa mga makapipinsala sa kanya.
Ayon kay Abū Mūsā Al-Ash`arīy (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Pakainin ninyo ang nagugutom, dalawin ninyo ang maysakit, at palayain ninyo ang bihag."}
Nagsalaysay nito si Imām Al-BukhārīyNaglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na kabilang sa tungkulin ng Muslim sa kapwa niyang Muslim ay na pakainin niya ang nagugutom, bisitahin niya ang maysakit, at palayain niya ang bilanggo.
Ayon kay Abū Umāmah Al-Bāhilīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {May binanggit sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na dalawang lalaking ang isa sa dalawa ay isang tagasamba at ang iba naman ay isang tagaalam. Kaya naman nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang kalamangan ng maaalam sa mananamba ay gaya ng kalamangan ko higit sa pinakamababa sa inyo." Pagkatapos nagsabi pa ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na si Allāh, ang mga anghel, at ang mga naninirahan sa mga langit at mga lupa, pati na ang langgam sa lungga nito at pati na ang balyena ay talagang dumadalangin ng basbas sa tagapagturo sa mga tao ng kabutihan."}
Nagsalaysay nito si Imām At-TirmidhīyMay binanggit sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na dalawang lalaking ang isa sa dalawa ay isang tagasamba at ang iba naman ay isang tagaalam. Alin sa dalawa ang higit na mainam? Kaya nagsabi siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang kalamangan ng nakaaalam ng mga kaalamang pangkapahayagan, na tagapagsagawa ng mga ito at tagapagturo ng mga ito, higit sa mananambang nakatuon sa pagsamba sa kabila ng pagkakaalam nito sa kinakailangan dito na kaalaman ay gaya ng kalamangan niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at karangalan niya higit sa pinakamababa sa mga Kasamahan. Pagkatapos naglinaw siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang kadahilanan niyon ay dahil si Allāh, ang mga anghel Niya kabilang sa mga tagapasan ng Trono, ang mga naninirahan sa mga langit kabilang sa nalalabi sa mga anghel, at ang mga naninirahan sa lupa kabilang sa tao, jinn, at lahat ng mga hayop, pati na ang langgam sa tirahan nito sa ilalim ng lupa, at pati na ang balyena at ang isda ng dagat, na sumasaklaw sa mga hayop ng katihan at karagatan, ay talagang dumadalangin ng kabutihan para sa tagapagturo sa mga tao ng mga kaalaman ng Relihiyon na nasa mga ito ang kaligtasan ng mga tao at ang tagumpay nila.
Ayon kay Ḥudhayfah bin Al-Yamān (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag nagnais siya na matulog, ay naglalagay ng kamay niya sa ilalim ng ulo niya pagkatapos nagsasabi: "Allāhumma qinī `adhābaka yawma tajma`u aw tab`athu `ibādak. (O Allāh, magsanggalang Ka sa akin laban sa pagdurusang dulot Mo sa araw na magtitipon Ka o magbubuhay Ka ng mga lingkod Mo.)"}
Nagsalaysay nito si Imām At-TirmidhīyAng Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag humiga siya sa higaan niya upang matulog, ay nag-uunan ng kanang kamay niya at naglalagay ng kanang pisngi niya sa ibabaw nito at nagsasabi: "O Allāh," Panginoon ko, "magsanggalang Ka sa akin" at mangalaga ka sa akin "laban sa pagdurusang dulot Mo" at parusa Mo "sa araw na magtitipon Ka o magbubuhay Ka ng mga lingkod Mo" para sa Araw ng Pagtutuos sa Araw ng Pagbangon.
Ayon kay Ubayy bin Ka`b, malugod si Allah sa kanya: Ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, kapag nagdaan ang sangkatlo ng gabi, ay bumabangon at nagsasabi: "O mga tao, alalahanin ninyo si Allah. Dumating ang unang pag-ihip [sa tambuli], na susundan ng ikalawang pag-ihip. Dumating ang kamatayan dala ang nilalaman nito. Dumating ang kamatayan dala ang nilalaman nito." Nagsabi ako: "O Sugo ni Allah, tunay na ako ay nagpaparami ng panalangin ng pagpapala sa iyo, kaya ilan ang itatalaga ko para sa iyo sa panalangin ko ng pagpapala?" Nagsabi siya: "Ang niloob mo." Nagsabi ako: "Ang sangkapat?" Nagsabi siya: "Ang niloob mo. Kung dadagdagan mo, ito ay mabuti para sa iyo." Nagsabi ako: "Kaya ang kalahati?" Nagsabi siya: "Ang niloob mo. Kung dadagdagan mo, ito ay mabuti para sa iyo." Nagsabi ako: "Kaya ang dalawang sangkatlo?" Nagsabi siya: "Ang niloob mo. Kung dadagdagan mo, ito ay mabuti para sa iyo." Nagsabi ako: "Itatalaga ko para sa iyo ang lahat ng panalangin ko ng pagpapala." Nagsabi siya: "Samakatuwid, sasapat ito para sa alalahanin mo at patatawarin ka sa pagkakasala mo."
Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām AḥmadNabanggit sa unang bahagi ng hadith na ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, kapag bumabangon siya noon sa isang katlo ng gabi, ay nagsasabi bilang tapagpagpaalaala sa Kalipunan ninyo laban sa pagkalingat at bilang tagapag-udyok sa kanila sa magpapahantong sa kanila sa kaluguran ni Allah, napakamaluwalhati Niya, bilang bahagi ng kalubusan ng awa Niya: "O mga tao, alalahanin ninyo si Allah." Ibig sabihin: "Sa salita at sa puso upang maudyukan ng natatamong bunga ng pag-alaala kay Allah sa pagpaparami ng paggawa ng mabuti at pagtigil sa paggawa ng masama." Nasaad din sa hadith na ang humihiling ay maaaring may panalanging ipinapanalangin niya para sa sarili niya. Maaari niyang italaga ang isang katlo nito bilang panalangin para sa Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan. Maaari niyang italaga para sa Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ang kalahati nito. Maaari ring ang lahat ng panalangin niya ay para sa Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, gaya ng pagdalangin para sa Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, sa halip ng pagdalangin para sa sarili. Nagpagtibay nga na: "Ang sinumang dumalangin ng pagpapala sa akin, pagpapalain siya ni Allah nang makasampu." Itinala ito ni Imām Muslim sa Ṣaḥīḥ niya (1/306 numero 408) mula sa hadith ayon kay Abū Hurayrah. Ang kabayaran ng pagdalangin niya ng pagpapala ay sasapat sa kanya. Dahil dito ay nagsabi siya: "Samakatuwid, sasapat ito para sa alalahanin mo at patatawarin ka sa pagkakasala mo." Ibig sabihin: Tunay na ikaw ay humihiling lamang ng paglaho ng dahilan ng kapinsalaang sumusunod sa alalahanin at nagreresulta ng pagkakasala. Kapag dumalangin ka ng pagpapala sa akin sa halip ng panalangin mo para sa sarili, makakamit mo ang nilalayon mo. Posibleng ang hadith na ito ay mangahulugang makikihati siya sa Propeta kasama ng Propeta sa panalangin. Para bang siya ay nagsabi: "Tuwing dumadalangin ako para sa sarili ko, dumadalangin ako ng pagpapala sa iyo." Hindi ito nagpapahiwatid ng pagkakasya sa pagdalangin ng pagpapala sa Propeta sa halip ng pagdalangin para sa sarili, bagkus pagsasamahin ang dalawang ito bilang pagsasagawa ayon sa lahat ng teksto ng hadith.
Ayon kay `Ā’ishah, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: "Si Abū Bakr Aṣ-Ṣiddīq, malugod si Allah sa kanya, ay may isang alipin noon na nagdadala sa kanya ng kita. Si Abū Bakr Aṣ-Ṣiddīq noon ay kumakain mula sa kinita nito. May dinala siya isang araw at kumain mula roon si Abū Bakr at nagsabi sa kanya ang alipin: Nalalaman mo kung ano ito? Nagsabi si Abū Bakr: Ano ito? Nagsabi ito: Ako noon ay nanghula sa isang tao noong panahon ng kamangmangan at hindi naman ako mahusay sa panghuhula kaya nilinlang ko siya; nakatagpo niya ako kaya binigyan niya ako dahil doon nitong kinainan mo. Kaya ipinasok ni Abū Bakr ang kamay niya [sa bibig] at isinuka ang bawat bagay sa tiyan niya."
Isinaysay ito ni Imām Al-BukhārīyAng aliping ito ay kay Abū Bakr. Nakipagkasundo siya rito na magbibigay ito sa kanya ng takdang bagay sa bawat araw. Isang araw, naghatid ang aliping ito ng pagkain kay Abū Bakr at kinain niya iyon. Nagsabi ito: "Nalalaman mo ba kung ano ito?" Nagsabi siya: "Ano ito?" Nagsabi ito: "Ito ay kabayaran sa upa ng panghuhulang isinagawa ko noong panahon ng kamangmangan gayong ako ay hindi mahusay manghula ngunit dinaya ko ang lalaki at nang nakatagpo niya ako ay ibinigay niya sa akin iyan." Ang kabayaran sa panghuhula ay ipinagbabawal. Magkatulad lamang kung ang manghuhula ay mahusay sa gawaing panghuhula o hindi mahusay dahil ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay nagbawal sa pagbibigay sa manghuhula. Isinadokumento ito ni Imām Al-Bukhārīy sa Ṣaḥīḥ niya, 3/1198 numero 1567 mula sa ḥadīth ayon kay Abu Mas`ūd Al-Anṣārīy. Noong sinabi kay Abū Bakr ang pahayag na ito, ipinasok ni Abū Bakr ang kamay niya sa bibig niya, isinuka ang bawat kinain niya, at inilabas iyon mula sa tiyan niya upang hindi makakain ang tiyan niya ng ipinagbabawal. Ito ay pagkaing ipinagbabawal dahil ito ay kabayaran mula sa isang ipinagbabawal sapagkat ang upa sa gawaing ipinagbabawal ay ipinagbabawal.
Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: "Ang babaing kamelyo noon ng Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na si Al-`Aḍbā’, ay hindi nauunahan o halos hindi nauunahan ngunit may dumating na isang Arabeng disyerto sakay ng isang kamelyo niya at naunahan nito iyon. Dinibdib iyon ng mga Muslim hanggang sa malaman niya ito kaya nagsabi siya: "Isang karapatan ni Allah na walang umaangat na anumang bagay mula sa Mundo na hindi Niya ibababa iyon."
Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy ng tulad nitoNasaad sa ḥadīth na ang babaing kamelyo ng Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na si Al-`Aḍbā’, ay itinuturing noon ng mga kasamahan, malugod si Allah sa kanila, na iyon ay hindi nauunahan o halos hindi nauunahan, ngunit dumating ang Arabeng disyertong ito sakay ng kamelyo niya at naunahan nito si Al-`Aḍbā’. Iyon ay dinibdib ng mga kasamahan, malugod si Allah sa kanila, kaya nagsabi ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, noong nalaman niya ang nasa mga kalooban nila: "Isang karapatan ni Allah na walang umaangat na anumang bagay mula sa Mundo na hindi Niya ibababa iyon." Kaya ang bawat pag-angat sa Mundo, ito ay hindi maiiwasang hahantong sa pagbaba. Kung ang pag-angat na ito ay pagmamataas ng mga kaluluwa at pagmamalaki, tunay na ang pagbaba ay higit na mabilis dahil ang pagbaba ay magiging isang kaparusahan. Kapag hindi naman nasamahan ito ng anuman, tunay na ito ay hindi maiiwasang bumalik at bumaba. Sa sabi niya, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na "mula sa Mundo" ay may patunay sa ang anumang umangat sa mga bagay-bagay kaugnay sa Kabilang-buhay, tunay na hindi ito ibababa ni Allah. Batay sa sabi ni Allah: "iaangat ni Allah sa mga antas ang mga sumampalataya na kabilang sa inyo at ang mga binigyan ng kaalaman" (Qur'an 58:11) ang mga ito ay hindi ibinaba ni Allah, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, hanggat nanatili sila sa pagkakalarawang may pananampalataya at kaalaman. Tunay na hindi maaaring ibababa sila ni Allah; bagkus iaangat Niya para sa kanila ang katanyagan nila at iaangat Niya ang mga antas nila sa Kabilang-buhay.
Ayon kay Jābir bin `Abdillāh, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: "Kami noon, kapag umakyat kami, ay nagdadakila, at kapag bumaba kami, ay nagluluwalhati." Ayon kay Ibnu `Umar, malugod si Allah sa kanilang dalawa, na nagsabi: "Ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, at ang mga hukbo niya noon, kapag pumaitaas sa mga daan [sa bundok], ay nagdadakila, at kapag bumaba, ay nagluluwalhati."
Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy - Isinaysay ito ni Imām Abū DāwudAng kaangkupan ng takbīr sa pag-akyat sa mataas na lugar ay dahil sa ang pagpapaitaas at ang pag-angat ay kaibig-ibig sa mga kaluluwa dahil sa dulot nitong pagkadama ng kadakilaan kaya itinuring ng tao na dakila ang sarili niya. Dahil dito ay nagsasabi ang Muslim ng Allāhu akbar. Nangangahulugan ito na itinutulak niya ang sarili niya sa pagpapakaaba. Tungkol naman sa kadakilaan ni Allah, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, isinasatagubilin sa naghahangad ng pag-angat ng sarili na alalahanin niya ang kadakilaan ni Allah, pagkataas-taas Niya, na Siya ay pinakadakila sa bawat bagay. Kaya naman dinadakila nito Siya upang magpasalamat sa Kanya roon at nagdaragdag naman Siya rito mula sa kabutihang-loob Niya. Ang kaangkupan naman ng tasbīḥ ay sa sandali ng pagbaba dahil sa ang mababang lugar ay makipot na lugar kaya sisimulan dito ang tasbīḥ dahil ito ay kabilang sa mga kadahilanan ng kaluwagan gaya ng nangyari sa kasaysayan ni Propeta Jonas, sumakanya ang pangangalaga, nang nagluwalhati siya sa gitna ng mga kadaliman kaya nakaligtas siya mula sa kapanglawan. Ang pagbaba ay kababaan, kaabahan, at pagkahamak. Kaya magsasabi ito ng Subḥāna -llāh (Napakamaluwalhati ni Allah), na nangangahulugang "ikinakaila nito kay Allah, nakapakamaluwalhati Niya at pagkataas-taas, ang kababaan dahil Siya, napakamaluwalhati Niya at pagkataas-taas, ay nasa ibabaw ng bawat bagay. Gayon din ang eroplano, sa pag-angat nito ay magdadakila kay Allah at sa pagbaba nito sa paliparan ay magluluwalhati dahil walang ipinagkaiba ang pag-akyat sa himpapawid at ang pagbaba mula roon o sa lupa. Si Allah ang Tagapagtagumpay.