





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay Juwayriyah na ina ng mga mananampalataya (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay lumabas mula sa piling nito isang umaga nang nagdasal siya sa madaling-araw habang ito naman ay nasa pinagpapatirapaan nito. Pagkatapos bumalik siya matapos na tinanghali siya habang ito ay nakaupo. kaya nagsabi siya: "Hindi ka naalis sa kalagayan na nag-iwan ako sa iyo roon?" Nagsabi ito: "Oo." Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Talaga ngang nagsabi ako matapos mag-iwan sa iyo ng apat na pangungusap nang tatlong ulit, na kung sakaling tinimbang ang mga ito sa sinabi mo magmula ngayong araw, talaga sanang nagmatimbang ang mga ito sa mga iyon: Subḥāna -llāhi wa-bi-ḥamdihi `adada khalqihi wa-riḍā nafsihi wa-zinata `arshihi wa-midāda kalimātihi. (Kaluwalhatian kay Allāh at kalakip ng papuri sa Kanya ayon sa bilang ng nilikha Niya, ayon sa pagkalugod ng sarili Niya, ayon sa timbang ng Trono Niya, at ayon sa [dami ng] tinta [ng pagsulat] ng mga salita Niya.)"}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimLumabas ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) mula sa piling ng maybahay niya, ang ina ng mga mananampalataya na si Juwayriyah (malugod si Allāh sa kanya), sa simula ng maghapon nang nagdasal siya sa madaling-araw habang ito naman ay nasa puwesto ng ṣalāh nito. Pagkatapos bumalik siya matapos na nangalahati ang maghapon sa oras ng kataasan ng araw habang ito naman ay hindi naalis sa pagkakaupo sa lugar nito. Kaya nagsabi siya: "Hindi ka naalis sa kalagayan na nag-iwan ako sa iyo roon?" Nagsabi ito: "Oo." Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Talaga ngang nagsabi ako matapos mag-iwan sa iyo ng apat na pangungusap at nag-ulit-ulit ng mga ito nang tatlong ulit, na kung sakaling ipinaghambing ang mga ito sa punto ng pabuya sa sinabi mo sa buong panahon na ikaw ay nakaupo, talaga sanang nagmatimbang ang mga ito sa mga iyon: "Kaluwalhatian kay Allāh" at pagpapawalang-kinalaman sa Kanya sa lahat ng mga kakulangan "at kalakip ng papuri sa Kanya" yayamang ukol sa Kanya ang marikit na pagbubunyi na nagpatnubay Siya dahil doon "ayon sa bilang ng nilikha Niya," na walang nakapag-iisa-isa sa kanila kundi Siya, "ayon sa pagkalugod ng sarili Niya," sa abot ng nagpapalugod sa Kanya sa sinumang nalugod Siya roon kabilang sa mga lingkod Niya, na isang bagay na hindi natatalos, "ayon sa timbang ng Trono Niya," na siyang pinakadakila sa mga nilikha at pinakamabigat sa mga ito, at "ayon sa [dami ng] tinta [ng pagsulat] ng mga salita Niya" habang ang mga salita Niya ay hindi nalilimitahan at hindi nauubos. Ito ay sumasakop sa tatlong bahagi at sumasaklaw sa mga ito sapagkat tunay na ang tinta [ng pagsulat] ng mga salita Niya (kaluwalhatian sa Kanya) ay walang wakas para sa sukat niyon ni para sa katangian niyon ni para sa bilang niyon subalit ang tinutukoy ay ang pagpapalabis sa dami dahil iyon ay pagbanggit, una, ng isang hindi nakalilimita roon ang maraming bilang mula sa bilang ng nilikha. Pagkatapos umangat ito patungo sa higit na dakila kaysa roon at nagpahayag tungkol dito hinggil sa pagkalugod ng sarili Niya, pagkatapos ng timbang ng pinakadakila sa mga nilikha, ang Trono. Ang una ay para sa bilang at kantidad, ang ikalawa ay para sa katangian at kalidad, at ang ikatlo ay para sa kadakilaan at kabigatan.
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Walang umupong mga tao sa isang pagtitipon, na hindi sila nag-alaala kay Allāh roon at hindi sila dumalangin ng basbas para sa Propeta nila, malibang may magiging ukol sa kanila na isang hinagpis. Kung loloobin Niya, pagdurusahin Niya sila; at kung loloobin Niya, patatawarin Niya sila."}
Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, at Imām An-Nasā’īy sa Al-KubrāNagbigay-babala ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa pagkalingat sa pag-alaala kay Allāh at na walang naupong mga tao sa isang pagtitipon at hindi nag-alaala kay Allāh (napakataas Siya) doon at hindi dumalangin ng basbas sa Sugo Niya (basbasan Niya ito at pangalagaan) malibang ang pagtitipong iyon ay magiging isang panghihinayang sa kanila, isang pagsisisi, isang kalugihan, at isang kakulangan sa Araw ng Pagbangon. Kung loloobin Niya, pagdurusahin Niya sila sa mga pagkakasala nilang nauna at mga pagkukulang nilang susunod; at kung loloobin Niya, patatawarin Niya sila bilang kabutihang-loob mula sa Kanya at bilang awa.
Ayon kay Jābir (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Tunay na kabilang sa pinakakaibig-ibig sa inyo sa akin at pinakamalapit sa inyo sa akin sa upuan sa Araw ng Pagbangon ay ang mga pinakamaganda sa inyo sa mga kaasalan. Tunay na ang pinakakamuhi-muhi sa inyo sa akin at ang pinakamalayo sa inyo sa akin sa upuan sa Araw ng Pagbangon ay ang mga madaldal, ang mga masatsat, at ang mga tagapangalandakan." Nagsabi sila: "Nalaman na namin ang mga madaldal at ang mga tagasatsat, ngunit ano naman po ang mga tagapangalandakan?" Nagsabi Siya: "Ang mga nagpapakamalaki."}
Nagsalaysay nito si Imām At-TirmidhīyNagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na kabilang sa pinakakaibig-ibig sa inyo sa kanya sa Mundo at pinakamalapit sa inyo sa kanya sa upuan sa Araw ng Pagbangon ay ang mga pinakamaganda sa inyo sa mga kaasalan at na ang pinakakamuhi-muhi sa inyo sa kanya at ang pinakamalayo sa inyo sa kanya sa upuan sa Araw ng Pagbangon ay ang mga masagwa sa inyo sa mga kaasalan: ang mga madaldal: ang mga tagapagparami ng pananalita bilang pagpapakahirap at bilang paglabas buhat sa katotohanan, ang mga masatsat: ang mga nagpapakalawak sa pagsasalita bilang pagtatatas-tatasan at bilang pagdakila sa pagsasalita nila nang walang pasubali at pag-iingat, at ang mga tagapangalandakan. Nagsabi sila: "O Sugo ni Allāh, nalaman na namin ang mga madaldal at ang mga tagasatsat, ngunit ano naman po ang mga tagapangalandakan?" Nagsabi Siya: "Ang mga nagpapakamalaki na nangungutya sa mga tao, na nagpapakalawak sa pagsasalita at nagbubukas dahil dito ng mga bibig nila."
Ayon kay `Abdullāh bin `Amr Al-`Āṣṣ (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Nagtagumpay nga ang sinumang umanib sa Islām at tinustusan ng kasapatan. Nagbigay-kasiyahan sa kanya si Allāh sa pamamagitan ng ibinigay sa kanya."}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimNaglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nanalo nga at nagtamo nga ang sinumang nagpaakay tungo sa Panginoon niya saka pinatnubayan siya, itinuon siya sa Islām, tinustusan siya ng pinahihintulutan sa abot ng pangangailangan niya nang walang dagdag ni kulang, at gumawa sa kanya si Allāh bilang nasisiyahan at bilang nalulugod sa ibinigay sa kanya.
Ayon kay `Ubaydullāh bin Miḥṣan Al-Anṣārīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang inumaga kabilang sa inyo habang pinagaling sa katawan niya, habang tiwasay sa luklukan niya, na taglay niya ang pagkain ng araw niya, para bang ipinatamo para sa kanya ang Mundo."}
Nagsalaysay nito sina Imām At-Tirmidhīy at Imām Ibnu MājahNagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang inumaga kabilang sa inyo, O mga Muslim, habang malusog na ligtas sa katawan niya mula sa mga dinaramdam at mga karamdaman, habang tiwasay sa sarili niya, mag-anak niya, mga alaga niya, daan niya, na hindi nangangamba, na taglay niya ang kasapatan ng pagkain ng araw niya mula sa ipinahihintulot, para bang tinipon para sa kanya ang Mundo sa kalahatan nito.
Ayon kay `Ā’ishah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsasakaibig-ibig ng mga masaklaw na panalangin at nag-iiwan ng bukod pa roon.}
Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud at Imām AḥmadAng Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsasakaibig-ibig sa mga panalanging sumasaklaw sa kabutihan sa Mundo at Kabilang-buhay, kabilang sa anumang ang pananalita nito ay kakaunti at ang kahulugan nito ay marami. Nasaad dito ang pagbubunyi kay Allāh (napakataas Siya) at ang mga maayos na layon. Nag-iiwan siya ng anumang iba pa roon.
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Ang panunumpa ay isang pinaggugulan ng paninda at isang pinagpupuksaan ng tubo."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNagbigay-babala ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa panunumpa at pagpaparami nito kahit pa man naging tapat sa pagtitinda at pagbili. Nagpabatid siya na ito ay isang kadahilanan ng pagkamabili ng paninda at inilalako subalit ito ay isang kakulangan at isang pagpapawalang-saysay sa pagpapala sa tubo at kita. Maaaring magpangibabaw si Allāh (napakataas Siya) dito ng mga pangyayaring sisira sa mga ito, na maaaring pagnanakaw o pagkasunog o pagkalubog o pagkamkam o pagdambong o mga iba pang insidenteng sisira sa ari-arian.
Ayon kay Ubayy bin Ka`b (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Huwag ninyong alipustain ang hangin. Kaya kapag nakakita kayo ng kinaiinisan ninyo ay sabihin ninyo: Allāhumma innā nas'aluka min khayri hādhihi -rrīhī wa-khayri mā fīhā wa-khayri mā umirat bihi, wa-na`ūdhu bika min sharri hādhihi irrīḥi wa-sharri mā fīhā wa-harri mā umirat bih. (O Allāh, tunay na kami ay humihingi sa Iyo mula sa kabutihan ng hanging ito, kabutihan ng narito, at kabutihan ng ipinag-utos dito; at nagpapakupkop kami sa Iyo laban sa kasamaan ng hanging ito, kasamaan ng narito, at kasamaan ng ipinag-utos dito)."}
Nagsalaysay nito si Imām At-TirmidhīySumaway ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa paglait o pagsumpa sa hangin sapagkat tunay na ito ay inuutusan ng Tagalikha nito, na maghatid ng awa at pagdurusa. Ang pag-alipusta rito ay isang pag-alipusta kay Allāh, ang Tagalikha nito, at isang pagkainis sa pagtatadhana Niya. Pagkatapos gumabay ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungo sa pagbabalik kay Allāh, ang Tagalikha nito, sa pamamagitan ng paghiling sa Kanya ng kabutihan nito, kabutihan ng narito, at kabutihan ng pagkasugo nito gaya ng paghahatid nito ng ulan, paglilipat ng mawo (pollen), at tulad nito; at ng paghiling ng pagkupkop kay Allāh laban sa kasamaan ng hanging ito, kasamaan ng narito, at kasamaan ng pagkasugo nito gaya ng pagsira ng halaman, mga punong-kahoy, pagkasawi ng mga hayupan, pagkawasak ng mga estruktura, at tulad nito. Sa paghiling kay Allāh niyon ay may pagsasakatotohanan ng pagkamananamba kay Allāh.
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Huwag magsabi ang isa sa inyo: O Allāh, magpatawad Ka sa akin kung niloob Mo, maawa Ka sa akin kung niloob Mo, at magtustos Ka sa akin kung niloob Mo. Magtika ito sa paghiling nito.Tunay na Siya ay gumagawa ng niloloob Niya; walang tagapilit sa Kanya."} At kay Imām Muslim: "Subalit magtika ito sa paghiling nito at magpabigat ito ng pagkaibig sapagkat tunay na si Allāh ay hindi napabibigatan ng anumang ibinigay Niya."
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoSumaway ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa pagsasadepende ng panalangin sa anuman pati kahit pa man sa kalooban ni Allāh sapagkat tunay na iyon ay isang bagay na nalalaman at natitiyak na Siya ay hindi nagpapatawad maliban na loobin Niya (kaluwalhatian sa Kanya). Walang kahulugan para sa pagsasakundisyon ng panalangin sa kalooban dahil ang kalooban ay isinasakundisyon lamang sa sinumang maaari sa kanya na gumawa nang walang pagnanais dahil sa pamimilit at iba pa rito kabilang sa anumang nagpakawalang-kinalaman si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya) doon. Naglinaw nga niyon ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa hulihan ng ḥadīth sa pagsabi niya na walang tagapilit sa Kanya. Gayundin si Allāh ay hindi napabibigatan ng anumang ibinigay Niya. Siya ay hindi nawawalang-kakayahan at walang malaki sa Kanya na anuman nang sa gayon sabihin: Kung loloobin Mo. Ang pagsasadepende ng panalangin sa kalooban Niya ay isang uri ng pagpapawalang-pangangailangan sa kapatawaran Niya. Kaya ang pagsabi ng: "Kung loloobin mo na bigyan ako ng ganito, gawin Mo" ay hindi ginagamit kundi sa isang di-kailangan o walang-kakayahan. Hinggil naman sa nakakakaya at kasabay ng kawalang-pagkaiwas sa kanya at pangangailangan sa kanya, tunay na magtitika sa paghiling sa kanya at hihiling gaya ng paghiling ng isang maralitang walang-pagkaiwas sa hinihiling nito sa kanya. Dinudulugan si Allāh dahil Siya ang Walang-pangangailangan, ang Lubos, ang Nakakakaya sa bawat bagay.