Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way






























Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang nagtanggol sa dangal ng kapatid niyang Muslim sa sandali ng pagkaliban nito sa pamamagitan ng pagpigil sa pagpula rito o paggawa ng masagwa rito, tunay na si Allāh ay magsasanggalang sa kanya sa pagdurusa sa Araw ng Pagbangon.
Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang nagsabi nang isandaang ulit sa isang araw ng Subḥāna –llāhi wa-biḥamdihi (Kaluwalhatian kay Allāh at kalakip ng papuri sa Kanya), buburahin ang mga kamalian niya at patatawarin, kahit pa man ang mga ito ay marami tulad ng puting bula na pumapaibabaw sa dagat sa sandali ng pag-alon nito at pagkabulabog nito.
Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang nagsabi ng Lā ilāha illa –llāhu waḥdahu lā sharīka lah, lahu –lmulku wa-lahu –lḥamd, wa-huwa `alā kulli shay'in qadīr (Walang Diyos kundi si Allāh — tanging Siya: walang katambal sa Kanya. Ukol sa Kanya ang paghahari at ukol sa Kanya ang papuri. Siya sa bawat bagay ay Makapangyarihan). Ang kahulugan nito: Walang sinasamba ayon sa karapatan kundi si Allāh – tanging Siya: walang katambal sa Kanya – at na Siya (kaluwalhatian sa Kanya) ay ang natatangi sa paghaharing lubos, ang karapat-dapat sa pagbubunyi at pagpapapuri kasama ng pag-ibig at pagdakila bukod sa sinumang iba pa sa Kanya, at na Siya ay Nakakakaya, na walang nagpapawalang-kakayahan sa Kanya na anuman. Ang sinumang nag-ulit-ulit sa dakilang dhikr na ito nang sampung beses sa isang araw, magkakaroon siya ng pabuyang tulad ng pabuya ng sinumang nag-alis ng pagkaalipin sa apat na inaliping kabilang sa mga supling ni Ismael na anak ni Abraham (sumakanilang dalawa ang basbas at ang pangangalaga). Itinangi ang mga supling ni Ismael (sumakanya ang pangangalaga) dahil sila ay higit na marangal kaysa sa iba.
Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang nagnais si Allāh sa kanya ng isang kabutihan, tunay na Siya ay magtutustos sa kanya ng isang pagkaintindi sa Relihiyon Niya (kaluwalhatian sa Kanya); na ang Propeta (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) ay tagapaghating maghahari at mamamahagi ng ibibigay sa kanya ni Allāh (napakataas Siya) na panustos, kaalaman, at iba pa; na ang tagapagbigay, sa katunayan, ay si Allāh samantalang ang mga iba pa sa Kanya ay mga kadahilanang hindi nagpapakinabang malibang ayon sa pahintulot ni Allāh; at na hindi matitigil ang Kalipunang ito [ng Islām] bilang tagapagtaguyod sa utos ni Allāh, na hindi pipinsala sa kanila ang sinumang sumalungat sa kanila, hanggang sa sumapit ang Huling Sandali.
Naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) ay umiibig sa ilan sa mga lingkod Niya. Kabilang sa kanila ang mapangilag magkasala: ang tagasunod sa mga ipinag-uutos ni Allāh, ang tagaiwas sa mga sinasaway Niya. Umiibig si Allāh sa nakasasapat: na nagpawalang-pangangailangan sa mga tao dahil kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan), na hindi bumabaling sa iba pa sa Kanya. Umiibig si Allāh sa mapagkubli: ang nagpapakumbabang nagpapakamananamba sa Panginoon niya, na tagagamit ng nagpapakinabang sa kanya, na hindi nagpapahalaga na makilala siya ng isang tao o pag-usapan siya sa pamamagitan ng pagbubunyi o pagpapapuri.
Bahagi ng pagpatnubay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na siya ay hindi tumatanggi sa pabango at tumatanggap nito dahil ito ay magaan ang pagdala at kaaya-aya ang amoy.
Naglilinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang kabanayaran, ang kalumanayan, at ang pagpapakahinay-hinay sa pagsasabi at paggawa ay nakadaragdag sa mga bagay-bagay ng karikitan, kalubusan, at kagandahan; at higit na marapat na makaabot ang tagapagtaglay ng mga ito sa pangangailangan niya. Ang kawalan ng kabanayaran ay pumipintas sa mga bagay-bagay, nagpapapangit sa mga ito, at pumipigil sa tagapagtaglay ng mga ito sa pag-abot sa pangangailangan niya. Kung nakaabot man siya nito, kalakip naman ng hirap.
Naglilinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang pagpuri ng tao sa Panginoon nito dahil sa kabutihang-loob Niya at mga biyaya Niya ay kabilang sa bagay-bagay na nagtatamo ito sa pamamagitan ng mga iyon ng kaluguran ni Allāh, kaya naman kumakain ito ng pagkain, nagsasabi ito ng Alḥamdu lillāh (ang papuri ay ukol kay Allāh), umiinom ito ng inumin, at nagsasabi ito ng Alḥamdu lillāh (ang papuri ay ukol kay Allāh).
Naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang kagandahan ng kaasalan ay nagpapaabot sa tagapagtaglay nito sa katayuan ng tagapagpamalagi sa pag-aayuno sa araw at pagdarasal sa gabi. Ang kinasalalayan ng kagandahan ng kaasalan ay ang pagkakaloob ng nakabubuti, ang kagandahan ng pagsasalita, ang kaaliwalasan ng mukha, ang pagpipigil sa perhuwisyo, at ang pagbabata niya dahil sa mga tao.