Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way






























Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
Hindi naging bahagi ng mga kaasalan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ang pangit na pananalita o ang pangit na gawain at hindi siya noon nagpapakay nito at hindi nananadya nito sapagkat siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay may dakilang kaasalan. Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsasabi noon: "Tunay na ang pinakamainam sa inyo sa ganang kay Allāh ay ang pinakamaganda sa inyo sa kaasalan sa pamamagitan ng pagkakaloob ng nakabubuti, kaaliwalasan ng mukha, pagpigil ng perhuwisyo, pagbabata nito, at pakikihalubilo sa mga tao sa pamamagitan ng karikitan."
Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na siya ay hindi mag-iiwan matapos niya ng isang pagsubok at isang pagsusulit na higit na mapinsala sa mga lalaki kaysa sa mga babae. Kung ang babae ay kabilang sa mag-anak niya, maaaring may mangyari sa kanya na pagsubaybay dito kaugnay sa pagsalungat sa Batas ng Islām. Kung ito naman ay isang babaing estranghera sa kanya, [ang pagsubok ay] ang pakikihalubilo niya, ang pakikipagsarilihan niya rito, at ang inireresulta roon na mga katiwalian.
Nag-uutos ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng pagpapagaan at pagpapadali sa mga tao at hindi pagpapahirap sa kanila sa lahat ng mga nauukol sa Relihiyon at Mundo. Iyon ay sa mga hangganan ng ipinahintulot at isinabatas ni Allāh. Humihimok siya ng pagpapagalak sa kanila sa pamamagitan ng kabutihan at hindi pagpapalayo ng loob nila rito.
Gumagabay ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Kalipunan niya tungo sa pangungunyapit at pagdulog na nagpapakinabang na naitutulak sa pamamagitan nito ang bawat pinangingilagang pinangangambahan ng tao kapag nanuluyan siya sa isang lugar sa lupa, maging ito man ay sa isang paglalakbay o isang pamamasyal o iba pa rito. Ito ay sa pamamagitan ng pangungunyapit at pagdulog sa mga lubos na salita ni Allāh sa kainaman ng mga ito, pagpapala ng mga ito, pagpapakinabang ng mga ito, na malaya sa bawat kapintasan at kakulangan, laban sa kasamaan ng bawat nilikha na may kasamaan, para matiwasay sa tuluyan niyang iyon, hanggat nananatili roon, laban sa bawat anumang nakapeperhuwisyo.
Nagpapabatid sa atin ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang Muslim ay hindi nagiging lubos ang pananampalataya hanggang sa mag-una siya sa pag-ibig sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) higit sa pag-ibig sa ina niya, ama niya, lalaking anak niya, babaing anak niya, at mga tao sa kalahatan. Ang pag-ibig na ito ay humihiling ng pagtalima niya, pag-aadya niya, at pagwaksi ng pagsuway niya.
Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang pag-alaala kay Allāh sa pamamagitan ng mga dakilang pangungusap na ito ay higit na mabuti kaysa sa Mundo at anumang narito. Ang mga ito ay: Ang "subḥāna –llāh (kaluwalhatian kay Allāh)": isang pagpapawalang-kinalaman kay Allāh sa mga kakulangan; Ang "alḥamdu lillāh (ang papuri ay ukol kay Allāh)": isang pagbubunyi sa Kanya sa pamamagitan ng mga katangian ng kalubusan kasama ng pag-ibig sa Kanya at pagdakila sa Kanya; Ang "lā ilāha illa –llāh (Walang Diyos kundi si Allāh)": Walang sinasamba ayon sa karapatan kundi si Allāh; Ang "Allāhu akbar (si Allāh ay pinakadakila)": higit na dakila at higit na kapita-pitagan kaysa sa bawat bagay.
Nagpapabatid si `Umar (malugod si Allāh sa kanya) na ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay sumaway sa kanila laban sa pagsasagawa ng anumang may pahirap na wala namang pangangailangan doon, maging ito man ay salita o gawa.
Nagpapabatid si `Umar na anak ni Abī Salamah (malugod si Allāh sa kanilang dalawa), na anak ng maybahay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na si Ummu Salamah (malugod si Allāh sa kanya), na noon ay nasa ilalim ng pag-aalaga at pag-aaruga ng Propeta, na noong minsang siya ay nasa sandali ng pagkain habang naglilipat siya ng kamay niya sa mga gilid ng bandehado upang damputin ang pagkain, nagturo sa kanya ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng tatlong etiketa mula sa mga etiketa ng pagkain: A. Ang pagsabi ng Bismi –llāh (Sa ngalan ni Allāh) sa simula ng pagkain. B. Ang pagkain sa pamamagitan ng kanang kamay. C. Ang pagkain mula sa gilid na malapit mula sa pagkain.
Nag-uutos ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na kumain ang Muslim at uminom ito sa pamamagitan ng kanang kamay nito at sumasaway siya laban sa pagkain at pag-inom sa pamamagitan ng kaliwang kamay dahil ang demonyo ay kumakain at umiinom sa pamamagitan ng kaliwang kamay.