





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay Anas (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Ang Sugo ni Allāh noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagpaparami ng pagsasabi ng: "Ya muqalliba –lqulūbi, thabbit qalbī `alā dīnik. (O Tagapagbagu-bago ng mga puso, patatagin Mo ang puso ko sa Relihiyon Mo.)" Kaya nagsabi ako: "O Sugo ni Allāh, sumampalataya kami sa iyo at sa inihatid mo; kaya nangangamba ka po ba para sa amin?" Nagsabi siya: "Oo; tunay na ang mga puso ay nasa pagitan ng dalawang daliri mula sa mga daliri ni Allāh, na nagbabagu-bago Siya ng mga ito kung papaano Niyang niloloob."}
Nagsalaysay nito sina Imām At-Tirmidhīy at Imām AḥmadAng pinakamadalas na panalangin ng Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay ang paghiling kay Allāh ng katatagan sa Relihiyon, ang pagtalima, at ang paglayo sa kalikuan at pagkaligaw. Kaya nagulat si Anas bin Mālik (malugod si Allāh sa kanya) sa pagpapadalas ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa panalanging ito. Nagpabatid naman sa kanya ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang mga puso ay nasa pagitan ng dalawang daliri mula sa mga daliri ni Allāh, na nagbabagu-bago Siya ng mga ito kung papaano Niyang niloloob. Ang puso ay ang kinalalagyan ng pananampalataya at kawalang-pananampalataya. Tinawag nga ang puso bilang puso (qalb) dahil sa dalas ng pagpapabagu-bago nito. Ito ay higit na matindi sa pagbabago kaysa sa kaldero kapag tumindi ito sa kulo. Kaya ang sinumang niloob ni Allāh, magpapanatili Siya ng puso nito sa patnubay at magpapatatag Siya rito sa Relihiyon. Ang sinumang niloob ni Allāh, magbabaling Siya ng puso nito palayo sa patnubay patungo sa kalikuan at pagkaligaw.
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya-Hadith na Marfu-: ((Sinabi ni Allah-Pagkataas-taas Niya: Walang makukuhang gantimpala mula sa Akin ang alipin kong mananampalataya,kapag binawian ko ng buhay ang minamahal niya sa mundo,pagkatapos ay nagtiis at hinangad niya gantimpala nito,maliban sa Paraiso))
Isinaysay ito ni Imām Al-BukhārīyIpinapaalam ng Propeta-sumakanya ang pangangalaga-sa Hadith Al-Qudsiy na ito;na ang sinumang mabigyan ng pagsubok sa pagkawala ng minamahal niya mula sa kanyang mga kamag-anak o sa mga tulad nito.Kapag nagtimpi ang tao sa pagkamatay ng sinumang pinili Niya sa mga tao at nakita Niyang ito ay may malakas na kaugnayan sa kanya,katulad ng anak,kapatid,tiyuhin,ama,o ina,o malapit na kaibigan,kapag Kinuha siya ni Allah-kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan-pagkatapos at nagtimpi ang taong ito [at hinangad ang gantimpala],walang siyang ibang makakamit ng gantimpala maliban sa Paraiso
Ayon kay Jābir bin `Abdillah, malugod si Allah sa kanilang dalawa: "Huwag kayong dumalangin laban sa mga sarili ninyo. Huwag kayong dumalangin laban sa mga anak ninyo. Huwag kayong dumalangin laban sa mga yaman ninyo. Huwag ninyong itapat sa isang oras na kapag hiniling mula kay Allah sa sandaling ito ang isang bagay ay tutugon Siya sa inyo."
Nagsalaysay nito si Imām MuslimNagbibigay-babala ang Sugo, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, sa ḥadīth na ito at nagbabawal sa pagdalangin laban sa mga anak at mga yaman dahil ang panalangin ay mabigat ang kahihinatnan nito. Maaaring ipatupad ito ni Allah sa mga tao, kung sakaling natapat ito sa oras ng pagtugon, kaya naman ang kapinsalaan nito sa nagdalangin nito at sa anumang nauugnay sa kanya gaya ng mga anak niya at yaman niya.
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya: "Tinutugon ang isa sa inyo hanggat hindi siya nagmadali, na nagsasabi: Dumalangin na ako sa Panginoon ko ngunit hindi Siya tumugon sa akin." Sa isang sanaysay ni Imām Muslim: "Hindi titigil sa pagtugon sa tao hanggat hindi siya dumadalangin ng isang kasalanan o paglagot sa ugnayang pangkamag-anak, hanggat hindi siya nagmamadali." Sinabi: "O Sugo ni Allah, ano ang pagmamadali?" Nagsabi siya: "Nagsasabi siya: Dumalangin na ako at dumalangin na ako ngunit hindi ko nakitang tumutugon Siya sa akin." Manghihinawa siya sandaling iyon at iiwan niya ang pagdalangin.
Napagkaisahan ang katumpakanIpinababatid sa atin ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na tinutugon ang tao sa panalangin niya hanggat hindi siya dumalangin ng pagsuway o pagputol sa ugnayang pangkamag-anak, hanggat hindi siya nagmadali. Sinabi: "Ano po ang pagmamadaling nagreresulta ng paghadlang sa pagtugon sa panalangin." Nagsabi siya: "Nagsasabi ito: 'Dumalangin na ako, dumalangin na ako; paulit-ulit na sa akin ang pagdalangin ngunit hindi Siya tumugon sa akin.'" Nagmamadali siya sa sandaling iyon at iiwan na niya ang pagdalangin.
Ayon kay Abū Umāmah na nagsabi: {Nagsanaysay sa akin si `Amr bin `Abasah (malugod si Allāh sa kanya) na siya ay nakarinig sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Ang pinakamalapit na [sandali ng] Panginoon mula sa lingkod ay sa kalaliman ng huling bahagi ng gabi. Kaya kung nakakaya mo na ikaw ay maging kabilang sa mga nag-aalaala kay Allāh sa oras na iyon, maging gayon ka."}
Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, at Imām An-Nasā'īyNagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang Panginoon (kaluwalhatian sa Kanya) ay higit na pinakamalapit mula sa lingkod sa huling ikatlong bahagi ng gabi. Kaya kung natapat ka o naitakda ka, O mananampalataya, na ikaw ay maging kabilang sa isang kabuuan ng mga nagpapakamananambang nagdarasal na nag-aalaalang nagbabalik-loob sa oras na ito, tunay na ito ay isang bagay na nararapat ang pagsamantala rito at ang pagsusumikap dito.
Ayon kay `Abdullāh bin `Amr, malugod si Allah sa kanilang dalawa: "May lumapit na isang lalaki sa Propeta ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, at nagsabi: 'Nagpapahayag ako ng katapatan sa iyo sa paglikas at pakikibaka. Nagmimithi ako ng kabayaran mula kay Allah, pagktaas-taas Niya.' Nagsabi siya: 'Mayroon ka ba sa mga magulang mo na isang isang buhay pa?' Nagsabi ito: 'Opo; bagkus kapuwa sila [buhay].' Nagsabi siya: 'Kaya nagmimithi ka ba ng kabayaran mula kay Allah, pagkataas-taas Niya?' Nagsabi ito: 'Opo.' Nagsabi siya: 'Kaya bumalik ka sa mga magulang mo at husayan mo ang pakikisama sa kanilang dalawa.'" Sa isang sanaysay tungkol sa kanilang dalawa: "May dumating na lalaki at nagpaalam ito sa kanya [na lumahok] sa Pakikibaka. Nagsabi siya: 'Buhay pa ba ang mga magulang mo?' Nagsabi ito: 'Opo.' Nagsabi siya: 'Kaya alang-alang sa kanila ay makibaka ka.'"
Napagkaisahan ang katumpakanMay dumating na lalaki sa Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na nagpapabatid ng pagnanais nito at pagkaibig nito sa pakikibaka at paglikas alang-alang sa landas ni Allah, pagkataas-taas Niya. Ang lalaking ito ay nag-iwan ng mga magulang niya. Nasaad sa sanaysay ni Abū Dāwud: "umiiyak [ang mga magulang]" dahil sa pangamba para sa kanya na baka masawi. Kaya tinanong ito ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: "Mayroon pa ba sa mga magulang mo na isang isang buhay pa?" Nagsabi ito: "Opo; bagkus kapuwa sila [buhay]." Nagsabi siya: "A nagmimithi ka ba ng kabayaran mula kay Allah, pagkataas-taas Niya?" Nagsabi ito: "Opo." Nagsabi siya: "Kaya bumalik ka sa mga magulang mo at husayan mo ang pakikisama sa kanilang dalawa." Sa sanaysay ni Abū Dāwud: "Bumalik ka sa kanilang dalawa at patawanin mo silang dalawa gaya ng pagpapaiyak mo sa kanilang dalawa." Ibinalik siya ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, sa higit na karapat-dapat at higit na tungkulin sa panig niya at ito ay ang pagbalik sa mga magulang niya at ang pagpapahusay sa pakikisama sa kanilang dalawa sapagkat tunay na iyon ay bahagi ng pakikibaka sa sarili sa pagsasagawa ng paglilingkod sa kanilang dalawa, pagpapalugod sa kanilang dalawa, at pagtalima sa kanilang dalawa gaya ng nasaad sa sanaysay nina Imam Al-Bukhārīy at Imam Muslim: "Kaya alang-alang sa kanila ay makibaka ka." Tahasan ngang binanggit sa ibang ḥadīth na ang pagpapakabuti sa mga magulang, ang pagtalima sa kanila, at ang pagpapahusay ng pakikitungo sa kanila ay higit na mainam kaysa sa Pakikibaka alang-alang sa landas ni Allah gaya ng nasaad sa isang sanaysay ayon kay Ibnu `Amr, malugod si Allah sa kanilang dalawa, na nagsabi siya: "May dumating na lalaki sa Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, at nagtanong ito sa kanya tungkol sa pinakamainam sa mga gawain. Nagsabi siya: "Ang pagdarasal." Nagsabi ito: "Pagkatapos ano pa po?" Nagsabi siya: "Ang pakikibaka." Nagsabi ito: "Ngunit tunay na mayroon akong mga magulang." Kaya nagsabi siya: "Ang pagpapakabuti sa mga magulang mo ay higit na mabuti." Itinala ito ni Ibnu Ḥibbān. Kaya nagpatunay nga ang ḥadīth na ito na ang pagpapakabuti sa mga magulang ay higit na mainam kaysa sa Pakikibaka, maliban kung ang Pakikibaka ay isang tungkuling pansarili sapagkat uunahin ito kaysa sa pagtalima sa kanilang dalawa dahil sa pagkapansarili nito.
Ayon kay Thawbān (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang pinakamainam na salaping ginugugol ng lalaki ay salaping ginugugol niya sa mag-anak niya, salaping ginugugol ng lalaki sa sasakyang hayop niya sa landas ni Allāh, at salaping ginugugol niya sa mga kasamahan niya sa landas ni Allāh." Nagsabi si Abū Qilābah: "Nagsimula siya sa mag-anak." Pagkatapos nagsabi pa si Abū Qilābah: "Aling lalaki ang higit na mabigat sa pabuya kaysa sa isang lalaking gumugugol sa mag-anak na mga bata, na pumipigil sa kanila [sa panghihingi], o nagpapakinabang sa kanila si Allāh sa pamamagitan nito at nagpapayaman Siya sa kanila."}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimNaglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng mga anyo ng paggugol at nagpasunud-sunod siya ng mga ito kapag nagsiksikan ang mga porma ng paggugol alinsunod sa pinakakinakailangan sa iyo kaya nagpasimula siya sa pinakamahalaga saka higit na mahalaga. Nagpabatid siya na ang pinakamaraming yaman sa gantimpala ay ang ginugugol ng Muslim sa sinumang inoobliga sa kanya ang paggugol na tulad ng maybahay at anak. Pagkatapos ang paggugol sa sinasakyang inihanda para sa digmaan sa landas ni Allāh. Pagkatapos ang paggugol sa mga kasamahan at mga kasabayan sa sandali ng pagiging sila ay mga nakikibaka sa landas ni Allāh.
Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy (malugod si Allāh sa kanya): {Siya ay nakarinig sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Kapag nanaginip ang isa sa inyo ng panaginip na nakaiibig siya nito, tunay na ito ay mula kay Allāh. Kaya naman magpuri siya kay Allāh dahil dito at magsanaysay hinggil dito. Kapag nakakita siya ng iba roon kabilang sa kinasusuklaman niya, ito lamang ay mula sa demonyo. Kaya naman humiling siya ng pagkupkop [ni Allāh] laban sa kasamaan nito at huwag siyang bumanggit nito sa isa man sapagkat tunay na ito ay hindi makapipinsala sa kanya."}
Nagsalaysay nito si Imām Al-BukhārīyNagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang panaginip na maayos na nagpapatuwa sa pagkatulog ay mula kay Allāh. Gumabay Siya na magpuri kay Allāh dahil dito at magpabatid nito. Kapag naman nanaginip siya ng kinasusuklaman niya at nagpapalungkot sa kanya, iyon ay mula sa demonyo lamang. Kaya naman humiling siya ng pagkupkop ni Allāh laban sa kasamaan nito at huwag siyang bumanggit nito sa isa man sapagkat tunay na ito ay hindi makapipinsala sa kanya yayamang ginawa ni Allāh ang nabanggit bilang kadahilanan para sa kaligtasan mula sa kinasusuklamang inireresulta dahil sa panaginip.
Ayon kay Ṣuhayb (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Paghanga ay ukol sa lagay ng mananampalataya! Tunay na ang lagay niya sa kabuuan nito ay kabutihan. Iyan ay hindi ukol sa isa man kundi sa mananampalataya. Kung may dumapo sa kanya na kariwasaan, nagpapasalamat siya kaya ito ay naging kabutihan para sa kanya; at kung may dumapo sa kanya na kariwaraan, nagtitiis siya kaya ito ay naging kabutihan para sa kanya."}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimHumahanga ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pumapatungkol sa mananampalataya at mga kalagayan nito bilang pagmamaganda. Iyon ay dahil ang mga kalagayan niya sa kabuuan ng mga ito ay mabuti at hindi ukol iyon sa isa man kundi sa mananampalataya. Kung may dumapo sa kanya na kariwasaan, nagpapasalamat siya kay Allāh dahil dito kaya natatamo para sa kanya ang pabuya dahil sa pasasalamat. Kung may dumapo sa kanya na kariwaraan, nagtitiis siya at umaasa kay Allāh ng gantimpala kaya natatamo para sa kanya ang pabuya dahil sa pagtitiis. Kaya naman siya ay nasa isang pabuya sa bawat kalagayan.